You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 4A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
BUBUYAN INTEGRATED SCHOOL
Sumatibong Pagsusulit Q3

ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:______________________________________ Nakuha:______________
Baitang at Seksyon:_____________________________________
__________

I. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat ang titik ng


tamang sagot sa patlang.

____1. Ayon sa World Health Organization (WHO) (2014) ito ang tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
a. Sex c. Bi-sexual
b. Gender d. Transgender
____2. Bukod sa lalaki at babae, mayroon na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang
ibig sabihin ng acronym na LGBT?
a. Lesbian, Gay, Bisexual, at Tomboy
b. Lesbian, Guy, Bisexual at Transgender
c. Lesbian, Gangster, Bakla, Tomboy, Queber, Intersex Plus
d. Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender
____3. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki ayon sa World Health Organization (2014).
a. Sex c. Gender
b. Male d. Female
____4. Ito ang simbolo ng kasarian ng kababaihan.
a. b. c. d.

_____5. May mga panahon na ang bansang Saudi Arabia ay hindi nagpapahintulot sa kababaihan
na magmaneho ng sasakyan. Ito ay isang halimbawang katangian ng?
a. Sex c. Gender
b. Male d. Female
6. Alin ang simbolo na kumakatawan sa LGBT?

a. b. c. d.

____7. Ito ay tumutukoy sa masculinity at femininity ng isang indibiduwal.


a. Sex b. Male c. Gender d. Female
____8. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa
anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan at
kalayaan?
a. Paghihiwalay
b. Pagbubukod
c. Diskriminasyon
d. Pag-uuri uri
____9. Bukod sa lalaki at babae lantad na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang kahulugan ng inis
yalismo na LGBT?
A. Lesbian, Gay, Bisexual, at Tomboy
B. Lesbian, Gangster, Bakla, Tomboy
C. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender
D. Lesbian, Guy, Bisexual at Transgender
____10. Ang UN-OHCR o “Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights”, ay isang
pandaigdigang samahan na nagusulong ng pantay na proteksiyon ng mga karapatang pantao at Kalayaan na
nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng Katan-
gian ng Karapatang Pantao?
A. Ang mga Karapatang Pantao ay para sa lahat ng mga tao.
B. Ang mga Karapatang Pantao ay hindi maililipat kaninuman.
C. Ang mga karapatang pantao ay hindi natatangi.
D. Ang mga karapatang pantao ay hindi sapilitan.
____11. Ito ay isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan na tinutuligsa dahil sa konserbatibong pananaw
at pag-intindi nito sa Qur’an; Nauugnay din sa massacre, human trafficking, di-pantay na pagtrato sa kababai-
han, at suicide bombings.
A. NPA C. Talibanay
B. ISIS D. Al–Qaeda
____12. Nagising ka dahil narinig mong umiiyak ang iyong nanay. Sa pagsilip mo sa kuwarto nila, pina bubuhatan
ng kamay ng lasing mong tatay ang iyong nanay. Ano ang gagawin mo upang matulungan mo ang iyong nanay?
A. Makialam at suntukin mo rin ang iyong ama.
B. Gisingin ang iyong mga kapatid upang upakan ang inyong ama.
C. Puntahan ang mga nakatatandang kapatid ng iyong ama at ipabugbog o ipakulong siya.
D. Ireport sa barangay ang pangyayari.
____13. Naimbitahan mo si Kiko sa isang pormal na okasyon, ngunit ikaw ay nabigla nang nakita mo syang naka-
suot pambabae. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko na siya kikilanin bilang kaibigan.
B. Magpapanggap na lang na hindi ko siya kilala.
C. Tuloy ang okasyon, hindi ako magbabago sa pagkakakilala ko sa aking kaibigan.
D. Pagsasabihan ko siya na magpalit ng kasuotan upang hindi siya kahiya- hiya.
____14. Sino ang nagsabi ng pahayag na: “LGBT rights are human rights?”
A. Emma Watson B. Kofi Annan C. Ban Ki-moon D. Gloria Steinem
____15. Ang Anti-Violence Against Women ay binuo upang bigyang proteksyon ang kababaihan at
mga bata. Alin sa sumusunod ang HINDI sinasaklaw ng kahulugan ng women sa ilalim ng batas.
A. kasalukuyan o dating asawang babae
B. babaeng walang karelasyon at mga anak
C. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
D. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki

