You are on page 1of 14

Starchild Innovative Learning Academy Inc.

Banghay Aralin sa Filipino 10

Ikaapat na Buwanang Pagsusulit
Inihanda ni: Bb. Marlie G. Sumalinab

UNANG LINGGO
Unang Araw
I.Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Kognitibo
 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo;
Saykomotor
 Nasasagot ang mga katanungan; at
Pandamdamin
 Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline.
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang
photo/video documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan sa kasalukuyan

C. KASANAYANG PAGKATUTO
F10PN-IVa-b-83
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
F10PB-IVa-b-86
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa
mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda - pagpapatunay ng pag-iral ng mga
kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda - pagtukoy sa layunin ng
mayakda sa pagsulat ng akda
F10PT-IVa-b-82
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito
F10PD-IVa-b-81
Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan
ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang
timeline
F10PS-IVa-b-85
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo

II. Nilalaman:
 Kailigirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian- Aklat
1. Gabay sa Pagtuturo- Enrijo W.. et al…..2015. Darayo 10 : Batayang Aklat sa
Wika at Panitikan. St.Agustine Publication Inc. 1624-1626 Espana
Blvd.cor.Don Quijote St. Sampaloc, Manila.
2. Pabatayang Aklat- Darayo 10, pahina 236-238
3. Mga Karagdagang Materyal- Biswal Eyds. Pansulat, Aklat.
B. Iba pang kagamitang panturo-
http://filipinotek1387.blogspot.com/2013/03/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el.html
IV. Pamamaraan:
A. Pagbabalik Aral:
o Ano ang tinalakay natin sa nakaraang araw?
B. Paghahabi ng Layunin:
 Ano ang El Filibusterismo?

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa Bagong Aralin:

 Magpapakita ng larawan ang guro. Tungkol sa larawan ng kasaysayan ng el
filibusterismo.

D. Pagtatalakay ng bagong Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan:

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG El Filibusterismo

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng

Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani
ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring
martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal
ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng
medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho
sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at
nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon
sa Gent.
Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat
noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay
na kalayaan at karapatan ng bayan.
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami
ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa
pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas
din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba.
Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere.
Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal.
Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng
kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa
ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan.
Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
“pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae,
panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang
manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga
pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng
gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa
Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente
ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na
nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y
naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at
bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang
tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila
ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin
sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama
ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-
daling nagpaalam sa aking pamilya.”
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig.
Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang
Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig.
May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga
pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin;
nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong
dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-
kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang
kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa
Kilusang Propaganda.
Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang
kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y
nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking
pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa
loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking
mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat.
Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa
iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga
mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat
sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang
gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni
Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina
Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political.
Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng
sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa,
pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran
at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal
sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra,
bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang
hindi maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-
ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang
nobelista.
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
Buod ng Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa
silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag
noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng
isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring
mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng
diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni
Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay
pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante,
sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal
noon sa bayan ng Binan, Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang
magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na
pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang
nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina
at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga
aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya
ng iba’t ibang karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala
ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa
Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas
ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente
sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang
sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at
Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa
naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang
doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang
kursong ito noong 1884 at 1885.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas
pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng
Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang
mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa
mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito,
si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid
noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa
Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr.
Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong
1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito
ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay
muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me
Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.
Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa
Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman
siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na
paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang
ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan
niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa
mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga
kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin,
siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang
tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.
At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
Siya ay nagkaroon ng 9 na kasintahan. Pero ang kanyang minahal ng lubos ay si Leonor Rivera. Subalit
sa huli ay minahal niya si Josephine Bracken.
1. Segunda Katigbak
2. Leonor Valenzuela
3. Leonor Rivera
4. Consuelo Ortega y Rey
5. O-Sei-San
6. Gertrude Beckett
7. Suzanne Jacoby
8. Adelene Bousteds
9. Josephine Bracken
11 na magkakapatid sila Dr. Jose Rizal.Narito ang taon at kapanganakan at kamatayan nila:
SATURNINA RIZAL (1850-1913)
PACIANO RIZAL (1851-1930)
NARCISA RIZAL (1852-1939)
OLYMPIA RIZAL (1855-1887)
LUCIA RIZAL (1857-1919)
MARIA RIZAL (1859-1945)
JOSE RIZAL (1861-1896)
CONCEPCION RIZAL (1862-1865)
JOSEFA RIZAL (1865-1945)
TRINIDAD RIZAL (1868-1951)
SOLEDAD RIZAL (1870-1929)
SATURNINA RIZAL (1850-1913)

