You are on page 1of 12

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng panitikan na kinuha mula sa mga ideya,

pagpapalagay, at teorya ng mga may-akda na maaaring may kaugnayan sa pag-aaral.

A. Wikang Filipino

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng

mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba't ibang aspeto sa ibang

bansa. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas

magiging madali para sa mga mamamayang pilipino ang makahikayat upang makisali

sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya.

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maintindihan ang mga dahilan kung

bakit Filipino ang napiling wikang pambansa, malalaman ang mga katangian ng wikang

Filipino at ang pinagkaiba nito sa ibang mga diyalekto, at matuloy ang kaugnayan at

kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya. Ang wika ang

maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag komunikasyon sa ating

kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating

pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na

kapag pinagsama-sama ag maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating

pamilya, kaibigan o kung sino pa man na kakilala natin (Reyes, 2016).

Higit na nauunawaan ng mga guto kaysa sa mga mag-aaral ang pag gamit ng

Wikang Filipino kaya nabuo ang iba’t-ibang antas ng aplikasyon nito. Ang paggamit ng

dayuhang linggwahe at iba’t-ibang kultura ay manipestasyon na hindi pa sapat ang


ang
paglalahad ng mga historyador sa pamamaraan ng Wikang Filipino. Hindi maayos
pagpapaunlad sa Wikang Filipino dahil sa mga pandarayuhang manipestasyon sa mga

kasalukuyang henerasyon kaya mas naiintindihan ng mga guro dahil hindi sila gaanong

naaapektuhan ng mga dayuhang linggwahe.

Ang paggamit ng Wikang Filipino ay nagpapaunlad sa mga rehiyonal na mga

wika at komprehensibong paggamit nito. Ang pagpapaunlad nito ay may dambuhalanag

pagbabago sa pamamaraan ng pagtuturo at pag-aaral. Sinasalamin ng Wikang Filipino

ang kagyat na pangangailangan ng bansa sa pamamagitan ng Intelektwalisasyon ng

Wikang Filipino kaalinsabay ang paggamit ng Rehiyonal na Wika bilang Multilinggual na

Tema ng pag-aaral. (Mateo, C. B., 2014).

Sa pangkalahatan, ang depinasyon ng wika ay pagkakilanlan ng bansa. Ito ay

isang instrumento na ginagamit sa pang-araw araw sa kadahilang kailangan ito upang

mapahiwatig sa mga tao ang nais ipahayag at maunawaan ng iba. Sa pagkaroon ng

wikang pahayagan ay naging talakayan na sa mga argumentong pangwika na

pinangunahan ni Roberto T. Añonuevo.

Ipinahayag sa artikulong ito ang mga usapin na may kinalaman sa wikang

Filipino kaugnay dito ang mga ahensiyang sangkot kasama na ang mga batas na

ipinatupad para sa wikang iniingatan. Ibinahagi ni Roberto T. Añonuevo ang patakarang

pangwika kabilang ang pananaliksik, teksbuk at maging sa pang-araw araw ng

paggamit sa kinikilalang wika. Isinaad ang katimbang ng wika ayon sa kahalagahan nito

sa usapan.

Ayon kay Santos, isinabi ni Añonuevo na ang mabisang pagkatuto ng mga bata

at maging mga mag-aaral ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa kaugnayan ng mga

wikang panlalawigan. Hindi nasusukat sa mga kalaliman ng mga salitang ginamit ang
kalaaman at katalinuhan sa wika. Sa ganitong pag-iisip ay nakikita ng maayos ang

kahalagahan ng wika na hindi lamang alang-alang sa pagkaroon ng may-alam ngunit

ang makita ang totoong halaga nito na ito ay ang pagbubuklod ng bawat isa (Santos,

2014).

