You are on page 1of 19

PROYEKTO SA KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA

FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

Ayon Kina:

LOPEZ, Juwin O.

CALICA, Maria Christina Cassandra M.

ADAP, Queen Angela B.

ALMODOVAR, Kristine Angeli

CASTILLO, January T.

DACANAY, Maria Pauline I.

DEGHO, Rom El Christian S.

ENONG, John Carl T.

ETCHON, Marielle Keziah Lee E.

GATCHALIAN, Arabella Z.

LAGLIVA, Edrian Carl

MANGALOS, Charity Princess A.

NISPEROS, Jefelyn H.

RIMANDO, Leslie Nicole S.

RUNES, Norlyn B.
MANUSCRIPT: EDUKASYON
Introduksiyon

“Ang kaalamang taglay ay isang yamang hindi maaalis ninuman.” Tulad ng laging
ipinaparating sa atin ng mga nakakatanda, edukasyon ang tanging pamana ng ating
mga magulang na hindi mananakaw ng kung sino man, ngunit sa patuloy na pagbabago
ng panahon, kaakibat nito ang iba’t-ibang hamong panlipunan na siyang nagdudulot
ng problema sa edukasyon. Ilan sa mga isyu nito ay ang kahirapan o kakulangan ng
pondo at ang nangyaring pandemya. Mula rito, makikita natin ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng pangkalawakang batas na magtataguyod sa karapatan ng lahat sa
mahusay at pormal na edukasyon, at ang pagkakaroon ng epektibong tugon laban sa
pandemya na naging dahilan ng hirap at pansamantalang pagtigil ng sistema, dahil
tunay ng na ang edukasyon ang pinakamabisang instrumento upang umunlad ang
isang bansa.

Sinasabi ng nakakarami na edukasyon ang sagot sa kahirapan, ngunit


kahirapan din naman ang isa sa malaking dahilan kung bakit may mga hindi
nakakapag-aral. Umaabot sa milyong mga bata ang hindi nag-aaral sa Pilipinas at lalo
pa itong nadagdagan nang nagkaroon ng pandemya kung saan ang tradisyonal na
modalidad ng edukasyon ay napalitan ng tinatawag na blended learning. Ang ilan sa
mga madalas na dahilan ng hindi pagpasok ng mga mag-aaral ay kakulangan sa school
supplies, mga libro, mahinang nutrisyon, at kahirapan. Ang katagang “hindi hadlang
ang kahirapan upang magtagumpay” ay hindi naaangkop sa lahat. Lalo lamang
binawasan ng karalitaan ang pagkakataon ng bawat kabataan na makapag-aral at
makapagtapos sa gusto nilang kurso. Lahat ng bata ay may karapatang makapag-aral
kaya naman mahalagang bigyang pansin ng gobyerno ang ganitong isyu ng lipunan.

Talakay

Isa sa pinakamahalagang pundasyon sa pag-unlad ng isang tao ang edukasyon.


Dito nahahamon ang potensiyal ng pangkalahatan pagdating sa pangkaisipang
kakayahan upang makita ang tinatagong kagalingan. Bukod sa pagpapahubog sa
abilidad ng indibidwal, dapat isaalang-alang ang kaniyang pagkakalantad sa mabuting
edukasyon upang makibahagi sa paghubog din ng ating bansa.

Ayon sa saligang batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 1, isa sa mga layunin ng
estado ang pangangalaga at ang pagtaguyod ng karapatan ng mamamayan sa mahusay
na edukasyon sa lahat ng antas. Gayundin, ang kanilang magsagawa ng angkop na
mga hakbang upang makamit ang gayong edukasyon. Subalit sa kasalukuyang
panahon, mabisa ba nilang naisagawa ang layunin ng artikulo? Ito ba ay nagkaroon ng
epekto sa mga kabataan?

Iba’t-ibang programa ang naipatupad ng mga kagawaran at nangunguna rito ang


Kagawaran ng Edukasyon sa mga ahensiya na pinaglalaanan ng pondo ng pamahalaan.
Ang Kagawaran ay naglaan ng mahigit P710.6 bilyon na badyet para sa taong 2023 at
nangakong kanilang itataguyod ang “Inclusive Learning Recovery” sa bansa upang
muling makabangon sa epekto ng pandemiya. Kasama sa aprubadong badyet ang
PHP581.6M para sa Special Education (SpEd), PHP154.4M naman sa mga katutubong
mamamayan, at PHP150M para sa confidential fund para naman sa kaligtasan at
seguridad ng mga mag-aaral at mga guro.
Ang pangalawa naman ay pagpapatibay sa K to 12 Program ng RA 10533 o
Enhanced Basic Education Act. Ang probisyon nito ay nakatutok sa pagpapanatili at
pagsuporta ng estado sa sistema ng edukasyon na itong nauugnay sa mga
pangangailangan ng mga tauhan. Isang katangian ng programang ito and Education for
All o Inclusive Education na naisakatuparan din dahil sa malaking bilang ng kabataang
hindi nakakapag-aral.

Umabot ng siyam na porsyento sa tinatayang 39.2 milyong Pilipino ang kabilang


sa Out-of-School Children and Youth (OCSY), batay sa 2017 Annual Poverty Indicators
Survey. Ayon sa Philippine Statistics Authority, may tatlong dahilan kung bakit umabot
sa ganitong porsyento ang OCSY: isyung pampamilya, kawalan ng interes sa pag-aaral,
at mahal na bayarin sa usaping edukasyon. Sa kadahilanang ito, na-apruba ang RA No.
10931 o ang Free Tuition Fee program para sa mga mahihirap na mag-aaral na nasa
State Universities at Colleges.

Ang hakbang na ipinakita ng gobyerno ay napakagandang panimula sa


pagbangon ng bansa sa gitna ng pandemya. Kanilang mabisang ipinatupad ang mga
programa na nagpapatunay na kaya ng bansa na mabigyan muli ang bawat indibidwal
ng pagkakataon na maging maayos ang kanilang lakbay sa pagkamit sa hangarin sa
buhay at paghubog sa kaunlaran ng bansa. Lubhang napakalaki nga ang dulot ng
pandemya sa ating bansa lalo na't sa sektor ng edukasyon. Bukod sa mga batas na
nabanggit, ano at paano ba ang naging hakbang ng estado sa edukasyon sa Panahon
ng Pandemya?

Kasabay ng paglaganap ng nakamamatay at nakahahawang sakit na COVID-19


sa mga huling linggo ng Taong-Panuruan 2019-2020, ay ang pagtigil ng mundo ng
edukasyon. Nagkaroon ng distansiya at malaking kaibahan sa kung paano ang
pagtuturo noon at ngayong nagkaroon ng pandemya.

