You are on page 1of 2

Kabanata III

MGA PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK


Nakapaloob sa kabanatang ito ang pamamaraan at disenyo na gagamitin sa pag-aaral
na ito.

Disenyo ng Pananaliksik
Diskriptibong pananaliksik ang gagamiting disenyo ng mga mananaliksik. Ang
deskriptibong pananaliksik ay isang uri ng metodolohiya na gumagamit ng mga
talatanungan na ipinapamahagi sa mga napiling tagatugon upang makakalap ng
inpormasyon. Naglalayon ito na malaman ang posibleng magiging epekto ng pagsasalin
ng mga sulat mula sa Meralco sa mga konsumer nito at pagkonsumo ng kuryente.

Instrumento ng Pananaliksik
Upang makakalap ng datos, gagamit ang mga mananaliksik ng mga talatanungan na
ipamamahagi sa mga napiling tagatugon ng Poblacion, Santa Maria, Bulacan . Ang uri
ng mga tanong ay pinagsamang "open-ended" at "close-ended" kung saan magkakaroon ng
mas malayang pamamahayag ng opinyon ang mga tagatugon.

Populasyon ng Pananaliksik
Ang gagamiting pamamaraan sa pagpili ng mga tagatugon ay ang "random sampling
method" kung saan ang sinomang nakatira sa Poblacion, Santa Maria, Bulacan ay
maaaring maging tagatugon ng pananaliksik na ito. Naniniwala ang mga mananaliksik
na kailangan ng hindi hihigit at bababa sa isang daang (100) tagatugon at nasa
labing walong (18) taon gulang pataas ang magsasagot ng mga talatanungang
ipamamahagi ng mga mananaliksik.

Hakbangin ng Pananaliksik
Nakasaad dito ang mga hakbangin na gagawin ng mga mananaliksik upang mabigyang
katuparan ang layunin ng pananaliksik:

1.) Pangangalap ng mga sulat mula sa Meralco


Sa unang hakbang, mangangalap ang mga mananaliksik ng mga dokumento na may
kinalaman sa mga bayarin sa elektrisidad upang malaman ang mga bagay na isasalin sa
Wikang Filipino.

2.) Pagsasalin ng mga nakalap na sulat sa Wikang Filipino


Sa hakbang na ito, isasalin ng mga mananaliksik ang nilalaman ng sulat na
nakalap mula sa Meralco.

3.) Paggawa ng mga talatanungan na ipamamahagi ng mga mananaliksik


Ang mga talatanungan ay inihahanda na sa hakbang na ito. Kinakailangang may
relasyon o kaugnayan ang mga katanungan sa paksa ng pananaliksik at sumasagot sa
mga tanong na nabuo sa bahagi ng paglalahad ng suliranin.

4.) Paghingi ng pahintulot mula sa mga tagatugon


Gagawa ng sulat ang mga mananaliksik na humihingi ng permiso sa mga tagatugon
upang maging maalam sila sa gagawing pag-aaral ng mga mananaliksik at bilang
pagbigay na rin ng respeto sa kanila.

5.) Pagpapasagot ng mga talatanungan sa mga tagatugon


Bibigyan ng mga mananaliksik ang mga tagatugon ng mga talatanungan at ito ay
kanilang malayang sasagutan. Ito ang gagamitin ng mga mananaliksik na datos na
kailangan sa pananaliksik.

6.) Pagkakaroon ng ebalwasyon hingil sa mga nakalap na datos


Pagkatapos mapasagutan ang mga talatanungan, pagsasama-samahin, aayusin, at pag-
uugnayin ng mga mananaliksik ang mga sagot ng mga tagatugon.

7.) Pagbibigay interpretasyon sa mga datos


Bibigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos.

You might also like