You are on page 1of 26

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan

GRADE 10: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU


Ikaapat na Markahan

Grades K1-12 Paaralan: ROXAS NAT’L COMPREHENSIVE Baitang/Antas: Antas 10


HS Asignatura: AP- MGA KONTEMPORARYUNG
Tagapakitang Guro: JOMAR D. FACTURAN ISYU
Petsa: June , 2023 Markahan: Ikaapat Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral… ay may pagunawa sa kahalagahan ng pagka mamamayan at pakikilahok
nilalaman sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad,
mapayapa at may pagkakaisa.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay… nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa


Paganap mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan.

C. Pamantayan sa Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan


Pagkatuto
D. Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pagkatuto/ Mga
tiyak na Layunin a. Nabibigyang kahulugan ang pagkamamamayan.
b. Naiisa-isa ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting
pamahalaan.
c. Naipakikita sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon ang papel ng
mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamahalaan.
d. Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaron ng isang
mabuting pamahalaan.

II. Nilalaman A. Paksa: PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGKAKAROON NG MABUTING PAMAHALAAN


Sub-Topiko:
B. Kagamitan: LED TV, power point presentations, mga larawan, Laptop, mga kahon,
kartolina, cardboards, white cartolina, illustration board, colored papers, pentel pens at iba
pang pantulong na biswal
C. Sangunian: 1. Araling Pananlipunan 10: Kontemporaryong Isyu(LM) Pahina 8-11
2. Araling Panlipunan 10: Kontemporaryong Isyu (TM)

Kagamitang Panturo
A. Sangunian Araling Panlipunan 10: Kontemporaryong isyu
1. Mga pahina sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryung Isyu- Kwarter 4 Modyul 4
gabay ng guro Pp. 8-11
2.Mga pahina sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryung Isyu- Kwarter 4 Modyul 4
kagamitang pang- Pp. 8-11
mag-aaral
3. Mga pahina sa Araling Pananlipunan 10: Kontemporaryong Isyu (LM)
teksbuk
4.Karagdagang https://youtu.be/u4iHOuQoYw https://youtu.be/f23II8gpUuQ https://youtu.be/NgcMFScDUtO
kagamitan mula sa
portal
learningresource
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
III. PAMAMARAAN
Pang araw-araw Panalangin
na gawain Tumayo ang lahat para sa ating
(2 minuto) panalangin na pangungunahan ni Alexa.
(Tatayo ang lahat at mananalangin na
pangungunahan ni Alexa)
Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat
Magandang umaga din po Sir
Pagpuna sa paligid
Bago kayo maupo pakipulot muna ang
mga kalat sa paligid, Ilagay sa inyong
bulsa sapagkat mayroong patakaran ang
ating paaralan na kalat mo, bulsa mo at
paki ayos narin ang mga upuan
(Pagpulot ng mga kalat at pag ayos ng mga
upuan)
Maraming salamat. Maari na kayong
maupo

Pagtala ng mga liban


Sino ang liban sa klase ngayong umaga?
Wala po Sir
Ako’y nagagalak dahil walang liban sa
ating klase ngayong umaga. At dahil dyan
ay palakpakan ninyo ang inyong mga sarili

Pagkuha ng Takdang Aralin


Ngayon klas mayroon ba akong ibinigay
na takdang aralin sa inyo?
Wala po Sir
Panuntunan sa silidaralan
Kung gayun, ano ang inyong napapansin
sa harap, Jene.
Ma’am panuntunan sa silid-aralan

Tama, ito ay paalala sa inyo habang tayo


ay nasa silid-aralan. Paki basa nga ang
una Alexa?
1. Umupo ng maayos
Para naman sa ikalawa Johana?
2. Makinig sa Guro
Para naman sa ikatlo ikaw Jesriel
3. Itaas ang kamay kung nais ninyong
magtanong o gusto ninyong magsalita
Para naman sa ikaapat ikaw Joven
4. Tumayo kapag nagsasalita ng “I love
you
Naunawaan ba ang ating mga paalala?
Opo Sir
Kung gayon isa pang paalala ano na nga
ang kailangang isaalang-alang upang
makaiwas sa mga sakit tulad na lamang
ng COVID-19?
Mag facemask po ma’am
Okey ano pa?
Social distancing at mag alcohol po ma’am
Okey tama. Wag ninyo iyang kakalimutan
upang makaiwas tayo sa ano mang sakit.

