You are on page 1of 12

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/356426508

Ang Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Article · November 2021

CITATIONS READS
0 9,636

1 author:

Melchor Felonia
La Consolacion University Philippines
2 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya View project

All content following this page was uploaded by Melchor Felonia on 22 November 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo ng


Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya
Melchor P. Felonia
melchor.felonia@email.lcup.edu.ph
Nobyembre 22, 2021

Abstrak: Kadikit ng panahon ang pagpasok sa ating kamalayan at lipunan ng mga terminong

gaya ng e-Learning, ODL o Online Distance Learning, Modular at knowledge-based society

(Librero, 2008). Sa panig ng akademya, nagresulta ang pagbabago maging sa sistema ng

pagtuturo at pagkatuto sa wika at panitikang Pilipino. Isa sa mga kongkretong patunay nito ay

Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang sa mga kaugnay na literatura hinggil sa

wika at panitikan, sinusuri sa papel na ito ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa wika at

panitikang Pilipino kaugnay ng mga isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet

bilang pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan Inaasahang sa pamamagitan nito ay

mabibigyang-ideya ang mga mambabasa sa kabuuang sistemang Online Distance Learning

bilang lunan ng pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa makabagong panahon. Mga

pamaaraan ang lundayan ng sulating ito upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral at

kung paano magiging susi sa kanilang pag-unlad gayong nahaharap tayo sa pandemya.

Masasalamin din dito ang iba’t-ibang lebel ng pag-unawa sa mga salitang nakalimbag sa sulating

ito na maaring maging daan upang higit na mas pahalagahan ng mga kabataan o ng mga mag-

aaral ang binuong pag-aaral na ito. Sa sulating ito, masusukat ang kakayahan ng mga guro at

mag-aaral upang harapin ang bagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto kung saan ang social

media at internet ang pangunahing lunsaran ng patuloy nilang pagkatuto.

1
Mga Susing Salita: pag-unlad, kasanayan, kawilihan, malinang ang kasanayan, masusing pag-

iisip, adhikain, pagdukal ng karunungan, gramatika.

1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

Kung ang pagiging guro ay isa nang napakadakilang propesyon, ano pa kaya ang pigiging guro

sa Filipino lalo pa’t ito ang asignaturang nakatuon sa ating sariling wika at kasasalaminan ng ating

tradisyon, kultura, at higit sa lahat, ang pagkakakilanlan bilang mamamayang bumubuo sa isang

bansang hinubog ng makulay, masalimuot, at hindi matatawarang kasaysayan. Nararapat lamang

na mabatid ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagiging guro sa Filipino bilang isang

napakarangal na gawain para sa bansa.

Ang pagtuturo sa panahon ng Blended learning ay isa sa pinakakomplikadong Gawain. Ito ay

nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pang-unawa at masusing pag-iisip. (Gurdiel

2015). Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kanyang mga estudyante.

Tungkulin nito na maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga mag-aaral kaya

naman malaking tulong ang pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay upang maunawaan ng lubos

ng mga mag-aaral ang nais ibahaging impormasyon nito.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay

magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

2
mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

Laging itinuturo sa mga guro na yakapin ang pagbabago (Santiago 2020). At habang

yakap-yakap ang pagbabagong ito, hindi naman nagbabago ang mga benepisyo at karanasang

sadlak habang nagtuturo.

2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

Ang desisyon ng guro hinggil sa pamamaraang piliin sa pagtuturo ay ginagabayan ng

kaniyang paniniwala tungkol sa wika at gramatika at pagkatuto ng wika at gramatika; teorya ang

tawag sa hanay na ito. Maraming pananaw o teorya ang isinusulong kaugnay ng pagtuturo ng wika

at gramatika. Malaki ang naging ambag nito bilang batayan sa pagsubok ng iba’t-ibang

pamamaraan ng pagtuturo. Ayon kay Espiritu (2003), kahit ano pang pamamaraan ang gamitin ng

guro, mahalaga ay ang magpokus hindi lamang sa gramatika ng wika kundi sa gamit ng wika sa

komunikasyon at ang paglinang ng mag-aaral na mahusay na komunikeytor sa Filipino.

