You are on page 1of 9

WRITTEN

REPORT

“Edukasyon – Teknolohiya”

Baetiong, Ayana Mae


Cabansag, Rosito Romar
Principe, Ellen Mae

BSA 1-5
I. DEPINISYON

Ano ang Edukasyon?

Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan at


ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing
layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang
edukasyon ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang
maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

Sa pangkalahatang kahulugan, ang edukasyon ay ang proseso ng pagbabahagi,


pagkuha at pag-iipon ng kaalaman. Ito ay tumutulong sa tao upang mapaunlad ang kanyang
kakayahan, pang-unawa at pagkatao. Ito rin ay tumukoy sa pag-aaral ng iba’t-ibang
asignatura upang matuto ng iba’t-ibang kasanayan para magamit sa pang-araw-araw na
buhay at para sa kinabukasan.

Uri ng Edukasyon

 Pormal - Sa pormal na paraan, ang pag-aaral ay nagaganap sa loob ng paaralan. Ang


bata na nasa wastong edad ay dadaan sa iba’t-ibang yugto ng pag-aaral simula elementarya
patungo sa sekondarya o mataas na paaralan. Pagkatapos niyang makapagtapos ng
sekondarya, tutungo naman ang mag-aaral sa kolehiyo, kung saan mad hahasain ang
kanyang kakayahan upang maging handa sa kanyang tatahakin karera o propesyon.
 Di-pormal - Ang di-pormal na edukasyon ay ang pagkakamit ng edukasyon sa
pamamagitan ng pagpapalawig ng kaalaman sa sariling paraan. Halimbawa na lamang
kapag ang isang tao ay nangangalap ng impormasyon gamit ang mga kagamitan nito sa
kaniyang paligid: libro, internet, atpb.

Ano ang Teknolohiya?

Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,


kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao..

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na


ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon
man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumangimbento katulad ng
gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang


ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng
ating kaalaman).

Edukasyon sa paglapat ng teknolohiya

Sa panahon kung saan ang agham at teknolohiya ay patuloy na sumisibol, iba’t ibang
mga gadgets ang mga naiimbento’t natutuklasan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong
bagay na nalilikha ng tao. Ilan sa mga ito ay ang cell phone, computer pati na rin ang
pagtuklas sa internet. Ito ang mga makabagong bagay na makagpapadali ng ating
pamumuhay at ating mga gawain.

II. KASAYSAYAN

 Sinaunang Pilipino

Ang malawak na kaalaman ng mga Pilipino ay hango aa edukasyong di-pormal. Di-


pormal sapagkat walang istruktura ng pormal na edukasyon na alam natin ngayon. Walang
paaralang pinapasukan at mga asignaturang pinag-aaralan. Gayunpaman, mataas ang antas
na marunong bumasa at sumulat ang mga sinaunang Pilipino. Ang mga bata, lalaki man o
babae ay nag-aaral sa sarili nilang tahanan kasama ang kanilang mga magulang bilang
kanilang mga guro. Tinuturuan silang magsulat, magbasa,magbilang at manampalataya.
Dito namayagpag ang sinaunang alpabeto ng Pilipino na tinawag na Alibata.

Sa antas ng teknolohiya, mayroon nang maraming kaalaman ang mga sinaunang


Pilipino, ngunit nakasentro lamang ito sa mga kagamitang kanilang ginagamit sa kanilang
kinabubuhay, katulad ng mga kagamitan sa pagsasaka tulad ng pala at mga kagamitang
gawa sa kahoy sa paggawa ng sasakyang-pandagat.

 Panahon ng Kastila

Ang mga naging guro noong nasakop tayo ng Kastila ay ang mga misyonerong pari.
Kagaya ng nga dominikano noong 1587, mga Rekoletos noong 1606 at mga Benedikto
noong 1895. Ang unang pormal na pagtuturo ay nangyari sa Cebu noong taong 1565.
Tinuruan nila ang mga bata na magsulat, bumasa magkuwento at tumugtog ng
instrumento. Pinalaganap nila ang Katolisismo at pinatayo ang sinaunang mga kolehiyo
katulad ng Collegio de Manila, Collegio de San Ignacio at iba pa.

