You are on page 1of 8

ALICIA NATIONAL HIGH SCHOOL

PADDAD, ALICIA, ISABELA

PLANONG PAMPAGKATUTO

SA FILIPINO 10

EL FILIBUSTERISMO

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Inihanda ni:

JOYCE V. PAGGAO
Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

OFELLA LALAINE C. CASTRO


Gurong Tagapagsanay
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
S.Y 2019-2020
I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Nobelang
El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.

B. Pamantayang Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
documentary na nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa
kasalukuyan.
C. Mga kasanayan sa pagkatao:

a. Natutukoy ang kasingkahulugan ng ilang piling salita sa teksto.(F10PT-IVb-


c-83)

b. Nakapagbabahaginan ng mga karanasan ukol sa mga pagsubok na


dumating sa buhay ng mag-aaral(F10PS-IVd-e-83)

c. Nakapagtatala ng mga paraan kung paano makatutulong ang kabataaan sa


mga nawawalan ng pag-asa dulot ng mga pasanin sa buhay(F10PU-IVd-e-87)

II. Nilalaman/Paksa: Kabanata 8: Maligayang Pasko

1. Kagamitang Pangkurikulum:
2. Kagamitan ng Mag-aaral:
3. Karagdagang kagamitan mula sa portal learning resources
4. Iba pang kagamitang Panturo: powerpoint, TV, cartolina

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Bago natin simulan ang ating aralin, ano
ang ating tinalakay kahapon?
Ma’am, tungkol po kay Simoun.
Ano ang tungkol sa kabanatang ito?

Nalaman po ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay


iisa dahil noong nagpunta si Basilio sa kagubatan
ay nakita niya roon ang lalaking tumulong
sakanya na ilibing ang kanyang ina.
Tama klas! Dahil sa pangyayaring iyon ay
nalaman ni Basilio kung sino nga ba talaga si
Simoun, at doon ay tinuligsa niya ang
kahilingan ng mga kabataan hinggil sa
pagtuturo ng wikang kastila.
B. Pagganyak o Paghahabi ng Layunin ng
Aralin

Klas, sino na sa inyo ang may naranasang


matinding pagsubok sa buhay?

Subukin mo Via.
Guro, ako po. Dumating po ako sa punto na
hindi na ako kayang pag-aralin ng aking
magulang dahil sa kakapusan ng pera ngunit
hindi po ako nawalan ng pag-asa. Humingi po
ako ng suporta sa mga tito at tita ko upang
maipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Tama! Dapat ay huwag tayong mawalan
ng pag-asa. Lahat ay may solusyon sa
bawat pagsubok na ating nararanasan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

Ang ating paksang aralin ngayong araw


klas ay may kaugnayan sa mga pagsubok
sa buhay na kailangan nating harapin ng
buong tapang. Ngunit bago tayo dumako
sa ating paksang aralin ay atin munang
sasagutan ang mga salitang
makakasagabal sa ating talakayan.

Ang ating gagawin ay tatawagin nating


“MAHAL,TULUNGAN MO NAMAN AKO ”

Pakibasa ang panuto, Annette. PANUTO:


Bubunot ang guro ng pangalan sa kahon, ang
pangalang natawag ay tatayo sa harapan at
babasahin ang pangungusap na nasa kahon, at
tatawagin niya ang pinakamamahal niyang
kaibigan at siya ang magbibigay ng
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit na
nakapaloob sa pangungusap at sasabihing
“MAHAL KONG (JERVIC), TULUNGAN MO
Maliwanag ba klas? NAMAN AKO”.

Opo, ma’am.
Simulan na natin.
(Bubunot ang guro ng pangalan)

Cheryl, tumayo ka at basahin mo ang


unang pangungusap. Kapag bispera ng pasko ay nagsisimba sila sa
Misa Mayor.

Mahal kong Francine, Tulungan mo naman ako!


Francine, tulungan mo si Via.
Misa mayor o Panghuling misa po.
Tama!