Ngayon handa na ba ang lahat para


matuto at magkaroon ng bagong
kaalaman? Handa na po

Kung gayon bigyan ako ng tatlong


palakpak sabay sabihin ang salitang
“Handa na ako”. Sa aking hudyat na tatlo.
Isa, dalawa, tatlo. (Sumunod ang mga mag-aaral)

a. Balik-aral sa Gawain 1- KAHON NG KAALAMAN-


nakaraang aralin IYONG SAGUTAN
(3 minuto)
Mukhang handa na nga ang lahat, ngunit
bago tayo tumungo sa ating bagong pag-
aralan ngayong hapon ay balikan muna
natin ang ating huling tinalakay. Upang
mabalikan ito ay mayroon akong
inihandang gawain na aking
pinamagatang pakibasa nga ng sabay-
sabay

Para naman sa panuto paki basa mo nga


Aizel
Naunawaan ba ng lahat ang panuto?
Opo sir
Kung gayon ay narito na ang kahon ipasa
na sa katabi kasabay ng kanta
(Pagtugtog ng kanta kasabay ng pagpasa ng
kahon)
(Paghinto ng kanta)
Okay, binabati kita Rafael ikaw ang
masuwerteng nahintuan ng kahon, ngayon
bumunot kana ng tanong sa ating kahon
ng kaalaman.
(Sumunod ang mag-aaral)
Ngayon ang iyong katanungan at
kasagutan ibahagi mo sa klase?
Ma’am ito po ay madamdaming umaawit ang
mga mag-aaral ng Pambansang Awit ng
Pilipinas tuwing itinataas ang bandila sa
paaralan. Ang sagot ko po ay pagiging
makabansa
Tama ba ang naging kasagutan ni Rafael?
Opo sir
Okey tama! At dahil nasagot mo ng tama
ay mayroon kang limang puntos at
chocolate. Bigyan ng wow clap si Rafael

Ngayon naman para sa susunod na (Pagbibigay ng wow clap)


tanong ipasa na ang kahon

(Pagtugtog ng kanta kasabay ng pagpasa ng


kahon)
Okay, binabati kita Conales ikaw ang (Paghinto ng kanta)
masuwerteng nahintuan ng kahon.
Bununot kana ng tanong sa ating kahon
ng kaalaman

Ngayon ang iyong katanungan at (Sumunod ang mag-aaral)


kasagutan ibahagi mo sa klase?

Ma’am walang inaaksayang oras si Amber kaya


sa tuwing walang pasok ay masipag siyang
tumutulong sa gawain ng kanyang magulang sa
kanilang karinderya. Ang sagot ko po ay
Tama ba ang naging kasagutan ni produktibo
Conales?

Okey tama! At dahil nasagot mo rin ng Opo sir


tama ay mayroon kang limang puntos at
chocolate. Bigyan din ng anggaling2x clap
si Conales

Ngayon naman para sa huling (Pagbibigay ng anggaling2x clap)


mahihintuan ng kahon ng kaalaman, ipasa
nayan

(Pagtugtog ng kanta kasabay ng pagpasa ng


kahon)
Okay, binabati kita Pacho ikaw ang (Paghinto ng kanta)
masuwerteng nahintuan ng kahon, ngayon
bumunot kana ng tanong sa ating kahon
ng kaalaman.

Ngayon ang iyong katanungan at (Sumunod ang mag-aaral)


kasagutan ibahagi mo sa klase?

Ma’am kilala si Mang Andres sa kanilang bayan


dahil sa palagi itong nakikibahagi sa mga
gawaing nagsusulong sa kapakanan ng mga
kabataan at kapus-palad. Ang sagot ko po ay
Tama ba ang naging kasagutan ni Pacho? makatao.

Okey tama! At dahil nasagot mo rin ng Opo sir


tama ay mayroon kang limang puntos at
chocolate. Bigyan ng Verygood clap si
Pacho.

Maraming salamat. Ngayon ako’y (Pagbibigay ng verygood clap)


natutuwa sapagkat naalala pa ninyo ang
ating nakalipas na aralin.

Ngayon ay halinat ipagpatuloy ang ating


gawain.

B. Paghahabi sa Gawain 2. Ang lihim sa kahon


layunin Magkakaroon tayo ng isang pang gawain
(5 minuto) at ito ay aking pinamagatang:

Paki basa nga ng lahat

Okey, para sa panuto maaring pakibasa


Angel ng malinaw at may katamtamang
lakas.

Naunawaan ba ang panuto na inyong Opo sir


gagawin?

Kung gayon ang inyong magiging pangkat


ay base sa kulay ng pin ng inyong name
tag sa bahaging ito ang unang pangkat, sa
bahaging ito naman ang ikalawang
pangkat, dito ang ikatlo, dito ang apat at
sa bahaging ito naman ang ikalimang
pangkat.
Maari ng pumunta sa inyong pangkat.

