You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office of San Carlos City
MALACANANG NATIONAL HIGH SCHOOL
MALACANANG, San Carlos City, Pangasinan

PAKITANG TURO
BANGHAY ARALIN
sa
FILIPINO 10
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG EL
FILIBUSTERISMO
Kwarter 4
Modyul 1
SY 2023-2024
Petsa: Abril 2, 2024
Baitang at Seksyon: Baitang 10 (Diamond, Gold, at Ruby)
Oras: 9:00-10:00, 10:00-11:00, at 11:00-12:00 NU

Inihanda ni:
CRISTINE C. MAMARADLO
Gurong Nagsasanay

Inihanda para kay:


REGINA C. VELASCO
Guro sa Filipino 10
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.
B. Pamantayang Pagganap
 Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
C. Kasanayang Pampagkatuto
F10- ET- IIf-33
Nagagamit ang iba-ibang reperensiya o batis ng impormasyon sa pananaliksik.
F10 PB-IVa-b86
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuoan o ilang bahagi
ng akda
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
F10 PS IV-a-b-85
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo.
F10 PU-IVa-b-85
Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay
sa ginawang timeline.

D. Layunin
a. Nasusuri ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa
pinanood batay sa pangkaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo;
b. Napahahalagahan ang pinanood na pagpapaliwanag sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline;
c. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang kasaysayan ng El
Filibusterismo; at
d. Nakapagmamalas ng kahusayan sa pagtala ng mga mahahalagang
impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian.

II. PAKSANG ARALIN: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


a. Sanggunian: Unang Markahan: Modyul 1
b. Kagamitan: laptop, tv, games, at canva presentation
c. Integrasyon: English

III. PAMAMARAAN:
Panalangin
Pagtala ng lumiban

A. Balik Aral
Panuto: Magbabalik tanaw mula sa nakaraang aralin ang mga mag-aaral.
1. Ano ang mga pag-unay ng mga salita na ginagamit sa pagpapaliwanag?
2. Magbigay ng gabay sa pagsusuri ng isang pelikula.
B. Pagganyak (Letra-TO!)
Panuto: Hanapin ang mga letra sa lawaran upang mabuo ang mga salita at iugnay ang
kahulugan sa pagkaligirang kasaysayan.
1. Manuskrito – Orihinal na sipi o kopya

2. Erehe – kalaban ng simbahan

3. Pilibustero – kalaban ng pamahalaan

C. Paglalahad
Handa na ba kayong matuto?

D. Pagtalakay
Panuto: Tatalakayin ng guro ang paksa sa pamamagitan ng powerpoint at bidyung
presentasyon, pagkatapos ay magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang sariling
pagkakaunawa, realisasyon at paliwanag tungkol sa paksang natalakay.

El Filibusterismo
“Ang Paghahari ng Kasakiman”
“The Reign of Greed”
Ikalawang obra maesyrang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal

Batas Rizal (RA 1425) – Batas Republika 1325 na pinangunahan ng dating pinuno ng
Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Maraming kasawiang dinanas ang mga kamag-anak at mga kaibigan ni Gat. Jose Rizal
dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere na nagpagising at nagpaalab sa damdamin ng
mga Pilipino tungkol sa karapatang pambansa.
Nariyan ang mga suliranin sa lupa ng mga magsasaka sa Calamba. Inilapit nila ito kay
Rizal na humingi ng tulong sa naging kaibigan na Gobernador Heneral Emilio Terrero.
Nabinbin ang kaso dahil sa tinaguriang ―makamandag‖ na babasahing Noli Me Tangere.
Nakaranas ng panggigipit ang pamilya ni Rizal. Nakatanggap din siya ng ilang pagbabanta at
pagtuligsa.
Sa ganitong senaryo sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba noong
1887. Limang taong pagitan pagkasulat ng Noli Me Tangere. Dahil sa patuloy na pagbabanta
sa kaniyang buhay, sinunod ni Rizal ang payo ng gobernador na bumalik sa ibang bansa.
Nilisan niya ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888.