B. Kahulugan at Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay hindi lamang para sa mga estudyante kundi pati na rin sa

mga propesyonal. Hinahawak nito ang iba’t-ibang impormasyon na nakuha sa

mahabang panahon na maaring bumago man dahil sa makabagong teknolohiyang

nagamit, ibang pamamaraan sa eksperimento, o bagong teorya at konsepto na

humubog sa bagong kaisipan. Maaaring makuha ito sa mga libro, dokumentaryo,

pakikinig sa mga eksperto, at mga panayam.

Nailulutas nito ang mga problema sa isang rehiyon man o sa buong daigidig. Sa

mga nakalap na impormasyon sa maaaring solusyon sa mga problema, maaaring

maging basehan ito ng susunod na mga pananaliksik na gagawin. Dahil sa Sistema

nito, lahat ay kasali na batay man sa edad, etniko, relihiyon at iba pa kaya hindi ito

pumapabor sa isang panig. Kumukuha lang ito ng impormasyon sa pamamagitan ng

obserbasyon at pinapaliwanag kung ano man ang nangyari sa nasabing obserbasyon.

Ang pagbigay ng sagot ay nagpapatunay ng mga kasinungalingan at sinusuporta

ang katotohanan. Hindi lamang ito isang pagsasanay sa kaisipan kundi maari itong

libangan. Hinahasa nito ang komprehensyon ng bawat indibidwal at pagkalkula ng mga

datos (Zarah, 2019).

May iba’t ibang pa’raan ng pagpapakahulugan sa pananaliksik. Halos bawat

awtor ay may kani-kaniyang depinisyon sa terminong ito. Sa kabutihang-palad,


bagama’t may iba’t ibang iniaalok na depinisyon ang iba’t ibang dalubhasa, kakikitaan

naman ng mga komong elemento ang kanilang mga depinisyon.

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong

inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan

ng natukoy na suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito. Samantala, si

Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang

pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon

hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Masasabi ring ang pananaliksik ay isang

proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang

partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel, 1976).

Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang

sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga

katanungan ng isang mananaliksik. Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina

E. Trece at J.W. Trece (1973) na nagsasaad na ang pananaliksik ay isang pagtatangka

upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang

pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng

prediksyon at eksplanasyon (Castro, 2017).

C. Pagsagawa ng Papel Pampananaliksik sa Wikang Filipino

Ninanais ng talaarawang ito na bigyang tuon ng mag-aaral ang paggamit ng

wikang Filipino sa panananaliksik upang mabigyang pansin ang kahalagahan ng wikang

pambansa. Ayon kay Prop. Crizel Sicat-de Laza ay dapat may kabuluhan at

mapanghamon ang kanilang mga paksang sasaliksikin dahil mabibigyang tuon ang

maka-Pilipinong pananaliksik. Nais na maipatupad ang pananaliksik sa Filipino bilang


pangunahing kurso nang sa ganitong paraan ay kahit ano pa ang kanilang strand sa

akademiko ay madadaanan nila ang pananaliksik gamit ang wikang pambansa.

Magiging kakaiba ito sa nakasanayang ginagamit ngunit makatutulong na

palawakin ang talakayan sa pananaliksik. Pagkakaroon ng bagong batayan sa

pananaliksik dahil ninanais na pagdagdag ng pagtatasa. Ganon pa man ay lalong

pagtuonan ng pansin ang nasa kolehiyo at mabigyan ng oportunidad na magtanong

nang mahasa ang pananaliksik (Pamintuan, B. A., & Agcaoili, G. 2015).

Malaki ang parte ng wikang Filipino sa larangan ng paggawa ng pananaliksik. Isa

ito sa mga itinalakay sa Kongreso ng Wika bilang pambungad na gawain sa Buwan ng

Wikang Pambansa ngayong taon. Ang wika ay isa sa mga mahalagang aspeto ng

bawat kultura. Napauunlad ito sa paaralan at nagagamit sa lahat ng antas ng tao. Ito

ang nagbibigay buhay sa sibilisasyon. Malaki ang pangangailangan sa pagtatanghal ng

wikang Filipino bilang wika ng karunungan sa pamamagitan ng paggamit nito sa

pananaliksik.