Ngayon narito ang mga kahon na may


katumbas na numero na dapat ninyong
mabuong salita.

Anong pangkat ang unang nakabuo? Sir unang pangkat po


Sumunod ang ikalawa, pangatlo, ikaapat
at ikalimang pangkat. Magaling class,
ngayon anong mga salita ang inyong
nabuo? Sa unang pangkat? Papel po sir

Tama ba ito? Opo

Okay tama, sa ikalawang pangkat? Mamamayan po sir

Tama ba ito? Opo

Okay tama, at sa ikatlong pangkat


naman? Pagkakaroon po sir

Tama ba ito? Opo sir

Tama! Para naman sa ikaapat? Mabuting po sir

Tama ba ito? Opo sir

Tama! Sa ikalimang pangkat ay ano? Pamahalan po sir

Tama ba ang pamahalaan? Opo sir

Magaling. Ngayon base sa inyong


nabuong mga salita ano ang paksang
ating tatalakayin ngayong hapon? Sige
ikaw Filizarte

Mahusay! Ngayong hapon klas, ang ating


paksang tatalakayin ay patungkol sa,
basahin nga ng sabay-sabay klas!

Ngayon bago tayo tumungo sa ating


talakayan ay naririto muna ang ating
layunin na dapat maisakatuparan ngayong
araw. Pakibasa mo nga Dave!

Okey, salamat! Ngayon klas, bibigyan ko


kayo ng pagkakataon na gumawa ng mga
katanungan na nais ninyong matutunan sa
ating talakayan ngayong hapon, simulan
mo nga!

Okey! Magandang katanungan, sino pa


klas?

Sino pa ang may tanong?

Sige Johana!

Okey, maganda ring katanungan! Meron


pa bang karagdagan klas?
Sir anu-ano po kaya ang mga papel ng mga
Kung kayo ay may mga katanungan klas, mamamayan sa pagkakaroon ng isang
ako din ay may mga inihandang mabuting pamahalaan?
mahalagang tanong! Paki basa nga Delma

Gaano po kahalaga ang mga papel ng mga


mamamayan sa pagkakaroon ng isang
mabuting pamahalaan?

Sir

Sir! Ano po ang pagkamamamayan?

Wala na po!
Kung gayon klas ang inyong mga
katanungan at maging ang mahalagang
katanungan ay masasagot sa
pagpapatuloy ng ating talakayan!

Handa na ba kayo sa ating panibagong


pagsubok?
Opo!

C. Pag-uugnay ng Gawain 3. AKSIYON NAMIN. HULAAN


mga halimbawa sa NIYO!
bagong aralin
(6 minuto) Ngayon magkaroon ulit tayo ng
pangkatang gawain kung saan ang inyong
pangkat ay nakabase sa kulay ng inyong
name tag. Ito ay pinamagatan kong
pakibasa mo nga Jade

Narito ang panuto paki basa mo nga


Vanasee

Salamat, naunawaan ba ang panuto klas?

Kung gayon pumili na ng inyong Opo sir


kinatawan sa inyong pangkat at narito ang
ang aksiyon na gagawin ng bawat pangkat
at mayroon lamang kayo labinlimang
sigundo upang makabuo ng aksiyon at
limang sigundo upang mahulaan ang
aksiyon.

Handa naba ang unang pangkat para sa


pagpapakita ng aksiyon?

Kung gayon unang pangkat sabay-sabay Handa na po


na banggitin ang “aksiyon”

Aksiyon
(Pagpapakita ng aksiyon ng unang pangkat at
Anong pangkat ang nauna? paghuhula ng ibang pangkat)

Okey, ikalawang pangkat ano ang hula Ikalawang pangkat po ma’am


nyo?

Tama ba ito unang pangkat? Sir paghingi ng resibo


Dahil dyan ang ikalawang pangkat ay Opo sir
mayroon ng limang puntos. Para sa
susunod na aksiyon ikalawang pangkat
sabay-sabay banggitin ang “Aksiyon”

Aksiyon
(Pagpapakita ng aksiyon ng ikalawang pangkat
Anong pangkat ang nauna? at paghuhula ng ibang pangkat)

Okey, ikatlong pangkat ano ang hula nyo? Ikatlong pangkat po ma’am

Tama ba ito ikalawang pangkat? Sir pagsuporta sa simbahan

Dahil dyan ang ikatlong pangkat ay Opo sir


mayroon narin limang puntos. Okey,
susunod na mabibigay ng aksiyon ang
ikatlong pangkat “Aksiyon”