Hindi ganoong tumaas ang antas ng teknolohiya noong panahon ng Kastila dahil
kakaunti lamang na Pilipino ang nakapag-aral sa kolehiyo. Karamihan lamang sa
nakakapag-aral ay ang mga nakakaangat sa lipunan dahil may kamahalan ang pag-aaral sa
kolehiyo. Ang mga Pilipinong nakapagtapos noon any tinawag na Ilustrado o altasosyedad
ng lipunan.

 Panahon ng Amerikano

Layunin ng mga Amerikano na palaganapin ang demokrasya, ituro ang Ingles at


ikalat ang kulturang Amerikano. Ang pagpapatayo ng Unibersidad ng Pilipinas ay naganap
sa panahon na ito. Dito pinayagang makapag-aral ang mga kababaihan at mahihirap na mga
Pilipino. Nagkaroon din ng mga pribado at publikong paaralan na hindi pag-aari ng
simbahan. Thomasites ang tawag sa mga unang guro na ipinadala sa Pilipinas. 600 na
Thomasites ang dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong SS Thomas.
Ito ang panahon na umunlad hindi lamang ang antas ng edukasyon kundi pati na din ang
teknolohiya. Ang pag-angat na ito ay dahil sa malaking bilang na mga Pilipino na
nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

 Panahon ng Hapon

Layunin nila ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, pagtuturo ng Edukasyong


Bokasyonal at Elementarya, pagpapalaganap ng Niponggo, at pagtataguyod ng pagmamahal
sa paggawa. Tanging ang Military Order no. 2 ang naging kontribusyon nila sa edukasyon
kung saan nilikha ang Commission of Education Health and Public Welfare, kung saan ang
layunin nitong supilin ang usaping pangkaunlaran at mga pagtataguyod ng salitang
Niponggo. Mas naging pokus nila ang pamamahala at pagsakop sa ating bansa kung kaya't
ito lamang ang ambag nila sa ating edukasyon.

Bumaba ang antas ng edukasyon at teknolohiya sa bansa dahil ito sa naganap na


pangalawang pandaigdigang digmaan na kung saan isa ang Pilipinas sa mga bansang nay
pinakamalaking pinsala. Nasira ang karamihan sa mga naitayong paaralan kung kayat
lumiit ang bilang ng mga Pilipinong nakapag-aral at nakapagtapos.

 Panahon ng Kalayaan

Ipinagpatuloy ang mala-Amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro pa rin ang mga


kaisipang pangdemokrasya at Ingles pa rin ang wikang panturo. Itinakda ang paggamit ng
wika ng pook bilang wikang panturo sa Baitang 1 at 2. Inilunsad ang "study now, pay later."
Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapagpatuloy ng pag-
aaral. Marami ring mag-aaral ang nabigyan ng scholarship.
Dito unti-unting bumangon ang edukasyon at teknolohiya sa bansa. Resulta ito ng
mga patakaran na nakatulong upang muling bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na
makapag-aral.

 Kasalukuyang Panahon

Mga high-tech gadgets na ang ginagamit ng nga estudyante sa paaralan. Ang


computer ay may napakalaking tulong sa ating mga mag- aaral lalong lalo na sa aspeto ng
pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng maraming aklat para kumuha ng
mga kaunting na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang maghalungkat sa
mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na kinakailangan sa iyong takdang aralin.
Isa pa sa makapagpapadali ng kanilang gawain ay ang cellphone, na nagsisilbing isa sa
pinakamahalaga at pinakaimportanteng imbensyon ng tao sapagkat ito ay nagpapadali sa
ugnayan ng tao. Patuloy na umaangat ang antas ng edukasyon at teknolohiya sa
kasalukuyang panahon ngunit kalakip ng pag-unlad na ito ay ang mga problema na
kinahaharap pa rin ng bansa sa iba't ibang aspeto.