Kung dati ay pisikal na nakakapagturo ang mga guro, nang sumapit ang Taong-
Panuruan 2020-2021 ay maaari na lamang makapagturo sa pamamagitan ng Basic
Education Learning Contintuity Plan (BE-LCP) na ipinakilala, pinagtibay, at isinagawa
ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Ang programang ito ng DepEd ay tumugon sa
pangangailangan ng mga estudyante sa ilalim ng krisis sa kalusugan. Nabigyan nang
pagkakataong maipagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng malaking distansya at
pagbabago.

Ipinakilala ng DepEd ang iba't-ibang pamamaraan sa pagtuturo at ipinagtibay


ng DepEd Order No. 20, series of 2020. Ang Self-Learning Modules (SLMs) ay isa sa mga
paraan upang makapaghatid ng edukasyon sa mga mag-aaral. Ito ay maaaring printed
na ipamahagi sa mga estudyante at/o maaari ding softcopy na lamang.

Ang mga paraan ng pagkatuto ay nakadepende sa sitwasyon ng isang lokalidad


kung ang bilang ba ng nagkakaroon ng COVID-19 ay masyadong mataas at mapanganib
sa napiling pamamaraan ng paghahatid ng kaalaman. Face-to-face, distance learning,
blended learning, at homeschooling ay ang mga iba't-ibang paraan ng pagkatuto.
Nabibilang sa distance learning ang online, modular, at TV/Radio-based Instruction. Sa
paraang online ginagamit ang estratehiyang synchronous at asynchronous.
Tumutukoy ang synchronous sa pisikal o birtuwal na pagtitipon ng mga mag-
aaral at guro sa iisang lugar at oras. May tunay ding pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Nagkakaroon ng interaksiyon sa maikling panahon at natutugunan ang mga
katanungan ng mabilis. Samantala, ang asynchronous naman ay tumutukoy sa mga
estudyanteng nag-aaral sa sarili nilang pamamaraan gamit ang mga materyal na
ibinibigay ng mga guro sa iba't-ibang medium. Walang real-time na pakikipag-ugnayan
sa ibang tao kung kaya kinakailangan ng mahabang panahon upang makatugon ang
bawat isa. Marami rin namang bentahe ang asynchronous tulad na lamang ng; hawak
ng mga estudyante ang kanilang oras sa pag-aaral, nababawasan din ang mga gawain
o pagsusulit online, at gumugugol lamang sila ng kaunting oras.

Sa synchronous classes, ito ay isinasagawa sa traditional classroom ngunit ang


asynchronous ay isa na lamang recorded class. Ang paraan ng pakikipag-
komunikasyon sa synchronous ay phone call at instant messaging. Nakakatugon ng
mabilis ang mga guro at estudyante rito. Samantala, sa asynchronous naman ay
maaaring gamitin ang e-mail at recorded voice message sa pakikipag-komunikasyon
bagaman hindi gaanong mabilis ang tugon ng bawat isa. Sa synchronous meeting, ang
mga mag-aaral at estudyante ay nasa parehong oras lamang kaya kinakailangan na ang
lahat ay naintindihan na ang lesson bago magpatuloy sa isa pa kung kaya ito ay group-
paced. Sa kabilang banda naman, ang asynchronous ay magkakaiba ang oras ng mga
estudyante kaya ayos lamang kung ang isa ay nakausad na sa isa pang lesson dahil ito
ay self-paced naman.

Sa lahat ng ito, ang online learning ay lalong umuusbong dahil sa teknolohiya at


marahil na rin sa pandemya. Ngunit, dapat na alalahanin ang mga akademikong
aktibidades na kailangang isagawa ng face-to-face dahil kung purong online lamang ay
parang naka-kahon na lamang ang mga estudyante at hindi na nasisilayan pa ang
tunay na takbo ng mundo. Nababawasan at hindi na na-eensayo pa ang mga
kakayahan. Gayunpaman, ang online at face-to-face learning ay nararapat lamang na
gamitin nang naaayon sa asignatura.

Buod at Kongklusyon

Malaki ang gampanin ng edukasyon sa buhay ng isang tao dahil ito ang nagiging
pundasyon at kasangga sa tunay na mundo tungo sa pag-unlad ng pansariling interest
pati na rin ang pag-unlad ng lipunan at ng bansa. Isa sa mga layunin ng estado, ayon
sa saligang batas ng 1987 Artikulo XIV, Sekiyon 1, na maitaguyod at pangalaan ang
karapatan ng bawat mag-aaral sa lahat ng antas sa dekalidad na edukasyon.

Sa pag-usbong ng mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral at mga guro


gaya ng mga problemang panlipunan at pambansa at problema sa sistema ng
edukasyon, patuloy naman sa paggawa ang mga sangay ng gobyerno ng mga hakbang
at programa upang maging maayos ang pagtataguyod ng mahusay at dekalidad na
edukasyon. Nariyan ang paglalaan ng Kagawaran ng Edukasyon ng pondo para sa
pang-edukasyon at ang pagsabatas ng RA 10931 o ang Free Tuition Fee program para
naman sa mga tauhang may problema sa pinansiyal. Sa gitna naman ng paglaganap ng
pandemya, napatupad ang pagtatalaga ng DepEd Order No. 20, series of 2020.
Naipakilala at naisagawa sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan ang mga
paraan ng Distance learning gaya ng online (synchronous at asynchronous), modular,
at TV/Radio-based Instruction.
Sa dami ng problemang ating kinakaharap sa edukasyon, nararapat lang na tayo
ay magkaisa para matulungan ang mga hindi nakakapagaral. Bagama’t marami rin ang
mga natulugan ng gobyerno, nararapat lang na ipaglaban natin ang nararapat at ayusin
ang kanilang pamamalakad.
SANGGUNIAN

Sevillano, S. S. (2022, November 15). DepEd vows inclusive learning recovery as


Senate OKs budget. Philippine News Agency.
https://www.pna.gov.ph/articles/1188596

How Do You Communicate with Your E-Learners? | The Rapid E-Learning Blog.
(2021, June 30). The Rapid E-Learning Blog.
https://blogs.articulate.com/rapid-elearning/how-do-you-communicate-
with-your-e-learners/
MANUSCRIPT: PABAHAY AT KAWALANG SEGURIDAD SA PAGKAIN

Introduksyon

Ayon kay Lord Scarman, pangulo ng United Kingdom Council for the
International Year of Shelter for the Homeless, ang tirahan ay isang pangunahing
pangangailangan ng tao kasama ng pagkain at tubig at ang tahanan ay isang
mahalagang kalagayan ng sibilisadong buhay. Minsang makita ang mga katotohanang
ito, ang kawalang tahanan ay kikilalanin sa kung ano ito: isang lantarang paghamak
sa dangal ng tao at ang pagkakait ng isang pangunahing karapatang pantao. Ang bawat
tao ay may pangangailangan sa buhay. Ito ay ang tirahan at pagkain. Ngunit, hindi
lahat ng tao ay may kakayahan upang ibigay ito sakanilang mga sarili

Ang isyung pabahay at kawalang seguridad sa pagkain ay patuloy na


lumalaganap sa bansang Pilipinas. Ang mga mamamayan ay walang matirahan at
makain sa kadailanang wala silan pera. Ang pagtaas ng populasyon ang isa sa mga
dahilan kung bakit hindi lahat ng tayo ay nagkakaroon ng access sa mga bagay na
pangkabuhayan. Kaya naman ating alamin ang iba pang dahilan kung bakit ang mga
Pilipino ay patuloy na naghihirap. Ating bigyan pansin ang isyung pabahay at kawalan
ng pagkain upang ang ating pamahalaan ay makagawa ng aksyon para sa ikabubuti ng
lahat.

