You are on page 1of 23

Modyul 22

Reproductive Health Law


ANO ANG REPRODUCTIVE HEALTH LAW?

Ito ay batas kung saan ang isang pamilya ay kailangan ng planong


pampamilya. Ipinatupad ang batas na ito upang ang mga
magulang ay maging responsable, magkaroon ng kaalaman sa
planong pampamilya at maging handa sa mga dapat ginagawa ng
isang magulang lalo na kung ang mga magiging magulang ay mga
kabataan at hindi wala pang alam sa pagpapamilya.
Ano nga ba ang Reproductive Health
(RH)?
O Ang RH ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal,
pangkaisipan at panlipunan, na may kinalaman sa reproductive
system, paraan at proseso nito. Nakapaloob dito ang karapatan
ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili
ng nais nilang paraan ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa
batas, ligtas, epektibo at abot-kaya. Sinisiguro rin nito ang mga
serbisyong pangalusugan na magsisiguro sa ligtas na
pagbubuntis at panganganak ng mga kababaihan.
Ang Reproductive Health Bill
O Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas sa Kongreso na
naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat.
O Kung maisasabatas, ipag-uutos nitong magtakda ang estado ng
pangkalahatang pondo upang maipatupad ang isang pambansang
programang pangreporduktibo, kabilang ang family planning o pagpaplano
ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Kabilang dito
ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-
aagwat ng mga anak. Nais din ng panukalang batas na bigyan ang mga
mag-asawa ng angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano
ng pamilya na ligtas, epektibo, at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga
may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng
kanilang pamilya.
Bakit kailangan ng RH Bill

O Upang siguruhin ang ‘sustainable’ at responsableng pagbibigay


ng serbisyo at impormasyong pangreproduktibo sa mga
Pilipino. Ang isang programa o proyektong sinimulan ng isang
administrasyon ay maaaring hindi ituloy ng susunod dito.
Bukod dito, ang mga lokal na opisyal ay nasa posisyon lamang
sa loob ng tatlong taon at maaaring pag-alis nila ay mawala rin
ang mga inumpisahan nila.
Layunin ba ng RH bill na kontrolin ang
populasyon?
O Hindi. Layon ng RH bill na magkaroon ng population development o
pagpapaunlad ng populasyon. Ang pagkontrol ng populasyon ay
nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang pagpapagamit
ng mga polisiyang pangpopulasyon na labag sa mga kagustuhan ng
mga tao.
O Layunin ng population development na tulungan ang mga mag-asawa
na maabot ang nais nilang laki ng pamilya habang isinasaalang-alang
ang kalusugan ng ina at anak. Pinipigilan din nito ang maagang
pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na
maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon.
Isinusulong ba ng RH bill ang pre-marital sex at
pagiging mapangahas ng kabataan sa pagtatalik?

O Hindi. Ayon sa pag-aaral ng na isinagawa ng Joint United


Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS), ang kabataang
naturuan ukol sa kanilang sariling sekswalidad ay mas nagiging
maingat sa mga bagay na may kinalaman sa sex ayon sa isang
pag-aaral.
Layunin ba ng RH bill na isaligal ang aborsyon?

O Hindi. Malinaw na isinasaad sa RH bill ang pagiging labag sa


batas ng aborsyon. Nilalayon nito na tiyakin na ang mga
kababaihang mangangailangan ng kalinga para sa
komplikasyon na may kinalaman sa aborsiyon ay tatratuhing
makatao at hindi mapanghusga.
Layunin ban g RH bill na isulong ang paggamit ng mga
kontraseptibong nagdudulot ng aborsiyon?

O Ang mga kontraseptibo ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng


aborsiyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahat ng
modernong kontraseptibo ay ginagamit upang maiwasan ang
obulasyon at pigilan ang magkaroon ng ‘fertilization’. Halimbawa
nito ang pills at injectables ay may mga sangkap na estrogen at
progestin na hindi magiging sanhi ng aborsiyon kung iinumin ng
isang buntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung
gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-
asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang
kalusugan at nais na bilang ng mga anak.
Ano ang pwedeng maitulong ng
isang mapagmalasakit na
mamamayan upang maisabatas
ang RH bill?
Maaaring gawin
ang mga
sumusunod:
1. Sumulat sa inyong mga
kongresman at senador.
Hilingin ang kanilang suporta
sa RH bill.
2. Magsagawa ng signature
campaign sa inyong lugar
upang palawakin ang suporta
sa RH bill.
3. Sumama sa mga gawain at
pagpupulong sa inyong lugar
ukol sa pagsuporta sa RH bill.
4. Tumulong sa pagpapakalat ng
kaalaman at pag-unawa ukol sa RH
bill sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag nito sa mga
kasambahay, kaibigan, at kabit-
bahay, lalo na sa mga kababaihan at
kabataan.
Sa unang pagdinig ng RH bill ng Committee on Health and
Demography sa pangunguana ni Cayetano, dumalo ang 40 resource
speakers mula sa grupo ng “pro-life” at “pro-choice.” Layunin nito na
maabot ang pangako ng Pilipinas sa 2015 na malunasan o maibsan ang
bilang ng mga inang namamatay sa panganganak maging ang sanggol
bilang bahagi ng Millenium Development Goals (MDG) Hindi
naiwasan na uminit ang usapan lalo na’t humirit si Atty. Dionisio
Garciano ng “pro-life” Alliance for the Family Foundation. Ayon sa
kanya, “ there was no such thing as an “unwanted pregnancy” among
women, this was better referred to as “paranoid pregnancy.
Magkasalungat din ang panig ni Eric Manalang ng Pro-Life
Philippines Foundation at Benjamin De Leon of the Forum for
Family Planning and Development. Ayon kay Manalang, hindi
siya pabor sa artificial contraceptives. Napatunayan na aniya
ang natural family planning methods na 99.9% accurate.na
sinalungat naman ni De Leon. Sinabi ni De Leon na 0.1%
accurate lamang ang natural family planning kumpara sa
modern contraceptives.
Matapos ang pagdinig, sinabi ni Cayetano na tatalakayin sa mga
susunod na pagdinig ang iba’t ibang components tulad ng
‘achieving the MDGs, people’s access to health care, family
planning and government’s role, sex education, gender issues,’
maging ang economic aspects ng reproductive health.
Bukas din si Cayetano na magkaroon ng hiwalay na diskusyon sa
constitutional issues laban sa SBN 2378 na inihain nina Senador Joey
Lina at Francisco Tatad. “I’d like to think of this as part of the ‘birth
pains’ in coming up with an RH measure because many of the issues
are admittedly very contentious and controversial. The intention is
not to delay or prolong it, but to go through the normal course to get
all the information we can gather from the various resource persons.
This will prepare us ahead for the plenary debates,” ayon pa kay
Cayetano. Linda Bohol
Group 4
• Lj Jaramillo
• Delfin Ybanez
• Arabella Gerra
• Hans Paquibot
• Dianne Dela Rita
• Ivan Noah Galvez
• Jastine Klaire Aquino 10 Galilei

You might also like