You are on page 1of 13

CENTRAL MINDANAO UNIVERSITY

Kolehiyo ng Edukasyon

Departamento ng Edukasyong Pangwika

University Town, Musuan, Bukidnon

AMBAG NG KONYO SA PAKIKIPAGTALASTASAN SA DAVAO CITY

ALMIEH LAYAM

CHRISTINE MALAZA

RACHELLE MAE MENDEZ

RODEL CAṄADA

ROSALIE LAYAGAN

GNG. FREDDIELYN PONTEMAYOR

Propesor

1
ABSTRAK

Ang papel na ito ay nagtatalakay hinggil sa paggamit ng konyo ng mga taga


Davao. Gamit ang pamamaraang pag-oobserba, sinusuri at tinitiyak ang
kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng konyo ng mga taga Davao. Ang konyo ay
ang paghahalo-halo ng higit sa dalawang wika sa pagbuo ng isang pahayag. Ang
Davao conyo ay bahagi lamang ng kultura ng Ateneo. Isang pagpapakilanlan na
itinatag ng mga Atenean sa mga nakaraang taon. Naglalayon ang pananaliksik na
ito na alamin ang ambag ng konyo sa pakikipagtalastasan sa Davao City. Sa
pagsusuring ito, ninais ng mga mananaliksik na masagot ang mga kananungan;
(1) Pagkabuhay ng Davao Konyo sa Pakikipagtalastasan. (2) Sinu-sino ang
gumagamit ng Davao konyo sa pakikipagtalastasan? (3) Anu-ano ang ambag ng
konyo sa pakikipagtalastasan sa Davao City? Ang Ambag ng Konyo sa
Pakikipagtalastasan sa Davao City. Nilayon ng mananaliksik na malaman ang
ambag ng Konyo sa pakikipagtalastasan sa Davao City. Ang pag-aaral na ito ay
may disenyong deskriptib-analitik kinapapalooban ito ng pangangalap ng mga
datos. Ihahango ang mga datos mula sa pagsasarbey ng mga taga-Davao.

Mga Susing salita: Davao Conyo, Pakikipagtalastasan, Davao-tagalog, Taglish,


Code switching, Cebuano

2
PANIMULA

Ang wika ay isang instrumento na ginagamit ng bawat tao sa pakikipagtalastasan,


pakikipag-ugnayan, o maging sa kalakalan. Sa pagdaan ng maraming panahon, ang
wika nating kinagisgan at nakasanayan ay binago ng sistema dala ng globalisasyon at
makabagong henerasyon. Ang wika ay patuloy na nagbabago dala na rin sa
pagkakaiba-iba ng wika na ating sinasalita at iba-ibang kultura na ating kinalakihan. Sa
kalaunan, umosbong ang conyo language, ito ay pagpapalitan ng higit sa dalawang
wika sa isang pangungusap. Ang conyo language ay laganap na sa Pilipinas ngayon
lalo na sa mga lalawigan ng Mindanao.

Ayon kay Dr. Josyl Aquilam, associate professor at Language, Literature and Arts
department of the Ateneo de Davao University, isinalaysay na walang nakaka alam
kung saan at kailan nagsimula ang Davao Conyo. Ito ay maaaring iniuugnay sa Davao
City bilang isang "melting pot" ng mga kultura at tradisyon, dahil maraming mga bisita,
lalo na mula sa Maynila, na nananatili at nagtatag ng kanilang mga tahanan sa Davao.
Sa pamamagitan nito, ang mga lokal na kilalang matulungin at mapagpatuloy ay may
posibilidad na kopyahin ang wika ng kanilang mga bisita para lamang makipag-usap sa
kanila. Sila ay nakikipag-usap sa mga lokal na torista gamit ang tagalog ngunit
mayroong dagdag na “Gud” at “Man”. “Saan kayo magkain?”, “Hindi man gud masarap
dito oi!”, “Kaiba ka lagi ba!”, ito ay mga halimbawa ng kadalasan nating naririnig lalo na
sa mga estudyante.

May mga naniniwala na ang Davao-Tagalog, na mas kilala bilang 'Conyo,' ay bahagi
lamang ng kultura ng Ateneo - isang pagkakakilanlan na itinatag ng mga Atenean sa
mga nakaraang taon - at, sa ilang sukat, isang implikasyon ng paglaban laban sa
'Imperyalismong Tagalog’. Karaniwang inilarawan ang Conyo bilang isang paraan ng
pagsasalita na pinagsasama ang English, Filipino, at Bisaya sa isang "posh" na paraan.