___16. Ang RA 9262 ay kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children
Act of 2004. Alin sa sumusunod ang hindi sinasaklaw ng kahulugan ng Children sa ilalim
ng batas?
A. mga anak ng babaeng inabuso
B. mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi
C. mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang
pangangalaga
D. mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na may kakayahang
alagaan o ipagtanggol ang sarili

___17. Sino-sino ang maaring makasuhan ng pang-aabuso sa ilalim ng RA 9262 o Anti-Violence


Against Women and their Children Act of 2004?
A. Ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki
B. Mga kasalukuyan at dating kasintahan
C. Mga kasalukuyang kinakasama o dating kinakasama
D. Mga abusadong kamag-anak

____18. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng hangarin ng batas RA 9262?


A. Matulungan ang kababaihan na biktima ng pang-aabuso o karahasan
B. Maparusahan ang kalalakihan na mahilig mambabae
C. Maproteksiyunan ang kababaihan at mga anak nito laban sa pang- aabuso.
D. Maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso

____19. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at maisakatuparan ang RA 9262 o


Anti-Violence Against Women and Children?
A. Ipapaubaya ko na lang sa pamahalaan dahil ito ay kanilang trabaho
B. Sasama na lang ako sa mga kaibigan ko para gawin ang aming takdang aralin
C. Ipaparating ko sa mga kababaihan at sa mga anak na tulad ko ang tungkol sa Anti-
Violence Against Women gamit ang social media
D. Maging aktibo sa mga gawain na ang layunin ay maipabatid at maisakatuparan ang RA
9262.
____20. Layunin ng batas na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang kanyang potensiyal
sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
A. Magna Carta of Women
B. Universal Declaration of Human Rights
C. Prohibition on Discrimination Against Women
D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
___21. Sino ang pangunahing tagapagpatupad ng Magna Carta of Women?
A.
Ang gobyerno ng Pilipinas
B.
United Nations
C.
Ang GABRIELA
D.
Department of Health
___22. Ang layunin nito ay ang pantay-pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat ng uri ng
kasarian.
A. SOGIE Bill C. HeForShe.org
B. Gender Equality D. Human Rights
___23. Ano ang nais iparating ni Geraldine Roman sa kanyang sinabi na “Ang pagtakbo sa kongreso
ay hindi isyu ng kasarian kundi isyu kung sino ang makakatulong sa bayan?”
A. Ang kasarian ay may epekto sa serbisyo na maipagkakaloob ng isang politiko.
B. Ang pagsali sa politika ay nararapat sa babae at lalaki basta sila ay makatutulong sa bayan.
C. Kahit ano pa man ang kasarian, ang bawat isa ay may karapatan na tumakbo sa halalan.
D. Ang kasarian ay hindi basehan sa pagpili ng lider, kundi ang serbisyo na maipagkakaloob niya
sa bayan.
___24. Ito ay pinag-isang kampanya ng UN Women para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.
A. HeForShe.org C. Human Rights
B. SOGIE Bill D. Gender Equality
___25. Si Andrew ay kabilang sa LGBT community. Siya ay mahilig magsuot ng damit pambabae sa
tuwing siya ay nagpupunta ng mall dahil ito ay naaayon sa kaniyang damdamin. Subalit dahil din dito
ay madalas siyang kutyahin ng ilang tao sa kanilang lugar. Anong panukalang batas ang maaaring
makatulong kay Andrew upang maiwasan na ang ganitong uri ng pangyayari?
A. Human Rights C. HeForShe.org
B. SOGIE Bill D. Gender Equality
___26. Ito ay isang panukalang batas na naglalayong maiwasan ang diskriminasyon ano pa man ang
oryentasyong seksuwal ng isang indibidwal.
A. Human Rights C. SOGIE Bill
B. Gender Equality D. HeForShe.org
___27.Ito ay paniniwalang ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan
at oportunidad.
A. Sexualism C. Masculinity
B. Feminism D. Gender Sensitivity

