Professional Documents
Culture Documents
Tikbalang
ni Araceli Calomos – Delgado
salin ni Merlinda C. Cantre
Hindi siya kilala ni Pising. Basta isang tanghali noon, sumusitsit siya sa isang batang
babae. Naghahanap daw siya ng isang mabibigyan ng pera. Naglalaro noon ang mga bata.
Kahit na nga napakatindi ng init ng araw, naglalarong magkakasama sina Pising at Ilu ang
magkaibigan. Kapay sila’y pagod na, sumusilong na lamang sila sa ilalim ng punong lipata.
Palaging magkasama sina Pising at Ilu, nagtatago sa malaking puno ng lipata dahil tumatakas
sa paghuhugas ng mga pinggang pinagkanan sa kanilang bahay.
“Gusto mong bigyan kita ng pera? Marami ako rito sa bulsa ko,” sabi nito, habang
ang kanang kamay ay nakasilid sa loob ng pantaloon. Sadyang hinahalo niya ang mga barya
upang tumunog.
“Bakit po? Ano ang gagawin ko?” tanong ni Pising habang gumagaralgal ang tinig.
Akala niya kasi’y pagagalitan sila ni Ilu ng lalaki.
“Madali lang. Bubunutin mo ang mga uban ko. Ang bawat uban ay 25 sentimos. Ano
gusto mo?” sagot nito na parang paasik ang tinig. “Matanda na kasi ako ‘ne, 69 na taong
gulang na kayat marami sa mga buhok ko’y maputi na.”
“Magpapaalam po muna ako kay nanay, baka po kasi ako hanapin.”
Huwag ka nang magpaalamdahil madali lang ito.”
“Wala naman po akong tiyani.”
“Kumuha ka na lamang ng batires sa tabi – tabi. Higit na matalim at magaling na
pambunot ng uban yan.”
Lahat ng binubunot na uban ni Pising ay inilalagay niya sa palad ng lalaki. Natutuwa
raw siyang nakikita ang palatandaan ng pagtanda niya. Si Ilu na nasa malapit lamang ay
pasulyap - sulyap na tinitingnan si Pising, nagtatanong ang mga mata dahil kitang – kita niya
ang namimilog na mga pawis sa noo ng lalaking matanda.
“Uuwi nap o ako, dumudilim na.”
“O siya umuwi na kayo. Bukas punta ka uli dito ha?”
“Pipilitin kop o.”
Sabi ni Ilu, si Mang Punying iyon, isang matandang ang trabaho ay manaid ng palay
sa linang pagkatapos ng anihan. Sa panahon namn ng pagtatalok lagi rin siyang nandoon
dahil binabayaran siyang tagabantay ng palay upang walang ibon o tipaklong na doo’y
manginain.
Nang sumunod na umaga, bumalik si Pising kay Mang Punying dahil hindi siya
binayaran ng matanda.
“Kukunin kop o ‘yong bayad n’yo pos a ‘kin kahapon,” humihinga – hingang sinabi
ni Pising sa matanda. Malayo kasi ang nilakad niya papuntang linang.
“Mamaya na lang,” sagot ni Mang Punying na ngumingisi – ngisi. “Kutuhan mo uli
ako dahil napakakati na ng ulo ko. Nasaan pala yong kasama mo?”
“Hindi ko nap o inalok dahil nagmamadali po ako.”
“Mabuti naman para makutuhan mo ako nang maayos.”
Hindi maganda ang amoy ni Mang Punying, amoy pawis na may kasamang alak.
Naamoy na iyon ni Pising sa kayang tatay. Kahit ang buhok ng matanda ay mabaho,
nangungulapol pa ang inilagay na langis. Wala nang buhok ang bumbunan nito pero sa isip ni
Pising, bakit nagapapabunot pa siya ng uban gayong iilan – ilan na lang nga ang itim niyang
buhok. Naghihikab na si Pising, biglang nakaramdam na ng antok.
“Pagod ka na, ‘ne?”
“Opo.”
“Parito ka, magpahinga ka muna roon sa kubu – kubo ko. Mahangin ‘don!”
Naglakad si Pising patungo sa kubo. Malayu- layo iyon sa punungkahoy ng lipata.
Pagpasok niya, may banig na at dalawang unan. Pinahiga na si Pising ng matanda na nasa
likuran lang nito. Humiga rin ang matanda sa tabi ni Pising.
Napahimbing ang tulog ng bata na para bang tulog sa gabi.
