You are on page 1of 1

SPORTS FEST

Day 1
Magandang araw po sa inyong lahat! Narito po kami upang magbalita tungkol sa mga
ganap na pangyayari sa Sports Fest.Meron na iba’t-ibang Teams ang maglalaban sa iba’t-
ibang larangan din.Lahat ng mga estudyante ay pwedeng sumali sa anumang larangan ng
Sports kahit man ito ay di kagalingan dahil ang Sports Fest ay hindi bumabase sa galing ng
isang manlalaro.

Una lahat ng mga Teams ay pumila ng mabilis bagama’t hindi medyo maayos ang
kanilang pagkakahanay dahil sa sobrang sabik na sila na makapunta sa covered court kung
saan doon maglalaro ang mga Players ng bawat Teams.Pagkaraan ng ilang minuto
nakarating na sila kanilang patutunguhan.Ang lahat ng mga tao ay nagpahinga muna dahil
sa malayo-layo ang kanilang nilakad.

Sinimulan ang programa ng Sports Fest sa panalangin sa pamumuno ni Ginoong Clint


pagkatapos ng mataimtim na panalangin,Inawit naman ang ating pambansang awit sa
pamumuno ni Gng.Wela Visco.Pagkaraan ng ilang minuto natapos na ang Pambansang
Awit at tinawagan na ang magsasalita sa Pambungad na pananalita na pinamumunuan ni
Ginoong.Arnel S.Gallo.Hindi pwedeng mawala ang panunumpa ng mga estudyante lalo na
ang mga players,na pinagmulang ng isang babaeng atleta na nakarating sa Palarong
Pambansa na ang pangalan ay Wynrose Corpuz na ang larangan sa sports ay Table
Tennis.Namuno naman si Ginoong Eric sa mga pinahayag niya na mga Rules and
Regulations tungkol sa mga bawat laro na lalaruin ng mga bawat teams pagkatapos
naganunsyo ang guro na magkakaroon ng Yel sa bawat Teams upang magbigay suporta
sila sa kanilang mga Players kaya binigyan ang bawat teams ng ilang minuto upang
magensayo para makapag perform ng maayos pero hindi maiiwasan na meron na ayaw
magperform o sumali sa Yel dahil sa nahihiya sila o kaya di sanay na humarap sa maraming
tao.

Ang naglaro ay Volleyball Girls na may iba’t-ibang teams pero ang nagwagi o nanalo sa
unang araw ay Yellow,Green,Black at Gray

You might also like