You are on page 1of 1

Schools Division Office

Olongapo
District II-A
STA.RITA HIGH SCHOOL
Olongapo City

SETYEMBRE 3, 2019

PUNONG GURO
GURONG TAGASUBAYBAY

Mahal Naming mga Guro,

Lubos po ang aming pasasalamat sa lubos at patuloy na pagsubaybay ninyo sa bawat


aktibidad na isinasagawa sa loob ng ating paaralan.

Kaya bilang pagtugon sa parating na LIGA NG PALAKASAN ngayong kasalukuyang taon,


aming pong hinihingi ang inyong pahintulot na magkaroon ng pagsasanay ang mga mag-aaral
na sasali sa paligsahan sa larangan ng SEPAK TAKRAW sa ganap na 4:30 hanggang 5 ng hapon sa
mga araw ng lunes hanggang biyernes. Mangyari pong magkaroon ng kanselasyon sa klase,
wala pong pagsasanay ang matutuloy. Kung maipagpahintulot po ninyo ang pagsasanay sa araw
ng sabado ay amin po itong ikinagagalak.

Lubos na pinagsasaalang-alang namin ang mga alituntunin sa loob ng paaralan kaya’t


sinisiguro po namin na ang mga pagsasanay ay mangyayari o gaganapin lamang po sa loob ng
paaralan at hindi po namin sinasang-ayunan ang mga pagsasanay sa labas nito.

Buo po ang aming pag-asa na nakararating at naging malinaw po sa inyo ang aming
liham na ito.

Pinasasalamatan po namin ang inyong malawak na pagunawa at amin pong tatanggapin


ang inyo pong malinaw na pagtugon.

Lubos na gumagalang,

You might also like