You are on page 1of 6

GINOO AT BINIBINING LICOM Script

Darel: Isa na sa mga tradisyon ng Libon Community College tuwing Linggo ng LICOM ang
pagkakaroon ng palantuntunan kung saan ang ilan sa mga piling mag-aaral ay maglalaban upang maiuwi
ang korona ng Ginoo at Binibining LICOM.

Erich: Dahil sa pandemya na dulot ng Covid-19 na ating naranasan sa nakalipas na taon, ilang taon
din tayong hindi nagkaroon ng ganitong prestihiyosong kaganapan.

Darel:   Kaya, ngayong gabi ay muli nating matutunghayan ang patimpalak na kasali ang panloob na
kagandahan, na may pamantayang sinasakop ang paghusga ng personalidad, talino, talento, ugali, at
pakikilahok sa kawanggawa, sa pamamagitan ng pribadong panayam sa mga hurado at pagsagot sa mga
tanong sa publikong entablado. Sa lahat ng mga mag-aaral, guro, kawani, mga bisita, mga hurado, at sa lahat
ng mga ginoo at binibini, isang mapagpala at makinang na gabi!

Erich: Ngayong gabi, saksihan ang anim na pares ng mapagkumpitensya, magaganda at guwapong
kandidato na magpapakita ng kanilang pinakamahusay at maglalaban para sa korona dito mismo sa Libon
Community College covered court.

Darel: Habang napupuno ang gabi ng matinding pananabik, maya- maya lamang ay malalaman natin
kung sino ang mapalad ngunit karapat-dapat na mananalo. Ako si Darel Lacro Padua.

Erich: At ako naman si Erich Baroso Nual at kami ang tagapagdaloy ng pinaka engrande

Darel: pinaka-kapanapanabik

Erich: pinakamamangha

Darel: at ang pinakahihintay

Both: Ito ang “GINOO AT BINIBING LICOM 2023 at GABI NG KULTURA”

Erich: Magandang gabi, Ginoong Darel! Kumusta?

Darel: Magandang gabi rin, Binining Erich! Ayos naman. Kung gaano kaganda ang gabi, ganoon
din ang aking katabi.

Erich: Maraming salamat sa napakagwapong kong partner at ito’y isang pribileheyo na makasama
ka ngayong gabi at sigurado ako na nananabik na ang lahat ngayon.

Darel: Kaya’t wag na nating patagalin pa ang paghihintay. Inaanyayahan po namin ang lahat na
tumayo kasabay ng ating pambungad na panalangin sa pamamagitan ng isang Doksolohiya mula sa
kinatawan ng LICOM Dance Troupe. Susundan ito ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, Hymno
ng Bayan ng Libon, at Hymno ng LICOM sa kumpas ni Ginoong Marlon S. Tigue.

(Doxology, National Anthem, Libon Hymn, LICOM Hymn)…………..

Erich: Sa pagkakataong ito, upang pormal na simulan ang patimpalak ngayong gabi, atin pong
salubungin ng masigabong palakpakan ang itinalagang administrador ng Libon Community College,
Binibining Eden B. Rivera.

(Pambungad na Pananalita ni Binibining Eden B. Rivera)…..


Darel: Maraming salamat po Binibining Eden Rivera sainyong nakakabagbag-damdaming mensahe.
Sa puntong ito, atin nang pormal na sisimulan ang patimpalak na ito.

Erich: Handa na ba kayo??? Nasaan ang BSEd Department? BEEd Department? Senior High?
BECEd? BSAb? BTVTEd?

Darel: Dahil mukhang handa na ang lahat. Mga ginoo at binibini ating tunghayan ang mga
kandidato sa kanilang…PRODAKSIYON NUMBER

(Prodaksiyon Number)………..

Erich: Ayan! Kitang kita naman ang mga naggagandahan at naggagwapuhang mga binibini at ginoo
na kandidato para sa ating kaganapan ngayong gabi. Ngunit, hindi natin tuluyang malalaman kung sino ang
mananalo kung walang tulong ng mga mahuhusay na huradong kikilatis sa ating mga kandidato.

Darel: Kaya ngayon, iniimbitahan po namin si Binibining Iris Abila, guro ng LICOM Senior High
School upang ipakilala ang mga hurado na tutulong upang malaman kung sino ang tatanghaling Ginoo at
Binibining LICOM 2023.

(Bb. Iris Abila pagpapakilala ng hurado)……..

Erich: Maraming salamat Bb. Iris Abila. Ngayon naman, upang magkaroon tayo ng ideya kung ano
ang pamantayan sa pagpili ng mananalo sa gabing ito, inaanyayahan ko po si Bb. Janna Eloisa Lanuzga, ang
ating Punong Hurado.

(Punong hurado, pagbibigay ng pamantayan)……..

Darel: Maraming salamat sa ating punong hurado Bb. Janna Eloisa Lanuzga sa pagbibigay linaw
kung paano malalaman ang mananalo sa patimpalak na ito. Sa puntong ito upang bigyan tayo ng isang
pampasiglang bilang, palakpakan natin ang LICOM Dance Troupe upang sayawin ang katututubong sayaw
ng T’boli.