 Habang nasa ibang bansa, naganap ang kaniyang kinatatakutan:


 Inusig ang kaniyang pamilya kaugnay ng usapin sa lupa na umabot hanggang sa Kataas-
taasang Hukuman ng Espanya
 Pinatay na mga kamag-anak na hindi nakakuha ng hustisya
 Tinanggihang ilibing sa libingan ng mga katoliko ang kanyang mga kakilala/
 Ipinakasal sa iba ang kaniyang kasintahan (Leonor Rivera)
 Halos igupo ang kalooban ng bayani dahil sa matinding suliranin sa pananalapi
 Ipinagpatuloy ang pagsulat nito sa Lourdes, Inglatera noong 1890.
Sumunod sa Brussels, Belgium na isinulat ang malaking bahagdan ng El Filibusterismo
hanggang sa matapos noong Marso 29, 1891. May ilang talagang nagsasabi na may bahagi rin
ang El Filibusterismo ang isinulat sa Ghent, Belgium lalong-lalo na ang huling bahagi at
pagrerebisa ng manuskripto,
 Ayon sa pahayag ng bayani sa isang liham kay Jose Maria Basa, makabayang kaibigan
ng bayani, ang manuskripto ng El Filibusterismo ay ibinigay sa palimbagan ng Ghent,
Belgium bago matapos ang Mayo, 1891.
Napatigil ang pagpapalimbag hanggang pahina 112 lamang. Bilangnpagtanaw ng utang na
loob, inialay niya kay G. Ventura ang orihinal na manuskripto ng El Filibusterismo kalakip
ng isang inilimbag na sipi na may lagda niya. Binigyan niya ng sipi ang mga matatalik niyang
kaibigan. Nariyan si Dr.Blumentritt, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Juan
Luna.
Ipinadala ang mga siping nasa kahon sa Hongkong at Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang
Espanyol ang halos lahat ng siping nasamsam. May ilang siping nakarating sa kinauukulan at
sa mga kilusang nauukol sa paghihimagsik na nagbigay-sigla sa kanilang makabayang
adhikain. Labing-isang taon pa lamang ang ating bayani nang maganap ang walang
katarungang pagpatay sa tatlong paring martir.
Timeline – isang visual na representasyon ng isang sunod-sunod na kaganapan.
Nakatutulong ito na maitala ang mga pangyayari sa kronolohikal na pornat sa pagsulat ng
buod.

Pagbubuod- Ang buod ay siksik at pinaikling bersyion ng teksto na maaaring nakasulat,


pinanood o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang
ideya o datos. Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at konolohikal na daloy ng mga ideya ng
binuod na teksto.
 Pangunahing Katangian ng Pagbubuod:
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda bagkus gumagamit ng sariling pananalita.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.
 Mga Hakbang sa Pagbubuod:
1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat p episode ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang mga
paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin ang key words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halumbawa at ebidensiya.
6. Makatutulong ang signal word o mga salitang nagibigay—transisyon sa mga ideya
tulad ng gayonpaman, kung gayon, at pangwakas at iba pa.
7. Huwag magsingit ng mga opinyon.
8. Suriin ang mga dayagram

BUOD
Pangunahing Ideya

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Kongklusiyon

Sanggunian – katagang sanggunian o reference ay ginagamit sa maraming mga


kalipunan, sakop, o saklaw ng mga kaalaman ng tao, na umaako ng mga antas ng
kahulugan na partikular sa mga diwa o konteksto sa pinaggagamitan nito.

Dalawang Uri ng Sanggunian


1. Primaryang Sanggunian
2. Sekundaryang Sanggunian
Ito ay naglalaman ng iba’t ibang klase ng mga reperensiya na kung saan maaaring
makakuha ng mga impormasiyon.