Aksiyon
(Pagpapakita ng aksiyon ng ikatlong pangkat at
Anong pangkat ang nauna? paghuhula ng ibang pangkat)

Unang pangkat ano ang hula niyo? Unang pangkat po Sir

Tama ba ito ikatlong pangkat? Sir maging mabuting magulang

Mahusay! Dahil d’yan ay mayroon din Opo sir


kayong limang puntos. Ang lahat ay
nagkaroon ng limang puntos, dahil diyan
ay bigyan ng ang galing-galing clap ang
bawat isa
(Susunod ang mga mag-aaral)
Salamat, ngayon base sa inyong
hinulaang aksiyon, ano-ano na nga ulit
ang mga ito?

Sige ikaw Gevy (Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am paghingi ng resibo, Pagsuporta sa


Tama ba ng naging kasagutan ni Gevy? simbahan at maging mabuting magulang

Magaling! Ngayon saan naman kaya Opo sir


tumutukoy ang paghingi ng resibo,
pagsuporta sa simbahan at maging
mabuting magulang?

Sige ikaw Alexa (Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sir ito po ay tumutukoy sa papel ng mga


mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting
Tama! Ang mga ito ay papel ng mga pamahalaan
mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan. Dahil diyan bigyan
naman natin ng amazing clap si Alexa

Salamat, ngayon ay nakikita ko na ang (Sumunod ang mga mag-aaral)


lahat sa inyo ay may mga paunang
kaalaman na patungkol sa papel ng
mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan

D. Pagtalakay ng Gawain 4 IDEYA MO? I SHARE MO NA!


bagong konsepto
at paglalahad ng Gawain A:
bagong
kasanayan#1 Kung talaga ngang may mga paunang
(10 minuto) kaalaman na kayo patungkol sa papel ng
mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan, narito ang isang
gawain para subukin ang inyong mga
kaalaman.
Pakibasa nga ng sabay-sabay ang ating
gawain.

Para sa panuto Recca maaring pakibasa


ng malinaw at may katamtamang lakas.

Naunawaan ba ang panuto na inyong


gagawin? Opo sir

Ngayon ay may ipapakilala ako sa inyo


siya si Carlito, na isang mamamayang
Pilipino kung saan sa kanya ninyo ididikit
ang inyong ibabahaging ideya patungkol
sa pagkamamamayan.

Opo sir
Masaya ba kayong makilala si Carlito?

Kung gayon upang maibahagi na ninyo


kay Carlito ang salita, ang bawat pangkat
na nakabase sa kulay ng name tag ay
mag iisip ng isang salitang maiugnay sa
pagkamamamayan.
Opo sir
Naunawaan ba ng bawat pangkat?

Kung gayon maari nyo ng isulat sa


bahaging papel na ito ang inyong ideya at
ibigay kay Carlito sa pamamagitan na (Susunod ang mga mag-aaral)
pagdikit rito

Maraming salamat sa lahat ng mga


nagbahagi ng ideya. Pakibasa muna klas
ng sabay-sabay ang mga sinulat ng (Susunod ang mga mag-aaral)
inyong mga kaklase.

Emmanuel ano ang iyong sinulat at paano Sir katayuan po dahil para po sa akin kapag
mo ito nasabi? sinabi nating pagkamamamayan ay isang
katayuan sa lipunan.

Sir sa akin po ay miyembro sapagkat para sa


Magaling ikaw naman Raquel akin ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa
pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang
estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya
ay gumagawa ng karapatan at tungkulin.

Gawain B:

Ang huhusay naman! Talagang


pinatunayan ninyong nauunawaan niyo na
kung ano ang pagkamamamayan. Ngayon
para karagdagan ang pagkamamamayan
ay, pakibasa nga ng sabay-sabay
Ngayon ano-ano kaya ang mga papel ng
mamamayang sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan?
Upang malaman natin ay mayroon akong
inihandang gawain na aking
pinamagatang, paki basa ng ng sabay-
sabay

Na may panutong paki basa mo nga


Charrise

Naunawaan naba ang panuto klas?

Kung gayon narito ang puzzle na inyong


bubuuin na dala ni Carlito kung saan ito ay
bubuuin muli ng tatlong pangkat na naka
base sa kulay ng inyong name tag. Opo sir

Ngayon ay bubuuin nyo ito sa loob ng


labinlimang segundo ang maunang
makabuo ay may karagdagang sampung
puntos sa kanyang kagrupo
Handa na ba ang bawat pangkat?

