You are on page 1of 1

WAYAS, KENTH JOSHUA B.

FILIPINO 3-A

Pamagat at Publikasyon Pamagat:

IPAPASYAL NAMIN SI LOLO (We’re Taking Grandpa On A Trip)

Publikasyon: Publisher – Canvas Year Published – 2009

II. Buod

Ang storyang ito ay umiikot lang sa isang pamilya na kung saan ang bida ay ang mag-ama at lolo .
Kadalasan, nakakalimutan ni Lolo ang pangalan ni Haru. Ngunit lagi niyang naaalala kung paano ito
"Bumalik sa panahon ng digmaan." Habang ang pamilya ay naglalakbay, si Lolo ay nag-uumapaw sa
mga kuwento, bawat isa ay naglalahad ng kanilang pamilya at ang buhay na dating nabuhay ni Lolo.
Ang byahe nila ay puno ng mga kwento ng lolo ng kaniyang kabataan at ang digmaan. Isang kagiliw-
giliw na kuwento ng pamilya tungkol sa tatlong henerasyon ng mga tanging anak na lalaki at ang
kanilang paglalakbay.

III. Pagsusuri/Kritika

May kaayusan ang kwento sapagkat nailatag ng manunulat ang bawat eksena sa kwento na kung
saan mas naging malinaw ang daloy ng kwento upang madaling maintindihan ng mga mambabasa.
Isa rin sa mga kinakailangan taglayan ng isang kwento ay ang paggamit ng salita na kung saan mas
madaling maintindihan . nagawa ng manunulat ang kanyang gustong iparating sa kwento dahil sa
salitang ginamit ng manunulat ay magkaangkupan at lahat naman ay nasa kaayusan. Matatawag kung
maganda ang kwentong ito upang makita ang bawat henerasyon . naipakita dito ang iba’ ibang mga
herasyon . napabilib ako sapagkat parang ibinalik tayo sa nakaraan at ibibalik tayo sa kasalukuyan sa
isang kwento lamang na parang kasama tayo sa biyahe ng pamilya.

IV. Rekomendasyon sa Madla

Kinakailangan mabasa ng mga kabataan ngayon ang ganitong uri ng mga kwento sapagkat isa itong
pahapyaw sa kasaysayan ng mga naranasan ng mga sinaunang tao o ating mga ninuno na
maiikumpara natin sa kasalukuyang panahon. Magiging impormatibo itong bashin na kung saan
ipinapakita ang mga pangyayaring hindi natin naranasan noong unang panahon.
. Ang kwentong ito ay nagpapakita rin ng kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya at kung gaano
kaganda ang mga alala ng nakaraan na maaring maging aral. Naipakita rin dito ang kaibahan ng
tatlong henerasyon ng Ama , anak at ang apo na pagbabalik-tanaw sa nakaraan.

You might also like