Palanca Awardee, short story writer, and Ateneo de Davao University (AdDU) Alumnus
Karlo Antonio David, tinukoy niya ang "Davao-Tagalog", na mas gusto niyang tawaging
"Davao Filipino", bilang "Tagalog na sinasalita bilang isang katutubong wika sa Davao

3
at mga karatig lugar, na may mabibigat na impluwensya ng Cebuano." Pinaghihiwalay
niya ito sa Davao Conyo o “AdDU Conyo.” Ayon sa kanya, ang Davao Conyo, kung
paano ito ginagamit ng karamihan sa mga Atenean, ay " Davao Tagalog codeswitched
na may Ingles." Mapapansin na ang pahayag na "Kumain na tayo," kapag sinasalita sa
Davao Tagalog, ay nagiging "Magkain na gud tayo be" at, sa Davao Conyo, "Mag-eat
na gud tayo be."

Bakit ang mga taga-Davao, partikular ang mga mag-aaral sa AdDU, na nagsasalita ng
Davao Conyo ay maaaring maiugnay sa maraming mga kadahilanan. Sinasabi ng iba
na ang pagsasalita ng karaniwang Tagalog ay hindi talaga mahihila ng perpekto ng
karamihan, na humahantong sa kanila na ihalo ang mga salitang Cebuano sa kanilang
paraan ng pagsasalita. Naging kalakaran din ito, naiimpluwensyahan ang iba na hindi
talaga nagsasalita sa Davao Tagalog na gumamit ng parehong paraan ng pagsasalita.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Naglalayon ang pananaliksik na ito na alamin ang ambag ng konyo sa


pakikipagtalastasan sa Davao City. Upang matamo ang layuning ito, sisikapin ng mga
mananaliksik na masagot ang mga binuong katanungan:

1. Pagkabuhay ng Davao Konyo sa Pakikipagtalastasan.

2. Sinu-sino ang gumagamit ng Davao konyo sa pakikipagtalastasan?

3. Anu-ano ang ambag ng Konyo sa pakikipagtalasan sa Davao City?

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay may disenyong deskriptib-analitik kinapapalooban ito ng


pangangalap ng mga datos. Ang paraan na ginagamit ng mga mananaliksik ay ang

4
pagsasarbey sa pamamagitan ng google form ay naghanda ang mga mananaliksik ng
mga katanungan. Mula sa mga datos na ito, inilarawan at sinuri ng mananaliksik ang
mga katangian ng Davao ukol sa kanilang pakikipagtalastasan gamit ang konyo, kung
ano ang ambag nito sa kanilang pasalitaan.

Bumuo ng mga katanungan ang mga mananaliksik bilang instrumento upang matukoy
ang mga sanhi at bunga na nakatuon sa nasabing paksa kung ano ang naging epekto o
naitulong sa ating pang araw- araw na pamumuhay ang paggamit ng konyo. Sa
ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik ang mga respondenteng napili ay ang mga
taong may mga social midya accounts katulad gmail account. Alam ng mga
mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay may malaking maitutulong sa
ginawa nilang pag-aaral upang malaman ang kahalagahan sa paggamit ng konyo sa
pakikipagtalastasan. Ang naturang pagsagot ng mga respondenteng ito sa mga
katanungan ng mga mananaliksik ang resulta ng isinagawang pag-aaral.

Magaganap lamang ang pananaliksik sa google form sa pagpili ng wastong pagsagot


base sa pagpipilian. Napili ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral sa isang
social midya dahil sa mga sumusunod na rason; (1) hindi maaaring makalabas ang mga
tao dahil sa pinatupad na Enhance Community Quarantine. (2) Mayron virus na
kumakalat sa buong mundo. (3) Maraming mga estudyante na palaging gumagamit ng
modernong teknolohiya na makaka sali sa pagsagot ng mga katanungan. (4) Patuloy
parin ang online class kaya mas mabuti dito muna mag pokus.

Ang mananaliksik ay gagamit ng purposive sampling sa pagpili ng mga respondante.


Ang kriterya ng pamimili ay ang sumusunod:

1. Kinakailangang nakagamit na siya ng konyo sa pang-araw-araw na pamumuhay.

2. Nasa edad 15 pataas.

3. Boluntaryong makikilahok bilang respondante ng pag-aaral

Mula sa mga datos na ito, ilalarawan at susuriin ng mananaliksik ang mga katangian ng
Davao ukol sa kanilang pakikipagtalastasan gamit ang konyo, kung ano ang ambag nito
sa kanilang pasalitaan.