Ayon pa kay Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa

kaniyang 2018 Ulat sa Estado ng Wikang Pambansa, na “Bunga ito ng mga sumusunod

na katotohanan na karamihan ng mga saliksik ngayon sa Pilipinas ay nasa Ingles,

mahina ang mga alagad ng Filipino, lalo na ang mga guro, sa siyentipikong saliksik, at

hindi nailalahok ang halaga ng saliksik sa pagtuturo sa batayang edukasiyon,” (Almario,

2018). Binanggit niya ang kakulangan ng mga paaralang normal na nagsasanay ng

mga guro sa siyentipikong pagsusuri at metodolohiya ng saliksik, gayon din ang

kakapusan sa mga aklat sa agham at gawaing teknikal na nakasulat sa Filipino.


Dagdag pa ni Almario, “Nangangahulugan ang kaganapang ito ng kultibasiyon ng

Filipino para maging episyenteng wikang siyentipiko at teknikal.”

Nararapat lang na mahikayat ang iba’t-ibang departamento sa paggamit ng

wikang Filipino sa pagsagawa ng papel pampananaliksik. Kaakibat nito ang pagiging

pamliyar sa mga depinisyon at terminolohiya sa mga salitang ginamit upang pandagdag

sa kaalaman ng bawat mananaliksik. Bunga umano ng “nakamihasnang takbo ng utak”

ang kakulangan at kahinaan ng saliksik sa batayang kurikulum na kasalukuyang

ginagamit, ayon kay Almario. Inaasahan na madaragdagan pa ang antas ng kaalaman

ng mga mag-aaral na maging bihasa sa pananaliksik gamit ang wikang Filipino at

lumawak pa ang mga hakbang sa pagtupad ng adhikang pangwika (Gamoso, 2018).

D. Lebel ng Kaalaman Kaugnay sa Paggamit ng Wikang Filipino

Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang

ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang

ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa. Sapagkat

sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sapang-angkop ng mga teknikal na

ideya at salitang hiram mula sa Ingles ay marami ring nahihirapan.

Ayon sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget, ang pagkatuto sa isang wika ay isang

prosesong dinamiko na kung saan ang mag-aaral ng wika ay nangangailangang mag-

isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon. Alamin ang

pumailalim sa mga salitang ginamit upang mailapit sa orihinal na paksa. Sa

pamamagitan ng prosesong ito, nailalahad ng maayos ang mga pagkakamali at

maaaring maging kamalian sa paggamit ng wika. Nakasaad rin dito na ang pagkakamali

ay senyales ng pagkatuto sapagkat ito ay tuwirang naiwawasto. Ang pagtuklas sa


pagkatuto ay nangangailangang ng pagsusuri. Nakapokus rin sa kaisipang ito na ang

pagkatuto rin ay isang prosesong pangkaisipan, na maiuugnay ang bagong

impormasyon sa istrukturang pagkaisipan at dating (Espera, et. al, 2017).


MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL

Wikang Filipino, Sa Makabagong Panahon ng mga Taong Mag-aaral ng

Senior High School

Ang pagkakaroon ng isang wika na ginagamit sa pakikipag-usap ay nagbibigay

ng pagkakakilanlan sa isang bansa. Ito ang nagiging dahilan sa pagkakaroon ng

pagkakaintindihan at pagbubuklod ng mamamayan. Ang wika ang isa sa naging

pangunahing batayan sa pag-unlad o maaring pagkabagsak ng ekonomiya ng bansa.

Ang wikang Filipino ay patuloy na umuunlad at lumalago sa kabila ng maraming

pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng mga

libro sa upang sa pag-unlad ng kanilang kaalaman sa bokabolaryo ng wikang Filipino.

Ayon sa pananaliksik na ito, maraming mga kadahilanan sa pagpapaunlad at

pagbabago ng wikag Filipino, kabilang na dito ang paggamit ng mga teknolohiya.

