You are on page 1of 59

WALK-THROUGH SA

MODYUL 3

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA


AT PERSIA
Mapa ng AFRICA
Mapa ng PERSIA
I. Panimula

Ang Panitikan ay nagsisiwalat ng


pagbabago, mistikal, pagbagong
bunsod ng magiting na pagkilos,
pagbabago ng paniniwala, ng
nakagawian ng pagkatao, at ng
takbo ng pamumuhay.
Deskripsyon ng Kabuuang Modyul 3
Mauunawaan at mapapapahalagahan ng
mga mag-aaral ang mga akdang
pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng
Africa at Persia:

 Mitolohiya ng Kenya
Anekdota ng Persia
Sanaysay ng South Africa
Tula ng Uganda
Maikling Kuwento ng East Africa
Epiko ng Mali
Nobela ng Nigeria
Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang


pag-unawa at pagpapahahalaga
sa mga akdang pampanitikan ng
Africa at Persia
Pamantayang Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat


tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
batay sa binasang akdang pampanitikan.
Pokus na Tanong
 Paano naiiba ang mga akdang
pampanitikan buhat sa Africa
at Persia sa iba pang akda
mula sa ibang panig ng
mundo?

 Paano nakatutulong ang mga


kaalaman sa gramatika at
retorika sa pagpapalawak ng
kaalaman sa kultura ng iba’t
ibang bayan?
GRAMATIKA AT RETORIKA
 Pamantayan sa Pagsasaling –Wika
 Diskursong Pagsasanay
 Pahayag na Nanghihikayat
 Wastong gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang
Pananalita
 Mga Salitang Nagbibigay Hinuha
 Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon o
Damdamin
 Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag
ii. Panimulang Pagtataya
Bakit kailangan mayroong panimulang pagtataya?
Modyul 3.1 LIONGO
Modyul 3.1 LIONGO
(Mitolohiya mula sa Kenya)
Ang Kenya ay isang bansa sa
Silangang Afica.
Modyul 3.1 Mitolohiya

 Ang salitang mitolohiya ay


nangangahulugang agham o pag-aaral
ng mga mito/myth at alamat.
Modyul 3.2 Mullah Nasseddin
(Anekdota mula sa Persia/Iran)
Modyul 3.2 Persia/Iran

 Sa Pesia (Iran),ang kanilang mga lupain,mga tao


na binabanggit kasama ng Medo,at mga Persiano
ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang
Tribong Asyano.
 Mayaman sa sining tulad ng pagpana at
pangangabayo.
Modyul 3.2 Pasalaysay

Isang diskurso na naglalatag ng


mga karanasang magkakaugnay.
Pagkukuwento ito ng mga kawili-
wiling pangyayari,pasulat man o
pasalita.
Modyul 3.2 NELSON
MANDELA: BAYANI NG AFRICA
(Talumpati mula sa South Africa)
SANAYSAY
 Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na
ipinahahayag ang sariling kaisipan,saloobin, at damdamin
na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
2 uri ng sanaysay:
 a. pormal
 b. di-pormal
3.4 HELE NG INA SA KANYANG PANGANAY
(Tula mula sa Uganda)

 Ang kababaihan ng AFRICA


lumikha ng mga tula na
kanilang awit.
 Hitik ito sa matatamis at
magigiliw na pananalita at
oyaying inuulit-ulit upang
ipahayag ang pagmamahal
ng ina na nagsilbing pang-
aliw at pampaamo sa
anak.
TULA
(ANYO NG PANITIKAN NA BINUBUO NG SAKNONG O TALUDTOD)

4 NA ELEMENTO NG TULA
 a. Sukat
 b. Tugma
 c. Kariktan
 d. Talinghaga
ANG ALAGA
(Kuwento mula sa East Africa)
 Tungkol sa
pagmamahal na
inukol ng isang tao sa
kaniyang alaga.
MAIKLING KUWENTO/MAIKLING KATHA
 Nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at
damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari.

 a. isang kakintalan
 b. may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning
kailangang bigyan ng solusyon.
 Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
 May mahalagang tagpuan
 May kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng
wakas.
Epiko ng Sinaunang Mali
Sundiata Keita o Mari Diata

 Ang bayani`t pangunahing tauhan ng epiko


ay totoong nabuhay.
 Isa sya sa labindalawang magkakapatid na
lalaki na tagapagmana ng trono.
 Siya`yisang makapangyaihang pinuno na
tumalo sa estadong Sosso sa kanluang Africa
noong 1235.
 Ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea
noong 1950 na isinalaysay ng griot (mananalaysay)
 Na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na
alagad ng kuwentong –bayan na si D.T. Niane.