III. KAHALAGAHAN

“Ang edukasyon ang pinaka mahalagang pamana ng isang magulang sa


kaniyang anak na hindi mananakaw nang sinuman.”

“Gaya nang isang susi, ito ang magbubukas ng pinto tungo sa napakaraming
pangarap ng bawat kabataan. “

Mahalaga ang papel ng edukasyon sa bawat indibidwal lalo na sa ating lipunan.

1. Una na sa lahat, ito ay mahalaga sapagkat ito ang magiging pundasyon natin para sa
magandang kinabukasan. Sa pag-aaral ng mabuti, marami tayong matututunan na
kasanayan, at magagamit natin iyon upang maging sandata sa mga pagsubok na ating
kakaharapin. Kapag may kaalaman tayo sa isang bagay, madali na lamang sa atin na mag-
isip ng mga makabagong sulosyon na makakatulong upang mabilis na maresolba ang mga
problema.

2. Masasabi na mahalaga ang edukasyon para sa ating sarili. Ito makakatulong sa paghubog
ng ating pagkatao at mga kakayahan. Ang edukasyon ay nagtuturo sa atin ng mabuting asal
at mga pagpapahalaga. Sa pamamagitan ng edukasyon, natututo tayong maging mas
magaling sa mga bagay na gusto nating gawin. Ito rin ay nakapagbibigay ng lakas ng loob at
tiwala sa sarili. Aminin man natin o hindi, isa ang edukasyon sa mga kailangan natin upang
mabuhay dito sa mundo. Mas maganda ang nagiging buhay ng may pinag-aralan sapagkat
mas magaganda ang propesyon na maari nilang makuha. Sa tulong ng edukasyon
makakamit natin ang mga pangarap na gusto nating makamtan.

3. Makikita rin ang kahalagahan ng edukasyon sa ating lipunan. Sa tulong nito, mas
nagiging mahusay ang mga tao sa pakikipag-ugnayan. Bunga nito, mas nagkakaroon tayo
ng pagkakaunawaan at pagtutulungan ang mga tao upang mapaunlad ang bansa at ang
ekonomiya. Mahalaga ang edukasyon sa lipunan sapagkat ang mga gumagawa ng batas ay
dapat may kaalaman sa kanilang tungkulin. Kung wala ang edukasyon, maaring ang mga
namumuno sa atin ay maging mangmang at makagawa ng mga maling desisyon na
makapagdudulot ng kaguluhan.

 Ang edukasyon ay dapat makamtan ng bawat indibidwal, maging siya man ay mahirap o
mayaman. Sa pamamagitan nito, maari nating makamtan ang pinakamahalagang
kayamanan, ang kaalaman. Lagi dapat nating isaisip at isabuhay ang kahalagahan ng
edukasyon. Hindi dapat natin ituon ang ating sarili sa mga marka na nakukuha natin sa
loob ng paaralan. Sa halip, tingnan din natin ang pwede nating matutunan sa ating mga
karanasan.

 Ang teknolohiya din ay may napakalaking tulong sa ating mga mag- aaral lalong lalo na
sa aspeto ng pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng maraming aklat para
kumuha ng mga kaunting na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang
maghalungkat sa mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na kinakailangan sa
iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google, isulat mo lang ang paksa na hinahanap
mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at makikita mo na ang iyong hinahanap.

 Ngunit ang dalawang mukha: ang mabuti at masama. Ang mga teknolohiyang makabago
ay may dulot ding negatibo sa mga kabataan. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan,
ito ay ginagamit nila sa hindi tamang gawain. Sa halip na magsaliksik para sa takdang
aralin, ang inaasikaso ay counterstrike, instagram at facebook. Ito ang ilan sa mga paraan
ng paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya.

