You are on page 1of 24

FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

First City Providential College


Brgy. Narra, Francisco Homes Subdivision, City of San Jose del Monte, Bulacan

MGA RASON KUNG BAKIT MAS GINAGAMIT NG MGA


PILIPINO ANG WIKANG INGLES KAYSA WIKANG
FILIPINO

Ang Pananaliksik
Na ipinasa sa
Departamento ng Senior High School
Sa First City Providential College

Upang makumpleto
ang mga pangangailangan
sa asignaturang
Pananaliksik

Isinumite nila
Rolando Jose Dizon
Darylle Reign Mendaro
Stephanie Bridgette Allyson Manalo
11-STEM 2

Ipinasa kay
Bb. Jeanne Tan
Guro sa Pananaliksik

Akademikong Taon 2017-2018


2nd Semester

Lifelong Education

i
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

APPROVAL SHEET

Ang pananaliksik na ito ay nagngangalang MGA RASON


KUNG BAKIT MAS GINAGAMIT NG WIKANG FILIPINO ANG
WIKANG INGLES, isang QUALITATIVE STUDY na ipinasa nina
Rolando Jose Dizon, Darylle Reign Mendaro at Stephanie
Bridgette Allyson Manalo, ay sana tanggapin upang
makumpleto ang mga pangangailangan sa programa ng Senior
High School sa First City Providential College. Ito ay
inabprubahan ng Komite:

____________________________

_____________________________

Bb. Jeanne Tan

Guro sa Pananaliksik

_____________________________

_____________________________

Petsa

Lifelong Education

ii
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

PAGKILALA

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng


mga sumuporta at tumulong upang mapagtagumpayan ang pananaliksik
na ito.

Sa kanila guro na tagapatnubay na si Bb. Jeanne Tan, sa kaniyang


pasensya sa pagtuturo sa pananaliksik at sa mga payo at paggabay.

Sa lahat ng estudyante, lalo na sa mga respondyente na sumagot


sa mga sarbey sa pagbibigay ng kanilang opinion tungkol sa nasabing
paksa.

Sa kaibigan ng mga mananaliksik, sa kaning walang sawang


pagmamahal at pagdamay sa lahat ng bagay.

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa karunungan, katalinuhan,


paggabay at pagmamahal upang matapos ang pananaliksik na ito.

Lifelong Education

iii
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

DEDIKASYON

Ang mga mananaliksik ay inilalaan ang gawang ito sa mga may


nais malaman ang tungkol sa mga rason kung bakit mas pinipili ng mga
Pilipino gamitin ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

Sa pamilya ng mga mananaliksik, na lagging nagbibigay ng lakas


ng loob at suporta.

Sa mga taong nais pang palawakin ang paksang ito, nawaý maging
gabay ito para madagdagan pa ang impormasyon na kanilang
kinakailangan.

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa karunungan, katalinuhan,


paggabay at pagmamahal upang matapos ang pananaliksik na ito.

Lifelong Education

iv
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tinatalakay ang mga rason kung bakit mas
ginagamit ng mga Pilipino ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
Gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey upang kumuha ng mga
opinion ng mga tao at mga literatura’t pag-aaral na tungkol sa paksa
upang kumuha ng mas marami at totoong impormasyon. Mga mag-
aaral sa senior high school at mga guro na gumagamit ng wikang
Ingles kaysa wikang Filipino.

Maraming aspeto ang nakakaapekto o nagiging dahilan ng mas


paggamit ng wikang Ingles kaysa wikang Filipino tulad ng sa pag-
aaral, sa pakikipag-usap o komunikasyon sa mga dayuhan at marami
pang iba na matatalakay sa pananaliksik na ito.

Lifelong Education

v
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat………………………………………………………… i
Approval Sheet………………………………………………… ii
Pagkilala…………………………………………………………. iii
Dedikasyon……………………………………………………… iv
Abstrak…………………………………………………………… v

KABANATA 1: KALIGIRAN NG PAG-AARAL


Introduksyon…………………………………………………… 1
Paglalahad ng Suliranin……………………………………… 3
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral…………………… 4
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral……………………… . 5
Konseptwal na Balangkas…………………………………….. 6
Depinasyon ng Termino……………………………………… 7

KABANATA 2:
Pag-aaral sa Literatura………………………………… ……… 8
Pag-aaral sa Wikang Banyaga……………………………….