____28. Si Roy ay miyembro ng isang organisasyong lumalaban at naglalayong mabi-


gyang ng patas na pagkakataon at pagtingin ang lahat ng tao, sila man ay babae, lalaki o
LGBT. Ano ang ipinaglalaban ni Roy?
A. Gender Sensitivity C. Gender Equality
B. Feminism D. Sexualism
___29. Isa kang may mataas na katungkulan sa inyong paaralan, nakakita ka ng isang
miyembro ng LGBT na nilalait ng kanyang kamag-aral. Ano ang maaari mong gawin up-
ang maiwasan ang ganitong pangyayari?
A. Makialam at sumama sa panlalait sa kanya
B. Hayaan na lang siya dahil hindi ka naman kasapi sa LGBT
C. Pagsabihan ang mga mag-aaral na huwag siyang i-bully sa loob ng paaralan
D. Ipatawag sa opisina ang mga mag-aaral na nanlalait at pagsabihan na huwag na nila
itong ulitin dahil lahat ng tao ay may damdamin at pantay na karapatan
___30. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng LGBT, ano ang puwede mong gawin upang
higit na maitaas ang dignidad ng iyong grupo na kinabibilangan?
A.Magkaroon ng programa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan
B.Huwag ng pansinin ang sinasabi ng iba basta’t gumagawa ka ng tama
C.Maging magandang halimbawa o modelo sa bawat isa
D.Lahat ng nabanggit
___31. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?
A. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression
B. Sex Orientation and Gender Identity or Expression
C. Social Orientation and Gender Identity or Expression
D. Social Operations on Gender Identity and Expression
___32. Bakit kinakailangang magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng tao
kahit ano pa ang kanilang kasarian?
A.Dahil lahat ng tao, anoman ang kasarian ay mabubuti
B.Dahil ito ay ipinaglalaban ng mga kilalang personalidad
C.Dahil lahat tayo ay mamamayan ng ating sariling bansa
D.Dahil ang lahat, anuman ang kasarian ay dapat igalang at pahalagahan
___33. Ang SOGIE bill ay pagpapapakita ng pagsunod ng ating pamahalan sa mga
sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Commission on Human Rights
B. Universal Declaration of Human Rights
C. International Covenant on Civil and Political Rights
D. International Covenant on Economic Social and Cultural Rights

___34. Ano ang ibig sabihin nito? “Both men and women should feel free to be sensitive.
Both men and women should feel free to be strong. It is time that we all perceive gender
on a spectrum, instead of two sets of opposing ideal.” –Emma Watson
A. Ang kababaihan ay higit na sensitibo kumpara sa mga kalalakihan.
B. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan.
C. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay at magkasundong
pananaw tungkol sa kasarian.
D. Ang kababaihan ay dapat bigyan ng higit na karapatan kumpara sa kalalakihan dahil
sila ang kalimitang nakararanas ng diskriminasyon.
___35. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan at oportunidad. Ano
ang paniniwalang ito?
A. Sexualism C. Masculinity
B. Feminism D. Gender Sensitivity

II. Panuto: Piliin ang sagot sa hanay B na tinutukoy mula sa hanay A. Isulat ang titik ng sagot
sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____36. Babaeng mahirap o nasa di-panatag na
A. Pamahalaan
kalagayan. B. RA 9710
_____37. Babaeng nasa mapanganib na kalagayan o C. CEDAW
masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang- D. Marginalized Women
aabuso at karahasan E. Women in Especially
_____38. Anti -Violence Against Women and Their Children Difficult Circumstances
F.RA 9262
_____39. MAGNA CARTA FOR WOMEN
G.Paaralan
_____40. Primary duty bearer ng Magna Carta for Women

III. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Fact kung ang pahayag ay wasto at Bluff kung ito ay mali.
________41. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad
ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.
________42. Ang kababaihan sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang
babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng
nagkaroon ng anak sa isang karelasyon.
________43. Ang anak ay tumutukoy sa anak ng babaeng inabuso, mga anak na nasa labing-walong
(18) taong gulang pataas, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labingwalong
(18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili.
_______44. Maaring managot sa batas sa pagsagawa ng krimen sa mga kababaihan at bata ay ang
mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-
in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking
nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
________45. Ang Magna Carta for Women ay isinabatas upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasiyon laban sa kababaihan.

IV. Panuto: Iguhit ang kung ang sumusunod na pangungusap ay naglalarawan ng katangian ng

isang babae at kung ang pangungusap ay naglalarawan ng katangian ng isang lalaki.


Gawin ito sa iyong sagutang papel.

45. Dinadatnan ng regla

46. May adams apple

47.May developed breast

48. May kakayahang magdalang tao

49. May androgen at testosterone

50. May obaryo

You might also like