You are on page 1of 7

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino X

I. Layunin:
a. Natutukoy ang mga katangian nina Simoun at Basilio.
b. Napahahalagan ang pagmamahal sa katutubong wika.
c. Naihahambing si Simoun kay Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere.

II. Paksang-aralin:
El Filibusterismo “kabanata 7- Si Simoun”
Sanggunian: El Filibusterismo nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos,

pahina 29-32.

Kagamitan: aklat, sipi ng kabanata, sobre, manila paper at marker pen.

III. Proseso ng pagkatuto:

Gawaing Guro Gawaing Guro

A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda
a. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa panalangin.

Amen
Pangunahan mo Abellon.

Magandang umaga klas?


Magandang umaga mga guro.

b. Checking of Attendance
Sabihing “nandito po” pagtinawag ang
inyong pangalan.
( checking of attendance)
c. Paalala
Klas wag kalimutan, sa lunes dapat
maaga kayo dahil mayroon tayong flag
ceremony at wag kalimutan to wear your
complete uniform. Maliwanag ba? Opo sir.

d. Pagwawasto sa takdang- aralin


May takdang-aralin ba tayo?
Opo sir.

Ano iyon?
Basahin ang kabanata 7 Si Simoun

2. Pagbabalik- Aral
Ano ang pamagat sa tinalakay natin
kahapon?
Sir, ang pamagat sa tinalakay natin kahapon ay
pinamagatang “Si Basilio”.
Okay, tama. Saan patungkol ang
kabanata 6?
Ito ay tungkol sa pag-aalala ni Basilio sa
kanyang mga karanasan.
Okay, mahusay. Magbigay ng karanasan
ni Basilio.
Pumunta si Basilio sa Maynila upang
mamasukan at makapag-aral.

Tama, ano pa?

Nag-aral siya sa San Juan de Letran at lumipat


sa Ateneo Municipal.
Ngayon mayroon tayong bagong paksa
na tatalakayin at ito ang ating layunin.
Basahin.
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga
mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakatutukoy sa mga katangian nina


Simoun at Basilio.
b. Napahahalagahan ang pagmamahal sa
katutubong wika.
c. Naihahambing si Simoun kay Ibarra sa
Noli Me Tangere.
Okay, maraming salamat.

3. Pangganyak
Ngayon magkakaroon tayo ng isang
laro. Ang larong ito ay “Mensahe ko,
Ipasa mo”. Kailangan ko ng tatlong
pangkat. Magbilang isa hanggang tatlo. Isa, dalawa, tatlo…

Pumili kayo ng limang representante


bawat pangkat at gumawa kayo ng isang
linya. Lahat ng nasa unahan pumunta
dito sa harapan at pumili kayo sa mga
papel na ito. Ang gagawin ninyo ay
isasaulo ninyo ang mga katagang ito at
pagkatapos ay ipasa ito sa mga kasama
ninyo hanggang makaabot ito sa dulo.
Ang pangkat na pinakamabilis ang Pangkat 1:
siyang panalo.
“tumututulong ito sa mga tao upang maisagawa
ang mga bagay na gusto nilang gawin.”

-Halliday (1973)

Pangkat 2:

“Ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang


nagtuturo ay naririnig”.

-Haring Psammatikos

Pangkat 3:

“Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong


Ang pangkat na panalo ay ang kaban ng karanasan ng mga tao at kasaysayan
pangkatPaglalahad ng wika.

Ang paksa natin ngayong umaga ay wika na


matatagpuan sa kabanata 7 “Si Simoun”. Ano kaya
ang kaugnayan ng wika kay Simoun? Sasagutin natin
yan mamaya . Pero bago yan ay maghahawan muna
tayo ng sagabal. Basahin ang panuto. Panuto: Lagyan ng “smiley” ang
kasingkahulugan na nasa loob ng kandado at
gamitin ito sa sariling pangungusap.
1. Napagtanto
Nalaman inisip naalala
2. Paninindigan
Talino paniniwala galing
3. Pananaw
Mungkahi panukala opinyon
4. Sinansala
Sang-ayon sinalungat pumanig
5. Ibunyag
Isiwalat ipagkalat ipagsabi
Sino ang gustong sumagot sa unang bilang?

Yes! Ako sir.

Tama, gamitin ito sa pangungusap. Napagtanto-Nalaman

Mahusay, ikalawang bilang. Napagtanto ko na mali pala ang ginawa ko sa


kanya

Paninindigan-Paniniwala
Tama, gamitin ito sa pangungusap.

