You are on page 1of 2

Magbasa Nang Magbasa

Sadyang mahalaga ang pagkakaroon ng araw para magbasa ng


magbasa. Biyernes ang tumpok na araw para maipatupad ang
proyektong “Drop Everything and Read” (DEAR) sa ibang salita ay
“Catch-up Friday”.
Epekto ng pandemic sa nakaraang taon COVID-19, maraming
batang mag-aaral hanggang sa high school ang hindi marunong
magbasa.
Napakaganda ang proyektong ipinatupad ni Sarah Duterte,
Secretary of Education para naman matulungang magbasa ang mga
mag-aaral kada Biyernes.
Tunay na maging epektibo ito sa mga bata lalo na sa mga hindi pa
marunong magbasa. Pati na rin sa mga nakakabasa na pero di
masyadong o di gaanong marunong.
Gumagawa na ng paraan ang mga pamahalaan para makatulong
sa atin. Nasa sa atin nalang kungdi pa natin ito sasalubungin.
Kaya gawin naman sana natin ang buong makakaya para maging
epektibo ang proyektong “DEAR”. Alalahanin natin hindi ito para sa
kanila kundi para sa kabutihan ng lahat.
“MATATAG CURRICULUM” IKINASA NG DEPED

Pormal na inilunsad ng Department of Education sa pangunguna ni Vice


President Sara Duterte at siya ring kalihim ng edukasyon ang “Matatag
Curriculum” na nakasentro lamang sa key competencies and foundational skills ng
mga mag-aaral sa Kinder hanggang Grade 10 o High School.
Kilala bilang “Matatag K-10”, naglalaman ito ng mga leksyon ukol sa literacy
and numeracy skills, balance cognitive, higher-level thinking skills, intensified
values education at peace education na ibinase sa international curriculum.
Ayon kay VP at DEPED secretary Duterte na 70% ng dating kurikula ang
tinanggal dahil sa paulit-ulit lamang at maaaring “nice to know” pero hindi talaga
“must to know”, kaya isang learning competencies ang hatid ng bagong
curriculum.
Paglilinaw ng kagawaran, hindi inalis ang “Mother Tounge-based subject”
lalo pa’t napapaloob ito sa Republic Act No. 10533 o ang K-12 law kundi ipinasok
sa five core subjects para sa Grade 1 na nakasentro sa literacy and numeracy bago
sa Sining, Kultura, Araling Panlipunan, Technology and Livelihood Education, at
Music, Arts and Physical Education.
Bahagi na rin ang Good Manners and Right Conduct para sa nasa Grade l to
lll at Values Education para sa Grade IV to X bilang pagsunod sa RA No.11746.
Isa pang bago sa “Matatag Curriculum” ang Peace Education na ukol sa
pagkilala sa sarili, kahandaan sa mga kalamidad , trahedya at usapan para sa tao o
human security at paghaharap ng mga mapayapang pamamaraan sa pagresolba
ng mga ito. Pasok ito sa mga nasa Grade l, Vl at Vll at sisimulan sa school year
2024-2025.
Malaki ang paniniwala ni VP at secretary Duterte na dahil sa bagong
ipapatupad na kurikula ay mas lalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-
aaral at ihahanda sila bilang mga well rounded and mature individuals.

You might also like