You are on page 1of 9

EDUKASYON NOON AT NGAYON: ISANG PAGHAHAMBING

Isang pananaliksik na iniharap para kay Ginang Bagaoisan

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan mg asignaturang Filipino 2


(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Ipiniprisinta nila:
Sta Rita, Mhency M.
Estodillo, Bernie G.
Castillo, Sir Charles
Marimla, Charles I.
Mayor, Rose Marie N.
KABANATA I
Introduksyon ng Pananaliksik

Panimula
“Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan,” linyang winika ni Gat Jose Rizal, kung
ito ay iyong pagninilay-nilayan ito ay pangarap niya sa mga kabataan upang maging
matagumpayan at maging bahagi ng pag-unlad ng ating bayan. Simple lamang kung
tutuusin. Tanging ang edukasyon lamang ang tanging pag-asa ng mga kabataan upang
sumulong o dili kaya’y makisabay sa agos ng modernong takbo ng buhay. Ito ay isinaad
ni, Percy Sajise.
Sa aming pananaw, ang pag-aaral ang isang napakahalagang parte ng buhay ng
tao. Ang mabuhay nang mayroong karunungan, ay hangad ni Gat Jose Rizal para sa
mga kabataan, at sa mga susunod pang henerasyon. Ang edukasyon, ang magiging
susi upang magtagumpay ang isng indibidwal at ang isang bayan. Ano nga ba ang
Edukasyon, o Sistema ng Edukasyon noon?
Ayon kay Julieta Rufeurzo, sa kanyang artikulo na, Edukasyon noon at ngayon,
may kaibahan ba? Ang edukasyon noon ay tulad ng pagpasok ng isang baka sa butas
ng karayom. Sabihin pa ba ang pagpalit-palit ng mga dayuhang namumuno, na
kadalasan pa nga ay siyang nagsisilbing guro tulad ng mga Kastila, sinundan ng mga
Amerikano at mga Hapon. Nakakalito, iba’t-ibang sistema ng edukasyon. Lalo na nung
panahon ni Padre Damaso. Pawang mga ekslusibo ang paraan ng pag-aaral.
Sa aming pananaw, ukol sa isinaad ni Julieta Rufeuerzo, ang edukasyon noon
ay napakahirap na makamit. Isa sa mga dahlian nito ay ang pagkakaroon ng papalit-
palit ng mga namumuno, na kung saan sila ang nagsisilbing guro, maaaring sila ay
nagkakagulo sa kung anong sistema nga ba ng edukasyon ang kanilang dapat na
sundin at gawin.
Ayon sa, artikulo ni Rovel Lacasama na, Edukasyon ng unang Pilipino, isinaad
niya na bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang Edukasyon ang
ating mga ninuno. Ang mga bata, lalaki man o babae ay nag-aaral sa sarili nilang
tahanan na kasama ang kanilang mga magulang bilang kanilang mga guro. Sila ay
tinuturuang magbasa, magsulat, magbilang, at manampalataya. Hindi lamang mga
araling pang-akademiko ang itinuturo sa kanila, tinuturuan din sila ng mga kaalamang
nauukol sa pagmimina, paggawa ng sasakyang-dagat, pagiging platero at iba pa.
Sa aming pananaw, noon pa mang unang panahon, ay naisasagawa na ang
pag-aaral at pagkatuto sa loob mismo ng tahanan. Ito na marahil ang dahilan kung bakit
maraming alam na gawaing pantahan ang mga kabataan noon. Dahil hindi lamang
edukasyon, pang-akademiko ang kanilang pinag-aaralan kundi pat narin ang iba’t ibang
gawain.
Ayon naman kay Bryan Maalihan sa kanyang artikulong Ebulusyon ng
Edukasyon sa Pilipinas, nagkaroon ng ebulusyon sa edukasyon simula noong panahon
ng ninuno hanggang ngayon sa ating kinahihinatnan. Nagkaroon ng iba’t ibang Sistema
ng Edukasyon sa Pilipinas ng mga taong nakakasakop sa atin tulad ng mga Kastila,
Amerika, Hapon at iba pa. Kung gayon, marami na ang nagdaan na mga mananakop
sa ating bansa kung kaya’t marami na rin ang sistema na ng edukasyon ang ating
nakuha mula sa kanila.
Sa aming pananaw, ang pagdating ng mga namumuno sa ating bansa ang
nagging dahilan kung bakit tayo ay natuto ng iba’t ibang mga lenggwahe, kultura, at
sistema ng edukasyon.
Ayon pa kay Krystel De Leon, sa kanyang artikulong, Kasaysayan ng Sistema ng
Edukasyon sa Pilipinas, ang malawak na kaalaman ng mga sinaunang Pilipino ay
hango sa edukasyong di-pormal, sapagkat walang istruktura ng pormal na edukasyon
na alam natin ngayon. Walang paaralang pinapasukan at mga asignaturang pinag-
aaralan. Gayunpaman, mataas ang antas ng marunong bumasa at sumulat sa mga
sinaunang Pilipino. Mayroon ding sinaunang alpabeto ang mga Pilipino, Alibata ang
tawag dito. Ito ay binubuo ng labimpitong titk, tatlong patinig at labingapat na katinig.
Ang unang naging guro noong nasakop tayo ng mga kastila ay ang mga Misyunerong
Pari. Tinuruan nila ang mga bata na magsulat, bumasa, tumugtog ng instrumento, at
magkwento. Ipinapasaulo din nila sa mga mag-aaral ang mga aralin, ngunit hindi
naman nila naiintindihan ang mga ito. Ang mga Pilipinong nakapagtapos noon ay
tinatawag na Ilustrado o alta-sosyedang lipunan. Noong panahon ng Amerikano, ay
pinapayagan ng makapag-aral ang mga kababaihan, at ang mga guro ay tinatawag na