Nilalayon na magamit ang impormasyon na kung ang pag-unlad ng wikang Filipino ay

nakakatulong sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa. Ang mga mag-aaral ay nakakamit

ang pagkatuto sa mga salitang Filipino na bubuo sa sapat na kaalaman sa wika.

Sa pagkalap ng impormasyon ay napatunayan sa sarbey na ang pangunahing

dahilan sa pagbabago ng wika ay ang paggamit ng mga teknolohiya. Ang pagkakaroon

ng presensya ng mga teknolohiya sa makabagong panahon ay nagkaroon din ito ng

malaking epekto sa wika. Bukod dito, mas napapatunayan na kinakailangan mapa-

unlad ang wika. Sa pagpapaunlad nito ay kinakailangan ang pakikipag-ugnayan ng mga

tao sa isa’t isa. Ang pagkakaroon ng tamang komunikasyon ay nakakatulong sa

pagpapahalaga ng wika (Mangyao, 2016).


Isang Pag-aaral sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 ng

General Academic Strand sa Wastong Paggamit ng Wikang Filipinong Our Lady

of Fatima University sa Kasanayan sa Pakikipagtalastasan

Ang pananaliksik ay naglalayon ring malaman ang antas ng kasanayan ng mga

mag-aaral sa epektibong pagbigkas ng wikang Filipino tungo sa paglinang ng

pakikisalamuha sa tao, at gayundin ang antas ng kaugnayan ng epektibong pagbigkas

ng wikang Filipino sa paglinang ng interpersonal na pakikisalamuha sa tao. Malawak

ang wikang Tagalog at madami rin itong uri ngunit habang patagal ng patagal at

paunlad ng paunlad ang teknolohiya, marami sa mga Filipino ang nakakaligtaang

gamitin ang ating wika sa kadahilanan ng pag usbong ng ibat ibang termino at salita.

Marami ang nakakalimot sa tunay na tawag o kahulugan sa kadahilanang maraming

salita ang pwedeng ipalit na mas maikli o di naman kaya’y mas madaling bigkasin.

Ayon sa pag-aaral na ito, ilan sa mga asignaturang nangangailangan ng

paggamit ng wika ay Pagbasa At Paggsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungkol Sa

Pananaliksik at Komunikasyon, Sa Pananaliksik, Sa Wika At Kulturang Pilipino. Ngunit

nangangailangan rin ng paggamit ng wikang Filipino ang iba pang asignatura para mas

lubos na maintindihan ng mga mag-aaral. Halimbawa kung ikaw ay nasa junior high

makakatagpo ka ng ibat ibang gawain gaya ng pagsusuri sa ilang panitikan ngunit pag

tungtong ng senior high makakatagpo mo ang ilang asignatura sa Filipino na

nababagay sa iyong antas bilang senior high gaya ng pananaliksik. Ibinabagay ang

pagtuturo sa antas ng isang mag-aaral. Sa pag aaral kasama sa hinahasa ang makrong
kasanayan, ang makrong kasanayan ay pagbasa, pagsulat, panonood, pagsasalita at

pakikinig.

Ang wastong paggamit ng wikang filipino sa pakikipag talastasan ay importante

sapagkat, ito ay ginagamit sa ating pang araw-araw na gawain, sa trabaho man o sa

eskwelahan. Nauugnay ito sa paraan ng paggawa ng papel pampananaliksik sapagkat

ito nangangailangan ng tamang pagbigkas, pagbabaybay at sa pagbibigay ng

kahulugan. Nararapat lang na ito ay pag-aralan dahil kadalasan sa mga mag-aaral ay

nahihirapan sa wastong paggamit ng wikang Filipino. Nakatutulong ito na mapaunlad at

mapalawak ang lebel ng kaalaman ng bawat mag-aaral sa wikang Filipino (Ayon, et. al.,

2016).