“Ito ang natatanging pananggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Ang isang


taong edukado ay isang taong maalam sa buhay.”
IV. MGA ISYU O PROBLEMA PATUNGKOL SA EDUKASYON SA PILIPINAS

Ito ang lahat ng mga isyu tungkol sa sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay
hindi pa rin nalulutas at ang mga sumusunod ay tulad ng:

1. Mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa

2. Kakulangan ng mga tamang bilangg at kwalipikado o mahuhusay na guro


Malaki rin ang epekto ng mga kwalipikasyon ng mga guro sa pagtuturo. Kung hindi
nakapag-aral nang mabuti ang mga guro, mas mababa rin ang kalidad ng edukasyong
makukuha ng mag-aaral. May mga guro sa pampublikong paaralan na tila kulang sa
kaalaman at may mga nagtuturo sa mga pribadong paaraln na hindi pa pasado sa
Professional Liscensure Examination for Teachers.

3. Mababang sahod ng mga guro


Dahil sa kakulangan ng pondo ng DepEd kaya maliit ang sinasahod na suweldo ng
mga guro. Ang minimum na buwanang sahod ng guro (public school teacher with rank 1
teacher) ay P18,549.00 (o humigit kumulang sa USD412 para sa taong 2012. Marami na rin
sa mga guro ang lumipat at nagtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. May mga napabalitang namasukan ang iba bilang domestic helper o
katulong sa ibang bansa.

5. Mababang kakayahan na mabayaran o affordability


Marami ang mga batang hindi makapag-aral dahil hindi matustusan ng kanilang
magulang ang kanilang pag-aaral. Mas marami ang mga mag-aaral na mula sa mahihirap na
pamilya lalo na sa elementary. Karaihan din sa mga freshmen na mag-aaral sa kolehiyo ay
mula rin sa pamilyang may mahirap na pamumuhay.

6. Maliit ang budget ng pamahalaan para sa edukasyon


Ang Saligang Batas ng Pilipinas aty inatasan ang pamahalaan na maglaan ng
pinakamataas na bahagi ng badyet nito sa edukasyon. Gayunpaman, ang Pilipinas pa rin
ang isa sa may pinakamababang pondo o badyet sa edukasyon na kabilang sa mga bansang
ASEAN at ibang bansa sa mundo.

7. Kakulangan ng pagkakataon upang makapag-aral

8. Kakulangan ng mga paaralan


Palaki nang palaki ang populasyon sa Pikipinas kaya't palaki nang palaki rin ang
bilang ng mga mag-aaral. Nahihirapang punan ng pamahalaan ang kakulangan sa silid-
aralan nito dahil sa kakulangan sa silid-aralan nito dahil sa kakulangan din ng pondo. Ayon
sa DepEd, mahigit sa 152,000 ang kulang na silid-aralan para sa taong 2012. Mayroon
lamang itong pondo para sa 13,000 silid-aralan.

9. Kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan


Kulang din ang mga kagamitan ng mga paaralan. Kulang ng mga akalat sa mga silid-
aklatan ma magagamit ng mga mag-aaral sa pagsasaliksik ng mga impormasyon at
karagdagang kaalaman. Ayon sa DepEd, nangangailangan pa rin ng 96 milyon na textbook
ang mga pampublikong paaralan. Hindi matutugunan ng mga paaralan ang pagbibigay ng
isang aklat sa baat mag-aaral sa bawat asignatura. Kulang ang mga maayos naupuan. Ayon
sa DepEd, mahigit sa 13 milyon ang kulang na upuan. Mayy mga paaralan na walang
kompyuter. Tinatayang 135,000 ang kulang na palikuran at 62% ng mga paaralan ang hindi
matugunan ang pangangailangan sa palikuran.

10. Kakulangan sa bilang ng mga guro


Ayon sa pag-aaral, mas matututo ang mag-aaral kung nagagabayan sila ng husto ng
guro. Kung marami ang mag-aaral sa isang silid-aralan, hindi sila gaanong matuturuan. Sa
mga pampublikong paaralan sa ating bansa, may mga gurong may hawak na 50 hanggang
70 mag-aaral. Ang mga nasa pribadong paralan ay may hawak na 30 hanggang 50 mag-
aaral.

11. Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan


Patuloy na ang paghinto ng maraming mag-aaral sa pagpasok sa paaralan. Iba't iba
ang maga dahilan nila. May mga mag-aaral na humihinto sa pag-aaral dahil sa walang
pantustos sa gastusin ang mga magulang. Ang iba ay dahil sa malayo ang maga paaralan sa
kanilang lugar. Sa ibang liblib na lugar, may mga batang hindi nakapag0aral dahil walang
guro at paaralan.

Ito ang tunay na estado ng edukasyon sa ating bansa. Kung titigilan lang ng
gobyerno ang pangungurakot sa kaban ng bayan ay magiging matiwasay ang buhay ng
lahat. Nagkaroon ng isang panayam ni pinanayam ang kinatawan ng DepEd, ang sabi nila ay
may pondo naman ang DepEd, ang malaking tanong ay bakit hanggang ngayon ay hindi pa
rin nalulutas ang mga problema sa edukasyon.

Mga Isyu: Ang Noon at ang Ngayon


Noong panahon ni Rizal, inireklamo niya kung paano ang mga kagamitan sa pag-
aaral ng siyensya ay nagiging palamuti na lamang ng paaralan. Ngayon, matapos ang
maraming dekada, tila ganoon pa rin ang sistema sa mga paaralan sa Pilipinas. May
kagamitang panglaboratoryo ngunit ito ay pang-display na lamang dahil di nabibigyan ng
sapat na halaga ang pag-aaral sa siyensya.
Bagamat nataguyod na ang Agham at Teknolohiya ay integral sa pagbuo ng bansang
pinangarap ni Rizal, patuloy na napag-iiwanan ang mga Pilipino sa pagdating sa edukasyon
ng Science and Math sa internasyunal na konteksto. Nagkukulang rin ang bansa sa mga
reseacher at scientist. Dagdag pa rito ang mga isyu ng brain drain o pagkaubos ng mga
siyentipiko at propesyonal sa bansa dahilan ng kakulangan ng budget at atensyon mula sa
pamahalaan. Titingnan dito ang iba-ibang mga isyu na nagdudulot ng mga problemang ito
sa Agham at Teknolohiya sa bansa.

V. MGA BATAS
1. Republic Act No. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013).

Naglalayon ang bataas na ito (na pinirmahan ng dating Pangulong Aquino) na


tugunan at bigyan ng karagdagang pondo ang mga pangangailangan ng mga pampubliko at
pampribadong paaralan at mga guro at mag-aaral ng mga nasabing institusyon. Ang batas
ng ito ay mas kilala bilang “K-12 Basic Education Program.” Ang programang ito ang
nagbigay ng karagdagang dalawang (2) taon ng pag-aaral sa senior high school. Ito ay
ipinatupad upang makasabay ang ating bansa sa sistema ng edukasyon sa iba’t ibang
katunggaling bansa. Naglalayon rin ito na tugunan ang kakulangan sa mga pasilidad,
kagamitan, at mga aklat sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng paglalaan ng
karagdagang pondo.

2. Republic Act No. 8545 (Expanded Government Assistance to Students and


Techers in Private Education Act).

Layunin ng batas na ito na tugunan ang pangangailangan ng mga guro at mag-aaral


sa mga pribadong paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pondo para sa
mga pasilidad, kagamitan, at sahod ng mga nasabing guro.

3. Republic Act No. 10931 (Free Tuition Law).

Ito ay pinirmahan ng Pangulong Duterte. Ang batas na ito ay naggagarantiya ng


libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges (SUCs). Layunin nitong bigyan ng
pagkakataong makapag-aral ang mga kabataang walang kakayanang pumasok at
makapagtapos ng kolehiyo.

You might also like