KABANATA 3: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………
Mga Respondente………………………..……………………..…
Instrumentong Pananaliksik……………………..……………
Tritment ng Datos……………………..……………………..……
Resulta……………………..……………………..……………………

Bibliyograpiya……………………..……………………..……………

Lifelong Education
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

KABANATA 1
KALIGIRAN NG PAG-AARAL
I. INTRODUKSYON

Sa ating lipunan, kinakailangan natin gumamit ng Wikang Ingles


tulad na lamang sa paaralan, pakikipagsosyo, lalo na sa ekonomiya. Ito
ang nagsisilbing daan upang magkaintindihan ang iba’t ibang lahi at
tinagurian ding universal language”. Kung kaya naman halos lahat ng
parte na ito ng ating pagkatao bilang mga Plipino at gamit gamit na rin sa
ordinaryo at pang-araw-araw nating pamumuhay.

Mas ginagamit ng karamihan ang wikang Ingles dahil na rin sa


kaniya-kaniyang trabahong nagkalat sa loob at labas ng bansa. Dahil dito,
ito rin ang nagiging batayan upang maipahayag hindi lamang ng mga
manggagawa ang kanilang saloobin at magampanan ang kanilang
napiling trabaho.

Mahigit kalahati ng mga Pilipino ay ibang dayalekto ang gamit tulad


ng Bisaya, Ilokano, Bikol at marami pang iba. Sa ngayon, maimpluwensya
ang wikang Ingles dahil sa umiiral na globalisasyon sa buong mundo. Sa
labas ng bansa, kailangang gamitin ang wikang Ingles upang maunawaan
ang isa’t isa dahil ito ay wikang panlahat. Gayundin kung may mga
dayuhang pupunta rito at magtatrabaho o di naman kaya ay
makikipagsosyo. Kahit pa man nandito tayo sa ating bansa, kapag
nagtrabaho tayo ay kailangan din natin gumamit ng wikang Ingles tulad na
lamang sa call center. Sa pag-iral ng globalisasyon sa mundo ay
pinalakas din nito ang Ingles bilang gamit sa pakikipagkalakalan.

Sa larangan ng edukasyon, ang wikang Ingles ay mas


ginagamit din sa pagtuturo dahil sa mga asignaturang itunuturo ng mga
guro sa paaralan. Karamihan o halos lahat kasi ng mga ito ay Ingles ang
wikang ginagamit dahil mas naipapaliwanag kung ito ang gagamitin kaysa

Lifelong Education

1
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

wikang Filipino tulad na lamang sa Agham at Matematika. Ngunit


mahalagang balanse ang pagtuturo ng mga nasabing wika sa
kadahilanang pareho itong mahalaga sa bawat Pilipino. Wikang Filipino
para sa pang-araw araw nating buhay at wikang Ingles naman para sa
maraming aspeto tulad na lamang nga sa pag-aaral.

Lifelong Education

2
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng mga rason kung bakit mas
ginagamit ng mga Pilipino ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
Para sa kredibilidad at epekto ng mag-aaral na ito, naglalayong ito
ay sumagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Paano nakakaapekto ang pag-gamit ng wikang Ingles kaysa


wikang Filipino sa ating pamumuhay?

2. Sa anong aspeto mas ginagamit ang wikang Ingles kaysa


wikang Filipino?

3. Ano-ano ang magaganda at hindi magagandang epekto ng


pag-gamit ng mga wikang ito?

Lifelong Education

3
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

III. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik ukol sa mga rason kung bakit mas ginagamit ng


mga Pilipino ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino ay naglalayong
bigyan ng importansya sa Asignaturang Filipino ang mga
sumusunod:

Mag-aaral sa sekondarya:

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyang linaw ang pag-


iisip ng mga Pilipino, lalo na ang mga mag-aaral kung bakit mas
ginagamit ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

Guro:

Malaki ang epekto ng mga guro ukol sa pag-aaral na ito sapagkat


ang paggamit ng wikang Ingles ay mas ginagamit sa pagtuturo
kaysa wikang Filipino dahil sa mga asignaturang ginagamitan ng
wikang Ingles.

Mga mananaliksik:

Kailangan na maintindihan ng lahat ang mga rason kung bakit


mas ginagamit ng mga Pilipino ang wikang Ingles kaysa wikang
Filipino dahil ito ay parte ng pang araw-araw na buhay ng isang tao
sa kaniyang lipunan.