Talakay

Pabahay

Ang pabahay ay isang problema na nakakaapekto sa mga mamamayan sa


Pilipinas dahil sa kahirapan, patuloy na pagtaas ng populasyon, kawalan ng tirahan
dulot ng natural na kalamidad, at mabagal na pamamahala ng ating gobyerno.

Tinatayang nasa 4.5 Milyon na mga Pilipino ang walang sariling tirahan o
nakatira sa mga impormal na pamayanan sa Pilipinas. Ang iba naman ay pinaalis sa
kanilang tinitirahan dahil sa mga proyektong pang-industriya. Sa kabila ng datos na
ito, may 66,756 ang mga pabahay na hindi pa na-occupy, at ang ilan pa rito ay nasisira
na walang nakatira. Karagdagan, sa 3.96 Bilyon na Residential Account Due ng NHA,
1.33 Bilyon pa lamang ang nakokolekta na kung saan may 1.97 Bilyon na Collection
Target.

Ang mga mamamayan o tinatawag na iskuwater ay naninirahan sa mga lugar na


mapanganib gamit ang mga sako at lumang basahan na pinagtatagpi-tagpi at
ginagawang tirahan. Kung ang mga tirahang ito ay hindi aalisin ng mga may
kapangyarihan, lilitaw ang siksikan, at walang bintanang mga kubo. Ang mga nakatira
roon ay maghahanap araw-araw ng tubig. Ang mga riles ng tren at mga tambakan ng
basura ay nagiging mga palikuran. Halos nakaiinggit kung ihahambing ang
“permanenteng” mga bahay sa matatawag na mga slum, kung saan sa paanuman ay
may kaunting tubig sa gripo at may mga kasilyas. Bukod dito, problema rin ang daloy
ng mga tao mula sa kanayunan, dahil sinusubukan nilang takasan ang lumulubog na
ekonomiya sa ng sariling bansa.
Sa inilabas na ulat ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2022
ang 2023 badyet sa pabahay ay nagkakahalaga na 4.029 bilyon. Ang halagang ito ay
halos kalahati ng badyet noong 2022. Kasama na rito ang mga benepisyong pabahay at
mga probisyon para sa malinis na pagkukuhanan ng inuming tubig para mapagaan ang
pamumuhay ng mga maralitang Pilipino. Gayunpaman, marami paring mahihirap ang
walang permanenteng tirahan

Ang Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2022 at 2023 ay


naatasan para sa proyektong pabahay na kung saan ibinigay ang 2 bilyon para sa
National Authority Housing, 1.09 naman para sa Department of Human Settlements
and Urban Development, 500 milyon naman sa Social Housing Finance Corporation, at
431 milyon para sa Human Settlements Adjudication Comission. Sumakatuwid,
tumutulong sa serbisyo ang NHA at nagbibigay ng pagkakataon upang paangatin at
paunlarin ang mga benepesiyaryo. Patuloy silang nagpapatupad ng mga programa at
proyekto upang makatulong sila sa mga mamamayang nangangailang ng lote o yunit.

MGA PROYEKTO NG PAMAHALAAN


• National Housing Authority (NHA) - isang korporasyong pag-aari at
kontrolado ng gobyerno sa ilalim ng Department of Human Settlements
and Urban Development (DHSUD) na may pananagutan sa
pampublikong pabahay sa Pilipinas.
• Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) - Ang
proyekto ay naaayon sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan
ang backlog ng pabahay sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas,
disente, at napapanatiling tirahan sa 6.5 milyong pamilya sa loob ng anim na
taon.
• Social Housing Finance Corporation - Ang SHFC ay ang nangungunang
ahensya ng gobyerno na magsagawa ng financing ng mga social housing program
na tutugon sa mga pormal at impormal na sektor sa mga may mababang kita.
• Human Settlements Adjudication Commission- Ito ay komisyon sa
adhudikasiyon para sa panananhanang pantao
Subalit, kahit napopondahan ng pamahalaan ang proyektong pabahay, ang
programang ito ay mabagal pa rin, nagdudulot ng mga suliranin, kagaya ng kakulangan
sa kakayahang pagproseso ng pagtamo sa mga lupa, pagkuha ng lisensya ng lokal na
pamahalaan, urban planning ,at hindi malinaw na patakaran ng pagkuha nito.

Kawalan ng Seguridad sa Pagkain

Ang kawalan ng seguridad sa pagkain ay isa sa mainit na suliranin na


kinakaharap ngayon ng mga mamamayan at ng ating bansa. Isa sa kinakakailangan
nating mga Pilipino ay ang bigas. Umaangakat pa ng bigas ang pilipinas sa mga bansang
Vietnam at Thailand, ngunit paano nangyari na ang bansang nag eexport lang noon ay
nag iimport na ngayon. Ang bansang kinalagayan ng International Rice Research
Institute o (IRRI) ay isa sa umaangakat ng bigas sa mga bansang Vietnam at Thailand.
Ang kawalan ng seguridad sa pagkain at stress at mga hamon sa kalusugan ng isip ay
kumplikado. Ang hindi pagpapakain sa iyong pamilya ay nagdudulot ng stress at
nagpapalala sa mga hamon sa kalusugan ng isip. Ang talamak na stress ay nauugnay
sa mas mataas na antas ng depresyon at pagkabalisa. Malaking problema ang
kakulangan ng pagkain dahil kakambal ito ng gutom. At sa isang tao na nakakaramdam
ng gutom, asahan nating sa pagtindi ng nararamdamang gutom hindi magtatagal ay
maiisipan niyang gumawa ng hindi mabuti sa kapwa at komunidad. Mas malaki ang
lilikhaing problema sa komunidad o bansa kapag dumami ang nagugutom.