5
TEORYA

Morphological Theory

Ang syntax ng mga salita ay tinatawag na morpolohiya. Sinasaklaw nito ang hugis at
istruktura ng mga salita, gayundin ang kahulugan ng mga ito, mga ugnayang interword,
at kung paano nabuo ang mga bagong (kumplikadong) salita. Ang layunin ng
morphological theory ay ang pagsasaalang-alang sa lahat ng kasalukuyang salita o
lahat ng posibleng salita sa isang wika, depende sa mga ideya ng isang tao sa kung
ano ang dapat makamit ng teorya ng gramatika. 'Ang pinakasimpleng gawain ng isang
morpolohiya, ang pinakamaliit na kailangan natin dito, ay ang enumeration ng klase ng
mga naiisip na salita sa isang wika,' tanyag na sinabi ni Aronoff noong 1976 (17–18).
Dahil ang larangan ng paggawa ng teoryang morpolohikal ay malawak, mapagtatalunan
kung ang alinman sa mga teorya sa merkado ay nakamit, o maaaring makamit, ang
layuning ito.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang Code-Switching ay madalas na gamitin sa Pilipinas, ang pinakamadalas gamitin ay


Taglish, paggamit ng tagalog at Ingles sa isang salita. Ang Taglish ay kalimitang
ginagamit sa ibat-ibang pangrelehiyong wika. Sa kasalukuyang panahon, maraming
mga Pilipino na gumagamit ng hindi lang isa na wika, kundi dalawa o higit pa sa
kanilang pang-araw-araw napakikipag-usap o pakikipagtalastasan. Kung minsan, ang
mga wikang ito ay naapapaloob sa iisang pangungusap, at maging sa iisang salita
lamang na tinatawag na code-switching. Sa Pilipinas, ang dalawang wika na
karaniwang ginagamit ay Filipino at Ingles.

Bilang isang mananaliksik alam naman natin na laganap ang paggamit ng code
switching ito ay ang isa sa mga kapuna-punang kilos pangwika ng mga mag-aaral sa
silid-aralan lalong lalo na sa pakikipagkalakalan. Ginagamit ito sa lahat ng aspeto at

6
bilang isang istratehiya upang maipahayag an gating saloobin, emosyon at damdamdin.
Sa pag-aaral ni Ma. Lourdes S. Bautista, Ph.D. ang Tagalog-English code- switching  o
ang pagpapalit sa paggamit ng wikang Ingles sa wikang Filipino, ay nakapalibot satin
ibig sabihin naririnig natin ito kahit saan at mismo sa pang araw-araw nating
pakikipagtalastasan sa kapwa. Ito ay isang obserbasyon ng mga dayuhan na bumibisita
sa Pilipinas, lalong lalo na sa Maynila. Ang higit na komplikadong paggamit nitong
Tagalog-English code-switching ay tinatawag na conyo.

Kapag nagiging komplikado ang ating paggamit ng code switching ay tinatawag itong
conyo. Ang wikang conyo ay yung pagsasama ng mga wika na Ingles at Filipino na mas
marami yung Ingles kaysa Filipino tapos ginagamit yung syntactic arrangement or yung
syntax ng Ingles na may ilang salitang Filipino na sinasali doon (Jocson, 2019). Ayon
kay Volker Hinnenkamp (1987) kung tatanggapin natin ang isang problemadong
termino bilang "komunikasyon sa pagitan ng kultura" sa ngayon at hahayaan itong
tumayo bilang ang ginagamit na termino para sa verbal at nonverbal na harapang
pakikipag-ugnayan ng mga tao na nagmumula sa iba't ibang karanasan patungkol sa
pakikisalamuha at wika ay makakahanap tayo ng kapakipakinabang na lugar ng pag-
aaral sa kontekstong migrante.

Ang pinagsama samang Filipino at Ingles ay binansagang “Taglish”, mula sa


pinagsamang Tagalog at Ingles. Ngunit, kapag mga Atenista naman ang gumagamit ng
pinagsamang Ingles at Filipino, “konyo” ang tawag dito. Likas ang pagkakaroon ng
code-switching dahil marahil karamihan sa mga mag-aaral ay Ingles ang kanilang
unang wika at tanging sa asignaturang Filipino lamang gumagamit o nagsasalita ng
tagalog. 