Noli Me Tangere – Inialay sa Inang Bayan


- Nailimbag sa Alemanya
- Maximo Viola
- Nobelang Panlipunan
El Filibusterismo – Inalay sa GomBurZa
- Nalimbag sa Ghent, Belgium
- Valentin Ventura
- Nobelang Pampulitika

Isang Pag-aalay
Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (84 taon), Don Jose Burgos (35 taon)
at Don Jacinto Zamora (37 taon) na binitay sa Bagumbayan noong ika-17 ng Pebrero 1872.
Ang simbahan sa pagtanggi nitong kayo ay hamakin ay nagparamdam na maaaring kayo
ay walang kasalanan. Ang Pamahalaan, sa pagbibigay-diin nitong maaaring ang paghusga
sa inyo ay bunga ng ilang kamalian ay mayroon ding ibang pinaninindigan. Tinawag nga
kayong mga martir at para-parang tinatanggap ninyo ang inyong naging pagkukulang.
Para sa akin, hindi mahalaga kung mapatunayan man o hindi ang pakikilahok ninyo sa
pag-aalsa sa Cavite. Kilalanin man kayo o hindi bilang bayani. Totoo man o hindi na nag-
apoy ang inyong mga damdaming makabayan sa ngalan ng katarungan at kalayaan buong
pusong pusong inaalay ko pa rin sa inyo ang nobelang ito. Sa inyo na mga biktima ng
walang katapusang kasamaang layunin kong harapin at tapusin.
At habang hinihintay naming maghugas ng kanyang kamay ang bansang Espanya sa
inyong sinapit na kamatayan, hayaan ninyong magsilbing mga tuyong dahon ng katotohanan
ang mga pahina ng nobela ito. At sa sinumang mangangahas na pupula sa inyong alaala
bilang mga Martir ng Bagumbayan, hayaan ninyong maligwakan ang kanyang kamay ng
sariwang dugong inyong inialay sa sangkapilipinuhan.
- Jose Rizal

Mga Tanong:
1. Bilang isang mag-aaral at kabataan, bakit mahalagang pag-aralan ang El
Filibusterismo? Ano ang naitutulong nito sa personal at panlipunang pananaw?
2. Ano ang kabuuang mensahe ng nobelang El Filibusterismo sa mga Pilipino?
3. Sa pagkamit ng Kalayaan, ang iyong pipiliin Katarungan o Karunungan? Magbigay
ng mga halimbawa.

E. Paglalapat (Complete ME!)

Panuto: Kumpletuhin ang mga hinihinging impormasyon batay sa Pangkasaysayang


Kaligirang El Filibusterismo gamitin ang timeline graphic organizer.
F. Paglalahat (Patunayan Mo)
Panuto: Patunayan ang mga pag-iral ng sumusunod na mga kondisyon sa pamamagitan ng
pagbanggit ng tiyak na bahagi ng akda.
IV. PAGTATAYA
A. Mix and Match
Panuto: Piliin ang tamang kapares ng sagot sa bawat hanay ng tanong.

Hanay 1 Hanay 2
Karanasan Tugon/Resulta
______ 1. Nagkaroon ng pagbabanta sa
kanyang buhay A. Inialay ni Rizal kay G. Ventura ang orihinal
______ 2. Pagpatay sa tatlong Paring Martir na manuskripto ng El Filibusterismo kalakip
______ 3. Nagpadala ng tulong pinansyal ng isang nilimbag na sipi na may lagda niya.
ang kanyang kaibigang B. Napatigil ang pagpapalimbag hanggang
si Valentin Ventura. pahina 112 lamang.
______ 4. Inuusig ang kanyang pamilya C. Sinunod ni Rizal ang payo ng gobernadora na
at at mga kamag-anak na
bumalik sa ibang bansa.
pinagkaitan ng hustisya
______ 5. Binigo siya ng mga pangyayari D. Naging inspirasyon at alay ni Rizal ang
dahil sa mga mayayamang Pilipinong kanyang naisulat na El Filibusterismo.
nangakong tutulong sa pagpapalimbag E. Hindi nakapigil sa kapasyahang ipagpatuloy
ay pawang nakalimot. ang pagsulat ng El Filibuterismo.

B. Sanaysay
Panuto: Bigyan ng sariling pagkakaunawa ang pahayag ni Dr. Jose P. Rizal.

“Ang magiging desisyon at aksyon ngayon ay magiging kasaysayan bukas.” - Jose Rizal
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
V.TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN
Panuto:

Inihanda ni: Pinagtibay ni:


CRISTINE C. MAMARADLO REGINA C. VELASCO
Gurong Nagsasanay Guro sa Filipino 10

You might also like