Ang mga tao ay kailangang magkaroon ng access sa sapat na pagkain upang


manatiling malusog, at ang mga presyo ng pagkain ay maaaring magbago nang malaki.
Ang seguridad sa pagkain ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sapat na pagkain
na makakain sa lahat ng oras. Nangangahulugan din ito na walang sinuman ang
nagugutom o natatakot na magutom. Kasama sa seguridad sa pagkain ang kakayahang
makayanan ang mga pagkagambala o kakulangan ng pagkain dahil sa mga bagay tulad
ng mga natural na sakuna, kawalang-tatag ng ekonomiya, o digmaan. Karaniwang
nakakaligtaan ang problema sa suplay ng pagkain. Hindi natin halos mapansin ang
kakulangan nito dahil sa mga fast food commercials na nakikita natin sa media. Atin
nalamang mapapansin na may problema kung ito na ay narinig natin sa balita, radyo
o telebisyon na tumaas na naman ang presyo ng gulay, karne, bigas o mga rekado.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), nasa humigit kumulang 3 million o


11.8% ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng kagutuman sa nakalipas na
tatlong buwan o huling quarter ng 2022. Napag-alaman sa survey na karamihang
nakararanas ng gutom ay sa Mindanao na may 12.7% na mga pamilya, sinundan ng
Visayas (12%), Metro Manila (11.7%), at Balance Luzon (11.3%). Sumakatuwid, ating
masasabi na ang patuloy na kawalan ng seguridad sa pagkain ay nagreresulta ng
kagutuman sa nakararami.
Lumalabas din na noong Setyembre 2022, mas marami nang inangkat na bigas
ng Pilipinas, kompara sa kabuuang inangkat nito sa buong 2021. Sa datos mula sa
Bureau of Plant Industry, pumalo na sa higit 2.8 milyong metric tons na bigas ang
inangkat ng Pilipinas mula Enero 1 hanggang Setyembre 8, mas malaki sa 2.77 milyong
metric tons na inangkat buong 2021. Nakadepende pa rin ang Pilipinas sa pag-import
ng bigas. Ipinahayag ng Federation of Free Farmers (FFF) na posibleng umangkat ng
tatlong milyong metriko tonelada ng bigas ang Pilipinas sa susunod na taon. Ayon sa
FFF, posibleng magkulang ang bigas sa bansa sa third quarter ng 2023. Ang mahinang
produksiyon at ang mataas na pangangailangan sa pagkain ang dahilan kaya mag-
aangkat ang Pilipinas ng tatlong milyong metriko tonelada.

Ayon kay FFF Montemayor (2022), 321,000 tonelada lamang ng bigas ang maaaring
maprodyus bago matapos ang 2022 at hindi ito sasapat kaya kailangang mag-angkat.
Lumalaki rin umano ang populasyon kaya malaki ang panga¬ngailangan sa pagkain.
Isa pang problemang kahaharapin sa pag-angkat ng bigas ay ang pamamayagpag ng
smugglers ng agri products. Dahil kulang ang suplay ng bigas, dadagsa ang mga puslit
na bigas. Walang katapusang pag-import at wala ring katapusan ang pag-smuggle ng
bigas. Sumakatuwid, ating masasabi na dahil s patuloy na pag

Dahil sa kakulangan ng suporta sa sector ng agrikultura mula sa ating


pamahalaan, ang kagutuman ay patuloy ng lumalaganap sa ating bansa. Maraming
mamamayan ang naghihirap, nagkakasakit, nagugutom at nagdurusa dahil sa ating
kapabayaan. Ngunit, ang ating pamahalaan ay nagbigay proyekto upang matugunan o
maresolba ang ating problema. Ito ay ang Senate Bill No. 1924, o ang Rural Agricultural
and Fisheries Financing Enhancement Act, na kung saan ang proyektong ito ay
nagtatadhana ng pagpopondo sa agrikultura, pangisdaan at pagpapaunlad ng
kanayunan upang mapabuti ang produksyon, kita, pagiging mapagkumpitensya at
kapakanan ng mga benepisyaryo ng komunidad sa kanayunan, tulad ng mga
magsasaka at mangingisda, gayundin ang kanilang mga kooperatiba, organisasyon at
asosasyon, sa pamamagitan ng gobyerno at pribadong institusyon sa pagbabangko.

BUOD AT KONGKLUSYON

Bagaman napopondohan o may mga proyektong naipapatupad ang pamahalaan


upang masolusyonan ang mga sularing ito, isyung pabahay at kakulangan sa pagkain,
ay hindi parin ito sapat dahil minsan kapag may nakita ng pagbabago, ito na ay
napapabayaan. Ito ay nagdudulot upang mas lumala ang problemang ating
kinakaharap.

Permanenteng solusyon ang ating hinahanap. Solusyon na kung saan


mababawasan ang mga taong naghihirap. Kung hindi tayo kikilos ngayon, ang ating
bansa ay patuloy nalamang kakaharapin ang mga isyung ito. Paano tayo mabubuhay
kung wala tayong sapat na pagkain at matitirahan? Paano uunlad ang ating bansa kung
ang ating pamahalaan ay hindi kumikilos para sa ating kapakanan?

Ang paglutas at pagtugon sa mga suliranin at pangangailangan sa pabahay at


kawalan ng pagkain ay isang napakalaking pasanin para sa pamahalaan. Sa aming
pananaw, may dalawang solusyon sa kakulangan sa pabahay. Una ay ang pagkontrol
ng pagdami ng populasyon sa pamamagitan ng tamang pagpaplano ng
pamilya. Pangalawa ay ang pagpapaunlad ng mga lalawigan para hindi na magsiksikan
sa lungsod ang mga mamamayan. Kapag naipatupad ang dalawang ito, siguradong
bababa ang bilang ng mga pamilyang walang sariling bahay. Bababa rin ang bilang ng
mga pamilyang umaasa sa programang libreng pabahay ng gobyerno dahil kaya na
nilang magpatayo ng sarili nilang mga bahay.

Sa kabilang dako, ang pamahalaan ay dapat magbigay pansin sa paparating na


“perfect storm” dulot ito ng pinagsama-samang epekto ng climate change, pataas na
presyo ng pagkain, krisis sa enerhiya, pagkasira ng kalikasan, at paglobo ng
populasyon. Ito ang pinakamalaking banta sa food security at global agriculture sa
siglong ito. Kaya habang maaga pa dapat may mainam na naplano upang mapanatili
ang ang seguridad sa pagkain. Kailangang matiyak na may akma at sapat na
pamilihang mapagdadalhan ng kanilang ani ang mga magsasaka/mangingisda.
Kailangan din ang maingat na paggabay sa mga namumuhunan para matiyak ang
positibong resulta. Importante na mapalakas ang relasyon sa pagitan ng munisipalidad
at mga umaasang sektor dito. Habang may nagtatanim, nagsasaka, nangingisda hindi
dapat kumupas o humina ang ayuda ng pamahalaan para matiyak na magtutuloy-tuloy
ang produksyon ng mga pagkaing ilalapag sa bawat hapag. Ibigay ang dapat ibigay,
itulong ang dapat itulong, at tulungan ang dapat tulungan

Ating tandaan, ang pagbabago ay naguumpisa sa atin. Kaya naman ating bigyang
pansin ang mga isyung lumalaganap sa ating bansa, ito man ay mapalokal or national.
Tayo ay magtulong tulong upang ang ating buhay ay mas mapadali.
SANGGUNIAN

F., & F. (2022, September 4). Seguridad sa pagkain. NewsKo | Ang Peryodiko Ng Bagong
Pilipino. https://newsko.com.ph/2022/09/04/seguridad-sa-pagkain1/

ABS-CBN News. (2022, September 19). Presyo ng imported na bigas posibleng tumaas.
https://news.abs-cbn.com/business/09/19/22/presyo-ng-imported-na-bigas-
posibleng-tumaas

EDITORYAL - Walang katapusang pag-import ng bigas. (2022, December 16).


