You are on page 1of 2

KABANATA V

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

A. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa " Pag-aaral sa wikang Jejemon
bilang anyo ng text messaging ng ginagamit ng mga estudyante sa Liberty National
High school ". Ang mga respondente ay binubuo ng 420 na mag-aaral ng liberty
national high school. Napili ang paksang ito upang mapalawig ang kaalaman ng mga
estudyante sa totoong saloobin nila patungkol nitong usapin sa paggamit ng jejemon.
Natuklasan namin na napakaraming terminolohiyang ginagamit sa jejemon bilang
anyo ng text messaging. Kagaya nalamang sa mga parirala o lipon ng mga salita at
ang katumbas nito sa wikang jejemon nakakalap kami ng labing limang (15),
dalawang pot-anim (16) naman sa klasipiksyon sa letrang jejemon, sampu (10)
naman sa klasipiksyon ng emoji, labing dalawa (12) naman sa klasipiksyon sa
paggamit ng Daglat (acronym) at ang panghuli naman ay sampu (10) sa klasipiksyon
ng jejemong gumagamit ng shortcut text kung kayat natuklasan namin na
napakaraming terminolohiyang jejemon na anyo ng text messaging ang nakakalat
kahit saan.

B. Kongklusyon
Ang kinilabasan ng pananaliksik na ito ay maraming tao ang nahulog na sa
pagtetext at pagsasalita ng di pangkaraniwang lenguwahe. Ang resulta ay pagkahina
ng memorya sa spelling at sa iba pang aspeto ng pag-aaral kaya matuto tayong wag
abusuhin ang mga teknolohiyang natutuklasan natin dapat ay palawakin natin ito at
gamitin sa maayos na pamamaraan.
Batay sa aming nakuhang mga impormasyon napagtanto namin na ang
paggamit ng wikang jejemon ay may malaking apekto sa mga tao lalong-lalo na sa
mga mag-aaral. Masayang gamitin ang mga salitang ito sa text o sa chat, ngunit
kapansin-pansin na kahit sa paraan ng pagsasalita at pagsulat, ay nadadala ang
wikang ito. Kapag kumokopya ng tekstong ang mga estudyante, gumagamit sila ng
mga salitang "h3r3" (here), "4yon" (ayon), "$44n" (saan), at marami pang iba. Ito ay
mula sa wikang Mon, na masasabing parte ng kulturang Pilipino, ngunit mali
pagdating sa pormal pagsusulat at pagbigkas. Gamitin lamang natin ang wikang
jejemon sa tamang paraan.

C. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyon, buong pagpapakumbaba na magbigay


pansin ang mga sumusunod.

Para sa mga mag-aaral - Dapat ay iwasan ang paggamit ng jejemon dahil


nakakasama ito sa ating pag-aaral lalong-lalo na sa paggamit ng tamang
pagbabaybay ng mga salita at pagbigkas ng tama.

Para sa mga magulang -Nararapat na inyong gabayan ang inyong mga anak
at alamin ang kalagayan nila sa paaralan para ganado din sila sa pag-aaral. Dapat ay
bigyan niyo sila ng suporta at hikayatin na mag-aaral ng mabuti.

Para sa mga Guro – Dapat ay iyong alamin kung alam pa rin nila ang tamang
pagbabaybay ng mga salita. Dapat ay turuan niyo sila ng pagpapahalaga sa wika
nating sarili.

Para sa mga mananaliksik - Sa susunod na mga mananaliksik, ipagpatuloy o


palawakin pa ang pag-aaral na ito at patuloy pa rin kayong mananaliksik tungkol sa
wikang jejemon upang mas marami pa kayong malaman tungkol sa paksa na ito.

You might also like