Lifelong Education

4
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

IV. SAKLAW AT LIMITASYON SA PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay tumatalakay sa mga rason kung bakit


mas ginagamit ng mga Pilipino ang wikang Ingles kaysa wikang
Filipino sa sekundaryang paaralan at nakatakdang sumasagot sa mga
surbey na gagawin. Ito’y sumasaklaw lamang sa paaralang First City
Providential College na may 25 respondyente. Ang mga nakalap na
impormasyon ay nakatakdang gamitin para sa pananaliksik.

Lifelong Education

5
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

V. KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Mga Rason kung bakit mas
ginagamit ng mga Pilipino
ang wikang Ingles kaysa
wikang Filipino

Mas ginagamit ito ng mga Marami pa rin ang nahihirapan


Pilipino sa pakikipag- sa pagsasalita o paggamit ng
komunikasyon sa buong wikang Ingles dahil nasanay sila
daigdig. sa wikang Filipino na siyang
midyum sa pakikipag-usap sa
kapuwa.

Sa pagtuturo, karamihan ng mga Nakatutulong ito sa paglago ng


asignatura ay Ingles ang ekonomiya at pansariling kaunlaran.
ginagamit.

Ginagamit ang wikang Ingles sa Mas maraming oportunidad ang


trabaho tulad ng call centers at makukuha kapag marunong magsalita
mga opisina. ng wikang Ingles.

Lifelong Education

6
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

VI. DEPINISYON NG TERMINO

Balbal na salita – pamantayang pag gamit ng mga salita sa isang


wika ng isang particular na grupo lipunan.

Baliktad na salita – pananalita kung saan ang mga patinig ng mga


salitang Tagalog ay binabaliktad.

Kolokyal na salita – impormal na salita kung saang ginagamit


natin itong pang araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagapangan at pag kabulgar, bagama’t may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsabi.

Kwalitatibong Pananaliksik -

Literatura – pinakamalawak na kahulugan nito ay isang solong


katawan ng nakasulat na mga gawa.

Lodi – salitang binaligtad na ang tawag ay idol o iniidulo.

Petmalu – nakabaliktad na salita na ang kahulugan ay malupit o


isang bagay na nakakamangha.

Werpa – nagbibigay ng lakas ng loob at sumusuporta sa isang tao.

Wika – bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga


simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan.

Lifelong Education

7
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

KABANATA 2

I. Pag-aaral sa Literatura

BALIGTAD NA SALITA

Sa panahon ngayon ay umuusbong ang mga Binaligtad na


Salita tulad ng lodi (idol), werpa (power), petmalu (malupit), balakid
(di ka lab), erp (pre) at marami pang iba. Ngunit bukod pa sa mga
salitang ito, maging ang Plaridel ay nakuha sa pangalan ng isang
bayani na si Marcelo H. Del Pilar.

Ayon kay Dano Tingcungco sa kanyang ulat sa Balitanghali,


ang Baliktad Tagalog ay umusbong na noong dekada ’70 pa lamang.
Kulturang “Hippie” raw ang nagpakilala nito. "Natuwa 'yung
panibagong... sabihin na nating di naman talaga imbento kundi
nakatuklas na may ganitong mga salita. Tapos ayun, marami nang
mga sumunod pang salita." ayon kay Professor April Perez ng
University of the Philippines Department of Linguistics. Ayon din sa
ulat, may mga kanta ring naibuo mula sa mga Baligtad na Salita, ang
Bogchi Hokbu o ang ibig sabihin ay Chibog Buhok na kanta ng
bandang Eraserheads, ang Nosi Balasi o Sino Ba Sila ng Sampaguita
at ang sumikat na kanta awitin ni Mike Hanopol na Laki sa Layaw
featuring Jeprox o Projects. Ang mga ganitong klase ng slang ay
hindi dapat ipangamba dahil patunay ito ng buhay na wika ng
Pilipinas (Bajo, 2017).