 Ang imperyong Mali na kilala sa tawag na


Imperyong Manding ay naging makapangyarihan
sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 siglo.
PAGLISAN(BUOD)
(Nobela mula sa Nigeria)
 Nigeriaisa sa mga bansa sa Africa na may
malaking ambag sa panitikan.
 Panitikanng Nigeria ay sadyang nakapagpataas
ng kamalayan ng mamamayan ng bansa
pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay,kultura
tradisyon at suli ranin sa politika.
NOBELA
 Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng
mga pangyayaing pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap
ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng
hangarin ng katunggali sa kabila.
Chinua Achebe is a Nigerian novelist
and author of Things Fall Apart, a
work that in part led to his being
called the "patriarch of the African
novel."
WALK-THROUGH SA MODYUL 4
 Ang nobelang El filibusterismo (literal na
"Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman[1] ay
ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani
ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong
inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag
na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.[2] Ito ang
karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli,
nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,[3] tulad
din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda
noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina
sa Calamba.
 Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming
pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang
manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel,
at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz.
Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang
nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at
mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.
 Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na
hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan
ng bayan.[kailangan ng sanggunian]
Dr. José Protacio Rizal Mercado y
Alonzo Realonda
 SiDr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896)
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag
na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na
bayani at tinala bilang isa sa mga Pambansang
Bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga
Pambansang Bayani
DESKrIPSYON NG MODULE:

Isang akdang pampanitikan na bunga ng


kanyang pagpupunyagi na gisingin ang damdaming
makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
panulat.Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang
political at panlipunang pangyayari na maiuugnay
sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan.
Nakakatulong ang nobelang ito upang
malinaw na maunawaan ang ating
kasaysayan maging kung paano harapin
ang mga suliraning panlipunan at
bigyang solusyon.
PAMANTAYAN PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa nobelang
El Filibusterismo bilang isang obra
maestrang pampanitikan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mag – aaral ay nakapagpapalabas ng


makabuluhang photo/video documentary
na nagmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan sa kasalukuyan.
POKUS NA TANONG PARA SA BUONG MARKAHAN