(LICOM Dance Troupe, T’boli Dance)……

Erich: Maraming salamat LICOM Dance Troupe sa pagpapakita ng isang kultural na sayaw na dapat
maipakita sa buong mundo. Hindi ba, Ginoong Darel?

Darel: Sa pagkakataong ito, sabay-sabay nating salubungin ng malakas na palakpakan ang ating
butihin at kagalang galang na alkalde“Das” Maronilla sa pagbabahagi ng kaniyang mensahe.

(Mensahe ni Mayor)…………

Erich: Maraming salamat po sa napakaguwapong alkalde ng Libon, Mayor Das V. Maronilla para
sa inyong mensahe.
[IMPROMPTU OF THE HOSTS] Ano ang alam mong sikat na kultura o tradisyon ng mga Pilipino?

Bayanihan: Sama-samang pagtutulunganng mga magkakapitbahay o magkakabarangay(nagbubuhat ng mga


bahay kubo) Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama at sistema
ng tulungan sa isang pamayanan.

Darel: Sa puntong ito, alam kong nasasabik na ang lahat na muling makita ang ating mga kandidato
para sa gabing ito. Kaya naman, huwag na natin itong patagalin, mga ginoo at binibini bigyan natin ng isang
masigabong palakpakan ang ating mga kandidato sa kanilang KASUOTANG PANG PESTIBAL

(Kasuotang Pangpestibal)………….

Erich: Sa pagkakataong ito ay halos nasa kalagitnaan na tayo ng paligsahan. Excited na ba kayo
kung sino ang mananalo??? Sa palagay ko’y excited na kayo, ngunit bago ‘yan ay bigyan muna natin ng
pansin ang isa sa mga inihandang pampasiglang bilang. Upang ipakita ang sayaw na Janggay, palakpakan
natin ang LICOM Dance Troupe!

(LICOM Dance Troupe- Janggay)………….

Darel: Maraming salamat sa ating napakagaling na LICOM DANCE TROUPE. Sa oras na ito,
bigyan natin ng pagkakataon ang nag-iisa at masigasig nating Dekana ng LICOM. Gng. Amelita P. Sadueste
upang magbigay ng isang makabuluhang mensahe.. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan.

(Mensahe)

Erich: Maraming salamat po Ma’am, ang inyong mensahe ay siguradong tatatak sa isip ng bawat
mag-aaral dito sa LICOM. Ngayon, muli nating palakpakan ang LICOM DANCE TROUPE sakanilang
sayaw na Kappa Malang-Malang.

(LICOM Dance Troupe)……

Darel: Ngayon, atin nang matutunghayan ang isa sa kaabang-abang na parte ng kompetisyong ito.
Sa porsyong ito maipapakita ng mga kandidato ang kanilang pisikal na kagandahan at magbibigay tunay na
kahit ano man ang ating kulay, tayo’y Filipino’t Filipina. Bigyan natin ng daan ang mga kandidato
sakanilang swim wear attire.

(Swim wear attire)

Erich: Sa puntong ito, atin nang malalaman kung sino ang mga nanalo sa Pangunahing Parangal.
Inaanyayahan ko po sina ___________________ upang ibigay ang mga sumusunod na parangal.

(Pangunahing Parangal)
Darel: Ngayon, nalaman na natin ang ilan sa mga pangunahing parangal na nakuha ng ating mga
kandidato. Nalalapit na tayo sa pinakaabang - abang na parte ng programang ito. Ngunit bago iyon, upang
muling bigyang kulay at pasiglahin ang ating gabi, narito muli ang LICOM Dance Troupe at LICOM Senior
High School Dance Troupe para sayawin ang ilan sa mga kultural na sayaw sa Pilipinas!

(LICOM Dance Troupe, LICOM SHS Dance Troupe - Pampasiglang Bilang)


-
-
-
-

Erich: Maraming salamat muli sa ating masisigla at talentadong mananayaw ng LICOM College at
Senior High School Dance Troupe. Gising pa ba kayong lahat? (*ROLL CALL*)

Darel: Sa puntong ito, masasaksihan natin ang mga makikisig at nagwagwapuhang ginoo na suot
ang kanilang barong at ang mga nagagandahang dilag suot ang kanilang Filipiniana.

(Kasuotang Baropng at Filipiniana)

Erich: Bago tayo tumungo sa pagbibigay ng Katanungan sa mga kandidato, narito muli ang LICOM
DANCE TROUPE upang gisingin ang mga inaantok na mga manonood.

(Pangpasiglang Bilang)

Darel: Thanks Dance Troupe! At ngayon, sa oras na ito muli naming inaanyayahan dito sa itaas ang
lahat ng kandidata ng Ginoo at Binibining LICOM 2023. Handa na ba kayong lahat? Sa pagkakataong ito’y
dumako na tayo sa pinkaabang abang na porsyon ng kompetisyong ito, ang pagbibigay ng katanungan.

