You are on page 1of 3

IKAAPAT MARKAHANG PASULIT-Araling Panlipunan 10

Test I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
a. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
b. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
c. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
d.Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.
2. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwalat naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang
saligang batas.
a. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas b. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
c. Magna Carta ng 1215 d. Universal Declaration of Human Rights
3. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
a. mamamayan ng Pilipinas
b. nakatapos ng hayskul/sekondarya
c. labing-walong taong gulang pataas
d. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6
buwan bago maghalalan.
4. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation
b. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon
c. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino
d. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino
5. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
a. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
b. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan
c. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
d. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
6. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
a. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang
komunidad.
b. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
c. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
d. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
7. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
b. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
c.Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
d. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya
8. Bakit kailang ang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
a. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
b. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
c. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
d. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng
mga mamamayan”?
a. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
b. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
c. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
d. Pagbili ng mga produktong Pilipinoat pagwaksi sa mga produktong dayuhan
10. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
a. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto
b. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon
c. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan
d. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang
panlahat.
11. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig.
a. citizensip b. suffrage c. Eleksyon d. Non-governmental organization
12. Tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
a.citizen b. police c. polis d. Non-governmental organization
13. Isang uri ng boluntaryong organisasyong naglalayong magbigay ng suporta sa mga programa ng mga People’s
Organization.
a. citizenship b. suffrage c. Eleksyon d. Non-governmental organization
14. Prosesong pinagdaraanan ng isang dayuhang nagnanais maging mamamayan ng isang estado.
a. Naturalisasyon b. Repatrasyon c. Denaturalisasyon d. Polis
15. Ang Fundamental Law of the Land
a. Saligang Batas o Constitution b. Civil Law c. Satutory Law d. Natural Law
16. Isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na teritoryo, may panloob at
panlabas na soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa mga mamamayan nito.
a. Estado b. Gobyerno c. Senado d. Griyego
17. Komisyong itinadhana ng Saligang Batas na maging malaya sa tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas na may
adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang mga
Pilipinong nasa ibayong dagat.
a. Commission of Human Rights b. Human Rights c. Gabriela d. NGO
18. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
a. Jus Soli b. Jus Sanguinis c. Jus Loci d. Jus patria
19. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
a. Jus Soli b. Jus Sanguinis c. Jus Loss d. Jus patria
20. Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
a. Natural Right b. Constitutional Right c. Statutory Right d. Political Right
21. Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado
a. Natural Right b. Constitutional Right c. Statutory Right d. Political Right
22. Mga indibiduwal na may gulang na 17 at pababa, at yaong nasa 17 pataas na ang pag iisip ay bata pa o kaya
hindi kayang alagaan ang kaniyang sarili.
a. matanda b. teenager c. bata d. sanggol
23. tumutukoy sa mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko na ginagawa nang may kusang
loob at buong katapatan. Mahalaga ito sa pagkakaroon ng kaunlaran sa pamayanan.
a. Gawaing pantao b. gawaing pansibiko c. gawaing pambata d. gawaing panlahat
24. Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
a. Cyrus Cylinder b. Magna Carta d. Petition of Rights d. Bill of Rights
25. May be defined as a declaration and enumeration of a person’s rights and priveleges which the constitution is
designed to protect against violation by the government, or by an individual or groups of individuals.
a. Cyrus Cylinder b. Magna Carta d. Petition of Rights d. Bill of Rights
26. Is defined as the right to be left alone
a. Right to privacy b. right to liberty d. right to suffrage d. right to property
27. It is an order issued by a court of competent jurisdiction, directed to the person detaining another, commanding
him to produce the body of the prisoner at a designated time and place.
a. Writ of habeas corpus b. habeas corpus d. to bring the body d. writ of corpus
28. The right and obligation to vote of a qualified citizens in the election of certain and local officers of the government
a. Right to privacy b. right to liberty d. right to suffrage d. right to property
29. The type of government that Philippines has
a. Democratic b. democratic & republican c. monarchy d. democratic & parliamentary
30. The voluntary submission of a person to the will of another because of his debt
a. Peonage b. slavery c. enslavement d. microfinancing
Test II. Enumeration
1-3. Uri ng mga Karapatan
4-7. Mga Karapatang Ipinagkaloob ng Estado
8-10. Halimbawa na Natural Rights
11-14. Requisites of a valid search warrant and warrant of arrest
15-17. 3 Dahilan ng pagkawala ng pgkamamamayan
18-19. Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamayan
20-24. Magbigay ng halimbawa ng mga NGO na naglalayong itaguyod ang karapatang pantao.
25-27. Three types of property
28-30. Magbigay ng 3 katangian ng mga kwalipikadong bumoto
Test III. Essay (10pts)
Choose 1 among the latin maxims and quotations and discuss exhaustedly/
 “Dura lex sed lex”
 “Salus populi, suprema lex”
 “ignorantia legis non excusat”
 “use your rights as not to injure the rights of others”
 “man is basically free, but forever he is in chains”
 “your rights end when the rights of others begin”

You might also like