Kung gayon ang inyong labinlimang


segundo ay nagsimula na

Opo sir

(Pagbubuo ng puzzle ng mga mag-aaral)

Okey ang labinlimang Segundo ay tapos


na sino ang unang nakapagbuo ng ng
larawan?

Kung gayon ang unang pangkat ay may


limang puntos. Bigyan ng Good Job clap
ang unang pangkat
Sir ang unang pangkat po
Ngayon basahin nga ng sabay-sabay ang
inyong mga nabuong salita

(Sumunod ang mag-aaral)

Mahusay! At ang mga nabuong larawan (susunod ang mga mag-aaral)


na ito ay ano? Pagtangkilik ng mga sariling produkto.
Pagtapon ng mga basura sa wastong lalagyan.
Pagsunod sa batas trapiko
Tama, magaling klas. Dahil dyan, bigyan
ninyo ng barangay clap ang bawat isa
Mga papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan

(Sumunod ang mga mag-aaral)


E. Pagtalakay ng Gawain 5 GILAS MO! IPAKITA MO!
bagong konsepto GRADE 10-AMETHYST EDITION!
at paglalahad ng
bagong kasanayan Ngayon kaugnay sa inyong mga paunang
#2 gawain ay magkakaroon tayo ng, basahin
(15minuto) nga ng sabay-sabay
Na may panutong paki basa mo nga
Kieven.

Salamat. Ngayon ang inyong pangkat ay


siya muli ninyong pangkat at sa inyong
module ay mayroon labindalawang mga
papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan. Pumili ang inyong
pangkat ng isa na inyong ipapakita sa
klase gamit ang ibat-ibang diyalekto.

At dito naman sa aking inihandang French


Task ang bubunutan ninyo ng inyong
gagawin.

Pumunta na rito ang lider ng bawat (Sumunod ang mga mag-aaral)


pangkat at bumunot ng inyong ipapakitang
presentasyon

Ngayon bago kayo maghanda at ibahagi


ang inyong presentasyon ay narito muna
ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos
ng inyong presentasyon. Basahin mo nga
Eda.

Opo sir
Malinaw ba ang ating pamantayan sa
pagmamarka?

Kung gayon ay ang bawat pangkat ay


pipili ng kinatawan na siyang magbibigay
ng marka sa naging presentasyon ng
bawat pangkat. Ang pagmamarka ay
sisimulan sa paghahanda pa lamang
hanggang sa matapos ang presentasyon
ng isang pangkat. Opo Sir

Naunawaan ba?

Okey, kung gayon ang kinatawan ng


unang pangkat ang magbibigay ng puntos
sa ikalawang pangkat, ang ikalawa naman
sa ikatlo at ang ikatlo ang magbibigay sa Opo Sir
ikaunang pangkat. Nauwaan ba ng
napiling kinatawan ang kanyang gagawin?
(Paghahanda ng mga mag-aaral)
Kung gayon ang inyong tatlong minuto sa
paghahanda ay nagsimula na

Klas ang tatlong minuto para sa inyong


paghahanda ay tapos na halina at
tunghayan natin ang presentasyon ng
bawat grupo
(Pagpapakita ng presentasyon ng unang
Ibigay na natin ang intablado para sa pangkat)
unang pangkat

Aba magaling! Dahil diyan bigyan natin ng


limang palakpak at isang bagsak ang (pagpapalakpak at pagbigay ng bagsak ng
unang pangkat mag-aaral)

(Pagtugon ng mga mag-aaral)


Ngayon patungkol saan ang ipinakitang
presentasyon ng unang pangkat?

Okey magaling. Ngayon syempre hindi (Pagpapakita ng presentasyon ng Pangalawang


papahuli ang Pangalawang pangkat ang pangkat)
intablado ay para na sa inyo

Magaling din! Bigyan natin ng tatlong (Pagpalakpak at pabibigay ng bagsak ng mag-


palakpak at tatlong bagsak ang aaral)
Pangalawang pangkat

(Pagtugon ng mga mag-aaral)


Patungkol saan ang ipinakitang
presentasyon ng ikalawang pangkat?

Syempre ito na ang huli ngunit di papahuli, (Pagpapakita ng presentasyon ng pangatlong


pangatlong pangkat ang intablado ay para pangkat)
sa inyo na

Mahuhusay! Atin din bigyan ng isang (Pagpalakpak at pagbibigay ng bagsak ng mag-


palakpak at limang bagsak ang aaral)
pangatlong pangkat

(Pagtugon ng mga mag-aaral)


Patungkol saan ang ipinakitang
presentasyon ng ikalawang pangkat?