Nararapat lang na taglay ng isang guro ang malalim na kaalaman sa mga teoryang

panggramatika at pangwika na iaangkop o ilalapat sa mga paksang kanyang ituturo. Ang pagtuturo

ng kahit anumang wika ay hindi nag-iiba kung ang ating pag-uusapan ay pananaw at pamamaraan

nito. Sa kahit na anong pagtingin, angpagtuturo ng wika ay nagiging epektibo kung ang isang guro

ay gumagamit ngisang epektibo teknik, pamamaraan o metodolohiya upang mailipat ang

pagkatutosa wikang ninanais matutunan ng mga mag-aaral.

Sa panahon ng Blended Learning, naging pagsubok sa mga guro ang pagtuturo ng wika at

gramatika dahil hindi naman nila alam kung talagang nagiging epektibo ba ang kanilang pagtuturo

gayong hindi naman aktwal na nakikita ng mga guro ang mga bata kung ito ba ay talagang may

3
interes sa pakikinig at matuto ng wika at gramatika. Gayunpaman, Malaki ang nagiging ambag ng

online platform upang higit na matuto ang mga mag-aaral ng wika at gramatika. Dapat bigyan ng

guro ang mga mag-aaral ng batayan at sanggunian upang higit na matuto sa wika at gramatika.

Ang panonood ng mga palabas na may kinalaman sa wika natin ay malaking bagay upang higit na

maunawaan ng mga mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng kanilang pag-aaral.

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng

Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.

2. Bunga ng pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.

5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.

6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.

8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.

9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.

10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

Kaugnay nito, ang kahusayan sa kakayahang komunikatibo ay matatamo lamang

sa pamamagitan ng wastong paggamit ng wika kung kaya’t napakalaking papel ang ginagampanan

ng isang guro lalo na sa pagtuturo ng gramatika, ito ay ang pag-aaral sa sistema ng wika.

Napakalaking tulong ng wika sa pagpapahayag ng nais na sabihin ngunit napakalaki ring hadlang

ang walang sapat na kaalaman sa gramatika na maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan

dahil sa hindi wasto ang pagkakagamit ng wika.

4
Samantala, patuloy rin ang pag-unlad ng wikang Filipino, kung kaya’t napakalaking

hamon sa mga guro ang pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mag-aaral. Hindi na nakasasapat ang

mga napag-aralan sa kolehiyo kaya’t naghahangad pa rin sila ng propesyunal na pag-unlad.

Karamihan sa kanila ay nag-enrol sa paaralang gradwado, sumasali sa mga pagsasanay at seminar,

sumasangguni sa internet at mga nalathalang libro. Tunay ngang maparaan ang mga guro dahil sa

walang sawang paghahangad na matuto dahil sila ang repleksyon ng kanilang mag-aaral.

Samakatuwid, ang layunin ng pagpapaunlad ng kakayahang panggramatika ay upang

magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa gamit ang wika at nararapat lamang na ito ay

namatutunan ng mga kabataan dahil sabi nga ni Jose Rizal na sila ang pag-asa ng bayan.

3. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Ayon kay Azarias (2018), ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil

sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng

kaluluwa sa bathalang lumikha. Ang panatikan ay isang buhay sapagkat ito ay repleksyon ng

pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan. Pinakikilos ng

panitikan ang ating mga isip at binibigyang pintig nito ang ating puso. Umusbong ang panitikan

kasabay ng panahon at kasaysayan dahil na rin sa matinding pangangailangan ng tao. Dahil sa

panitikan, higit nating nakilala ang ating lahing pinagmulan, ang mga karanasan, saloobin at

kaisipang humuhubog sa ating pagkatao. Sa madaling salita, ang panitkan ay maituturing na

“kahapon” ng ating bansa. Sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan mababasa rin natin ang

“ngayon” at ang “bukas” na naglalaman ng mga batayan ng kalinangan at identidad nating mga

Pilipino.