Paglulugar ng Kahalagahan ng Pananaliksik sa Baitang 10 sa Filipino


Napakahalagang hakbang sa pagpapakilala sa mga mag-aaral sa Filipino bilang

disiplina ang pagpapatatag ng kanilang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik na

kakailanganin nang lubos sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo at sa larangang

propesyunal. Sa mga kasanayang inilatag sa tsart ng "Pag-aantas ng mga Kasanayan

sa Filipino," ipinakikita na "kailangang" matutuhan at mabatid na ng mag-aaral sa

Baitang 8 ang mga batayang salik na bumubuo sa pananaliksik. Ilan sa mga ito ang

iba't ibang anyo ng pananaliksik (etnograpiko, historiko, tekstuwal, pansining, at

kultural); bahagi ng papel-pananaliksik; pagbuo ng abstrak; etikal at legal na proseso ng

pagtitipon at pagbabahagi ng impormasyon; kahalagahan ng pananaliksik; iba't ibang

anyo ng sanggunian; pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon; at marami pang mga

kaugnay na elemento at kasanayan.


Sa pagtatapos ng proseso, kailangang mabatid ng mga mag-aaral na isang

masusing pagpaplano rin ang pagbuo ng kahalagahan ng pananaliksik kung saan

napagtatagpo-tagpo ang iba’t ibang salik: mga namamayaning patakaran o polisiya sa

lipunan na maaaring pinatitibay o hinahamon ng pananaliksik; magkakatunggaling

pananaw mula sa iba't ibang indibidwal, pangkat o institusyon; mga kasalukuyan nang

pag-aaral sa paksa na maaaring madagdagan o mabaliko ng pananaliksik; mga

metodolohiya ng pag-aaral na umiiral o maaaring paunlarin pa na makatutulong sa

kalalabasan ng pananaliksik; at sariling mga pananaw na nais ibahagi sa iba.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipabatid sa mga mag-aaral ang

kahulugan ng pananaliksik at kung ano ang kahalagahan nito sa ating lipunan at iba

pang aspeto ng buhay. Inilalahad rin dito ang iba’t ibang salik na makakatulong sa isang

mananaliksik upang makapagbalangkas ng ideya sa kung anong topiko ang tatalakayin

sa gagawing pananaliksik (Romero, n.d.).

Pagsipat sa mga Nagawang Pananaliksik sa Larangan ng Wika Noong 1996-2007

Tungo sa Pagbuo ng Isang Agenda sa Pananaliksik

Ang pag-aaral sa wikang Filipino ay maaaring maging paghanguan ng bagong

impromasyon. Dahil sa laging pagbabago sa panahon, dapat lamang ay may sapat na

pag-aaral, pagpapalawak, at pagpapalalim sa disiplina sa paggamit ng Wikang Filipino.

Ang paghahasa sa paggamit ng wikang Filipino ay hakbang sa pagkakaroon ng mas

mabuting pagkakaintindi ng Wikang pambansa.

Maaaring ang pag-aaral ng Wikang Lokal ay nagpapayabong sa importansya ng

wikang pambansa at mga kultura ng isang rehiyon. Politika, ideolohiya, relihiyon

kasarian, at iba pa ay pinag-uugnay ng sariling wika. Kaya sa bawat baryasyon nito ay


may katumbas na pag-aaral upang masabayan ang bawat baryasyon at mga proseso

ng pagbabago. Pinag-aaralan ang halaga ng pagsasalin sa kaunalaran ng wikang

pambansa at mga akademikong Gawain na may kaugnayan sa Filipino.

Layunin nito ay upang masanay, mapalawak, at magkaroon ng sapat na

impormasyon at kilalanin ang wikang Filipino. Ang Pag-aaral ng pagbuo at binubuo ng

Wikang Filipino ay nagpapayabong sa mga pag-aaral na ito. Ang pagbubuo ng

pananaliksik nito ay maaring bubuo iba’t-ibang ng interes sa mga estudyante pati na rin

sa mga guro (Peregrino, 2011).

You might also like