You are on page 1of 21

Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon

GNG. JONALYN D. ALO


TAGA-ULAT
• Buod
Dito mababasa ang pangunahing nilalaman ng isang pag-aaral. Ginagawang simple o
payak ang paglalahad ng mga impormasyon upang madaling maunawaan kung tungkol
saan ang ginawang pag-aaral.

• Rekomendasyon
Sa bahaging ito inilalahad ang mungkahi ng isang mananaliksik sa kinalabasan ng pag-
aaral. Kabilang dito ang mga ideya na may layunin na matugunan ang isang suliranin.

• Konklusyon
Sa bahaging ito inilalahad  ang mga kabuoang pahayag o pagtuklas sa isinagawang
pananaliksik na may patunay at balidasyon.  
Buod, Kongklusyon at
Rekomendasyon
 Ito ang huling kabanata ng isang pananaliksik.
 Itorin ang isa sa pinakamahalagang bahagi
sapagkat dito nilalagom ang mga nakalap na
datos at impormasyon.
 Inilalahad
dito ang mga generalization sa
anyong kongklusyon batay sa mga datos at
impormasyong nakalap.
 Dito
ipinatutungkol sa mga kinauukulan ang mga
rekomendasyon tungo sa posibleng kalutasan sa
mga suliranin

 Sa aklat na Methods of Research and Thesis


Writing nina Calderon at Gonzales (1993), naglahad
sila ng mga tagubilin na lubos na makatutulong sa
mga mananaliksik sa pagsulat ng bahaging ito.
Tagubilin sa Pagsulat ng Buod

Simulan ang buod sa isang maikling


pahayag tungkol sa pangunahing layunin
ng pag-aaral, mga respondent, saklaw at
limitasyon, panahon ng pag-aaral,
pamamaraan at instrumentong ginamit sa
pangangalap ng mga datos at impormasyon
at ang disenyo ng pananaliksik.
HALIMBAWA

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning madetermina


ang istatus ng pagtuturo ng Science sa mg pampublikong
mataas na paaralan sa lalawigan ng Abra. Ang ginamit na
pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptib, at normatib na
sarbey naman ang teknik na ginamit sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon . Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng
isang kwestyoneyr na ginamit na instrument sa pangangalap ng
mga datos mula sa mga respondent. Ang pag-aaral na ito ay
isinagawa sa taong-akademiko 1999-2000.
Tagubilin sa Pagsulat ng Buod

 Hindi na kailangan ang anumang eksplanasyon o


pagpapalawig
 Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa
pamamagitan ng pagbubuod ng mga importanteng datos
 Huwag gumawa ng mga deduction, inference
at interpretasyon sa lagom dahil mauulit lamang ang
mga iyon sa kongklusyon.
HALIMBAWA

 Sa limamput siyam (59) na respondenteng gurong nagtuturo


ng Science sa buong lalawigan ay napag-alamang tatlumpu’t
isa (31 o 53.54%) sa kanila ay nagtapos ng kursong BSEd
samantalang tatlo (3 o 5.08%)lamang ang may digring
Masteral. Dalawamput lima (25 o 42.37%)naman ang mga
gurong nagtapos ng ibang kurso (maliban Sa BSEd)
ngunit nakapagturo dahil sa pagtatamo ng hindi kukulangin sa
labing walong (18) yunit sa Edukasyon. Kapansin-pansin
naman na kulang sa kalahati ng mga respondent na
dalawampu’t pito(27 o 25.76%) ang major sa Science.
Tagubilin sa Pagsulat ng Buod

 Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga


datos ang dapat banggitin sa lagom, lalung-lalo na
iyong mga pinagbabatayan ng mga kongklusyon
 Ang mga datos ay hindi dapat ipaliwanag pang muli
 Gawing maiikli at tuwiran ang pahayag sa lagom
 Huwag magdagdag ng mga bagong datos o
impormasyon sa lagom.
Tagubilin sa Pagsulat ng Kongklusyon

 Lahatng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika


ng mga datos at impormasyong nakalap.
 Dapat masagot ng tumpak at maayos ang mga
katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral.
Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik
kung ang mga katanungang iyon ay hindi
malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.
Tagubilin sa Pagsulat ng Kongklusyon

 Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon,


ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga
kailangang impormasyong resulta ng pag-aaral na
hinihingi ng mga tiyak na tanong sa Layunin ng pag
aaral.
Tagubilin sa Pagsulat ng Kongklusyon

 Maging tiyak sa paglalahad ng mga


kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig
ng mga mananaliksik na sila’y may
pagdududa o alinlangan sa validity
at reliability ng pananaliksik. Iwasan
ang mga salitang siguro, marahil,baka
atbp.
Tagubilin sa Pagsulat ng Kongklusyon

 Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw


at limitasyon at panahon ng pag-aaral
 Ang mga kongklusyon ay hindi dapat
repetisyon laman ng mga pahayag sa ibang
bahagi ng pananaliksik. Samakatwid,ang isang
diwang una nang nabanggit sa ibang bahagi ay
kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa
kongklusyon.
Pansinin ang kasunod na kongklusyon :

Batay
sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga
mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na
kongklusyon:

A.Karamihan sa mga gurong nagtuturo ng Science sa mga


pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan ng Abra ay
hindi qualified.
 b. Hindi sapat ang mga pasilidad na ginagamit sa
pagtuturo ng Science sa mga pampublikong mataas na
paaralan sa lalawigan ng Abra.
 C. Karamihan ng mga gurong nagtuturo ng Science sa
mga pampublikong mataas na paaralan sa Abra ay
naniniwalang hindi kasiya-siya ang istatus ng pagtuturo
ng nasabing mga guro sa kani- kanilang paaralan.
Tagubilin sa Pagsulat ng Rekomendasyon

 Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang


mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon.
 Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang
suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa pag-
aaral.
 Bagamat ang mga rekomendasyon ay maaaring maging
ideal , kailangang ang bawat isa ay maging praktikal,
naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan.
Tagubilin sa Pagsulat ng Rekomendasyon

 Dapat maging valid at lohikal ang bawat rekomendasyon.


 Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa
indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong nasa
posisyong magpatupad ng bawat isa.
 Kung may mabubuting bagay na natuklasan, kailangang
irekomenda ang pagpapanatili,pagpapatuloy at
pagpapabuti ng mga iyon at mga hakbang o paraan
kaugnay dito.
Tagubilin sa Pagsulat ng Rekomendasyon

 Maaaring irekomenda ng ibang mga mananaliksik ang


pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinigawang pag-aaral
o paggamit ng ibang saklaw, panahon, locality at
populasyon upang ma-verify o mapasinungalingan ang
mga natuklasan sa pag-aaral. Pansinin ang mga kasunod
na rekomendasyon:
Halimbawa

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong –pagpapakumbabang


iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal,
pangkat,tanggapan o institusyon ang mga sumusunod na
rekomendasyon:
A. Para sa mga superindente at superbisor ng mga pampaaralang
dibisyon sa lalawigan ng Abra at  mga prinsipal ng mga
pampublikong mataas na paaralan ng lalawigan, maging mahigpit sa
pagtanggap ng mga guro sa Science. Kailangang ipatupad ang minimum
na kwalipikasyong itinatakda ng Serbisyo Sibil sa pagtanggap ng mga
bagong guro sa nabanggit na asignatura.
Halimbawa

 B. Para sa iba pang mga mananaliksik na magsagawa


ng katulad na pag-aaral hinggil sa ibang asignatura o
sa ibang lokalidad ay nirerekomenda na palawakin o
ipagpatuloy ang nagawang pag-aaral na ito upang
mahanapan ng ma posibleng solusyon ang iba pang
matutukoy na suliran na may kaugnayan sa edukasyon.
Sanggunian:

https://www.academia.edu/31008778/Lagom_Kongklusyon_at_Rekomen
dasyon

https://www.google.com/search?q=lagom
+%2C+konklusyon+at+rekomendasyon+ppt&rlz=1C1SQJL_enPH972P
H972&oq=
lagom
+%2C+konklusyon+at+rekomendasyon+ppt&aqs=chrome..69i57j0i22i3
0.13744j1j15&sourceid=
chrome&ie=UTF-8

You might also like