Lodi na para sa idol, petmalu para sa malupit, werpa na


nangangahulugang power at orb para sa salitang bro. Ilan lamang

Lifelong Education

8
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

ito sa mga patok na baligtad na salita sa mga millennial at lagging


ginagamit sa social media. Minsan pa nga’y may mga napapakamot
ng ulo at nag tatanong kung saan na nang galing at sino ang
nagpauso sa mga salitang ito. Sabi pa ng KWF o Komisyon sa
Wikang Filipino ay patunay lamang ito na buhay ang wikang Filipino
bunga ng pag-uso ng baligtad na salita. Noon pa man ay nauso na
ito dahil ginagamit ito ng mga grupo upang ilihim ang kanilang
usapan sa ibang grupo. Ayon kay Virgilio Almario, isang National
Artist, na nakahanda para sa panibagong diskurso ang Wikang
Filipino. Panawagan ng Komisyon sa Wikang Filipino na tuklasin din
ng mga kabataan ang iba pang wika at dayalekto sa Pilipinas at hindi
lamang ang mga baligtad na salita nang dahil sa mga nanganganinb
nang mawala na ang ibang dayalekto sa ibang bahagi ng Pilipinas
upang maireserba ang kultura na maaaring maging isang sangkap
para sa pag-unlad ng Pilipinas (Tagbo, 2016).

BALBAL NA SALITA

Base sa pag-aaral ay hindi basehan ang kasarian, edukasyon ng


magulang, trabaho at lugar ng tirahan ng mga magulang para hindi
matutunan ng mga kabataan ang pag gamit ng salitang balbal. Ang
mga salitang balbal at tinuturing na personal na pakikipag-
komunikasyon sa lahat ng antas o uri ng pamamamuhay sa isang
lipunan. Sinasabi din na ang paggamit ng mga salitang ito ay isa sa
mabisang paraan ng mga magulang upang makasabay sa pakikipag-
usap sa kanilang mga anak. Mungkahi din ni Pinon (2013) na mas
mabuti kung iiwasan ang pag gamit ng salitang balbal sapagkat ang

Lifelong Education

9
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

bawat salita ang nagpapakita na pagkatao ng isang mamamayan.


Ang wika ay ginagamit din bilang pakikipagkalakalan at
pakikipagpalitan ng impormasyon sa agham, industriya at
teknolohiya.

Napag alaman na ang salitang balbal ay sumasang-ayon o


nakaaapekto sa saloobin at kaalaman ng mga mag-aaral. Ang mga
salita ay makapangyarihan kaya maraming naiimpluwensyahan na
gumamit ng mga ganitong uri ng salita lalo na ang mga kabataan
dahil ito’y napapanahon at paminsan pa ay nagagamit din ang mga
ganitong salita sa mga pormla na sulatin. Kaya muling mungkahi ni
Pinon na magkaron ng malalim at sapat na kaalaman tungkol sa
wika. Ito ang magsisilbing gabay upang maunawaan at malaman ang
pagkakapareho at pagkaka-iba ng pormal sa impormal na pananalita.
Ang salitang balbal ay kadalasang ginamit ng mga mag-aaral sa loob
ng tahan, sa paaralan, telebisyon, mga unibersidad, mall at
lansangan.

Ang salitang balbal ay nagagamit sa kahit saang lugar. Nararapat


lamang itong gamitin sa personal na pakikipag-usap ngunit sa
paraang magkakaintindihan ang nagsasalita at nakikinig. Mag mga
lugar lamang na nararapat pag gamitin nito. Ang pag sasalita ang
ginagamit upang makapaglahad ng nararamdam at damdamin kahit
saan mang lugar ngunit hindi ito ang dahilang upang kalimutan ang
wika ay may kaantasan din. Kaantasang nabibilang sa mga impormal
na salita na makaaapekto sa pagkatao ng nagasasaliita (Pinon,
2013).

Lifelong Education

10
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

II. Pag-aaral sa Wikang Banyaga

SLANG

Ang mga slang na salita ay mabilis na lumalaganap at maaaring


matanggap bilang isang standard na wika. Ang patuloy na
paglaganap ng mga islang ay dahil sa mga pagbabagong nangyayari
sa lipunan at sa medya. Ginagamit ang mga islang upang magbigay
katawagan sa mga bagay, sa pagpapahayag ng mga negatibong
saloobin at emosyon. Paalala ni Pinon sa mga guro na huwag
hahayaang matatak ito sa isipan ng mga mag-aaral. Sa loob ng isang
klase ay hindi maiiwang ang pag gamit ng mga ganitong uri ng mga
salita ngunit huwag hayaang pati sa mga pormal na pagsusulat ay
magamit ang mga ganitong salita (Pinon, 2013).

