You are on page 1of 2

Performance Task:

Natapos na nating talakayin ang LAKAS PAGGAWA ng bansa. Nalaman mong maraming kinakaharap na
suliran ang lakas paggawa sa ating bansa. May mga konsepto na natalakay upang mas maintindihan ito.
Base sa mga talakayan, eto ang gagawaing PERFORMANCE TASK.

Ikaw ay katatapos lamang maggradweyt sa napiling kurso at naghahanap ka na ng iyong magiging


trabaho. Ikaw ay isasalang na sa isang “JOB INTERVIEW”. Sa pamamagitan ng cellphone, irecord ang
sarili ng para bang ikaw ay haharap sa isang “JOB INTERVIEW”. Gamitin ang mga gabay na tanong at mga
natutunan sa ating naging paksa tungkol sa “IBAT IBANG ISYU SA SEKTOR NG PAGGAWA” para
makagawa ng isang speech o iyong sasabihin sa video. Magsaliksik ng mga ibat ibang kumpanya dito sa
ating Lungsod ng Olongapo na may kinalaman sa iyong napiling propesyon at ito ang magsisilbing
papasukan na kumpanya.

Umpisahan ang video sa ganitong pangungusap:

Halimbawa:

Magandang Umaga! Ako po si Elvin Francis T. Labandelo at gusto ko pong pumasok na isang guro sa
iyong paaralan na St. Joseph College ( sabihin ang mga katangian ng papasukang kumpanya ayon sa
iyong pananaliksik)

Mga Gabay na tanong:

1. Bakit mo napili ang ganitong propesyon?


2. Ilarawan ang iyong mga katangian na may kinalaman sa napiling propesyon
3. Ano ang iyong maging pwedeng maiambag:
a. Sa papasukang kumpanya
b. Sa lipunan
4. Ilarawan ang estado o kalagayan ng sektor na kinabibilangan ng napiling propesyon
HALIMBAWA:
Doctor – Sektor ng kalusugan
Guro – Sektor ng Edukasyon
Hotel Staff – Sektor ng pagbibigay serbisyo

Ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng sektor na napili.

5. Sa iyong palagay, at batay sa napag aralan, ano ang pwedeng maging solusyon sa ibat ibat
suliranin sa paggawa na kinkakaharap ng sektor ng iyong napiling propesyon.

Mga Ibat ibang Suliranin

a. Mababang pasahod
b. Kawalan ng seguridad
c. Job Mismatch
d. Poor Working Conditions
e. Katamaran
6. Tapusin ang video sa pangangako na magiging isang mabuti at kapakipakinabang na
mamamayan ng bansa.

HALIMBAWA: Muli, ako si Elvin Francis T. Labandelo, nangangako na magiging isang mabuting
inhinyero, etc etc.

G – Maging bahagi ng Sektor ng Paggawa


R – Napiling Propesyon
A – Kumpanyang napili (Olongapo City)
S – Bagong gradweyt sa kursong napili
P - Papasok sa napiling kumpanya
S – Hihikayatin ang napiling kumpanya upang ikaw ay tanggapin sa trabaho habang inilalarawan ang
kalagayan ng napiling sektor ayon sa mga naging talakayan.

Scoring Rubrics:

Criteria Numerical Rating

Nahikayat ang kumpanya at klarong natalakay ang kalagayan ng napiling sektor.


4

Nahikayat ang kumpanya ngunit bahagya lamang natalakay ang kalagayan ng napiling sektor.
3

Nahikayat ng bahagya ang kumpanya ngunit hindi natalakay ang kalagayan ng napiling sektor. 2

Hindi nahikayat ang kumpanya at hindi rin natalakay ang kalagayan ng napiling sektor. 1

You might also like