Isinaad sa isang pananaliksik na One speaker, two languages ang teoryang


Semilingualism ay binuo ng educational psychologist sa bansang Canada at Sweden.
Semilingualism ay isang terminong ginamit upang ilarawan ang isang kondisyon kung
saan ang mga bilingual na bata ay sinasabing hindi alam ang alinman sa kanilang
dalawang wika upang mapanatili ang mga advanced na proseso ng pag-iisip na
nagbibigay-daan sa kanila na makinabang mula sa pangunahing edukasyon.
Gayunpaman, isang sangay kung paano naaapektuhan ng mga conyo ang kulturang

7
Pilipino ay ang multilinggwalismo ay napaghahalo nila ang wikang Pilipino sa wikang
Ingles, at dahil dito nabuo ang tinatawag na Taglish na ang resulta ay gulo sa paggamit
ng wikang Filipino.

Marahil ay hindi ito napansin ng maraming tao dahil mabilis na lumipas ang oras, at
bilang isang resulta, ang wika ay nagbago sa iba't ibang paraan. Ang wika ay mahalaga
at madaling matunaw. Ito ay nagbabago sa ilan punto kung saan ang isang bahagi ng
istruktura ng wika ay hindi na sumusunod sa tradisyonal na tuntunin, o nagbabago ito
sa ilang punto kung saan ipinakikilala nito ang hindi nakaayos at walang hugis na istilo
ng pag-uusap. Upang ibuod, “malleable” ang wika at kinakailangang magsagawa ng
inquiry study para malaman kung paano nakakaapekto ang wika lahat bilang miyembro
ng komunidad.

KAHALAGAHAN

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na ipabatid sa mga nakararami ang


ambag ng konyo sa pakikipagtalastasan sa mga mga naninirahan sa Davao City.
Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging mahalaga, makabuluhan, at kapaki-
pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ito ay makapagdadagdag sa kanilang kaalaman a siyang magsisilbing


gabay sa kanilang mabisang pakikipagtalastasan.

Mga Magulang. Tungkulin ng mga magulang na magsilbing gabay sa kanilang mga


anak sa pagpapaliwanag sa makabuluhang bagay na magbibigay kaalaman sa kanilang
mga anak. Maaari nilang ituro sa kanilang mga anak kung ano ang mabisang
pakikipagtalastasan nang sa ganon ay lumaki silang may tiwala sa sarili.

Mga Guro at Propesor. Sa mga guro at propesor, lalo na sa mga nagtuturo sa


asignaturang Filipino, isang malaking tulong ang pag-aaral na ito upang mapayabong
ang kanilang kaalaman sa pakikipagtalastasan na umiiral sa kasalukuyan.

8
Mga Susunod na Henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at
makapagbibigay impormasyon sa mga susunod na henerasyon upang mabatid nila
kung gaano kalaking tulong ng konyo at code switching pagdating sa
pakikipagtalastasan.

SAKLAW

Itong pag-aaral na ito ay tumutuon lamang sa pagkalap ng datos na maglalahad ng


ambag ng konyo sa pakikipagtalastasan. Mga limampu't na mga naninirahan sa Davao
City na mayroong social media account katulad ng gmail ang saklaw sa pag-aaral na ito
sa pamamagitan ng pagsasarbey gamit ang google form.

DISKUSYON O POSIBLENG RESULTA

Pagkabuhay ng Davao Konyo sa Pakikipagtalastasan.

Ang dayalektong Cebuano ay karaniwan sa lungsod. Ayon sa Statistics Variable,


Regional Quarterly Publication ng National Census & Statistics Office-Davao City,
tinatayang 75 porsiyento ng populasyon sa Davao City ang gumagamit ng Cebuano
bilang kanilang sariling wika. Tagalog ang susunod na dayalektong ginamit sa diskurso.
Ang midyum ng mga tagubilin sa mga kumpanya at institusyong pang-edukasyon ay
Ingles. Ang iba't ibang dayalektong ito ay lumilikha ng ebolusyon ng wikang ginamit sa
diskurso sa lungsod. Ang Davao-Tagalog ay malawakang ginagamit sa lungsod. Ibang-
iba ito sa Tagalog na itinuturo sa klase ng Filipino. Madali mong masasabi ang
pagkakaiba. Ang Davao-Tagalog ay may kaugaliang paghaluin ang mga salitang
Tagalog at Bisaya na may mga idinagdag na unlapi at panlapi na hindi kabilang sa
alinman. Halimbawa, ‘Ano man yan ginasabi mo? (Ano ang sinasabi mo?)'. Ang salitang

9
'ginasabi' ay nagmula sa salitang ugat na 'sabi' na nangangahulugang sabihin.
Idinagdag ng Davao Tagalog ang unlaping ‘gina’ mula sa salitang-ugat na iyon upang
magdagdag ng pagkakaiba sa pangungusap.