E. Paglinang sa Kabihasaan

 Ano ang opinyon mo noong nabasa mo ang Noli Me Tangere ?

E. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-araw na buhay:

o Ano ang iyong nahihinuha tungkol sa El Filibusterismo?

F. Paglalahat ng Aralin:
o Tatawag ng piling mag-aaral upang ibuod ang natalakay?
G. Pagtataya ng Aralin:
Panuto: Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang El Filibusterismo?

2. Ano ang ibang tawag ng El Filibusterismo?

3. Kailan sinimulan ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo?

4. Saan at Kailan natapos ang paglilimbag ng El Filibusterismo?

5. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo?

6. Bakit itinuturing na nobelang political ang El Filibusterismo ni Rizal?
7. Ano-anong paghihirap ang naranasan ni Rizal habang ginagawa o
ipinalilimbig ang El Filibusterismo?
8. Ano ang tunay na pangalan ng may-akda?
9. Ilarawan si Jose Rizal batay sa sumusunod:
Bilang kapamilya-
Bilang kaibigan –
Bilang manunulat
Bilang Pilipino-

I.Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin

Panuto: maghahanda ang guro ng mga kopya ng bawat kabanata na nakarolyo
upang ipabunot sa mga mag-aaral ang kani-kanilang paksa. Hayaan silang mag-
ulat ayon sa kagustuhan nilang istilo at teknik. Basta hindi lalampas sa tig-aanim na
minute ang pagpapaliwanag bawat kabanata. Sa pag-uulat ay ipakilala sa kanila
ang pamantayan.

Pamantayan sa Pag-uulat
Nilalaman
Naiuulat ng maayos at wasto ang lahat ng mga Pangyayaring
Naganap sa kabanata………………………………………………..………15 puntos
Pagkamalikhain
Malikhain at ugnay ang mga napiling istilo sa pagpapaliwanag
ng Kabanatang nabunot……………………………………………………..10puntos
Kagamitan /Biswal Eyds
Malinis at kaakit-akit ang mga biswal eyds at kagamitang Ginamit
sa pagpapaliwanag at pagkakaroon ng aktibiti………………………..10puntos
kabuuan ………………………………………………………………………….35puntos

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

Pangalawang Araw (Isakatuparan ang- pagtataya)

I.Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Kognitibo
 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo;
Saykomotor
 Nasasagot ang mga katanungan; at
Pandamdamin
 Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline.
B. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang
photo/video documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan sa kasalukuyan

C. KASANAYANG PAGKATUTO
F10PN-IVa-b-83
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
F10PB-IVa-b-86
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa
mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda - pagpapatunay ng pag-iral ng mga
kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda - pagtukoy sa layunin ng
mayakda sa pagsulat ng akda
F10PT-IVa-b-82
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito
F10PD-IVa-b-81
Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan
ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang
timeline
F10PS-IVa-b-85
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo

II. Nilalaman:
 Kailigirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
III. Kagamitang Panturo
C. Sanggunian- Aklat
10. Gabay sa Pagtuturo- Enrijo W.. et al…..2015. Darayo 10 : Batayang Aklat
sa Wika at Panitikan. St.Agustine Publication Inc. 1624-1626 Espana
Blvd.cor.Don Quijote St. Sampaloc, Manila.
11. Pabatayang Aklat- Darayo 10, pahina 236-238
12. Mga Karagdagang Materyal- Biswal Eyds. Pansulat, Aklat.
D. Iba pang kagamitang panturo-
http://filipinotek1387.blogspot.com/2013/03/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el.html

IV. Pamamaraan:
H. Pagbabalik Aral:
o Ano ang tinalakay natin sa nakaraang araw?
I. Paghahabi ng Layunin:
 Ano ang El Filibusterismo?