mga Thomasites. Sa Panahon naman ng Hapon, layunin nila ang pagpapalaganap ng
kulturang Pilipino, pagtuturo ng Edukasyong Bokasyunal at Pang-Elementarya, at ang
pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.
Sa aming pananaw, marami tayong natutunan sa iba’t ibang mga mananakop na
dumating sa ating bansa. Ito marahil ang nagging dahilan kung bakit tayo nag-karoon
ng payak na edukasyon ngayon. Dagdag pa rito, ipinagpatuloy ang maka-Amerikanong
Sistema ng edukasyon, itinuro parin ang mga kaisipang pangdemokrasya at Ingles
parin ang wikang panturo.
Ano naman ang edukasyon ngayon sa Pilipinas? “Sa paglipas ng panahon ay
unti-unti ng nabago ang Edukasyon sa ating bansa. Dala ng modernisasyon,
makabagong teknolohiya at mga istralehiya ng pag-aaral ang edukasyon ngayon ay
makulay, masining, maalam at maunlad. Ginagamit ang demokratiko na kaisipan, may
malayang pagdedesisyon tungkol sa mga bagay-bagay kung paano ka uunlad bilang
isang tao at ang pagsasagawa ng mga gawi sa pag-angat kung paano mapapaunlad
ang sarili, ang bayan at ang bansa.” linyang wika ni, Kenaz Mangguera sa kanyang
artikulong, Ang Ebulusyon ng Edukasyon ng Perlas ng Silanganan.
Sa aming pananaw, masasabing totoo nga na unti-unti ng nagbabago ang
Edukasyon ngayon, at bilang isang mananaliksik, kami ay saksi sa pangyayaring ito.
Tulad nga ng kanyang isinaad na, ginagamit ang demokratikong kaisipan ng bawat tao
ngayon.
Ayon kay, Ryan Nawal, sa kanyang artikulo na, Makabagong Teknolohiya,
nakakatulong nga ba sa Eskwela? Dahil daw sa teknolohiya, nagiging maayos at
napapadali ang mga gawain sa paaralan lalo na ng mga mag-aaral na nangangailangan
ng kalidad na edukasyon. Sinisikap ng paaralan na mapadali ang pagkatuto ng mga
mag-aaral at mapaunlad pang lalo ang kakayahan at intelektwal na kapasidad ng mga
ito. Sa tulong ng mga netbook, projector at higit sa lahat ng internet, mas napabilis ang
paglikom ng impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work at pag-uulat.
Nagkakaroon sila ng bagong kaalaman at repleksyon dahil sa pagsisiyasat sa internet.
Ayon naman sa artikulong Teknolohiya, Tulong sa Edukasyon, ni Bhai Marmay,
iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong
asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo,
ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga
pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos
na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong
panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa
edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet. Dagdag pa
niya na, karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay
gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet.
Sa aming pananaw, hindi lamang pala ngayon nagamit ang teknolohiya sa pag-
aaral, dahil ginamit na rin ito noong mga nagdaang taon. Gamit ang bagong
teknolohiya, mas napapadali ang pag-aaral ng mga kabataan ngayon, hindi kagaya
noong unang panahon, na hindi ganun kadali ang kanilang pinag-dadaanan upang sila
ay makapag-aral. At ng dahil sa makabagong paraan ng pag-aaral, mas naging
maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon ng mga estudyane. Mas
epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon ng dahil sa internet.
Ayon kay Bertllo, sa Kasaysayan ng Edukasyon, Malaki ang naiambag ng
teknolohiya, Sa katunayan, ito ay isa sa pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral
ay nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang
sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.
Sa aming pananaw, ukol sa isinaad ni Bertllo, ang pagpapabilis ng trabaho at
pag-aaral ng mga estudyante ang isa sa mga dahilan kung bakit higit na tinangkilik ang
makabagong teknolohiya pagdating sa pag-aaral.
Ayon sa artikulong, Makabagong Sistema ng Pag-aaral, ni Donald Goco ang
ibang tao ay nagiging tamad na dahil sa makabagong teknolohiya umaasa na lamang
sila sa mga sagot na nakukuha nila sa internet, kagaya ng pag-aaral, isang pindot at
copy at paste lamang ng estudyante ay mayroon sa siyang takdang aralin, kahit na
hindi na nila ito basahin.
Sa aming pananaw, nais ipahiwatig ni Donald Goco na, naging isang masamang
epekto ng makabagong paraan ng pag-aaral, ay ang pagiging tamad ng mga
estudyante. Dahil, pinapadali nito ang isang gawain, maaari silang umasa na lamang sa
teknolohiya, dahil para sa kanila ito ay bahagi ng pag-aaral. Ano kaya ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng edukasyon noon at ngayon?
Paglalahat ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Edukasyon noon at ngayon: isang
paghahambing”. Nilalayon ng pananaliksik na ito na masagutan ang mga sumusunod
na katanungan:

1. May pinagkaiba ba ng edukasyon noon at ngayon?


2. Naging mas epektibo ba ng edukasyon ngayon, kumpara sa edukasyon noon?
3. Nagagawa bang paunlarin ng modernong edukasyon ngayon ang ating bansa?
4. Nagdudulot rin ba ng masamang epekto ang modernong edukasyon ngayon?
5. Sa anong paraan, o Sistema ng edukasyon ang naging mas epektibo para sa
ating bansa?

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa ang ibat-ibang opinyon hinggil sa kung
ano ang pinagkaiba ng edukasyon noon at ngayon, upang ito ay maihambing.
Sinasaklaw ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral ng Mabalacat City College na
nasa ikalawang taon. At nililimitahan naman ng pananaliksik na ito ang mga
respondyente, mula sa iba’t ibang instituto, dalawampung respondyente mula sa
Institute of Computing Studies, dalawampung respondyente mula sa Institute of
Business Education, dalawampung respondyente mula sa Institute of Hospitality
Management, dalawampung respondyente mula sa Institute of Arts and Sciences, at
dalawampung respondyente rin naman mula sa Institute of Teacher Education.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagkakaroon ng ideya sa pinagkaiba ng edukasyon noon at ngayon ay


mahalaga, dahil sa pamamagitan nito maaaring malaman ng mga tao kung bakit naging
epekto o hindi ang isang Sistema ng edukasyon. Sa paglipas ng panahon, ay unti-unti
ng nagbabago ang ating edukasyon, nariyan na rin ang ilang hindi mabuti at mabuting
dulot nito. Maaari ding maging basehan ito upang malaman kung bakit magkaiba ang
estudyante noon at ngayon.
 Sa mga mag-aaral – ito ay maaaring maging gabay upang mamulat ang mga
mag-aaral sa edukasyon noon, at kung gaano kahirap ang kanilang pinagdaanan
upang sila ay makapag-aral, sa pamamagitan nito ay, matututunan nila na
pahalagahan at hindi sayangin ang kanilang taon ng pag-aaral.