Okey magaling. Ngayon klas, ay dadako (Pagbibigay ng Puntos)


na tayo sa pagbibigay ng puntos sa bawat
pangkat Unang Pangkat 50
Pangalawang Pangkat 50
Pangatlong Pangkat 50

Sir dahil po nakitaan namin ng may kaugnayan


sila sa paksa, may pagkakaisa at disiplina,
Okey unang pangkat bakit 50 points ang
maayos ang kanilang presentasyon at natapos
ibinigay nyo sa ikalawang pangkat?
po nila sa itinakdang oras

Sir ganun din po


Mahusay! Ngayon naman sa ikalawang
pangkat?
Ganun din po Sir
Magaling! At sa ikatlong pangkat naman?

Mahusay! Ako ay nagagalak sapagkat


aktibo kayong nakilahok sa ating pakatang
(Pag wow clap ng mag-aaral)
gawain. Bigyan ng WOW Clap ang inyong
mga sarili
Wala napo Sir
Mayroon pa ba kayong katanungan
patungkol sa ating nakalipas ng gawain

Mula sa mga natapos na presentasyon,


Jeraldine anu-ano na nga uli at patungkol
Sir isa po sa ipinakitang presentasyon ay
saan ang ipinakitang presentasyon ng
Pagtangkilik sa sariling produkto kung saan ito
bawat grupo? Magbigay ng isa.
ay ibinahagi nila ito sa pamamagitan ng sayawit
na gamit ang salitang Cuyunon at ito po ay ang
papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan
Sir ipinakita rin sa presentasyon ng ibang
pangkat ang pagtapon ng basura sa tamang
Iba pang karagdagan? Okey ikaw Cyrene lagayan sa pamamagitan ng tula at pagsunod
sa batas trapiko sa pamamagitan ng dula-
dulaan

Wala napo sir


Tama! Tunay ngang nakinig kayo ng husto
sa presentasyon ng iyong mga kaklase.

Karagdagan pa riyan ang papel ng


mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan ay hindi lamang
tatlo ito ay binubuo ng labindalawa na
nakalagay sa inyong module, ito ay
pakibasa mo ng ang una hanggang
pangatlo Jesriel

Para naman sa pang-apat at panglima


ikaw Jeraldine

Sa pang anim at pang pito ikaw Eda

Para pangwalo at pangsiyam ikaw Jene


lyn
Sa pang sampo at labing isa ikaw Mar
Vincent

At sa pang huli ikaw Gevy

Opo sir

Wala na po Sir

Nauwaan ba ang labin dalawang papel ng


mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan?

Meron bang katanungan?

Kung wala na ay halinat tayo ay


magpatuloy
F. Paglinang sa Gawain 6 Sagutin mo ako. Please!
kabihasaan (Tungo Para sa dagdag na kaalaman para sa
sa Formative lahat. Ay mayroon akong inihandang
Assessment) katanungan sa aking kahon ng kaalaman
(4 minuto) na aking pinamagatang paki basa nga ng
sabay-sabay

Salamat, para masagot ang mga


katanungan ay gagamit tayo ng ating
mahiwagang roleta.

Okey para sa una ikaw ang napili ng ating


roleta
Jesriel, para sa iyong katanungan (Sumunod ang mag-aaral)
bumunot kana basahin mo at ibahagi sa Sir ang tanong po ay bakit kailangan nating
klase ang iyong kasagutan tangkilikin ang sarili nating produkto? Para po
sa akin ang pagtangkilik natin sa ating sariling
produkto mas napapalakas nito ang
ekonomiyang mayroon tayo at nabibigyan natin
ng suporta ang ating mga kababayan sa
kanilang mga produkto at kakayahan

(Sumunod ang mga mag-aaral)


Okey magaling bigyan ng isang bagsak si
Jesriel

Ngayon para sa susunod

Ikaw Aiza, bumunot kana ng tanong (Sumunod ang mag-aaral)


basahin mo ito at ibahagi sa klase Sir ang tanong po ay bakit kinakailangang
itapon natin sa wasto ang ating mga basura?
Para po sa akin dapat lamang na itapon ang
ating mga basura sa tamang lagayan upang
maiwasan ang anumang epekto nito sa ating
kapaligiran lalot higit upang mapanatili ang
kagandahan at kalinisan ng ating kapaligiran

(Sumunod ang mga mag-aaral)


Mahusay! Bigyan rin natin ng isang
bagsak si Aiza

Ngayon para sa huli

(Sumunod ang mag-aaral)


Ikaw Maia, bumunot kana ng tanong, Sir ang tanong po ay gaano kahalaga na
basahin mo ito at ibahagi sa klase sumunod sa batas trapiko? Ma’am para po sa
akin napakahalaga po nito sapagkat maiiwasan
nito ang anumang kapahamakan o disgrasyang
maaring mangyari. Mapapanatili nito na maging
maayos ang daloy ng b’yahe.