Wala makakatinag sa aking paninindigan.


Mahusay, ikatlong bilang.
Pananaw-Opinyon
Tama, gamitin ito sa pangungusap.
Ano man ang aking pananaw ay kanilang
tinutulan.

Mahusay, ikaapat na bilang.

Sinansala-Sinalungat.

Tama, gamitin ito sa pangungusap. Sinansala ko ang kanyang opinyon dahil hindi
naman ito makatarungan.

Ibunyag-Isiwalat
Magaling, ikalimang bilang.

Tama, gamitin ito sa pangungusap?

B. Pagtatalakay sa Paksa:
Ibunyag niya man ang aking sekreto ngunit huli
na.
Tapos na nating mahawan ang mga sagabal, ngayon
ay himay-himayin natin ang kabanata 7. Buksan ang
mga modyul. Diba takdang-aralin niyo to?

Opo sir
Tignan natin kung talagang nagbasa kayo.

Mga Tanong:

1. Bakit nagulat si Basilio? Sino ba ang


kanyang nakita?
Nagulat si Basilio dahil nalaman niya na si
2. Ano ang dahilan ni Simoun at hundi Simoun at Ibarra ay iisa na inakala niyang
niya itinuloy ang pagbaril kay Basilio? patay.

Hindi niya binaril si Basilio dahil batid niya na


3. Kanino Paninindigan ang higit mong pareho silang may dapat singilin sa lipunan.
pinaniniwalaan?

Ang paninindigan ni Simoun, dahil totoo na


ang pagtayo ng akademyang Kastila ay
Para lubos ninyong maintindihan ay magbibigay lamang ng pagkalito at hindi
magkakaroon tayo ng pangkatang pagkakaunawaan sa mga Pilipino.
gawain. Parehong pangkat ang ating
gagamitin.

Mga lider pumunta sa harapan, kunin


ninyo ang inyong gawain. Pero bago
niyo yan gawin, ito ang pamantayan sa
pagbibigay puntos.

Ang magbibigay puntos sa unang


pangkat ay ang pangkat dalawa, ang
mabibigay puntos sa ikalawang pangkat
ay pangkat tatlo at ang magbibigay
puntos sa ikatlong pangkat ay ang
pangkat isa. Naunawaan?
Opo sir.

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos


Kriterya 4 3 2 1

20 puntos 17 puntos 15 puntos 13 puntos

Nilalaman

Pag-uulat

Kalinisan

Pagkakaisa

Impresiyon ng
madla

Kabuuan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Bibigay ko lamang kayo ng tatlong minuto para gawin Pangkatang Gawain:


iyan, kaya simulang niyo na.
Pangkat 1 : ibigay ang mga katangian nina
Simoun at Basilio.

Simoun Pagkakatulad Basilio


Pangkat 2: Sinasabing si Simoun at Ibarra ay
iisa. Ihambing si Si Simoun kay Ibarra sa Noli
Me Tangere.

Simoun Ibarra

Pangkat 3: bilang isang Pilipino paano, paano


ka naapektuhan ng pagmamahal at pagtatanggol
ni Simoun Sa Wikang Katutubo?

Tapos na lahat?
Opo sir.
Pakinggan natin ang mga tagapag-ulat. Magsimula
tayo sa pangkat 1. Magandang umaga sa lahat kami ang unang
pangkat at naatasan kami na maglahad sa mga
katangian nina Simoun at Basilio.

Si Simoun- ay mabait, mabuti at matapang.

Si Basilio-ay marunong tumanaw ng utang na


loob at mapagmahal na anak.

Ang pagkakatulad ng dalawa ay pareho silang


matulungin, kapwa silang may singilin sa
lipunan, may paninindigan, matalino at may
pinag-aaralan.

Okay mahusay, palakpakan. Pakinggan naman ang


Maganda umaga sa lahat kami ang ikalawang
pangkat 2.
ang ikalawang pangkat. Naatasan kami na
ihambing si Simoun kay Ibarra sa Noli Me
Tangere.

Ibarra
 Walang niilihim
 Mabuting tao
 Matapat
 Matulungin sa kapwa.

Simoun

 Nagbalatkayo
 Sakim
 Mapaghiganti
Si Simoun ay binago ng kanyang mga
karanasan dahil nasaksihan niya ang mga
kabuktutan ng mga prayle. Kailangan niyang
magbalatkayo upang hindi siya mapaghinalaan
ng kanyang mga kalaban at upang maisagawa
ang kanyang paghihiganti.