Philstar.com. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2022/12/17/2231428/editoryal-walang-katapusang-pag-
import-ng-bigas

Ulep, B. J. (2023, January 19). 3M pamilyang Pilipino, nakaranas ng gutom sa huling


quarter ng 2022 – survey. Bombo Radyo News.
https://www.bomboradyo.com/3m-pamilyang-pilipino-nakaranas-ng-gutom-
sa-huling-quarter-ng-2022-survey

Mga proyekto ng Pabahay - Mga Pahina [1] - World ensiklopediko kaalaman. (n.d.).
https://tl.swewe.net/word_show.htm/?1110925_1&Mga_proyekto_ng_Pabahay

Leal, S. (2023, January 20). Poverty and Homelessness: Facts and Statistics in the
Philippines. ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/367284451_Poverty_and_Homeless
ness_Facts_and_Statistics_in_the_Philippines
MANUSCRIPT: PANGKALUSUGAN AT MALNUTRISYON
Introduksyon

Isa sa mga isyu na patuloy na lumalaganap sa ating bansa ay ang isyung


pangkalusugan. Ang kalusugan ng tao ay isang mahalagang paksa na dapat tugunan
at pangalagaaan sa araw-araw. Ito ay naiuugnay sa estado ng pisikal, mental,
esperitual, at panlipunang pangangailangan ng tao. Sa ating kapabayaan sa kalusugan,
ang ating katawan ay nakraaranas ng iba’t ibang sakit. Isa na rito ang malnutrisyon.
Ang kakulangan, sobra, o hindi tamang balanse ng nutrisyon sa ating katawan.
Mahalaga na ating pagusapan ang iba’t ibang isyu ukol sa ating kalusugan upang tayo
ay mabigyan kaalaman at ito ay ating masolusyonan. Hindi biro ang mga isyung
pangkalusugan, kaya naman atin itong bigyan pansin upang tayo ay makatulong sa
mga taong nangangailangan.

Talakay

Pangkalusugan

Ang Kagawaran ng Kalusugan ay ang ahensiya ng gobyerno na namamahala sa


mga serbisyong pangkalusugan ng Pilipinas, partikular ang mga mamamayang Pilipino.
Napakahalaga ng Kagawaran ng Kalusugan sapagkat ito ang natatanging ahensiyang
makakatulong at makakatugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa kanilang
kalusugan. Ayon sa Kagawaran ng Badyet at Pamamahala, tumaas ng 27% ang badyet
sa pangkalusugan na umaabot sa 296.3 bilyon upang matugunan ang mga isyu sa
pangkalusugan lalo na ang COVID-19 at mapalawak ang mga pasilidad sa
pangangalagang pangkalusugan. Kaya naman napakahalaga ng Kagawaran ng
Kalusugan upang ang mga Pilipino ay mayroong kamalayan at gabay sa maayos na at
magandang kalusugan.

Binubuo ito ng mga gugulin sa mga serbisyong ospital, outpatient, kalusugang


pambubliko, seguruhang pangkalusugan at pangkalusugang pananaliksik at
pagsulong.

A. Health Human Resource


Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng bagong health personnel para matiyak ang
paghahatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga liblib na
lugar. Ayon sa World Health Report, sila ay ang mga kagawaran na nakikibahagi sa mga
aksyon na ang layunin ay mapahusay ang mga positibong resulta sa kalusugan.

B. Early Childhood Care and Development


Isang pambansang ahensya ng pamahalaan sa Pilipinas na unang inatasan
bilang isang koordinasyong katawan para sa early childhood education sa bisa ng
Republic Act 8980 of 2000, at opisyal na itinatag bilang Council noong 2009 sa
pamamagitan ng Executive Order No. 778. Noong 2013, R.A. 10410 o ang “Early Years
Act of 2013” na kilala rin bilang EYA Law ay pinatibay. Ito ay "Isang Batas na Kinikilala
ang Edad Mula Zero (0) Hanggang Walong (8) Taon bilang the First Crucial Stage of
Educational Development and Strengthening the Early Childhood Care and
Development System (ECCD System) na Naglalaan ng mga Pondo Para Dito at Para sa
Iba Pang Layunin." Pinopondohan ng PAGCOR ang karamihan sa mga programa ng
Konseho at naglalayong bigyan ang lahat ng 9.3 milyong bata, limang taon pababa, ng
mahahalagang bitamina at mineral.

C. National Immunization
Ang National Immunization Program, na noon ay kilala bilang Expanded Program
for Immunization, ay inilunsad ng gobyerno ng Pilipinas noong Hulyo 12, 1976 sa tulong
ng World Health Organization (WHO) at ng United Nations Children's Fund (UNICEF)
upang matiyak na ang mga sanggol/ bata at ina ay may access sa mga regular na
inirerekomendang bakuna para sa sanggol/bata. Pangunahing layunin ng programang
ito na bawasan ang morbidity at mortality sa mga bata laban sa mga pinakakaraniwang
vaccine-preventable disease (VPDs) na kinabibilangan ng tuberculosis, poliomyelitis,
diphtheria, tetanus, pertussis at tigdas. Sa ngayon, ang Pinalawak na Programa sa
Pagbabakuna ay nagbibigay ng ligtas at epektibong mga bakuna laban sa mga VPD para
sa mga bagong silang, sanggol, mas nakatatandang bata, buntis, at mga senior citizen.
Pagsasagawa ng ganap ng imunisasyon sa 2.4 milyong bata sa buong bansa laban sa
mga sakit na kanyang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng diptesya, tigdas
at rubella (German Measles).

D. Other Infectious Diseases


Naglalayong mabawasan ang epekto sa kalusugan ng mga nakakahawang sakit,
at palakasin ang paghahanda at pagtugon sa mga lumilitaw at papalitaw pa lamang na
mga sakit. Kasama na rito ang naging dulot ng Covid 19 at mga variant nito, AIDS at
iba pa.

Ayon sa mga pag-aaral, ang pinakamahusay na proteksyon ay ang


mabakunahan. Ang mga taong ganap na nabakunahan ay maaari na ngayong gumawa
ng mas maraming bagay nang ligtas at nakakatulong silang mabawasan ang COVID-19
sa komunidad (King County, n.d.). Ang pagsusuot ng mask sa mga lugar na may mataas
na peligro (gaya ng mga mataong lugar) ay nakakatulong na protektahan ang lahat. Ang
pag-iwas na makisalamuha sa mga mataong lugar ay isa pang paraan upang
maiwasang maimpeksyonan ng COVID-19. Lalong mahalaga na protektahan ang mga
taong hindi makakakuha ng buong proteksyon mula sa bakuna, tulad ng mga bata at
mga taong may kondisyong medikal na hindi gaanong kayang labanan ang bayrus.