Sunod naman ay si Catherine. Halika at


kumuha ka sa kahon ng iyong babasahing
pangungusap.
Nagkibit-balikat ang ilan sa mga kababayan ni
Kabesang Tales nang mapabalita ang
pagkakadukot sa matanda.
Mahal kong Annette, tulungan mo naman ako.
Annette, tulungan mo si Catherine.
Nagkibit-balikat o nagwalang bahala po ma’am.
Sunod ay si Eman.
Inayos ni Huli ang kanyang tampipi bilang
paghahanda sa kanyang pag-alis.

Mahal kong Arjay, tulungan mo naman ako.

Tampipi o Maleta po ma’am.


Si Michelle naman ang pupunta dito sa
harapan.
Narinig ni Huli ang alatiit ng kawayan na para
bang nagpapaalam sakanya.

Mahal kong Eryshjeanne, tulungan mo naman


ako.
Tulungan mo Eryshjeanne.
Alatiit o Langitngit po ma’am.
At ang panghuli si Rainah. Tumayo ka
anak at basahin ang pangungusap.
Ang mga bata ay nakatanggap ng aginaldo
noong pasko.

Mahal kong Trisha, tulungan mo naman ako.


Aginaldo o Regalo po ma’am.
Magaling!
Batid kong naitanim na sa inyong isipan
ang mga salitang makakasagabal sa ating
talakayan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


pagtalakay ng bagong kasanayan

Ngayon atin ng panoorin ang kabanata 8


ng El Filibusterismo “MALIGAYANG
PASKO”. Ano ang dapat tandaan sa ating
panonood?

Huwag pong maingay at magtala ng


mahahalagang datos ma’am.
Maaasahan ko ba ang lahat ng iyan?
Opo, ma’am.
Narito ang mga gabay na tanong sa
inyong panonood. Pakibasa Francine.
Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit biglaang nag-alala si Huli nang ilapat
sakanyang bibig ang laket?
2. Ano ang inaasahan ni Huli na magaganap
sakanyang paggising?
3. Ano ba ang tunay na kahulugan ng pasko
para sa iyo?
4. May mga himala pa bang nangyayari sa
kasalukuyan? Magbigay ng mga karanasan.
5. Anong sakit sa lipunan ang gustong
bigyang diin ni Rizal sa kabanatang ito?

Handa na ba kayo sa panonood klas?


Opo ma’am.
(ipapanood ang video)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


pagtalakay ng bagong kasanayan #2

Tayo ay magkakaroon ulit ng isang gawaing


tatawagin nating ‘’FLOWERS FOR YOU”.
Dahil papalapit na ang araw ng mga puso, alam
kong sabik na sabik na tayong mabigyan ng
bulaklak galing sa ating mga minamahal, kung
kayat ang mga sasagot ay mabibigyan ng
bulaklak, at ang bawat bulaklak ay may
nakapaloob na katanungan. Para sa mga
makasasagot ng tama ay may 5 puntos.

Pakibasa ang panuto, Trisha. Panuto: Mag-uunahan sa pagtaas ng kamay ang


mga mag-aaral, ang mapipili ang siyang
mabibigyan ng bulaklak at magkakaroon ng
puntos kung nakasagot ng tama.
Maliwanag ba klas?
Opo, ma’am.
Para sa unang katanungan. Urielle, Flowers for
you. Pakibasa ang tanong.
1. Ano ang inaasahan ni Huli na
magaganap sakanyang paggising?
Ma’am, inaasahan po niyang madadagdagan
ang pera na nilagay niya sa ilalim ng birhen.

Tama! Umasa siyang madadgdagan ang perang


kanyang inilagay sa ilalim ng mahal na birhen.
Ngunit hindi ito nadagdagan.