J. Pag-uugnay ng halimbawa sa Bagong Aralin:

 Magpapakita ng larawan ang guro. Tungkol sa larawan ng kasaysayan ng el
filibusterismo.

K. Pagtatalakay ng bagong Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan:

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG El Filibusterismo

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng

Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani
ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring
martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal
ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng
medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho
sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at
nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon
sa Gent.
Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat
noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay
na kalayaan at karapatan ng bayan.
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami
ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa
pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas
din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba.
Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere.
Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal.
Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng
kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa
ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan.
Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
“pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae,
panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang
manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga
pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng
gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa
Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente
ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na
nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y
naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at
bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang
tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila
ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin
sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama
ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-
daling nagpaalam sa aking pamilya.”
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig.
Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang
Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig.
May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga
pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin;
nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong
dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-
kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang
kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa
Kilusang Propaganda.
Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang
kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y
nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking
pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa
loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking
mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat.
Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa
iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga
mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat
sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang
gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni
Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina
Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political.
Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng
sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa,
pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran
at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal
sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra,
bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang
hindi maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-
ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang
nobelista.
E. Paglinang sa Kabihasaan

 Ano ang opinyon mo noong nabasa mo ang Noli Me Tangere ?

L. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-araw na buhay:

o Ano ang iyong nahihinuha tungkol sa El Filibusterismo?

M. Paglalahat ng Aralin:
o Tatawag ng piling mag-aaral upang ibuod ang natalakay?
N. Pagtataya ng Aralin:
Panuto: Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang El Filibusterismo?

2. Ano ang ibang tawag ng El Filibusterismo?

3. Kailan sinimulan ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo?

4. Saan at Kailan natapos ang paglilimbag ng El Filibusterismo?

5. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo?

6. Bakit itinuturing na nobelang political ang El Filibusterismo ni Rizal?
7. Ano-anong paghihirap ang naranasan ni Rizal habang ginagawa o
ipinalilimbig ang El Filibusterismo?
8. Ano ang tunay na pangalan ng may-akda?
9. Ilarawan si Jose Rizal batay sa sumusunod:
Bilang kapamilya-
Bilang kaibigan –
Bilang manunulat
Bilang Pilipino-
I. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

Pangatlong Araw
I.Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Kognitibo
 Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng: - pagtunton sa mga pangyayari - pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap - pagtiyak sa tagpuan - pagtukoy sa wakas;A
Saykomotor
 Nakasusulat ng talambuhay ng isang kilalang negosyante/T
Pandamdamin
 Napahahalagahan ang natalakay na paksa./M
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang
photo/video documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan sa kasalukuyan

C. KASANAYANG PAGKATUTO
F10PB-IVb-c-87
Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng: -
pagtunton sa mga pangyayari - pagtukoy sa mga tunggaliang naganap - pagtiyak
sa tagpuan - pagtukoy sa wakas

II. Nilalaman:
 Mga tauhan ng El Filibusterismo
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian- Aklat
1. Gabay sa Pagtuturo- Enrijo W.. et al…..2015. Darayo 10 : Batayang Aklat sa
Wika at Panitikan. St.Agustine Publication Inc. 1624-1626 Espana
Blvd.cor.Don Quijote St. Sampaloc, Manila.
2. Pabatayang Aklat- Darayo 10, pahina 241-242
3. Mga Karagdagang Materyal- Biswal Eyds. Pansulat, Aklat.
E. Iba pang kagamitang panturo-
http://filipinotek1387.blogspot.com/2013/03/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el.html

IV. Pamamaraan:
A. Pagbabalik Aral:
o Ano ang tinalakay natin sa nakaraang araw?
B. Paghahabi ng Layunin:
 Magpapakita ang guro ng mga larawan ng tauhan at pahuhulaan kung sino-sino
ito.