Maging ang pangalan ay nagagamitang ng islang tulad ng


pangalan na Noynoy, Bongbong. Bambam, Clangclang at marami
pang iba. Maging ang pagbabaligtad ng salita ay nauuso rin tulad ng
ligo na ginagawang goli, ang yosi na nang galing sa salitang
sigarilyo, ang porma na ginawang japorms. Noong 1970 ay nauso na
ang pagbabaligtad ng mga salita. Ito ay isang uri ng rebelyon sa
panahon ng pamumuno noon ni Pangulong Marcos. Ito ang ginamit
ng mga kabataan noon upang magkaroon ng kalayaan sa
pagpapahayag ng kanilang mga damdamin.
Sa taong 2010 ay dito nauso ang salitang jejemon. Ang salitang
ito ay nahahati sa dalawa, jeje ay isang Spanish word na ang ibig
sabihin ay katuwaan at mon na nang galing sa sikat na telebisyon at
larong Pokemon. Ang pagsasalita ng jeje ay mahirap intindihin para

Lifelong Education

11
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

sa mga taong hindi sanay sa ganitong klase ng pakikipag-usap.


Isang halimbawa nito ay ang 3ow phOw, mUsZt4h nA?? (Hello,
kumusta ka na/ How are you?). Walang kasiguraduhan kung saan
nag mula ito at paano ito nauso ngunit may mga nagsasabi na
nagmula ito sa isang post ni Jejomar Binay patungkol sa pag papaiksi
ng mga salita sa text dahil sa 160 na letra lamang ang kasya rito.
Isang bagay lang ang sigurado, ang jejemon ang sumikat at nauso
dahil sa teknolohiya.
Konyo, isa rin ito sa isang uri ng islang na patuloy na nagagamit.
Nagmula ito sa isang hindi kaaya ayang salita sa Spanish ngunit sa
Pilipinas ay iba ang ibig sabihin nito, ito ay pumapatungkol sa mga
tinatawag na rich kids. Ito ang pag hahalo ng salitang Tagalog at
Ingles tulad ng Wait, I’ll be there mamaya. Isa pa sa paraan ng pag
gamit nito ay ang pagdagdag ng mga salitang na, ba, pa at ano
habang nagsasalita ng Ingles. Hindi lang ang pagiging mayaman ang
sanhi nito, isa rin ang pag kakaroon ng colonial mentality. Nang
manakop ang mga Espanyol ay dito na nabago ang tingin ng ibang
Pilipino sa wikang kanilang kinagisnan. Ang Filipino noon ay
tinatawag na lenggwahe ng mga “indio” habang “illustrado” naman
sa gumagamit ng mga lenggwahe mula sa ibang bansa. Ang Ingles
ay palagiang ginagamit ng mga Pilipino. Itinuturing na rin na
lenggwahe ng mga Pilipino ang Ingles ngunit hindi nito
naaapektuhan masyado ang wikang Filipino sapagkat sa kahit saang
lugar ay patuloy parin na nangingibabaw ang pag gamit ng Wikang
Filipino (Pagdanganan at Mendoza, 2013).

Lifelong Education

12
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

COLLOQUIAL

Hindi maipagkakailala na ang Wikang Filipino, bilang isang


Pambansang wika. Ito ay patuloy na lumalago habang nag-iiba din
ang henerasyon. Para sa isang bansa na mayroong 11 na lengwahe
at mahigit 175 na dayalekto na nagagamit sa loob ng 7,701 na isla,
ang kakaibang paraan ng pakikipag-komunikasyon ay naging parte
na ng kultura ng bansang Pilipinas. Ang mga kolokyal na salita nilang
katulad ng mga balbal ay nauso na. Ngayon naman ay nauuso na
ang mga salitang tulad ng boom panes.

Mula sa repapips, chiks, nosibalasi at jeproks ng ‘70s, parekoys,


bagets, epal and astig ng ‘80s at ‘90s hanggang sa gorabels ,OMG,
push mo yan!, waley, havey, ansabe at maraming pang iba ay
patuloy na nagpapatunay na paglago ng Filipino slang sa Wika ng
Pilipinas, ito ay patuloy na nagbibigay aliw at kasiyahan sa
pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino. Ito rin ay nagbibigay ng
kalayaan sa bawat Pilipino na mas maipahayag ang kanilang
damdamin. Maging Tagalog man o Ingles ay maaaring gamitin sa
pakikipag-usap. Sa paglawak ng pag gamit ng mga ganitong uri ng
slang ay may nagiging maipluwensya ito sa mga gumagamit ng
social media dahil sa mga artistang nagpapa-uso nito tulad nina Vice
Ganda, Kris Aquino, Boy Abunda at marami pang iba (Ahmad, 2014).

