You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 10-MGA KONTEMPORARYONG ISYU

IKATLO at IKAAPAT (Linggo 1&2) MARKAHANG PAGSUSULIT


Taong Pampanuruan 2020-2021

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ____________________


Pangkat: ___________________________________ Guro: ____________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang MALAKING titik ng wastong
sagot. Iwasan ang anumang uri ng pagbubura.
1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at
gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na biyolohikal at pisyolohikal na katangian
na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bisexual B. Gender C. Sex D. Transgender
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng ‘gender’?
A. Ang mga lalaki ay may adam’s apple
B. Ang mga babae ay may bahay-bata
C. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw
D. Ang mga lalaki ay inaasahang magtataguyod ng pamilya
3. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
A. Bisexual B. Gender C. Sex D. Transgender
4. Tumutukoy sa mga taong naniniwala na ang kanilang sex ay naaayon sa kanilang pagkatao.
A. Cisgender B. Gender C. Sex D. Transgender
5. Paano mailalarawan ang mga homosexual?
A. Nakararanas sila ng atraksiyon sa kabilang kasarian.
B. Nakararanas sila ng atraksyon sa kapareho nilang kasarian.
C. Madali para sa kanilang makilala at matanggap ang kanilang seksuwal na oryentasyon.
D. Nakatatamasa sila ng mataas na pagtingin sa kani-kanilang kinabibilangang komunidad.
6. Ang bisexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niya ng kasarian. Samantalang ang isang taong
nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay
hindi magkatugma ay tinatawag na________________.
A. Gay B. Lesbian C. Queer D. Transgender
7. Mayroong mga ilang isyu ang may kinalaman sa gender at kasarian bunsod ng bahaging ginagampanan ng
isang tao sa lipunan. Saan unang nahuhubog ang kasarian ng isang indibidwal?
A. Paaralan B. Pamayanan C. Simbahan D. Tahanan
8. Pamamaraan upang ipakita at ipahayag ang seksuwalidad ng isang indibidwal.
A. Gender Expression C. Gender Roles
B. Gender Identity D. Gender Stereotypes
9. May mga pagkakataon na ang isang tao ay ipinanganak na nagtataglay ng magkaparehong katangiang
biyolohikal ng babae at lalaki. Ano ang tawag dito?
A. Cisgender B. Gender C. Intersex D. Sex
10. Makikita ang pagbabago ng ‘gender roles’ sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon. Ang karapatan ng mga
kababaihang Pilipino na makaboto sa eleksyon ay naganap sa anong panahon?
A. Pre-Kolonyal B. Kastila C. Amerikano D. Hapon
11. Ang kulturang ‘binukot’ ay isa sa mga sinaunang kultura kung saan ay itinatago ang mga babae sa mata
ng publiko. Ito ay kultura sa probinsiya ng ____________.
A. Batanes B. Davao C. Panay D. Sulo
12. Sa anong bansa isinasagawa ang ‘breast ironing o breast flattening’ kung saan pinapaliit ang dibdib ng
babae?
A. Cameroon B. New Guinea C. Pakistan D. Syria
13. Ang ‘foot binding’ kung saan pinapaliit ang paa ng mga kababaihan ay kultura sa bansang:
A. Cameroon B. China C. Pakistan D. Saudi Arabia

14. Ito ay ang anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na
pananakit o pagpapahirap, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kalayaan.
A. diskriminasyon B. karahasan C. pagsasamantala D. pang-aabuso
15. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang
pag uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. diskriminasyon B. pagsasamantala C. pang-aabuso D. pananakit

