You are on page 1of 8

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 10

Quarter 3RD Date March 28 2022

Learning Packet for Week 5-6


I. LESSON TITLE Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
II. MOST ESSENTIAL Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa
LEARNING COMPETENCIES mga isyu ng karahasan at diskriminasyon
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Karahasan at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQIA+

IV. LEARNING PHASES


Learning Activities
A. Introduction Sa araling ito, ilalatag ang impormasyong nagpapakita ng
Panimula diskriminasyon at karahasan sa mga babae, lalaki, at LGBT. Nakapaloob din
sa araling ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing diskriminasyon
at karahasan sa ibat’ ibang bahagi ng daigdig.

Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawain sa modyul na ito


ikaw ay inaasahang:

1. Nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at


nagsusulong sa kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan, at
LGBTQIA+

2. Nakapagpapaliwanag ng tugon ng pamahalaan at mamamayan


sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan,
kababaihan at LGBTQIA+

3. Nakapagpapakita ng kahalagahan sa pagtugon ng pamahalaan


at ng iba’t ibang samahan sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+

Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan at LGBTQIA+


Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring
magsimula ito sa kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong
pinipiling edad, maging bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa
kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring
emosyonal at seksuwal. Marami pa ring mga lalaking biktima ng
karahasan ang nahihiyang lumantad at magbahagi ng kanilang
karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan sa kanila ang
naging biktima ng pang-aabuso.

May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula


sa kanilang pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring
makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga pagkakataon
na sila rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o
partner.

Karahasan sa Kababaihan
Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against
women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong
sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan,
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi
lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women.
Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.

Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang


kanilang kapangyarihan sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal
ay isang halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay nauuwi sa
abusong pisikal. Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na
pananakit ay biktima rin ng iba pang anyo ng pang-aabuso.

Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,


Equality, Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa
Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women.
Ang mga ito ay ang:

1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health, at
7. sex trafficking at prostitusyon.

Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan


2017 National Demographic and Health Survey
(NDHS)

a. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang


nakaranas na pananakit na pisikal, seksuwal, at emosyonal.
Karamihan sa mga nananakit ay ang mga kasalukuyang asawang
lalaki o partner.

b. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng


seksuwal na pananakit.

c. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng


pisikal na pananakit.

d. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang


nakaranas ng emosyonal na pananakit mula sa kanilang mga
asawa o partner.
Karahasan sa LGBTQIA+

Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa


kabila ng panawagan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa lahat ng
uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe
noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-
2015.

Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong


2011 tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at
karahasan laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay
nagpasa ng batas na AntiHomosexuality Act of 2014 na nagsasaad
na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.

Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang


relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi
madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal,
seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa
heterosexual at homosexual na relasyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga
karahasan at diskriminasyong ipinakikita ng mga ito. Isulat ang iyong sagot
sa isang papel.

Ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay makaranas o makasaksi ng


karahasan at diskriminasyong ipinakita sa mga larawan?
B. Development Sa pagkakataong ito mababasa mo ang isang tula na aantig sa iyong
Pagpapaunlad damdamin. Unawain mong mabuti ito at sagutan ang pamprosesong
tanong.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
2. Ilarawan ang mga tauhan sa tula.
3. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
4. Bakit nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon ang iba’t ibang
kasarian?
5. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang
mawakasan na ang diskriminasyon at karahasan sa mga
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+?
B. Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin
maaalis sa ating lipunan ang patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang
kasarian upang makaiwas sa mga karahasan at diskriminasyon. Sa
bansang patuloy na nangingibabaw ang batas, may pagkakataon pa
kayang maipakita ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ ang
angking husay nang walang mararanasang diskriminasyon at
karahasan?

Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang malaman mo kung


paano mabibigyang proteksyon at benepisyo ang mga kalalakihan,
kababaihan at LGBTQIA+.
Sanggunian: Modyul ng Guro
Aralin:
1. CEDAW
2. Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic
Act No. 9262)
3. Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)
Sa isinagawang pagtatalakay ay nagkaroon ka ng kamalayan sa konsepto
ng mga batas na may kinalaman sa karahasan sa kababaihan.

Gawain sa Pagkatuto bilang 3: Da-Hu?


Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat
ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

a. CEDAW
b. Pamahalaan
c. Marginalized Women
d. Magna Carta for Women
e. Women in Especially Difficult Circumstances
f. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at


ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.

2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga


kababaihan at anak nito.

3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang


pangunahing tagapagpatupad ng batas na ito.

4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong


sigalot at prostitusyon.

5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may


limitadong kakayahan, at maralitang-tagalungsod.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Hanep Salita


Panuto: Hanapin at isulat sa isang papel ang mga letrang nakatapat sa
bawat bilang upang mabuo ang mga salita.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mind Map ko ‘to
Panuto: Gumawa ng sariling Mind Map tulad ng nasa ibaba. Punan ito ng
mga tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga karahasan at
diskriminasyong nararanasan ng iba’t ibang kasarian. Ilahad kung paano
ito makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral.
C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Magkalinawan tayo
Pakikipagpalihan Panuto: Punan ang mga dialogue box sa ibaba, base sa mga tanong na sa
kaliwang bahagi ng papel. Isulat ang iyong paliwanag sa 2-3
pangungusap. Isulat ang mga ito sa isang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: I-minapang Konsepto


Panuto: Gumawa ng isang concept map ukol sa napapanahong isyu ng
kararahasan at diskriminasyon. Gawing basesahan ang nasa ibaba. Ibigay
ang maaaring tugon ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ito.
Isulat ang sagot sa papel.

Gawain sa Pagkatuto bilang 8: Aking Aalamin


Panuto: Magsaliksik sa internet o magtanong sa iyong mga nakatatandang
kasama sa bahay ng mga programa, samahan, batas o ordinansa na
nagtataguyod ng mga karapatan ng mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+ sa iyong pamayanan. Gumawa ng isang talahanayan upang
mailagay ang mga nasaliksik. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Wall ng Kaalaman
Panuto: Kopyahin ang graphic organizer sa ibaba at punan ito ng angkop
na mga kasagutan. Isulat ang sagot sa isang papel.

D. Assimilation Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Ikampanya mo na!


Paglalapat Panuto: Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipakikita ang
iyong pagpapahalaga sa mga tugon ng pamahalaan at mamamayan sa
mga isyu ng kasarian at diskriminasyon sa lipunan? Ilahad ang iyong
kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Gamiting gabay ang
pamantayan sa rubrik.

V. ASSESSMENT Sa bahaging ito ay masusukat mo ang iyong kaalaman ukol sa


konseptong iyong nabuo sa mga aralin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 11


Panuto: Sumulat ng talata na tumatalakay sa kalagayan ng LGBTQIA+ sa
ating bansa.
VI. REFLECTION Gawain sa Pagkatuto Bilang 12: Makatutulong ako!
Panuto: Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang maging
epektibo ang mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa iba’t ibang
kasarian? Isulat sa isang buong papel ang iyong kasagutan.

Prepared by: VIRGIL B. NIERVA Checked by:


AP MAJOR, BENGUET STATE UNIVERSITY

You might also like