You are on page 1of 4

Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Pag-unlad ng Kaisipan at Kakayahan

ng mga mag-aaral ng Baitang 11 GAS-2 ng OMNHS

Kabanata 1:

Ang suliranin at kaligiran nito


Teknolohiya ang humuhubog sa bawat pagkatao sa kasalukuyang panahon.
Isang palaisipan para sa atin sa kung paanong nabago ng makabagong
teknolohiya an gating pang araw-araw na pamumuhay. Ayon sa isang
manunulat na si Alec Ventocilla, “ang teknolohiya ay isang imbensyon sa
paglalapat ng kasangkapan,kagamitan,makina at proseso upang mapadali ang
pang araw-araw na Gawain ng tao.”
Ang tao noong una ay sapat na sa pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig sa
balon at pagluluto sa “di-ihip” na paraan lamang, at sa ganitong paraan ay
masasbing simple at masaya na ang buhay.
Ang makabagong teknolohiya ang siyang nagdala sa atin sa bago ring
mukha ng pamumuhay. Sa pamamagitan nito’y “instant” o madali na ang lahat
at ito ay masasabing palatandaan ng pag-unlad. Nagsimulang magsiuso ang
“cellphone”, “computer” at marami pang makina na katulong ng tao sa
pagsasagawa ng ilang mga tungkulin, bilang isang trabahador sa opisina, mag-
aaral sa paaralan at pagiging miyembro ng Malaki at maliit na komunidad.
Malawak ang sakop ng teknolohiya pagdating sa buhay ng tao, kabilang na
rito ang transportasyon, komunikasyon, trabaho, eduaksyon, kalusugan at
ekonomiya. Minsan maiisip nating mahirap mabuhay kapag walang
teknolohiya, “kontrolado na ba tayo nito?”
Sa aspeto ng edukasyon, kung saan hinuhubog at hinahasa ang isipan ay
kakayahan ng tao, ditto masusubok ang talentong mayroon ang teknolohiya.
Alinsunod sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon na K-12, ang iba’t-ibang
mga Tracks na kukunin ng mga mag-aaral, na nakayon sa kukunin nilang kurso
sa kolehiyo o Anong gampanin ng teknolohiya sa isang mundo bilang mag-
aaral? Limitado ba ang kaalaman kung wala na ito?
Nagsisilbing hubugan ng kaalaman ang mga paaralang ating kinabibilangan
at ang teknolohiya bilang maituturing na midyum ng pagkatuto na sa simula pa
lamang ay nariyan na sa makaluma man o makabagong anyo nito. Sa ating pag-
aaral, ipapakilalal ang teknolohiya at ang silbi nito sa ating kinabukasan.
Paglalahad ng Layunin
Ang pag-aaral na ito ay iang pagtatangka upang matukoy ang mga tiyak na
epekto ng mkabagong teknolohiya sa pag-unlad ng kaisipan at kakayahan ng
mga mag-aaral ng Baitang 11 GAS-2 ng OMNHS.

Layunin nitong magbigay kaalaman sa mga sumusunod:


1. Matukoy ang mabuting epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa
loob ng klase at sa kakayanan at pag-iisip ng mag-aaral.
2. Malaman ang masamang epekto ng makabagong teknolohiya sa paghubog
ng kaalaman ng mga mag-aaral.
3. Pagpapasya sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin
Sa pag-aaral na ito, masasagot ang ilang mga katanungan:
1. Ano ang mabuting epepkto ng makabagong teknolohiya sa loob ng klase at
sa kakayanan o pag-iisip ng mag-aaral?
2. Ano ang masamang epekto ng makabagong teknolohiya sa paghubog ng
kalalaman ng isang mag-aaral?
3. Nararapat bang hayaang ipagamit ang teknolohiya sa panahon ng pag-aaral?
4. Nararapat bang ipagbawal ang teknolohiya sa ilang pagkakataon?

Kahalagahan ng pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik sa imporatnsya ng pag-aaral na ito,
sapagkat maaari itong makatulong sa mga sumusunod:

Guro- makaktulong ang pag-aaral sa mga guro upang lalong makita ang epekto
ng teknolohiya na ginagamit nila sa pagtuturo sa mas mataas na kalidad ng
edukasyon tungo sa ikatututo ng mga mag-aaral.

Mag-aaral- ang pag-aaral ay may malaking amabg upang mapataas ang


kamalayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya hindi lamang sa tahanan
ngunit maging sa kanilang pag-aaral.

Magulang- sa matatamong pananliksik, ang mga magulang ay magkakaroon ng


sapat na batayan sa pagbabaral o pagpapanatili ng paggamit ng teknolohiya sa
kani-kanilang mga anak sa lob ng paaralan.

Pamahalaan ng Edukasyon- ang pag-aaral ay makakaambag sa mga pag-aaral


na ginagawa sa kagawaran ng edukasyon. Mas lalong magbibigay ideya nag
mga resultang matatamo na mula sa local na pag-aaral sa mga desisiyong
patungkol sa isyu ng teknolohiya at eduaksyon.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng makabagong teklnolohiya sa
pag-unlad ng kaisipan at kakayanan ng mga pag-aaral ng Baitang 11 GAS-2 ng
OMNHS. Nalilimitihan nito ang pag-aaral sa ibang baiting ng GAS. Saklaw ng
pag-aaral ang pakuha ng mga baryabol na impormasyon tulad ng kuro-kuro ng
mga mag-aaral patungkol sa epepkto ng teknolohiys, kahalagahan ng
teknolohiya at iba pang kaugnay na paksa para dito.
Kabanata 2:
Lokal na pag-aaral at Literatura

You might also like