 Paanonakatulong ang mga pangyayari sa nobela


upang gisingin ang damdaming makabayan ng
mga Pilipino?
 Bakitnakatulong ang nobelang El Filibusteismo
sa kalagayang political at paglutas sa suliraning
panlipunan sa kasalukuyan?
Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
 Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal
noong Oktubre, 1887, marami ng kasawiang dinanas ang
kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa
pagkasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong
yao'y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga
magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal
na humingi naman ng tulong sa pagdinig ng kaso ng
problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni
Rizal ukol sa pagpapalathala ng
tinaguriang "Makamandag" na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang
tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din
ng mga maraming paggigipit.
Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
 Sinimulan ni Rizal ang Nobelang El Filibusterismo sa
harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya ang
mga sakit ng loob na dinanas niya at ng kanyang
pamilya. Bagaman may mga palagay na may plano na si
Rizal para sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga
pangyayaring kinasasangkutan niya sa pagbabalik sa
sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito
ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng
kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
"pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa
mga babae, panggulo, pagliligpit sa mga kaaway atbp."
 Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa
pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
Katakut-takot naliham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumating at ipinayo ng gobernador na bumalik
siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay
Blumentritt habang naglalakbay.
 "Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay
naparoon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako'y
ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng
sumbong sa mga alaklde na nakita nila akong lihim na
nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok.
Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukang liwayway na
kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang
kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng
guwardiya sibil na marunong managalog...
 Inalok ako ng salapi ng aking mga
kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling
nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa
aking kapakanan kundi sa kanila na rin
sapagkat marami akong kaibigan at
kasalamuha na maaaring ipatapon kasama
ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit
may kaunting karamdaman, ako'y dali-daling
nagpaalam sa aking pamilya."
 Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang
pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-
Rizal hanggang Kataastaasang Hukom ng Espanya. Maraming
kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang
tinanggihanng mapalibing sa libingang katoliko. Sa gitna ng mga
pag-aalalang ito, giniyagis si Rizal ng mga personal at politikal na
suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang
kasiglahan ang inspirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Bousted; sinagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinamo
ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at
mababa ang pagkilalang iginawad sa kanya ng mga kasama sa
Kilusang Propaganda. Bukod dito'y dumanas si Rizal ng suliranin sa
pananalapi. Naisawalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang
liham na ipinadala kay Jose Maria Basa:
 "Ako'y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga
kababayan. Parang sila'y nagkakaisa upang maging mapait
ang aking buhay; pinigilan nila ang aking pagbabalik,
nangangakong bigyan ako ng tustos, at pagkatapos na
gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli
ako... Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako
sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala
ko ang akong aklat. Hindi naglaon iyon, ititigil ko kung
walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyo kung
hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang
Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang
lahat sa demonyo..."
 Sa kabutihang palad, nang mauubos nang
lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang
hindi niya inaasahang tulong ni Valentin
Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang
kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat
matapos mabalitaan ang pangangailangan
ni Rizal sa salapi.
 Natapos limbagin ang aklat noong
Septyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng
mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora.
 Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang
nobela ni Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay
itinuturing na isang nobelang politikal. Nalalahad dito sa isang
malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema
ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa
lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon,
katiwalian atbp. Tuwiran at di - tuwiran, masasalamin din ang
mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga
eksena at yugto ng nobela.
 Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay
Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang
mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali--
kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
 Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang
pagbabanyuhay niya bilang nobelista.
4.2 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 BASILIO : Buhay , Pangarap , at Mithiin,
Paniniwala,at Saloobin
 Kabanata 6 : Si Basilio
 Kabanata 7 : Si Simoun
 Kabanata23: Isang Bangkay
 Kabanata26: Ang Paskin
 Kabanata31: Ang Mataas na Kawani
 Kabanata33: Ang Huling Matuwid
 Kabanata34: Ang Kasal
 Matapos ang labintatlong taon, nagbalik ang katauhang
si Basilio sa El Filibusterismo na karugtong ng kanyang
unang nobela. Sa mga panahong naulila si Kapitan
Tiago dahil sa pagmomongha ni Maria Clara, tinanggap si
Basilio bilang isang alila kapalit lamang ay ang pagpapa-
aral. Nakapagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo
Municipal at pinag-aral ng pagkamedisina sa San Juan de
Letran. Si Basilio ay kilala sa kanyang kabutihan sa
panggagamot at kahanga-hangang pagpapagaling. Siya
ang manggagamot ni Kapitan Tiago at katipan ni Huli.
4.3 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