Magandang umaga sa lahat kami ang pangkat


Masuhay pangkat dalawa, palakpakan. Pakinggan 3.Naatasan kami na sagutin ang tanong na
natin ang pangkat 3. bilang isang Pilipino , paano ka naapektuhan ng
pagmamahal at pagtatanggol ni Simoun sa
Wikang katutubo. Ang epekto nito sa amin ay
kasiyahan dahil nakita at nadama manin ang
pakikipaglaban ni Simoun para sa wikang
katutubo na siyang susi ng ating
pagkakaunawaan at pagkabuklod-buklod bilang
isang bansa.

Mahusay pangkat 3. Palakpakan.

Narito ang inyong mga puntos, pangkat 1___, pangkat


2____at pangkat 3____. Limang bagsak para sa lahat.

C. Paglalahat: Sir, pinamagatang “Si Simoun” ang kabanata 7


Bakitpinamagatang “Si Simoun” ang kabanata 7? dahil ito tungkol sa pagkabunyag sa lihim ni
Simoun.

Ang aral na aking na pulot ay dapat mahal at


Okay,tama. Ano naman ang aral na inyong napulot sa tangkilikin ang sariling atin.
kabanata 7?
Mahal ang katutubong wika dahil ito ay isang
Tama, ano pa? biyaya mula sa Panginoon.

D. Paglalapat: Ako sir.


Mayroon ako ditong puno ng karunungan, sinong
gustong pumitas?

Yes, basahin. Gaano kahalaga ang wikang Filipino? Paano


mo ito ipinapakita?

Sir para sa akin napakahalaga ng wikang


Filipino sapagkat ito ang nagsisilbing tulay sa
tatlong malalaking pulo sa Pilipinas.
Ipinapakita ko ang aking pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat sa
Filipino para malinang pa ang aking kaalaman
sa naturang wika.
Ako sir

Mahusay na sagot, sino ang gustong pumitas? Kung ikaw Si Simoun , ipagkakatiwala mo ba
kay Basilio ang isang maselang lihim na
Yes, basahin. sariling buhay at layunin ang nakataya? Bakit?

Oo, dahil batid ko na hindi ako ipapahamak ni


Basilio dahil mayroon siyang malaking utang
na loob sa akin at isa pareho kaming may dapit
singiling sa lipunan.

Ako, sir.

Sa kasalukuyan ba ay makikita pa rin ang


Magaling, huling prutas sino ang gustong pumitas? pagnanais ng mga kabataang Pilipino sa mga
wikang dahuyan? Magbigay ng patunay sa
Okay, basahin
iyong sagot.

Oo, marami sa mga kabataan ang


nahuhumaling sa mga wikang dayuhan dahil na
rin sa pag-usbong mga makabagong
teknolohiya na naging instrumento nila.

Tama, hindi talaga natin yan maiiwasan lalot tayo ay


nasa ika-21 siglo na. Pero wag sana nating kalimutan
o iwaksi ang ating sariling wika dahil isa ito sa mga
patunay na tayo ay mga Pilipino.
Opo sir.
Naintindihan?

Wala na po.
Wala ng mga tanong? Paglilinaw?

IV. Ebalwasyon:
Panuto:Basahin at unawain. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagpanggap si Simoun sa loob ng mahabang panahon upang maisagawa ang kangyang mga plano. Anong
katangian ang nangingibabaw kay Simoun?
a. Pagmamahal sa bayan b. Pagmamahal sa sarili c. Pagtitiis
2. Lumantad si Basilio para tulungan si Simoun. Anong katangian ang ipinapakita ni Basilio?
a. Pagtanaw ng utang na loob b. Matulungin c. Panunumbat
3. Ang wikang Filipino ay dapat payabungin at pagyamanin. Alin sa mga sumusunod na kasabihan ang nagpapakita
sa pagmamahal sa wika?
a. “Ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
at gamit ng tao na kabilang sa isang kultura”.
-Henry Gleason
b. “Ang wika ay tumutulong sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin”.
-Halliday (1973)
c. “ Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit na mabaho kaysa malansang isda”. –Jose Rizal
4. Ihammbing sa pisakal na aspeto si Simoun kay Ibarra. Si Simoun ay__?
a. Matanda b. Matipuno c. Payatot
5. Ibarra: Maria Clara; Simoun:__________.
a. Mangangalahas b. Pagbabalatkayo c. Paghihiganti

You might also like