Mahusay klas! Tunay ngang naunawaan


ninyo ang papel ng mamamayan sa
pagkakaroon ng mabuting pamahalaan
Sir mahalaga po ito, dahil ang mamamayan po
Ngayon naman Airene mahalaga ba ang ang may malaking tungkulin sa pagpapanatili ng
mga papel ng mamamayan sa kaunlaran ng ating bansa. Kapag hindi po natin
pagkakaroon ng mabuting pamahalaan? ginagampanan ang ating papel bilang
Bakit? mamamayan maaari po itong magdulot ng
maraming karahasan.

Tama! Tunay ngang mahalaga ang mga


papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan

G. Paglalapat ng Gawain 7 Notice Me


aralin sa pang- Ngayon para patuloy na masmapalalim
araw-araw na ang inyong mga nalalaman, magkakaroon
Gawain. tayo uli ng isang gagawain na tatawagin
( 2 minuto) nating…

Para sa panuto paki basa mo nga


Partrice.

Naunawaan ba ang panuto klas?

Opo Sir

Kung gayon narito ng mga larawan, ano


ang inyong napapansin rito?

(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sir ang larawan po ay nagpapakita ng


pangyayari dito sa Roxas noong panahon ng
Odette
Sir makikita po rito ang naging pinsala ng
Sige ikaw Johana panahon ng Odette mga nawasak na bahay at
mga nagkalat na mga basura

Okey tama! Ano pa? Emmanuel


(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sir noong Odette po ay tumulong po ako sa


Magaling! Ngayon basi sa larawan ano pamimigay ng mga relief goods, nagbigay din
ang inyong naging papel noong panahon po ako ng mga damit ko na hindi ko na
ng Odette? ginagamit sa mga nawalan ng damit at
tumulong din po ako sa aming Barangay sa
Okey sige ikaw Divan paglilinis sa mga naiwang basura pagkatapos
ng bagyo.

(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Okey magaling! Ngayon bilang isang mag- Sir bilang isang mag-aaral at kabataan ay
aaral ano naman ang mga gawain na nakikilahok po sa mga samahan na may
inyong isinagawa upang makatulong sa layuning gawin ang mga bagay na
kumunidad? makakatulong sa ating kumunidad. Katulad po
ng pagkakaroon ng clean up drive sa isang
Okey ikaw Troy lugar upang malinis ang mga nagkalat na mga
basura lalo na sa ating karagatan.

Mahusay! Lahat ng inyong kasagutan ay (Sumunod ang mga mag-aaral)


tama, nagpapakita lamang ito na kayo ay
isang mabuting mamamayan. At dahil
diyan ang bawat isa sa inyo ay may
karagdagang limang puntos. Bigyan natin
sila ng baranggay clap.
H. Paglalahat ng Gawain 8 WIKANTANONG
aralin Ngayon bago tayo tumungo sa ating
(5 minuto) pagtataya, ay magkaroon muna ulit tayo
ng isa pang gawain na aking
pinamagatang, paki basa nga ng sabay-
sabay

Para sa panuto paki basa mo nga Rhona


Salamat naunawaan ba ang panuto?
Opo sir
Okey para sa unang pahayag
’’Wikantanong”

 Si Gevy ay nagtatapon ng kanyang basura


sa wastong lalagyan
Okey thumbs up ba othumbs down?

(Pag Thumbs up ng mga mag-aaral)


Tama kaya ito? Ang sagot ay

Tama! Ito ay tumutukoy sa papel ng


pagkamamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan

Okey para naman sa ikalawang pahayag

 Ang mag-asawang si Castro at Zabanal


ay mahal at tanggap ang kanilang anak
Ano ang inyong kasagutan ano man ang katauhan nito

Tama kaya ito? Ang sagot ay (Pag Thumbs up ng mga mag-aaral)

Tama! Ito rin ay tumutukoy sa papel ng


mamamayan sa pagkakaron ng mabuting
pamahalaan

Gayon naman para sa huling pahayag

 Si Recca ay nagmamaneho ng hindi


sumusunod sa batas trapiko
Tama kaya ito? Ang sagot ay

Tama! Ito ay hindi tumutukoy sa papel ng


mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan.