Dapat panatilihing maliit at sa labas ang mga aktibidad kung sasali ang mga
taong hindi nabakunahan. Ang virus ay madaling kumalat sa loob ng bahay, kaya ang
mga negosyo at organisasyon ay maaaring mabawasan ang virus sa hangin sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang daloy ng hangin sa panloob at paggamit
ng mga air filter.

Positibong Pangangalaga / gamot sa HIV ay isang medikal na kasanayan na


nakatuon sa mga pasyente na nabubuhay na may HIV. Makikipagtulungan ang Health
Services upang gumawa ng isang plano upang manatiling malusog, inirerekumenda
kung aling mga gamot ang pinakamahusay, talakayin ang mga resulta sa lab at
kumunsulta sa anumang nauugnay sa iyong pangangalagang medikal.

Ang HIV ay nangangahulugang Human Immunodeficiency Virus at maaaring


humantong sa Acquired Immune Deficit Syndrome (AIDS). Ang HIV ay nakakaapekto sa
mga cell ng immune system ng tao na, sa paglipas ng panahon, pinipigilan ang
kakayahan ng katawan na labanan ang mga impeksyon at sakit. Ngayon, ang HIV /
AIDS ay maaaring mapamahalaan bilang isang malalang sakit sa pangunahing setting
ng pangangalaga sa mga gamot na HIV. Hindi mapapagaling ng mga gamot sa HIV ang
impeksyon sa HIV, ngunit makakatulong ito sa mga taong may HIV na mabuhay ng
mas mahaba, mas malusog na buhay at mabawasan ang panganib na maihatid ang
HIV. Sa loob ng higit sa 25 taon, ang Serbisyong Pangkalusugan ay nangunguna sa
pangangalaga sa HIV / AIDS. Ang mga manggagamot sa aming mga klinika na Positive
Care ay nakatulong sa libu-libong mga pasyente na humantong sa malusog na buhay
sa pamamagitan ng kalidad na pangangalaga at mga bagong therapies sa gamot.

E. Tubercolosis Control
Ang TB ay naikakalat sa pamamagitan ng hangin mula sa isang tao papunta sa
ibang tao. Ang mga mikrobyo ng TB ay kumakalat sa hangin kapag umuubo,
nagsasalita, o kumakanta ang isang taong may nakahahawang sakit na TB. Maaaring
malanghap ng mga taong nasa malapit ang mga mikrobyong ito ng TB at mahawahan.
Kapag nalanghap ng isang tao ang mga mikrobyo ng TB, maaaring manatili ang mga
mikrobyo ng TB sa baga at magsimulang lumago. Mula doon, maaaring lumipat ang
mga mikrobyo ng TB sa pamamagitan ng dugo sa ibang mga bahagi ng katawan, tulad
ng bato, gulugod, o utak. Maaaring mahawa ng TB ang sinuman. Ang mga taong may
sakit na TB ay kailangang gumamit ng ilang gamot kapag nagsimula na silang
magpagamot. Matapos gumamit ng gamot sa TB nang ilang linggo, magagawang
matukoy ng doktor sa mga pasyente ng TB kung hindi na nila maikakalat ang mga
mikrobyo ng TB sa iba. Karamihan ng mga taong may sakit na TB ay kailangang
gumamit ng gamot sa TB nang hindi bababa sa 6 na buwan para malunasan. Kung
mayroon kang sakit na TB, kakailanganin mong gumamit ng iba't ibang mga gamot sa
TB. Ito ay dahil marami ang mga mikrobyo ng TB na papatayin. Ang paggamit ng
maraming gamot sa TB ay makakagawa ng mas mahusay na trabaho sa pagpatay sa
lahat ng mikrobyo ng TB at mahadlangan ang mga ito na maging palaban sa mga gamot.
Ang "pagiging palaban" ay nangangahulugang hindi na mapatay ng gamot ang bakterya
ng TB. Ang pinakakaraniwang mga gamot na ginagamit sa paggamot sa sakit na TB ay
» Isoniazid (INH) » Rifampin (RIF) » Ethambutol (EMB) » Pyrazinamide (PZA) Kung
mayroon kang sakit na TB sa baga o lalamunan, malamang na nakakahawa ka.
Kailangan mong manatili sa bahay mula sa trabaho o paaralan upang hindi mo
maikalat ang mga mikrobyo ng TB sa ibang tao. Matapos ang paggamit ng iyong gamot
sa loob ng ilang linggo, magiging maayos ang iyong pakiramdam at baka hindi ka na
makakahawa sa iba. Sasabihin sa iyo ng iyong doktor o nars kung kailan ka maaaring
bumalik sa trabaho o paaralan o bisitahin ang iyong mga kaibigan. Hindi ka dapat
pahihintuin ng pagkakaroon ng sakit na TB sa pamumuhay ng isang normal na buhay.
Ang mga taong hindi na nakakahawa o may nararamdamang sakit ay madalas na
nakakagawa ng parehong mga bagay na ginagawa nila bago sila nagkaroon ng sakit na
TB. Kung gagamitin mo ang iyong mga gamot ayon sa tagubilin ng iyong doktor o nars,
dapat mapatay ng mga ito ang lahat ng mga mikrobyo ng TB. Mapipigilan ka nito na
magkasakit muli.

F. Health Facilities Enhancement


Maglalayong makabili ng mga kagamitan para sa mga ipapatayo, ipapaayos o
palalawaking pasilidad pangkalusugan ng gobyerno. Binibigyang tuon din ditto ang
pagpapagawa, pagpapaayos, at pagkukumpuni ng mga estasyong pangkalusugan sa
mga barangay, rural health units, ospital ng mga LGU at rehabilitation centers para sa
mga drug dependent na gustong magbago bukod sa iba pa.
Ayon kay Bolongan (2023), inilahad ng Philippine Information Agency (PIA) na
mayroong apat na bagong barangay health stations na binuksan sa Maguindanao del
Sur. Magkakaroon na ng mas maayos na access sa serbisyong pangkalusugan ang mga
residente sa probinsya ng Maguindanao del Sur matapos buksan kamakailan ng
Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-
BARMM) ang apat na bagong Barangay Health Stations (BHS) sa lugar. Ang apat na
bagong mga pasilidad ay matatagpuan sa Barangay Manindolo sa Datu Paglas,
Barangay Muti sa Guindulungan, at mga Barangay ng Kakal at Kapinpilan sa
Ampatuan. Bawat BHS ay nagkakahalaga ng abot sa P2.5 milyon, at kumpletong mga
kagamitan na nagkakahalaga naman ng P500,000. Dalawa sa naturang BHS ay
pinondohan sa ilalim ng Tiyakap Bangsamoro Kalusugan Program (TBKP), habang ang
dalawang iba pa ay sa ilalim ng Special Development Fund (SDF) ng BARMM.
Samantala, binigyang-diin ni MOH Minister Dr. Rizaldy Piang na ang pagbubukas ng
nasabing mga health station ay isang malaking hakbang upang maisakatuparan ang
layuning makapagbigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mamamayang
Bangsamoro. Kaugnay dito pinuri ni MOH Director for Operations Dr. Tato Usman ang
pagbubukas ng nasabing mga BHS dahil kumpleto na aniya ito sa kagamitan at
mayroon din itong health personnel na siyang mamamahala at magbibigay ng
serbisyong pangkalusugan sa mga residente. Sa gayon, ating masasabi na ang
pagbukas ng iba’t ibang health station sa bawat barangay ay isang malaking tulong
para sa mga mamamayan. Ito ang magsisilbing takbuhan sa mga panahon ng kanilang
pangangailangan.