5
Sa panahon ng pandemya, dapat mas higit na maunawaan ng mga kabataan lalo na ng mga

mag-aaral kung ano ba ang panitikan. Sapagkat ang mga pangyayari sa panahon natin ngayon ay

bahagi na ng ating panitikan. Mas mauunawaan nilang mabuti ito sa pamamagitan nang kung

paano ipakikilala ng mga guro ang panitakan sa mga estudyante. Ayon kay Salazar (2000), ang

panitikan gaya ng wika ay hindi lamang lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura kundi ito ay

kuhanan-impukan ng alinmang kultura.

Malaki ang maitutulong ng teknolihiya sa pagtuturo ng panitikan sa panahong tayo ay

nahaharap sa Blended Learning, malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa paghabi ng kultura,

lalo na sa mga kabataan. Ayon kay Guinto (2010), ang kulturang popular ay nakabatay sa

pagdisimina ng iba’t-ibang bagay gamit ang isang midyum. Hindi natin maikakaila na ang Internet

ay isang penomena na naging kaakibat ng isang makabagong kultura. Hindi siguro akalain ni Tim

Burners Lee kung gaano kalaki ang kanyang magiging kontribusyon sa pandaigdigang lipunan

noong naimbento niya ang World Wide Web. Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya

ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa pamumuhay ng tao sa pang-araw-araw. Hindi

maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa naging produkto ng makabagong

panahon dahil napapabilis nito ang komunikasyon. Gayundin sa panitikan, mas mapapadali ang

pagkatuto ng mga mag-aaral kung bubuksan nila ang kanilang isip na pasukin at matutunan ang

panitikan sa iba’t-ibang larangan lalo na ng social media.

Upang magkaroon ng direksyon ang pagtruturo ng pagpapahalaga sa panitikan, binanggit

ni Alcantara (1987) ang sumusunod na mga tagubilin o patnubay.

1. Dapat tanggaping lahat ang sagot ng mga mag-aaral sa tanong ng guro. Hindi siya dapat

naghuhusga na ginagamit ang pamantayang galing sa sarili.

6
2. Hinihikayat niya ang pagbibigay ng iba’t-ibang sagot sapagkat batid niyang walang

lubos na tama o maling sagot sa tanong na pagpapahalaga.

3. Ginagalang niya ang karapatan ng mga mag-aaral kung nais nilang lumahok o hindi sa

talakayan.

4. Ginagalang niya ang bawat sagot ng mga mag-aaral

5. Ginaganyank niya ang bawat mag-aaral na sumagot nang may karapatan.

6. Nakikinig o nagtatanong siya upang malinawan ang nais na mabatid ng mga mag-aaral

7. Iniiwasan niya ang pagtatanong na magbibigay ng pagkabahala sa mga mag-aaral: at

8. Nagtatganong siya nang may pagmamalasakit sa kalooban ng mga mag-aaral.

Katotohanang hindi mapag-aalinlangan na wala sa pagbabasa ng “tunay na panitikan” ang

hilig ng mga mag-aaral, lalo na kung ang panitikang Filipino ang pag-uusapan. Kung nagbabasa

man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro. Ang kawalan ng hilig o kusa ng mga mag-

aaral sa panitikang Filipino ay maaaring nag-uugat sa matagal na pagkakatanikala sa katawan at

isip ng pagkaalipin bunga man ng kolonyalismo na hatid ng mga kastila o ng imperyalismong

Amerikano. Bukod sa epekto ng kaisipang kolonyal, may malaking bagay na nagagawa ang paraan

ng pag-aaral at pagtuturo ng panitikan sa ating paaralan. Hinayaan nating magdaos ng paligsahan

ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Naging maluwang tayo sa pagsasabi

ng “magaling” sa sinumang makasagot ng mga tanong na ang simula ay Sino, Alin, Kailan, at iba

pa tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan.

Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat ditto maisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang

kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan

at pinapangarap Arrogante (1993).

7
Isanib ang panitikan sa ibang aralin sa kurikulum. Mahirap hatiin ang makabuluhang

karanasan ng tao kaya’t hindi rin dapat hatiin ang programa ng aralin sa ating kurikulum sa isang

takdang panahon sa pagtuturo ng panitikan. Tandaan natin na may iba’t-ibang paraan ng pag-

unawa sa isang kwento at ang mga ito’t hindi maipapahayag na lahat sa tuluyang paglalarawan

(descriptive prose). Ang tunay na pagtaya kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang akdang binasa

o narinig ay sa pamamagitan ng isang masining o malikhaing paglalahad. Sa pamamagitan ng

pagsasadula, matataya kung nauunawaan ng mag-aaral ang iba’t-ibang tauhan sa akda, ang

pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, tono, at iba pa. kung makabubuo naman ng isang

larawang-guhit ng tauhan o tagpuan, masasabing nagawang maikintal sa isipan ng mga mag-aaral

ang diwa ng akda.

4. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Bawat guro ay may iba’t-ibang paraan ng pagtataya na angkop sa sitwasyon. Kakayahan ng

mga mag-aaral, uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo. Ang pagtataya ay

mahalagang bahagi ng pagtuturo dahil ito ang magiging batayan sa pagkakamit ng itinakdang

layunin ng pag-aaral. Kailangan ito upang masukat ang antas ng kaalaman at kasanayang

natutuhan ng mga mag-aaral sa isang aralin o gawain. Nakatutulong ito upang kilatisin ng bawat

mag-aaral ang sariling kalakasan at kahinaan na magiging pundasyon nila upang higit pang

mapaghusay dating kaalaman at palakasin ang karunungan at gawaing kinakitaan ng kahinaan

(Uleta 2017). Kapwa mahalaga ito sa guro at mag-aaral dahil ito ay isa mga pamantayan na titiyak

sa pagiging epektibo ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Ang mahusay na pagtataya ay humihikyat

sa aktibong pagkatuto – malikhain at mapanuring pag-iisip, pagkilala sa sarili at pagkakaroon ng

mulat na kamalayan sa nangyayari sa kanyang lipunan.

8
Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

May tatlong anyo ng pagtataya- ang diagnostic, formative, at summative. Ang pagtatayang

diagnostic ang tumutulong sa mag-aaral upang sukatin ang kaalaman at kasanayang nakatanim na

isip, linawin mga maling konsepto at tukuyin ang kalakasan at kahinaan sa isang partikular na

kaisipan at kasanayan. Maibibilang sa ganitong mga pagtataya ang paunang pagsusulit(pre-test),

pagsusuri sa sarili (self-assessment), at pakikipanayam (interview). Ang pagtatayang formative

naman ay nagaganap habang isinasagawa ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sinusukat nito

ang pagbabago ng pagkatuto ng mag-aaral sa klase. Halimbawa, kapag may ginagamit na teknik

ang guro sa gawain sa klasrum, ang pagtatayang formative ang magbibigay hudyat sa guro kung

gagamitin pang muli ang napiling teknik sa sunod na gawain at sa ibang pangkat ng mag-aaral.

Nakatutulong ito upang mabatid ng guro ang kanyang husay sa pagtuturo. Isinasagawa ang

summative na pagtataya pagkatapos ng pagtalakay sa mahahalagang konseptong dapat pag-aralan.

