You are on page 1of 4

Ika-apat Na Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan

2018-2019

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Paano tayo napagkakalooban ng mga karapatan?


a. ito ay itinakda ng mga batas c. ito ay simbolo ng pamahalaan
b. ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo d. ito ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
a. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
b. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
c. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
d. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
3. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
a. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
b. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
c. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
d. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
4. Alin sa mga ito ang katangian ng isang aktibong mamamayan
a. Makatao b. Makabansa c. Nakikiisa sa bansa at pamahalaan d. Lahat ng nabanggit
5. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang
saligang batas.
a.Universal Declaration of Human Rights c. Magna Carta
b. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen d. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas
6. Ito ay isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.
a. citizen b. citizenship c. polis d. minorities
7. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga Karapatan ng ating Saligang Batas?
a. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan
b. Nakasaad dito ang kabuuan ng ating mga likas at konsitusyonal na karapatan
c. Nakasaad dito ang mga karapatan nating bilang isang malayang mamamayan ng ating demokratikong estado
d. Ang labag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan sa ayon sa batas
8. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan.

A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234

9. Nakatala ito sa isang baked –clay at tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights”.
a. Bill of Rights b. Magna Carta c. Cyrus Cylinder d. Petition of Rights
10. Ito ang nagbibigay-proteksyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong
naninirahan sa bansa.
a. Bill of Rights b. Magna Carta c. Cyrus Cylinder d. Petition of Rights
11. Naglalaman ito ng mga karapatan tulad ng hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng parliament, pagbawal
sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas military sa panahon ng kapayapaan.
a. Bill of Rights b. Magna Carta c. Cyrus Cylinder d. Petition of Rights
12. Ito ay mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
a. Karapatang kaloob ng batas b. Likas na mga karapatan c. Karapatang Konstitusyonal d. Wala sa nabanggit

13. Bakit tutol ang simbahan sa sex education para sa mga kabataan?
a. Ang mga magulang daw, hindi paaralan ang dapat magturo sa mga kabataan ukol sa sex
b. Dapat daw ilaan ang pondo ng pamahalaan sa ibang mga mas kapaki-pakinabang na gawain.
c. Mas mahalaga raw na pagtuunan ng mga kabataan ang mga gawaing pang-relihiyon.
d. Hindi pa raw handa ang murang kaisipan ng mga kabataan pata sa pagtatalakay ng ganitong paksa.
14. Paano naiiba ang ating likas na karapatan sa karapatang konstitusyunal?
a. Ito ay kaloob ng Diyos at hindi ng tao
b. Ito ay kaloob ng tao at hindi ng diyos
c. Ito ay maaaring mabago o mapigil ng batas
d. Ito ay tanging para sa mga mamamayan laman
15. Ito ang mga karapatang maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
a. Karapatang kaloob ng batas b. Likas na mga karapatan c. Karapatang Konstitusyonal d. Wala sa nabanggit
16. Binigyang-diin ditona magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at
maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa.
a. Universal Declaration of Human Rights c. Petition of Rights
b.The First Geneva Convention d. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
17. Paano tayo maaaring makalahok sa pagpapatatag ng pamahalaan?
a. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga rally at demonstrasyon
b. Sa pamamagitan ng pagtatamasa sa ating mga karapatan
c. Sa pamamagitan ng paghalal ng mga opisyal ng bansa
d. Sa pamamagitan ng paghahain ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal
18. Paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan?
a. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan
b. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas
c. Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan.
d. Tinatanggalan nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado
19. Ang mga karapatang ito ay nakapaloob sa Constitutional Rights, maliban sa ..
a. Karapatang Sibil b. Karapatang Sosyo-ekonomik c. Karapatang Politikal d. Karapatan ng Manggagawa
20. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
a. labing-walong taong gulang pataas
b. mamamayan ng Pilipinas
c. nakatapos ng hayskul/sekondarya
d. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6
buwan bago maghalalan.
21. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
b. Sumailalim sa proseso ng expatriation.
c. Sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
d. Ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
22. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
a. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
b. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang
komunidad.
c. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
d. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
23. Si Argentina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang
magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
a. Grassroot Support Organizations
b. People’s Organizations
c. Non-Governmental Organizations
d. Funding-Agency NGOs
24. Bakit may mga karapatan maging akusado o nasasakdal sa isang kaso?
a. Ito ay nakatadhana sa Saligang Batas
b. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan
c. Sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa
d. Sila ay itinuturing na inosente hanggang mapatunayang nagkasala

25. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
a. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
b. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
c. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
d. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
26. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
a. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
b. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
c. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
d. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang
panlahat.
27. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
a. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
b. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong
panlipunan
c. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas.
d. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga
mamamayan sa bansa
28. Kinikilala ito bilang “National Human Rights Institution (NHRI)” ng Pilipinas na ang pangunahing programa at serbisyo
ay protektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
a. Advancement of People’s Rights c. Philippine Human Rights Information Center
b. Commission on Human Rights d. Philippine Alliance of Human Rights Advocates
29. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan.
a. 1324 b. 3124 c. 3214 d.1234
30. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang
pangangailangan sa pamahalaan.
a. Non-Governmental Organizations c. Civil Society
b. b. Grassroots Organizations d. People’s Organizations
31. Si John ay isang dayuhang Muslim. Siya ay dumaan sa proseso ng naturalisasyon. Kailanman ay hindi siya naniniwala
sa ating mga tradisyon.
a. Siya ay hindi pilipino dahil siya ay isang dayuhan.
b. Siya ay hindi pilipino dahil siya ay hindi naniniwala sa ating mga tradisyon.
c. Siya ay Pilipino dahil siya ay pinagtibay ng ating batas.
d. Wala sa mga nabanggit
32. Ang Pilipinas ay isang bansang demokratiko mula ng pinalaya ito ng amerika noong Hulyo 12,1898. Ano ang
pangunahing balangkas ng pamahalaan ditto?
a. Ang kongreso ay binubuo ng mataas at mababang kapulungan.
b. Ang pamahalaan ay binibuo ng tatlong magkakahiwalay at independente ng mga sangay
c. Ang bansa ay nahahati sa iba’t ibang rehiyon na pinamumunuan ng pamahalaang local
d. Lahat ng nabanggit
33. Sa pamahalaang demokrasya, ang kagustuhan ng nakararami ang nasusunod. Ano angnaidudulot nito sa
mamamayan?
a. Pamumuhay na mapayapa c. Pagtanggap sa mga dayuhan
b. Pamumuhay na Malaya. d. Pagyaman ng mga mamamayan
34. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kanyang mga magulang.
a. Jus soli b. Jus Sanguinis c. Jus loui d. Wala sa nabanggit
35. Pagkamamamayan na nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
a. Jus soli b. Jus Sanguinis c. Jus loui d. Wala sa nabanggit
36. Ito ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa.
a. Global Corruption Barometer c. Transparency International
b. Corruption Perception Index d. Wala sa nabanggit
37. Kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinion ng mga tao tungkol sa katiwalian ng bansa.
a. Global Corruption Barometer c. Transparency International
b. Corruption Perception Index d. Wala sa nabanggit
38. Ang mga tao ba na nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon ay maaaring makaboto muli
pagkaraan ng limang taon matapos ang parusang inihatol sa kanya.
a. Oo, dahil sila ay may karapatan padin kahit may akusado
b. Oo, dahil nasa batas ito at karapatan bilang mamamayan
c. Hindi, dahil sila ay lumabag sa batas
d. Hindi, dahil sila ay walang karapatang pimili ng kanilang kandidato
39. Ang mga taong nasentisyahan nghukuman sa mga kasong rebelyon, firearms law at anumang krimeng laban sa
seguridad ng bansa ay hindi na maaaring bumoto.
a. Oo, dahil sila ay traydor sa pamahalaan.
b. Oo, dahil sila ay hindi tapat sa kanilang bansa.
c. Pwede makaboto pagkalipas ng limang taon pagtapos nilang matapos ang parusang inihatol sa kanila.
d. Hindi, dahil wala na silang karapatang pumili ng kanilang kandidato.
40. Nilalayon nitong maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at maggiit ng kapanagutan at katapatan mula sa
estado.
a. Social Society b. Civil Society c. NGO’s d. People’s Organization
41. Ayon kay Horacio Morales“People empowerment entails the creation of a parallel system of people’s organizations as
government partner in decision making…”Ano ang ibig sabihin nito?
a. mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng pamahalaan
sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan
b. ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberenya ng isang estado
c. ang mga mithiin ng mga mamamayan ang magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang
bansa.
d. Lahat ng nabanggit
42. Alin sa mga ito ang pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa kasalukuyan ayon sa Transparency
International?
a. Pangaabusong pisikal
b. Panggigipit sa manggagawa
c. Pangungurakot
d. Pananamantala
43. Ilan dito ay ang mga katangian ng Good governance, maliban sa….
a. Responsiveness b. Equity c. Rule of Law d. Injustice
44. Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang
programa kung walang suporta nito.
a. Progressive Development Perspective
b. Functional Partnerships
c. People’s Participation
d. Wala sa mga nabanggit
45. Sa pamamagitan nito nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay
makapaglilingkod nang maayos.
a. Paghalal b. Pagboto c. Pakikilahok d. Eleksyon

45-50 Punan ang mga patlang.

PREAMBLE

Kami, ang _______________ sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa makapangyarihang Diyos, upang
bumuo ng isang ______________at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga
mithiin at mga lunggatiin, ____________ ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming
kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at __________sa ilalim ng
pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng ____________, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay
at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyonito.

You might also like