Malnutrisyon
Ang problema sa malnutrisyon ay patuloy parin na gumigimbala sa buong
mundo, lalo na sa Pilipinas kung saan milyon-milyong tao — matatanda at bata — ay
nakakaramdam, nagdurusa, at namamatay. Ayon sa United Nations Children's Fund,
sa nakalipas na labin-limang taon maliit lamang na progreso ang naisagawa upang
mabawasan ang malnutrisyon sa kabila ng magandang paglago ng ekonomiya at
pagtaas ng badyet sa kalusugan ng Pilipinas. Ang patuloy na pagdami ng kaso ng
malnutrisyon ay kadalasang laganap at kumakalat sa rural na lugar kung saan
kahirapan at kagutuman ay nangingibabaw.

Ang malnutrisyon ay isang kondisyon na sanhi ng kakulangan, labis, at hindi


balanseng kaloriya at sustansya sa pagkain. Ayon sa World Health Organization,
mayroong tatlong pangkalahatang uri ng malnutrisyon. Ito ay ang mga taong kulang sa
nutrisyon, labis sa nutrisyon at ang labis sa nararapat na timbang. Sa Pilipinas,
umaabot sa 28 na milyong Pilipino ang nanganganib na dumadanas ng malnutrisyon.
Ayon kay Eusebio (2022), sa datos ng World Health Organization (WHO), nasa 95 na
bata ang namamatay sa bansa dahil sa malnutrisyon kada araw. Habang nas 27 kada
1,000 Filipino na bata naman ang hindi nakakalagpas sa kanilang pang-limang taong
gulangna kaaarawan dahil sa kondisyong ito. Kaya naman napakahalaga na malaman
at maunawaan ng mga Pilipino ang malnutrisyon upang makakilos tungo sa
pagpapabuti nito.

Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), isa sa mga dahilan sa


paglaganap ng malnutrisyon ay ang kakulangan ng sapat na masustansiyang pagkain
o kaya’y dahil sa kahirapan na maiabot ang pangangailangan sa buong populasyon.
Ayon sa Worldometer, ang populasyon ng Pilipinas ay mahigit 113,524,763. Dahil sa
patuloy na pagtaas ng populasyon, ang ating mga produkto ay hindi na sapat upang
sustentohan ang ating mga pangangailangan sa kadahilanang kaunti nalamang ang
mga lupa na maaari nating pagtaniman. Ang pagtayo ng mga komersyal na gusali ay
isa sa mga dahilan kung bakit ang ating lupang agricultural ay nawawala na.

Kaakibat rin ng pagtaas ng populasyon ay ang kakulangan sa trabaho. Ayon sa


mga pag-aaral ng ilang respetadong institusyon, ang tinayang 7.8 persyento ng kawalan
ng trabaho sa bansa ay isa rin sa mga sanhi kung bakit hindi sapat ang sustansiyang
nakukuha ng bawat pamilya. Sa kadahilanang walang pera, hindi na nakakabili ng
wastong pagkain at nutrisyon ang mga magulang para sa kanilang mga anak, at sa huli
napapabayaan na nila ang kanilang mga sarili. Kahit pa may makitang pagkakakitaan,
hindi parin ito sapat dahil rin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

Isa pang sanhi ng malnutrisyon ay ang kakulangan sa protina (protein-


deficiency). Ayon sa FNRI, ang malnutrisyon ay nageepekto sa kakulangan sa timbang,
pangangayayat, panghihina ng pangkalahatang kalamnan ng katawan. Ang porsyento
ng pagiging bansot (stunted growth) sa mga kabataan noong 2011 ay dumoble ito a 33%
rate sa sumunod na taon. Ang pangangailangan ng protina ay nagbabago depende sa
edad, kasarian at mga kondisyon sa katawan. Ito ay mahalaga dahil tumutulong ito sa
pagbuo ng buto at mga kalamnan (Mediko, 2020).

Ayon kay Lazaro-Zamora (20203), and pagiging sobra sa timbang o pagiging


obese ay isa rin sa mga sanhi ng malnutrisyon. Ang pagkakaroon ng mas mataas na
Body Mass Index (BMI) ay kadalasang nangyayari sa mga batang kumakain ng higit pa
sa calories na kaylangan nating kainin. Kaya ating bantayan ang mga pagkain na ating
kinakain at suriin mabuti kung ito ay masustansya o hindi.

MGA PROGRAMA TUGON SA PANGKALUSUGAN AT MALNUTRISYON


Upang malabanan at mabawasan ang kaso ng malnutrisyon sa bansa at
mapanatili ang ating kalusugan, ang ating gobyerno at pamahalaan ay nagsasagawa ng
ilang programa upang matulungan at mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan sa
kahalagahan ng kalusugan at nutrisyon sa mga kabataan.

1) Feeding Program
Isa na rito ay ang “feeding program” para sa mga batang may edad 3 hanggang
12 taong gulang o ang mga batang nag-aaral sa daycare hanggang sa ikaanim na
baitang. Ang programang ito ay isinasagawa sa mga pampublikong paaralan, kung saan
ang mga bata ay mabibigyan ng masusustansyang pagkain sa loob nang hindi bababa
sa 120 araw sa isang taon. Kaakibat din ng programang ito ang Department of Health
(DOH) kung saan sila ay naatasan upang magbigay ng micronutrient supplement para
sa mga kalahok sa programa.