Erich: Dito maipapamalas ng ating mga kandidato ang kanilang angking talino at galing sa
pagsagot. Ang bahaging ito ay susubok sa kanilang lakas ng loob, ika nga nila “Ang paglalakad ay hindi
kasing dali ng pagsasalita”.
Darel: Bubunot po ang bawat kandidato ng isang envelope na naglalaman ng tanong at maaari nila
itong sagutin sa salitang Ingles o Filipino o kung saan sila komportableng lengguwahe. Kaya’t kung handa
na kayo, unang kandidata maaari ka nang pumunta sa unahan…
………….. Q N A

….………………………………..…………Q N A………………………………………………………..

Darel: Maraming Salamat sa ating mga kandidato sa matapang na pagsagot sa ating mga
katanungan. Ngayon ay makakahinga na kayo nang maluwag. Para haranahin tayo, mayroong inihanda si
Ginoong Mark Manalili Soliman na isang awitin.

(Song Number)
Erich: Maraming salamat Ginoong Mark sa isang napakagandang awiting iyong inihanda. Bago tayo
tumuloy sa panghuling bahagi ng palatuntunang ito, muli nating tawagin at palakpakan ang LICOM Dance
Troupe para sa isa pang kultural na sayaw. Susundan naman ito ng LICOM Senior High School Dance
Troupe para sa kanilang sayaw na Festival sa Nayon!

(Pampasiglang Bilang)

Darel: Maraming salamat muli sa walang kupas ang galaw na LICOM College at Senior High
School Dance Troupe. Bago tayo tumuloy sa pinaka-kaabang-abang na parte ng kaganapang ito, narito si
Ginoong Jeffrey S. Moralde, ang itinalagang punong guro ng Senior High School Department.

(Pagpapasalamat)

Erich: Maraming salamat din po sayo Sir. Sa pagkakataong ito, ilang minuto na lamang ay
malalaman na natin ang tatanghaling Ginoo at Binibining LICOM 2023. Handa na ba kayong malaman kung
sino ang mananalo? Sino sa tingin niyo ang mananalo? Mukhang handa na ang lahat! Kaya naman
tinatawagan naming muli ang mga kandidato para sa gabing ito.

Darel: Para ibigay ang mga sash, boquet at mga mapapanalunan ng kandidata, inaanyayahan po
namin sina ………………..

*******ANNOUNCEMENT OF WINNERS*******

2nd Runner up (Mr. And Ms.)-


2nd Runner up (Mr. And Ms.)-
1st Runner up (Mr. And Ms.)-
Tourism (Mr. And Ms.) -

GINOO at BINIBINING LICOM 2023:

Erich: Muli, Pagbati sa ating GINOO at BINIBINING LICOM 2023!! Ngayon, upang pormal na
wakasan ang programang ito ay inaanyayahan po namin si Ginoong Jhodie Dela Torre, taga pangulo ng
Aktibidad.

(Ginoong Jhodie Pangwakas na Mensahe)……..

Darel: Sa gabing ito na puno ng kagandahan at kagwapuhan nalaman na natin kung sino ang ating
GINOO at BINIBINING LICOM 2023.

Erich: At lahat ng ito’y hindi matatagumpayan kung walang tulong ng mga hurado, guro, mag-aaral,
sponsors at lahat ng taong nasa likod ng palatuntunang ito. Muli, kami ang inyong lingkod - Master ng
Seremonya, Erich Baroso Nual.

Darel: At Darel Lacro Padua, na nag-iiwan ng katagang:

Both: “Pagtanggap at paggamit ng kultura’t tradisyon ng Pilipino sa pagkakaisa’t pa


SPONSORS: (Bago tayo tumuloy sa ating programa, gusto po muna naming pasalamartan ang mga
sumusunod na sponsords. Kung wala sila’y hindi mapagtatagumpayan ang programang ito)

- Ginoong Jefrey Moralde, itinalagang punongguro ng LICOM SHS


- Binibining Eden Rivera, itinalagang administrador ng LICOM College
-Ginang Amelita Sadueste, dekana ng LICOM
- Opisyales ng SSG na pinangungunahan ni Binibining Hannah Olivares , ang kanilang tagapayo
- The Vertices na pinangungunahan ni Binibining Haziel Condrillon, ang kanilang tagapayo
- CAS at kanilang coordinator Ginoong Jhodie Dela Torre
- The LICOM Collegian
- Mr. Paul Segui (may ari ng lugar ng pictorial)
- Malagueno Photography

Name of the Judges:


- Ginoong Erick Ibarrientos - (propreitor/stylist/decorator)
- Ginoong Norman R. Seda - (guro ng salvacion camarines sur)
- Binibining Janna Eloisa G. Lanuzga (beauty queen, Ms. Libon Tourism 2022)
- Ginang Jimilyn G. Secillano (former faculty of LICOM)
- Kim Arthur B. Cargulto (faculty member of Nabua N/S)

ACKNOWLEDGEMENT:
- Bago natin ituloy ang programa ay nais ko munang iacknowledge…………
- Bigyang pagkilala ang ……….

Mayor Das- alkalde


Binibining Eden- administrador
Ginang Amelita Sadueste - Dekana ng LICOM
Honorable Abbygail Villanueva - Chairman Committee on Education
Vice Mayor Markgregor Edward Sayson - bise alkalde

You might also like