SI KABESANG TALES
 Kabanata 4 : Si Kabesang Tales
 Kabanata 7 : Si Simoun
 Kabanata 8 : Maligayang Pasko
 Kabanata10 : Kayamana`t Kaiktan
 Kabanata30 : Si Huli
 Si Telesforo Juan de Dios, o mas kilala bilang Kabesang
Tales, ay isa sa mga prominenteng tauhan sa El
Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ang anak ni Tandang
Selo at ama ng magkapatid na Huli atTano. Siya ay
tahimik at masunurin sa mga prayle.
 Siya ay dating nakikisama sa isang mayamang pamilya
ngunit nagsarili siya ng pamumuhay nang magkaroon siya
ng dalawang kalabaw at daan-daang piso. Katulong ang
kanyang ama, asawa, at mga anak, nabubuhay sila sa
pagkakaingin. Ang hanapbuhay ding ito ang siyang naging
sanhi ng pagkamatay ng kanyang asawa at panganay na
anak na si Lucia dahil sa malarya.
4.4 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 HULI , Bilang Simbolo ng Kababaihang Pilipino
Noon at Ngayon
 Kabanata 4 : Kabesang Tales
 Kabanata 6 : Si Basilio
 Kabanata 8 : Maligayang Pasko!
 Kabanata 9 : Si Pilato
 Kabanata 10:Kayamanan at Kalian
 Kabanata 19:Ang Mitsa
 Kabanata 20:Ang Nagpapalagay
 Kabanata 23:Isang Bangkay
 Kabanata 24:Mga Pangaap
 Kabanata 30:Si Huli
 Kabanata 32:Ang Ibinunga ng mga Paskin
 Kabanata 35:Ang Pista
 Si Huli ay ang anak ni Kabesang Tales at katipan
ni Basilio sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal.
 Nang mahuli ang kaniyang ama ng mga tulisan, humingi
ang mga ito ng limandaang piso kapalit ng kalayaan ng
ama. Upang mapunan ang halagang hinihingi, ipinagbili
niya ang kanyang mga hiyas maliban sa locket na
binigay ni Basilio at nagpaalipin kay Hermana
Penchang. Sa kanyang pagiging alila, kinakailangan
niyang mag-aral ng dasal, magbasa ng mga aklat na
ipinamimigay ng mga pari, at gumawa ng mga gawaing
bahay. Itinuturing siyang makasalanan ni Hermana
Penchang sapagkat hindi siya marunong bumigkas ng
mga dasal na isinasaulo sa simbahan.
4.5 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
SI ISAGANI
 Kabanata 2 : Sa Ilalim ng Kubyeta
 Kabanata 14:Sa Bahay ng mga Estudyante
 Kabanata 15:Si Ginoong Pasta
 Kabanata 22:Ang Palabas
 Kabanata 27:Ang Payle at ang Pilipino
 Kabanata 35:Ang Piging
 Kabanata 37:Ang Hiwaga
 Si Isagani ay isa sa mga prominenteng tauhan sa
nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay
pamangkin ni Padre Florentino at katipan ni Paulita
Gomez. Maliban pa rito, si Isagani ay isa sa mga
estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng
sariling akademya para sa wikang Kastila ang Pilipinas.
 Nakapagtapos siya sa Ateneo Municipal. Siya ay isang
makata at manunugma. Inilalarawan siya bilang
malungkutin at tahimik [1]
 Sa huling kabanata ng nobela, si Isagani ang nagtapon ng
granadang nakasilid sa handog na ilawan ni Simoun sa
araw ng kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez.
Dahil sa pag-ibig, nagawa ni Isagani na iligtas ang lahat
ngunit binigo nito ang rebolusyong balak ni Simoun.
4.6 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Si Padre Florentino


Kabanata 2 : Sa Ilalim ng Kubyeta
Kabanata 3 : Mga Alamat
Kabanata 39:Katapusan
 Si Padre Florentino ay isa sa mga kathang-isip na tauhan sa
nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Isa siyang paring indio na
amain ni Isagani. Minsan lamang magsalita si Padre Florentino. Hindi
ito mahilig makipaghalubilo sa ibang tao, hindi mapagmalaki, at
walang bisyo.
 Mula sa mayaman angkan sa Maynila si Padre Florentino. Kailanman ay
hindi niya pinangarap ang maging pari ngunit pinilit siya ng kaniyang
ina na pumasok sa seminaryo. Ang kaniyang ina, na kaibigan ng
arsobispo, ay mahirap pakiusapan at hindi nagbabago ang isip.
Naniniwala ang kanyang ina na sa ganoong paraan ay sinusunod niya
ang kalooban ng Diyos. Si Padre Florentino ay naging ganap na pari sa
edad na 25.
 Nang malaman ito ng kaniyang katipan, nag-asawa siya ng kahit sino
dahil sa hindi nito matanggap ang pagpapari ng kanyang kasintahan.
Simula noon, naging malungkutin at nawalan na ng sigla ang pagkatao
ni Padre Florentino dahil rito. [1]
4.7 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 SI SIMOUN
 Kabanata 1 : Sa Itaas ng Kubyeta
 Kabanata 2 : Sa Ilalim ng Kubyeta
 Kabanata 3 : Mga Alamat
 Kabanata 7 :Si Simoun
 Kabanata 10:Kayamanan at Kaalitaan
 Kabanata 11: Los Banos
 Kabanata 16: Ang mga Kapighatian ng Isang Tsino
 Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskin
 Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
 Kabanata 35: Ang Piging
 Kabanata 39: Ang Katapusan
 Si Simoun ay ang pangunahing tauhan sa
nobelang El Filibusterismo na isinulat ni Jose
Rizal. Siya ay si Crisostomo Ibarra sa
nobelang Noli Me Tangere at nagbalik
pagkatapos ng labintatlong taon bilang isang
mayamang mang-aalahas. Siya ay namumukod-
tangi dahil sa kaniyang suot na salaming kulay
na asul. Inilarawan si Simoun bilang matangkad,
matipuno, may kapayatan, may kaitiman ang
balat, at laging nakasuot ng damit-ingles. Kilala
siya bilang “Kardenal Moreno” sapagkat siya
ang sanggunian ng heneral.

You might also like