2) Gulayan sa Paaralan
Isa pang programa ng gobyerno ay ang “Gulayan sa Paaralan,” na kung saan ang
mga paaralan ay maglalaan ng lupa para sa pagtanim ng mga gulay, prutas at iba pang
mga masusustansyang pagkain. Ang programang ito ay makakatulong sa mga
estudyante upang mapabuti ang kanilang kalusugan. Ito rin ay magbibigay kaalaman
sa mga kabataan kung gaano kaimportante ang mga masusustansiyang pagkain sa
buahy. Hindi lamang tinutulungan ng progamang ito ang feeding rprogram, kung hindi,
tinutulungan nito ang mga bata upang pahalagahan na ang kanilang sarili.
Buod
Ang kalusugan ng isang tao ay tunay ngang mahalaga sapagkat ito ang
nagbibigay lakas upang tayo ay makagalaw at makapagtrabaho nang maayos at
pinapaganda ang ating buhay sa pamamaraan ng pagkakaroon ng malusog na katawan
at may sapat na nutrisyong ating nakukuha sa mga masusustansiyang pagkain,katulad
ng mga prutas, gulat, mga pagkaing mayaman sa protina, at marami pa. Ang
Kagawaran ng Kalusugan ay ang ahensiya ng gobyerno na namamahala sa mga
serbisyong pangkalusugan at pinagtutuonan nito ng pansin ang pagkuha ng mga
bagong health personnel para masigurado ang paghahatid ng mga pangunahing
serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga liblib na lugar. Naglalayon ding bigyan ng
mga mahahalagang bitamina at mineral ang lahat ng 9.3 milyong bata na limang taon
pababa, at pagbibigay bakuna sa 2.4 milyong bata sa Pilipinas upang malabanan ang
mga sakit. Nais din nilang bawasan ang epekto ng mga nakakahawang sakit, kagaya ng
COVID-19, AIDS, AT HIV, sa kalusugan at palakasin ang paghahanda at pagtugon sa
mga sakit na lumilitaw at lilitaw pa lamang. Bilang karagdagan, naglalayong pigilin ang
pagdami ng mga kaso ng Tubercolosis. Naglalayon din silang makabili ng mga
kagamitan para sa mga ipapatayo, ipaaayos na mga pasilidad pangkalusugan ng
gobyerno. Sa kabilang dako, ang malnutrisyon ay isa rin sa mga problemang
kinakaharap ng ating bansa, lalo na’t kasabay nito ang pagtaas ng kahirapan at
populasyon. Ang malnutrisyon ay isang kondisyon na sanhi ng kakulangan, labis, at
hindi balanseng kaloriya at sustansya sa pagkain sa katawan ng isang tao. Ang
kakulangan sa protina ay sinasabing ito ang pangunahing kaso ng malnutrisyon sa
ating bansa. Bilang karagdagan, ang pagkakaroon ng feeding program at gulayan sa
paaralan ay mahalaga sapagkat ito ang daan upang mabawasan ang pagdami ng kaso
ng malnutrisyon sa Pilipinas. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ng malnutrisyon ng
pilipinas ay isang epekto ng kahirapan sa buhay ng mga Pilipino at ang isyung ito ay
dapat pagtuonan ng pansin sapagkat maraming mga tao ang namamatay dahil dito.
Sana ay gumawa ang gobyerno ng isang programa ukol sa pagbibigay pangkabuhayan
sa mga Pilipinong mahihirap at nangangailangan, o kaya’y pataasin ang benepisyaryong
natatanggap ng mga magsasaka at mga trabahong pang-agrikultura nang sa ganun ay
mahikayat ang mga Pilipinong magtrabaho at mapayaman ang ating bansa sa
pagkakaroon ng madaming pagkukunan ng mga pagkaing masusustansiya, kagaya ng
prutas, gulay, bigas, alagang hayop, at isda. Bilang karagdagan, sana ay maikatuparan
din sa mga paaralan ang pagkakaroon ng mga aktibidad at pagbibigay kaalaman sa
mga aktibidad na kagaya ng pag-eehersisyo na maaaring makatulong sa ating
kalusugan at pagpapaganda ng ating mga katawan dahil hindi sapat na tayo ay
kumakain lamang ng mga masusustansiyang pagkain upang tayo ay maging malusog
at malakas, bagkus kailangan din nating palakasin ang ating katawan sa pamamagitan
ng pag-eehersisyo o mga pisikal na aktibidad. Bilang katapusan, ating pagtuonan ng
pansin ang ating kalusugan dahil ito ang daan upang mapahaba pa ang ating buhay at
mabigyang lakas para labanan ang mga sakit at iba pang mga bagay na maaaring
makaapekto sa ating kalusugan.
Sanggunian

Admin, C. (2020, May 19). REPUBLIC ACT No. 11037 (Masustansyang Pagkain
para sa Batang Pilipino Act) | Children’s Legal Bureau.
https://clb.org.ph/2020/05/19/republic-act-no-11037-masustansyang-
pagkain-para-sa-batang-pilipino-act/

Agenda for Prosperity: Economic Transformation Towards Inclusivity and


Sustainability. (n.d.). https://www.dbm.gov.ph/images/pdffiles/2023-
Peoples-Proposed-Budget.pdf

Department of Health. (n.d.). https://doh.gov.ph/health-


programs/immunization-program/objectives

Eusebio, C. (2022, December 16). Ano Ang Malnutrisyon? 8 Signs Na


Malnourished Ang Iyong Anak. theAsianparent Philippines: Your Guide to
Pregnancy, Baby & Raising Kids. https://ph.theasianparent.com/ano-ang-
malnutrisyon

Mga rekomendasyon ng pampublikong kalusugan para pahintuin ang COVID-19


(Tagalog) - King County. (n.d.). King Country.
https://kingcounty.gov/depts/health/covid-
19/languages/tagalog.aspx?fbclid=IwAR0FixhLRnKPLNU2DjpzMiJQCkI04kI79
HjbjAJ9jimYro5d6TF8FuVQ5mw

Lazaro-Zamora, N. C. (2023, March 7). Uri Ng Malnutrisyon, Anu-Ano Ang Dapat


Malaman Ng Mga Magulang? Hello Doctor.
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-
bata/malnutrisyon/uri-ng-
malnutrisyon/?fbclid=IwAR0pJX7f0IueCZwYCu_M_hDOsg_WMMzYLPEv
wwxSNTj3k2X5n4MzfKMy2bo

Peña, K. D. (2022, June 14). Duterte’s last loan, $178M from WB, eyes 2022
targets vs stunting | Inquirer News. INQUIRER.net.
https://newsinfo.inquirer.net/1610270/dutertes-last-loan-178m-from-
wb-eyes-2022-targets-vs-stunting

Philippines Population (2023) - Worldometer. (n.d.).


https://www.worldometers.info/world-population/philippines-
population/#:~:text=The%20current%20population%20of%20the,the%20latest
%20United%20Nations%20data.

Positibong Pangangalaga / HIV. (n.d.). Health Services.


https://dhs.lacounty.gov/tl/ang-aming-serbisyo/pangunahing-
pangangalaga/positibong-pangangalaga-
hiv/?fbclid=IwAR0fZGdHyz3xUve6ISbQAaSmG1ZBbaypBrP6AN60-
LdpgSYJ7_FLsjRJ8dg

Protina - Mediko.ph. (2020, April 13). Mediko.ph.


https://mediko.ph/nustrisyon/protina/?fbclid=IwAR2uE_IzBwMz0-
sdWko1rb22JUOvJ9R2cZHPJbDsJQbguOS2ZJl-YZ9PG8U

World Health Organization: WHO. (2019, November 14). Malnutrition.


https://www.who.int/health-
topics/malnutrition#:~:text=Malnutrition%20refers%20to%20deficiencies%20or
,as%20diet%2Drelated%20noncommunicable%20diseases.

You might also like