Ikalawang tanong. Darwin, Flowers for you! 2. Bakit biglaang nag-alala si Huli nang
ilapat sakanyang bibig ang laket?
Dahil ito po ay galing sa isang ketongin na
binigay kay Basilio na kanyang ginamot kung
kayat nag-alala si Huli.
Magaling! Nag-alala siya sapagkat ito ay
galing sa taong may sakit sa balat dahil
ang sakit na ito’y nakakahawa. Ngunit
gayunpaman ay mahalaga ito kay Huli
dahil binigay ito ng kanyang
pinakamamahal na si Basilio.

Ikatlong tanong. Flowers for you, Venus.


3. Ano ba ang tunay na kahulugan ng
pasko para sa iyo?

Ma’am, ito po ay araw ng sama-samang


pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus.
Tama! Ito ay araw ng kapanganakan ni
Hesus na kung saan ito ay ating
ipinagdiriwang. Dapat tayo ay
magmahalan at magtulungan.

Ikaapat na tanong. Flowers for you John


4. Anong sakit sa lipunan ang gustong
Paul!
bigyang diin ni Rizal sa kabanatang ito?

Ma’am, ang ginawa po ni Huli na umaasa sa


milagrong mangyayari na madodoble ang perang
kanyang inilagay sa ilalim ng birhen.
Tama! Kung saan ito ay pinintasan ni
Rizal dahil sa maling turo ng mga kastila
sa atin. Tayo ay umaasa sa milagro imbes
na gumawa ng paraan para
masolusyonan ang problema.
5. May mga himala pa bang nangyayari
sa kasalukuyan? Magbigay ng mga
karanasan.

Ma’am, kagaya na lamang po ng aming


kapitbahay na himalang nakakita.
May kani-kaniya tayong paniniwala klas
na kung saan ang himala para sa iba ay
mga bagay na hindi natin inaasahang
mangyari, at sa iba naman ay dahil sa
kanilang pagsusumikap at pagdarasal ay
dumarating ang himala sa kanilang
buhay.

F. Paglinang ng kabihasaan tungo sa


Formative Assessment

Batid kong naunawaan na ninyong


mabuti ang paksa natin ngaryong araw.
Maglabas ng kalahating papel para sa
maikling pagsusulit. Pakibasa ang tanong
Mark dave. TANONG
Kung ikaw si Huli gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa na maglagay ng pera sa ilalim ng
birhen? Aasa ka rin ba sa himala?
Pangatwiranan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw


na buhay

Sa kabuuan klas, hindi nawawala sa


buhay ng tao na dumaan sa pagsubok ng
buhay. Kakambal na natin ang mga
suliraning ito sa ating buhay. Kaya’t
hinaharap natin ito at pinag-iisipang
lutasin ang iba naman ay umuupo na
lamang sa isang sulok at hindi gumagawa
ng paraan upang malutas ito. May iba
naman na buong tapang nitong
hinaharap ang pagsubok kagaya na
lamang ni Huli. Dapat tayo ay
magpakatatag sa buhay. Tama ba klas? Opo ma’am, dapat po tayong magtiwala sa
Maykapal.

Tama! Samahan natin ng pagdarasal at


pagtitiwala sa Maykapal.

H. Paglalahat ng Aralin

Francine, maaari mo bang ibuod ang


kwento?
Opo ma’am. (ibubuod nag kwento)
Magaling! Tunay ngang ika’y nakinig sa
ating aralin ngayong araw.

I. Pagatataya ng Aralin
Papangkatin ko kayo sa anim (6). kayo ay
magkakaroon ng gawain.
Simulan ang pagbibilang, magsimula sa
kanan. (magbibilang ang mag-aaral)

Pakibasa ang panuto, Tricia Kaye. Panuto:


Magtala ng mga kaparaanan kung paano
makatutulong ang mga kabataan sa mga
nawawalan na ng pag-asa dulot ng mga pasanin
sa buhay.

Maliwang ba klas? Opo, ma’am.

Maaari na kyong magsimula. (sisimulan ang gawain)

Tapos na ang limang (5) minuto ipasa na


ang inyong mga ginawa. (ipapasa paharap)

Paalam klas! Paalam po, ma’am.

You might also like