Ito ang nagbibigay ng feedback sa guro upang matiyak niya kung talagang natutuhan ng mga mag-

aaral ang kaalaman at kasanayang dapat niyang matutuhan. Kadalasang gumagamit ng rubrik o

9
pamantayan na ibinibigay ng guro bago simulan ang anumang pagtataya. Ito ay upang masukat

nang husay ng guro ang mga natutuhan ng kanyang mag-aaral. Kadalasang ito nasa anyo ng

pagsusulit, pagbuo ng proyekto at pagtatanghal ng gawain.

Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto. Kaya’t nararapat

lamang na ang bawat guro ay hindi lamang dapat magaling sa pagtuturo kundi marunong din

siyang maghanda ng mga pagsusulit. Ang pagsusulit o pagtataya ay isa lamang paraan upang

matiyak kung mayroong pagkatatutong nagaganap. Nagagawa rin ng pagsusulit na masukat ang

masteri ng mga mag-aaral sa mga lawak ng wika na nililinang sa klase. Dahil sa ipinalalagay na

nagagawa ng pagsusulit na mapili ang mga importanteng aspekto ng mga kasanayang makro na

nililinang sa pagtuturo ng wika, karaniwan ding ginagamit ang mga pagsusulit sa pagtiyak kung

anong mahalagang paksa ang dapat ituro. Sa ganitong paraan, malinaw na makikitang

naiimpluwensyahan ng pagsusulit kung ano ang dapat ituro.

5. Sanggunian

Azarias, H. (2018). Ang Panitikan ay Pagpapahayag ng Damdamin ng Tao.


https://www.coursehero.com/file/58136982/PANITIKANdocx/

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-


Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

10
De Juan, (2013). Ang Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at ang Pamamaraang Komunikatib
sa Pagtuturo ng Wika.
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-
at-ang-pamaraang-komunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika/

Espiritu, (2003). Mga Teorya sa Gramatika at wika Salalayan sa Pagtuturo n Filipino


https://www.researchgate.net/publication/349044802_Mga_Teorya_sa_Gramatika_at_Wi
ka_Salalayan_sa_Pagtuturo_ng_Filipino_DALUMAT_E-JOURNAL

Gannaban, M. F. (2013). Isang Estratehiya sa Larangan ng Pagtuturo


https://ejournals.ph/article.php?id=6232

Guinto, (2010). Paggamit ng Teknolohiya sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino


https://www.coursehero.com/file/73211201/Researchdocx/
Gurdiel, C., Pallarca, A.P. Et, Al (2015). Mga Salik Tungo sa Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa
mga Estudyanteng Nag-aaral ng Edukasyong Pangsekundarya.
https://www.academia.edu/23015371/MGA_SALIK_TUNGO_SA_EPEKTIBONG_PA
MAMARAAN_NG_PAGTUTURO_SA

Lartek, J. K. (2014). Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino tungo sa Pagtamo ng


Inklusibong Edukasyon
https://ejournals.ph/article.php?id=10017

Libero, (2008). Sa Wikang Filipino sa Sistemang Open and Distance Learning


https://pdfcoffee.com/sa-wikang-filipino-sa-sistemang-open-and-distance-learning-1-pdf-
free.html

Petras, J.D. (2012). E-FILIPINO: ANG PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG/SA WIKANG FILIPINO SA
SISTEMANG OPEN AND DISTANCE LEARNING
https://ejournals.ph/article.php?id=6215

Salazar, Z. (2000). Ukol sa Wika at Kulturang Filipino


https://www.academia.edu/28661971/UKOL_SA_WIKA_AT_KULTURANG_PILIPIN
O
Santiago, (2020). Mga Problemang Pasan ng Guro sa Panahon ng Pandemya
https://www.coursehero.com/file/71094837/ONLINE-CLASS-TALUMPATIdocx/

Uleta, E. V. (2017) Aspekto ng pag-unawa sa markahang pagtataya sa Filipino


https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-congress-
proceedings/2017/paper-3.pdf

11

View publication stats

You might also like