Lifelong Education

13
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

KABANATA III
PAMAMARAAN
I. Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

Gumamit ng kwalitibong pamamaraan ang mga mananaliksik


upang mangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng sarbey na
binigyang tuon ang bilang ng mga sagot at inilahad ang mga resulta.

II. Respondyente

May dalampu’t limang respondyente mula sa First City Providential


Colege ang sumagot ng sarbey na inihanda ng mga mananaliksik
tungkol sa mga rason kung bakit mas ginagamit ng mga Pilipino ang
wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

III. Instrumentong Pampapanaliksik

Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng survey sheets sa mga


respondyente upang makakuha ng iba’t ibang opinion na
makatutulong sa pag-aaral na ito.

IV. Tritment ng Datos

Ang pormulang ginamit para sa pananaliksik na ito at P = f/n x 100.

Lifelong Education

14
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

V. RESULTA

1. Mahalaga bang pag-aralan o matutunan natin ang wikang Ingles?

Oo Hindi
25 0
2. Nakatutulong ba ang wikang Ingles sa atin sa iba’t ibang aspeto?

Oo Hindi
25 0
3. Nasusukat ba ang katalinuhan ng isang tao sa pagsasalita ng wikang
Ingles?

Oo Hindi
4.
5. 2 23

4. Sa iyong pananaw, mas mainam bang maging midyum ang wikang


Filipino sa pagtuturo?

Oo Hindi

17 8

Lifelong Education

15
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

5. Dapat bang sanayin ng mga Pilipino ang paggamit ng wikang Ingles


kahit hindi ito ang kanilang pambansang wika?

Oo Hindi

20 5

6. May pagkakataon bang sabay ang paggamit ng wikang Ingles at


Filipino sa iisang sitwasyon?

Meron Wala

23 2

7. Ano anong larangan o aspeto madalas nating gamitin ang wikang


Ingles?

Sa komunikasyon Iba pang sagot


8.
9. at pag-aaral
10.
15 10

8. Bakit sa tingin mo mas marami ang tumatangkilik sa wikang Ingles


kaysa wikang Filipino?

Magandang pakinggan, Iba pang sagot


mukhang matalino, sosyal

17 8

Lifelong Education

16
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

9. Alin ang mas madaling gamitin, ang wikang Filipino o wikang Ingles?
Bakit?

Wikang Filipino, dahil Wikang Ingles, dahil


ito ang nakasanayang mas mainam itong
gamitin gamitin

21 4

10. Bilang mamamayang Pilipino, ano ng aba ang kaya mong gawin para sa
ating wika?

11. Tangkilikin at Iba pang sagot


ipaglaban o ipagmalaki

25 0

Lifelong Education

17
FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

BIBLIOGRAPHY

LIBRO

 Mangahas, R. G. (1970). Ilang silahis ng Bahaag at sikat.


Manila: EBSCO Industries

 Arao, D. A. (2004). Napolen Quince at ang malisya ng


pagtikim ng wika. Bulacan: Ilaw Publishin Inc.

 Teresita, F. (2008). Mga Pangunahing Etnoliggwistikong


Grupo sa Pilipinas. Manila: Anvil Publishing.

 Lamnana, D. (2007). Slang A language for defining service


level agreements. London: WCIE Inc.

INTERNET

 Gonzales, A. B. (2009). Pilipinasyon ng mga Agham


Panlipunan: Pagliligaw sa Tunay na isyu? Nakuha sa:
https://ejournals.ph/article.php?id=7957

 Major, C. (1970). Dictionary of Afro-American Slang. Nakuha


sa: https://www.amazon.com/Dictionary-Afro-American-Slang-
World-Paperbacks/dp/0717802698

 Champman, B. A. (1987). American Slang. Nakuha sa:


https://www.amazon.com/Dictionary-American-Slang-Robert-
Chapman/dp/006270107X

Lifelong Education
18

You might also like