Akoy natutuwa sapagkat


tunay ngang may mga natutunan kayo sa
ating paksang tinalakay, dahil dyan bigyan
naman ninyo ang inyong sarili ng
maraming palakpak.
(Sumunod ang mga mag-aaral)
Ngayon mayroon paba kayong nais
linawin?
Wala na po
Kung wala na, patungkol saan nga uli ang
ating paksa ngayong hapon?
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalan
Okey magaling! Mayroon paba kayong
katanungan patungkol sa ating aralin?
Wala na po
I. Pagtataya ng At dahil wala na at kung tunay ngang
aralin nakinig kayo at may natutunan sa ating
(5 minuto) aralin ngayong hapon ay, iligpit ang mga
gamit na sa inyong lamesa at ballpen
lamang ang dapat na makita.

Ako ay may inihanda na agad na


sagutang papel dito kasama ng mga
tanong at dito na lamang kayo sasagot.
Para sa panuto, pakibasa naman
Christine.

Malinaw ba ang ating panuto?


Opo sir
Kung mayroon lang kayo tatlong minuto
para yan ay sagutan. Maari na kayong
magsimula

Pagtataya ng Aralin

1. Ito ay ang kalagayan o katayuan ng isang tao


bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.

A. Pagkamamamayan
B. Pagkamamamayang Pilipino
C. Prinsipyo
D. Prinsipyo ng pagkamamamayang
pilipino

2. Anong katangian ang ipinakikita kung ang


isang tao ay itinatapon sa tamang paraan ang
kanyang basura?

A. Makatuwiran
B. Makatao
C. Maka-Diyos
D. Makakalikasan

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi


nagpapakita ng pagiging mabuting
mamamayang Pilipino?
A. Humingi ng resibo sa tuwing bumibili ng
produkto.
B. Pahalagahan ang mga imported na
produkto.
C. Maging mabuting anak sa magulang at
huwarang magulang sa mga anak.
D. Tulungan ang mga kapus-palad lalo sa
panahon ng sakuna

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan,


nararapat na piliin ang pinakamayamang lider
na mamumuno sa isang bansa.
B. Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan,
nararapat na baguhin ang uri ng gobyerno.
C. Upang magkaroon ng mahusay na
pamahalaan, nararapat na makipagtulungan
ang mamamayan sa gobyerno.
D. Upang magkaroon ng mahusay na
pamahalaan, nararapat na maging sunud
sunuran ang mamamayan sa gobyerno.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan?
1. Si Joven ay isang mag-aaral sa High School
sa tuwing siya ay bibili ng kagamitan,
sinisigurado niya na ito ay gawang Pilipino.
2. Si Ginang Reyes ay kapitan sa kanilang
barangay, siya ay nangunguna sa pagtapon ng
basura sa tamang lalagyan.
3. Sa tuwing araw ng eleksyon, laging
isinasagawa ni Mang Pedro ang kanyang
karapatan sa pagboto.
4. Laging huli sa pagpasok sa kompanyang
kanyang pinagtatrabahuhan si Binibining Caron.

a. 1 Lamang c. 1, 2, at 3
Okay klas ang inyong limang minuto ay b. 1 at 2 d. 1, 2, 3, at 4
tapos na, tapos naba ang lahat sa
pagsagot?

Kung gayon dumako na tayo sa Opo Sir


pagwawasto ng inyong papel
makipagoakitan sa inyong katabi at tignan
ninyo ang sagot sa pisara

(Tamang sagot)
1.A
2.D
3.D
4.C
Sino ang nakakuha ng perfect score? 5.C

Magaling! Ako ay nagagalak sapagkat Sir kami pong lahat ay perfect


nakamit natin ang ating layunin sa
talakayang ito.
J. Karagdagang Bago tayo tuluyang magwakas ngayong
Gawain para sa hapon klas, pakikuha ang inyong mga
takdang aralin at kwaderno at pakisulat ang inyong takdang
remediation aralin.
(3 Minuto) Panuto: Sa isang malinis na papel ay gumuhit
ng sitwasyon na naglalarawan sa papel ng
mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting
pamahalaan
Tapos nabang kupyahin ang inyong
takdang aralin?
Opo sir
Kung tapos na ay tumayo ang lahat
pulutin ang kalat na inyong nakita at maari
na kayong umuwi

Good bye klas! Mag-iingat kayo.


God Bless sa ating Lahat Good bye sir.

INIHANDA NI:

JOMAR D. FACTURAN
Teacher 1 Aplicant, Tagapakitang-Turo

You might also like