16. Paano mailalarawan ang diskriminasyon?


ARALING PANLIPUNAN G10 Pahina 1 ng 4 //mao2021
A. Ito ay pagmamahal sa sariling lahi.
B. Ito ay pagpapalago ng mga bansa sa Europa at Asya.
C. Ito ay pagkilala sa kaibahan ng mga paniniwala at kultura.
D. Ito ay pagkiling sa hindi makatarungang pagtrato sa iba’t ibang kategorya ng tao.
17. Si Gladys ay hindi tinanggap sa trabaho dahil siya ay isang lesbian. Anong konsepto ang ipinahihiwatig sa
sitwasyon?
A. diskriminasyon B. karahasan C. pagsasamantala D. pang-aabuso
18. Paano nagkakaroon ng diskriminasyon batay sa kasarian? Nagkakaroon ng diskriminasyon batay sa
kasarian dahil:
A. makapangyarihan ang mga lalaki sa lipunan kaysa sa mga babae at LGBT.
B. kinikilala ang mga lalaki sa larangan ng politika kaysa sa mga babae at LGBT.
C. nakatatamasa ng pagkakataong makapagtrabaho sa iba’t ibang larangan ang mga LGBT.
D. nagkakaiba ang mga gawain at paraan ng pagtrato sa mga babae at LGBT sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
19. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) mayroong 125 milyong kababaihan (bata at matanda)
ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang
pangunahing layunin ng pagsasagawa nito? Isinasagawa ito upang:
A. maging makinis at malinis ang kababaihan
B. sumunod sa kanilang kultura at paniniwala
C. mapanatili ang pagiging dalaga ng mga kababaihan
D. mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
20. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa
sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng
hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan
upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
A. Dowry B. FGM C. Lotus Feet D. Purdah
21. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na
nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo?
A. Pakistan B. South Africa C. Uganda D. United Arab Emirates
22. Ang pang-aabuso ay maaaring nasa iba’t ibang anyo. Alin sa mga sumusunod na aspekto ang HINDI
naaapektuhan ng pang-aabuso?
A. Emosyonal B. Pisikal C. Mental D. Moral
23. Ang mga sumusunod ay uri ng pang-aabuso sa kababaihan MALIBAN sa:
A. Alcoholism B. Force Marriage C. Physical Abuse D. Sexual Assault
24. Ito ay isang pattern ng ugaling pang-aabuso sa isang matalik na relasyon o iba pang uri ng relasyong
pampamilya kung saan ginagampanan ng isang tao ang posisyong mas makapangyarihan kaysa sa iba
pang tao at nagdudulot ito ng takot.
A. Cultural Violence B. Domestic Violence C. Economic Violence D. Political Violence
25. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap
sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang
sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Humihingi ng tawad at nagbago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
D. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
26. Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
I. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao
II. pinipigilan ka sa pagpasok sa paaralan
III. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan
IV. nakakaramdam ng selos
A. I B. I & II C. III & IV D. I, II, & III
27. Kapag ang isang tao ay nakaranas ng isang pang-aabuso sa kanyang kabataan, ito ay maaari niyang
madala sa kanyang pagtanda na magbubunga ng di- madaling pakikitungo at di-mabuting gawain sa
kapwa. Aling aspeto ng kanyang pagkatao ang naaapektuhan?
A. Mental B. Pisikal C. Pisyolohikal D. Sosyolohikal
28. Si Kenny ay isa sa iyong mga kaibigan na isang transgender. Inilahad ni Kenny na siya ay nakararanas ng
domestic violence bilang isang LGBT. Paano masasabi na si Kenny na siya ay nakararanas na ng
domestic violence?
I. Pinagbabantaan si Kenny na sasabihin sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang kanyang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
II. Sinasabi kay Kenny na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender.
III. Sinasabi kay Kenny na wala siyang puwang sa mundo.
ARALING PANLIPUNAN G10 Pahina 2 ng 4 //mao2021
IV. Sinasaktan si Kenny at sinasabing natural na bayolente ang mga lalaki.
A. I & II B. II & III C. III & IV D. I , II & IV
29. Ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan
ng mga kababaihan ay inaprubahan noong Disyembre 18, 1979. Ito ay naglalaman ng sibil, political,
cultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilyang karapatan ng mga kababaihan. Alin sa mga
sumusunod ang tumutukoy sa kasunduang ito?
A. Anti-Violence Against Women and their Children Act
B. Convention on the Elimination of all forms Discrimination Against Women
C. Magna Carta of Women
D. Prinsipyo ng Yogyakarta
30. Noong ika-6-9 ng Nobyembre 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto sa
oryentasyong sekwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ano
ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa nga gawain at adhikain ng mga LGBT sa daigdig
C. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan
D. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
31. Paano nilalayon ng Convention on the Elimination of all forms Discrimination Against Women (CEDAW) na
wakasan ang diskriminasyon sa mga kababaihan?
A. Isinusumite ang mga ulat na nagpapakita na ang mga kababaihan ay biktima ng karahasan
B. Ipinahahayag ang mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang-aabuso
at diskriminasyon
C. Isinusulong ang mga patakarang magbibigay impormasyon sa mga nais iparating ng mga kababaihan
sa kanilang gobyerno
D. Itinataguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan sa pamamagitan ng mga estado na
magpapakita ng mga kongkretong ebidensya
32. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga
ito MALIBAN sa:
A. Pambubugbog C. Panloloko at Pangangaliwa ng asawang lalaki
B. Sexual Harassment D. Sex Trafficking
33. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito.
Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na walang asawa at mga anak
B. Kababaihan na may edad labing-lima (15) pataas
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki atkasalukuyan o dating asawang babae.
34. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang-pansin ng batas na ito ang
kalalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan
“marginalized women”, at “women in especially difficult circumstances”. Alin sa mga sumusunod ang
KABILANG sa ‘women in especially difficult circumstances’?
A. Maralitang taga lunsod C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
B. Kababaihang Moro at katutubo D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
35. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong
kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Ipinakikita na may pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ipinakikita na ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ipinakikita na ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
36. Paano naiimpluwensyahan ng relihiyon ang pananaw ng mga tao tungkol sa homosekswalidad sa iba’t
ibang komunidad sa mundo?
A. Sinusunod ng mga tao ang turo ng kani-kanilang relihiyon.
B. Itinatanggi ng mga tao ang turo ng kani-kanilang relihiyon.
C. May mga relihiyon na buo ang pagtanggap sa homoseksuwalidad.
D. Walang impluwensya ang relihiyon sa pananaw ng tao tungkol sa homoseksuwalidad.

37. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong ika 6-9 ng Nobyembre 2006 nagtipon-
tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang
pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
ARALING PANLIPUNAN G10 Pahina 3 ng 4 //mao2021
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
38. Ang CEDAW at nangangahulugang ________________________.
A. Convention on the Elimination of All Forms of Discretion Against Women
B. Convention on the Elimination of All Forms of Disresoect Against Women
C. Convention on the Elimination of All Forms of Destruction Against Women
D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
39. Ang Magna Carta for Women ay alinsunod sa batas na __________.
A. R.A. 9710 C. R.A. 9107
B. R.A. 9701 D. R.A. 9170
40. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
A. Pagkamabansa B. Pagkamakabayan C. Pagkamamamayan D. Pagkakaisa
41. Aling artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ang nagsasaad ng pagkamamamayan?
A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo IV
42. Ang mga sa sumusunod ay kinikilalang isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas, MALIBAN sa:
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang
43. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.B.
A. jus soli B. jus sanguinis C. de jure D. de facto
44. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
A. jus soli B. jus sanguinis C. de jure D. de facto
45. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa korte
A. Ispesyaslisasyon B. Lokalisasyon C. Kontekstwalisasyon D. Naturalisasyon
46. Si Yumi ay naipanganak sa Estados Unidos. Ang kanyang mga magulang ay parehong Pilipino. Batay sa
Republic Act 9225. Maari siyang maging ____________ sa eded na 18.
A. Dual Alien B. Dual Citizen C. Dual Merchant D. Dual Person
47. Alin sasumusunod na situwasiyon ang HINDI nagpapakita ng lumawak na konsepto ng
pagkamamamayan?
A. Si Cardo na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Hipolito na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Alyana na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Fermin na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng
bayan.
48. Sino sa sumusunod ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas?
A. Si Ry na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Seri na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Joy na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Bib na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
49. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal MALIBAN
sa isa. Ano ito?
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
50. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

ARALING PANLIPUNAN G10 Pahina 4 ng 4 //mao2021

You might also like