Sa isang artikulo ni Rene Lizada sa kanyang column na Papa’s Table na inilathala sa


SunStar Davao, isinulat niya sa pagpapatawa kung paano naiiba ang Tagalog dito sa
Davao. Isang halimbawa nito ay ang sobrang ginagamit na salitang 'uy' para sa bawat
salita o pangungusap na nagpapabago sa kahulugan ng bawat salitang Tagalog. Ang
'Uy' ay isang panlapi na katulad ng tandang padamdam upang magdagdag ng higit na
pakiramdam o patindihin ang pagpapahayag. Halimbawa, ‘Umuulan uy! (Umuulan!)’,
‘Ang galing niya uy! (Siya ay mahusay!)'. Dahil dinamiko ang wika, ang isa pang balbal
na malawakang ginagamit ay ang Davao Conyo. Ito ay pinaghalong Tagalog, Bisaya at
Ingles. Isinalaysay ni Dr. Josyl Aquilam, associate professor sa Language, Literature
and Arts department ng Ateneo de Davao University, na walang nakakaalam kung saan
at kailan nagsimula ang Davao Conyo. “Kining Davao Conyo nga ginaingon nato nga
language, existed na ni siya long before (Itong Davao Conyo na tinatawag nating wika,
matagal na itong umiral ),” Sinabi ni Aquilam sa isang panayam. Sinabi niya na ito ay
maaaring maiugnay sa Davao City bilang isang "melting pot" ng mga kultura at
tradisyon, dahil maraming mga bisita, lalo na mula sa Maynila, ang nananatili at
nagtatag ng kanilang mga tahanan dito. “So kita nga makig-istorya sa mga foreigner we
try to speak Tagalog, pero naa juy pakapin nga 'gud', 'man', mga ing-ana gud (Kapag
nakikipag-usap kami sa mga nasa labas ng Davao, sinusubukan naming mag-Tagalog
pero ang hilig namin mag-insert ng 'gud', 'man')," sabi niya. Idinagdag niya na ang
terminong Davao Conyo ay sumabog limang taon lamang ang nakalipas, dahil sa mga
millennial. Sinabi rin ni Aquilam na wala pang Davao Conyo bilang termino para sa
wikang Davao noon.

Sa katunayan, noong mga taon ng hayskul ng manunulat na ito, ang wikang ito ay
tinukoy noon bilang Tag-saya, isang portmanteau ng salitang Tagalog-Bisaya. Sa mga
susunod na taon, maaaring magkaroon ng isa pang nakakatawang diskurso ang Davao
sa kanilang lokal na dayalekto. Ang posibleng dayalekto ay maaaring pinaghalong
Tagalog, Bisaya Ingles at Korean. Ayon sa 2011 Korea Ministry of Foreign Affairs and

10
Trade statistics, humigit-kumulang 2,700 Koreans ang naninirahan sa Davao City at ito
ay lumalaki bawat taon. Dahil sa paglaki ng mga Koreano sa lungsod, maaari tayong
magkaroon ng isa pang diyalekto na makapagsasabi ng dayalekto ng Davao. Sa
kabuuan, walang nakakaalam kung saang partikular sa Davao at kailan nagsimula ang
Davao Conyo. Ngunit, sinabi ni Dr. Aquilam na matagal nang umiral ang Davao Conyo,
sa kadahilanang maaaring maiugnay ito sa Davao City bilang isang "melting pot" ng
mga kultura at tradisyon, dahil maraming mga bisita o turista.

Anu-ano ang ambag ng Konyo sa pakikipagtalasan sa Davao City?