 Sa mga magulang – ilan sa mga magulang marahil, ay alam kung gaano kahirap
ang pinag-daanan noong unang panahon upang makapag-aral lamang, kung
kaya’t sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari nialng ipaliwag sa kanilang
mga anak kung bakit napaka-halaga ng edukasyon, at ito ay hindi dapat na
sayangin. Ito rin ay makakatulong upang mas lalong maintindihan ng mga
magulang ang Sistema ng edukasyon sa ating bansa.

 Sa mga susunod pang henerasyon – ang pananaliksik na ito ay maaaring


makatulong para sa mga susunod pang henerasyon. Sa pamamagitan nito ay
magkakaroon sila ng ideya kung ano nga ba pinagkaiba at pagkakatulad ng
edukasyon noon at ngayon sa bansang kanyang ginagalawan. At dahil dito ay
malalaman nila kung ano ang ebulusyon at pinagdaanan ng edukasyon sa
Pilipinas at sa pamamagitan noon ay malalaman niya kung bakit mahalaga ang
edukasyon.

 Sa mga guro – bilang isang guro, nararapat lamang na malaman niya ang iba’t
ibang hinaing at opinion ng iba’t ibang estudyante hinggil sa pagkakaiba at
pagkakatulad ng edukasyon noon at ngayon. Sa ganitong paraan, ay malalamn
ng isang guro kung anong paraan ng edukasyon mas malilinang ang kagalingan
ng isang estudyante, kung ito ba ay sa makalumang edukasyon o sa modernong
edukasyon.
KABANATA II

Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Literatura

Kaugnay na pag-aaral
KABANATA III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Mga paraan at pamamaraan

A. Ang nilalaman ng pagsulat nito

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang Edukasyon noon at


ngayon, kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Edukasyon noon at ngayon. Ito
ay ginamitan ng palarawan na pamamaraan, kinapapalooban ito ng pagtatala,
paglalarawan, pagpapakahuugan, pagsusuri, at paghahambing. Ito ay may layunin na
mailarawan ang sitwasyon at kundisyon nang makatotohanan at buong katiyakan. Ito ay
binubuo ng obserbasyon, pagsasagawa ng serbey, panayam, at case studies.

B. Paraan ng pangangalap ng mga datos

Sa aming pananaliksik kami ay gumamit ng iba’t ibang paraan upang makakalap


ng iba’t ibang datos at impormasyon.

 Survey- ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.


Kami ay naghanda ng sarbey na kwestyuner, upang sagutan ng iba’t ibang
respondyente mula sa mga piling estudyante ng Mabalacat City College. Sa
pamamagitan nito ay makakakuha kami ng iba’t ibang bilang mga opinion at
kasagutan mula sa mga respondyente.

 Pakikipanayam o interbyu- sa pamamagitan ng pakikipanayam ay nalaman


namin ang iba’t ibang opinion ng aming mga respondyente. Makakakuha kami ng
iba’t ibang impormasyon at kasagutan hinggil sa aming ipiniprisintang
pananaliksik.
 Internet- kami rin ay gumamit ng makabagong teknolohiya upang makapag-
survey at makipagpanayam sa aming mga respondyente, gamit ang E-mail
upang makipag-palitan ng mensahe.

 Talatanungan o kwestyuneyr – kami ay naglipon ng mga katanungan ukol sa


aming paksa, na inihanda at ipinasagot. Layunin ng mga katanungan na
nakapaloob dito ay makakuha ng mga sagot at opinyon mula sa mga taong
kalakok sa pananaliksik.

C. Disenyo ng Sampling

D. Ang estadistikong paglalapat ng datos

You might also like