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa Bagong Aralin:

 Ano kaya ang paksang tatalakayin natin ngayon?

D. Pagtatalakay ng bagong Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan:

Mga Tauhan ng El Filibusterismo ni Jose Rizal

Mga Tauhan
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng
Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.

Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na

inaangkin ng mga prayle.

Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning

pampaaralan.

Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

Padre Florentino - ang amain ni Isagani

Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang

angkang may dugong Kastila

Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng

Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni
Paulita.

Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.

Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang

panlabas na anyo.

Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

Gertrude - mang-aawit sa palabas.

Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.

Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

Paglinang sa Kabihasanan

 A. Panuto: Film Viewing

E. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-araw na buhay:

o Sa iyong palagay, alin sa mga katangian ni Simoun ang dapat gayahin
ng isang negosyante upang magtagumpay sa napiling larangan? Alin
ang hindi dapat tularan?

F. Paglalahat ng Aralin:
o Tatawag ng piling mag-aaral upang ibuod ang natalakay?
G. Pagtataya ng Aralin:
Panuto: Magsaliksik ng talambuhay ng kilalang negosyanteng naging matagumpay
sa loob o labas ng bansa. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.
TALAMBUHAY
____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________.

1. Isa-isahin ang estratehiya o pamamaraang ginamit ng napiling negosyante na

naging gabay niya sa pagpapaunlad ng kaniyang negosyo?
2. Tukuyin mula sa mga estratehiyang naitala ang nakita m okay Simoun bilang
isang negosyante.

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

Pang-apat na Araw
I.Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Kognitibo
 Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata ng
nobela ;A
Saykomotor
 Nabibigyangkahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa
biansang kabanata ng nobela; at/T
Pandamdamin
 Napahahalagahan ang mga napag-aralan.M
4. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang
photo/video documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan sa kasalukuyan

C. KASANAYANG PAGKATUTO
F10PN-IVb-c-84
Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata ng nobela
F10PT-IVb-c-83
Nabibigyangkahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa biansang
kabanata ng nobela

II. Nilalaman:
 Buod ng El Filibusterismo
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian- Aklat
1. Gabay sa Pagtuturo- Enrijo W.. et al…..2015. Darayo 10 : Batayang Aklat sa
Wika at Panitikan. St.Agustine Publication Inc. 1624-1626 Espana
Blvd.cor.Don Quijote St. Sampaloc, Manila.
2. Pabatayang Aklat- Darayo 10, pahina 241-242
3. Mga Karagdagang Materyal- Biswal Eyds. Pansulat, Aklat.
B. Iba pang kagamitang panturo-
http://filipinotek1387.blogspot.com/2013/03/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el.html

IV. Pamamaraan:
A. Pagbabalik Aral:
o Ano ang tinalakay natin sa nakaraang araw?
B. Paghahabi ng Layunin:
o Maghahanda ang guro ng kopyang ginupit at nagkahalo-halo at
susubukang ayusin ng mga mag-aaral ito ayon sa pagkakasunod-sunod
nito.

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa Bagong Aralin:

 Tama kaya ang mga ginagawa ninyo?

D. Pagtatalakay ng bagong Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan:

 Tatalakayin sa klase ang nasa pahina 243-242

E. Paglinang sa Kabihasanan

 Panuto: palawakin ang iyong kaalaman sa tulong ng mga karanasang maiuugnay

sa nilalaman ng nobela.
1. Pagbabalat kayo

2. Kasakiman

3. Paghihiganti

4. Pagkakaibigan

5. Kababang- loob

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-araw na buhay:

o Ano ang iyong nahihinuha tungkol sa El Filibusterismo?
G. Paglalahat ng Aralin:
o Tatawag ng piling mag-aaral upang ibuod ang natalakay?
H. Pagtataya ng Aralin:
Panuto: Pumili ng limang mga tauhan mula sa nobela. Ihambing sila sa mga kilalalng
personalidad sa kasalukuyan na sa iyong palagay ay pagakkatulad na katangian.

Larawan ng
tauhan mula
Katangian Larawan ng
personaliddad
sa nobela sa kasalukuyan

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

You might also like