Sa henerasyon ngayon mayroong iba't ibang aspeto upang makaimpluwensya sa bawat


isa. Maaaring dumating ang dominasyon sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba't
ibang tao o ito ay palaging ginagawa ng komunidad na dati mong pinalago kasama ang
kababayan. Gayunpaman, ang pananaliksik na ito ay maglalahad ng mga elemento
kung paano ang panlipunan at akademikong buhay ng naapektuhan ng nasabing wika
ang mga nagsasalita ng conyo. Napag-alaman ng mga mananaliksik na sa
pamamagitan ng paggamit ng wika ay maaring magbigay ito sa mga nagsasalita ng
ganoong prestihiyo at kapangyarihan kung saan ang mga bagay na ito ay gumaganap
ng isang mahalaga sa buhay ng mga nagsasalita. Bukod dito, ang nasabing wika ay
itinuturing na kanilang susi ng pagkakaroon ng mataas na katayuan sa kanilang buhay.
Tungkol dito, ang buhay panlipunan ng mga nagsasalita ay malawakang naapektuhan
ng conyo dahil sa paggamit nito ng mga nagsasalita bilang sa pagsukat sa kung anong
katayuan at klase kung nasaan ang isang tao. Ang Conyo ay pinagsamantalahan sa
loob ng maraming taon bilang karaniwang wikang ginagamit ng gitna at nakatataas mga
klase, ang mga edukadong tao at mga urbanisadong Pilipino upang ilihis ang kanilang
mga sarili sa ibang tao (Bautista,2004 na binanggit ni Garvida, 2013). Bilang
karagdagan, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng isang ideya na ang isang
tagapagsalita ay maaaring may kapasidad na magsalita ng wika dahil sa kapaligirang
ginagalawan ng nagsasalita.

Naobserbahan ng mga mananaliksik na ang mga tao ay gumagamit ng code switch sa


pamamagitan ng paggamit ng conyo sa pagpapahayag kanilang mga ideya. Kaugnay
11
ng buhay pang-akademiko ng mga nagsasalita ay madalas nilang ginagamit ang
nasabing wika bilang paraan ng pagpapaliwanag ng kanilang mga iniisip. Ang mga
tagapagsalita ay nag-uudyok sa kanilang sarili na ipahayag kung ano ang mayroon
silang isip upang matupad ang kanilang mga layunin at makakuha ng matataas na
marka na gusto nila. Ang pagganyak ay isa sa susi sa makamit ang tagumpay sa buhay
at ang pakikilahok ay mahalaga sa bawat mag-aaral (San Jose,2012). Napag-alaman
ng mga mananaliksik bilang pag-aaral sa isang klase sa asignaturang Filipino na
talagang ginagamit ng ilang mag-aaral ang wika upang ipaliwanag pa nila kung ano ang
nasa isip nila. Mas madali para sa kanila na makipag-usap sa conyo bilang pareho itong
gumagamit ng Tagalog at Cebuano hindi katulad ng pagsasalita sa tuwid na Filipino.

Sinu-sino ang gumagamit ng Davao konyo sa pakikipagtalastasan?

Laganap sa Davao ang pagsasalita ng konyo lalo na sa mga atenista o mga estudyante
ng Ateneo de Davao University. Karamihang gumagamit ng konyo ay mga millennial at
mga kabataan sa bagong henerasyon partikular sa mga mayayaman. May mga
nagsasabi na ang paggamit ng konyo ay hindi kaaya-ayang pakinggan sapagkat
kinokomplekado ng tagagamit ang mga salita na nagdudulot ng hindi malinaw na
kahulugan at may mga nagsasabi naman na maganda itong gamitin sapagkat
nagpapahiwatig ito ng magandang pagbabago sa wika.

Bakit ang mga Davaoeno, partikular na ang mga mag-aaral sa AdDU, ay nagsasalita ng
Davao Conyo ay maaaring maiugnay sa ilang kadahilanan. Ang iba ay nagsasabi na
ang pagsasalita ng karaniwang Tagalog ay hindi talaga magawang perpekto ng
karamihan, na humahantong sa kanila na gumamit ng paghahalo ng mga salitang
Cebuano sa paraan ng kanilang pagsasalita. Naging uso na rin ito, naiimpluwensyahan
ang iba na hindi talaga nagsasalita ng Davao-Tagalog na gumamit ng parehong paraan
ng pagsasalita.

SANGGUNIAN:

12
 Davao Conyo: The Evolution. 2021. Sun Star Davao
 Romo, Kristine et al. 2016. The Nature of Conyo in Davao City: A Language
Inquiry. Volume 4, Issue 1. PP 72-78
 Apuli, Jean et al. 2011. Umiral na code switching na ginagamit ng mga mag-aaral
sa BUILHS.
 Cailing. Pananaliksik sa Filipino ukol sa Salitang Konyo. Academia.edu
 Obinque. 2016. Ano man gud yan uy: Davao Tagalog and resisting Manila
imperialism.
 Bautista, M.L. 2004, Tagalog-English code switching as a mode of discourse in
“Asia PacificEducation Reviews”, 5 [2], pp.226-233.

13

You might also like