You are on page 1of 2

MARISSA M.

PASCASIO MAT-FILIPINO-B

EDUC. 206- JOURNALISM IN FILIPINO

MATATAG CURRICULUM, MATATAG NGA BA?

Marissa Pascasio

Ang salitang matatag ay nagpapahiwatig ng layuning palakasin ang mga mag-aaral sa


kakayahan at pananaw upang harapin ng may kumpyansa ang mga hamon at pagsubok sa
kanilang buhay.

Inilunsad na ng Department of Education sa pangunguna ng Pangalawang Pangulo at


kasalukuyan ring Kalihim ng Edukasyon, Sarah Duterte ang “Matatag Curriculum” na sinasabing
nakasentro sa key competencies and foundational skills ng mga mag-aaral sa kinder hanggang
Grade 10 o Junior High School.MATATAG na ang ibig sabihin ay: Makabagong Kurikulum na
napapanahon, Talinong mula sa isip at puso,Tapang humarap sa anumang hamon, Galing ng
Pilipino, nangingibabaw sa mundo

Ang nasabing bagong curriculum ay kilala bilang “Matatag K-10” na naglalaman ng mga aralin
ukol sa literacy and numeracy skills, balance cognitive, higher level thinking skills, intensified
values education at peace education na ibinatay sa International Curriculum.

Ayon kay VP at DepEd Secretary Duterte, isang essential learning competencies ang hatid ng
nasabing bagong curriculum sapagkat nasa 70% ng dating kurikula ang tinanggal dahil sa paulit-
ulit lamang at maaaring “nice to know” pero hindi talaga “must to know.”

Nilinaw din ng kagawaran na hindi inalis ang Mother Tongue based subject lalo’t nakapaloob ito
sa Republic Act No. 10533, bagkus ipinasok ito sa five core subjects para sa Grade I na
nakasentro sa literacy and numeracy.

Ang asignaturang “Makabansa” ay bago sa Curriculum na tatalakay sa sining, kultura, lipunan,


kasaysayan, physical education at kalusugan na sisimulang pag-aralan ng mga nasa Grade I
hanggang Grade III, at mula naman Grade IV hanggang Grade X ay magiging Araling
Panlipunan, Technology and Livelihood Education at Music, Arts and Physical Education. Isa
pang bago sa Matatag Curriculum ang Peace Education na ukol sa pagkilala sa sarili, kahandaan
sa mga kalamidad at trahedya, at usapin para sa tao o human security. Bahagi rin ang Good
Manners and Right Conduct para sa nasa Grade I hanggang III at Values education para sa
Grade IV hanggang Grade X bilang pagsunod sa R.A No. 11746

Ang paglunsad nang MATATAG Curriculum ng Department of Education (DepEd) ay


magpapabuti sa school curriculum ng bansa at ito ay magiging daan upang matukoy kung ano
ang mga totoong pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral. Napakahalaga na hindi nito
pabayaan ang tradisyunal na aspeto ng edukasyon, kabilang na ang kritikal na pag-iisip, pagiging
malikhain at isang mabuting pang-unawa sa iba’t-ibang larangan ng kaalaman. Ang
pagkakaroon ng balanseng pag-aaral ng akademikong kaalaman at pagpapalakas ng karakter ay
mahalaga para sa isang komprehensibo at epektibong sistema ng edukasyon.

Gayunpaman, ang pagiging matatag ay isang mahalagang kasanayan na dapat maipamulat sa


mga mag-aaral. Ang edukasyon naman ay hindi lamang dapat nakatuon sa akademikong
kaalaman kundi pati na rin sa pagpapalakas ng karakter at mga kasanayang pangbuhay.

You might also like