Nang magising si Pising, mabigat ang pakiramdam niya. Parang pinagbubuntal ang
kanyang katawan. Nang babangon na siya, napuna niyang wala na siyang salawal. Pagtagilid
niya ay may dugo sa may puwit niya.
“Ano po ang nangyari?” nag – aalalang tanong ni Pising sa matanda.
“Pagkainom mo ng tubig tuluy – tuloy ka nang natulog. Humihilik ka pa nga ‘ne,”
sagot ng matanda na parang nag – aalala rin.
“Ano po bang nangyari?”
“Sumisigaw ka kaya nagising ako. Kitang – kita kong hinuhubaran ka na tikbalang!
Bumangon ako, pinagsisipa at sinuntok ko hanggang nagkukumahog at nagkakandarapa
siyang tumakbo. Ang laki – laki niya!”
“Salamat pos a inyo.”
“Kung di ako nagising siguro ay wala ka na. Pilit ka nga nitong dinadala, buti na lang
naharangan ko.”
“Nasaan po ‘yung panty ko?”
“Di ba ‘yon? Bangon na’t isuot mo na. huwag kang mag – alala, ha?”
“Opo.”
“Punta ka uli rito bukas dahil wala pa akong pambayad sa iyo. Hindi ko pa nakukuha
‘yong bayad sa akin sa pagbabantay ng linang.”
“Magkano na po ang utang mo sa akin?”
“Trentang uban… di… labimpitong piso. Dodoblehin ko ‘yan bukas.”
Nanghihina si Pising. Nang naglalakad siya, para siyang madadapa, naluluha,
nangangatog ang mga tuhod at para bang pinapawisan ng malagkit. Nagtataka siya dahil
patuloy na dumadaloy ang dugo niya.
Pagdating niya sa bahay, wala ang nanay niya, nasa bingguhan. Ang tatay naman
niya’y kinausap magluto ng ugaog sa katabing bahay. Ang bunsong kapatid niya ay naglalaro
sa likod – bahay. Si Lola Dikay niya ang nasa bahay.
“Lola, nakakita na po ba kayo ng tikbalang?” malumanay na tanong ni Pising sa lola.
“Hindi pa, bakit ka nagtatanong?” taking sagot ni Lola Dikay.
“Iyon daw po kasing kakilala ko, nakakita na.”
“Bihira namang magpakita ang tikbalang. Kung magpakita man, doon lang sa nais
niyang biruin.”
“Lola, paano po malalabanan ang tikbalang?”
“Wala akong alam. Pero ‘yung anak ni Mang Igel mo nang nakakita nito ay agad daw
hinubad ang damit niya at binaliktad. Kapag daw kasi binaliktad ang damit ng nakakita nito
ay makikita mo na ang daan pauwi.”
“Bakit daw po Lola?”
“Hindi na kasi nakakauwi ang taong nakakakita niyan?”
“Nakakatakot naman po Lola, ano po?”
“Oo, pero huwag ka’t si Osong daw ay lumaban. Sinabuyan daw niya ng asido ang
tikbalang.”
“Ano daw po nangyari sa tikbalang?”
“Ewan ko dahil matandang istorya na ‘to, e. siya, tama na nga ‘yang mga tanong mo.
Maghugas ka na’t baka maunahan ka pa ng pusa.”
“Pasgkalipas ng tatlong araw, nagbalik si Pising sa bukid. Dinala niya ang baril –
barilan ng kapatid na ang ibinabala ay tubig. Ninakaw niya iyon sa bag ni Nonoy. Sa halip na
tubig, gas ang ibinala niya, yaong gamit ng nanay niya sa pagluluto. Pinuno niya ng gas ang
baril – barilan. Katunayan, sumakit ang ulo niya dahil nasinghot niya ang amoy ng gas.
Tulad ng dati, masunurin pa rin si Pising. Nagbunot siya ng uban, nagpahinga sa may
kubu – kubo, uminom ng tubig. Tuwang tuwa si Mang Punying. Nang tumalikod ang
matanda ay iniluwa ni Pising sa sahig ng kawayan ang tubig na inipon sa bibig niya. Kunwari
ay siya’y tulog.
Pagkalipas ng ilang minute, pakiramdam ni Pising ay may kumakapkap sa may ibaba
niya hinahaplos ang kanyang binti, paitaas sa kanyang panty. Mayamaya ay sinundot na ang
ilalim ng panty niya. Pakiramdam niya, hintuturo iyon. Ang isip niya’y di naman pala malaki
ang hintuturo ng tikbalang.
Maya – maya naman ay itinaas na ang kanyang damit, inalis ang kanyang panty. May
pumapaibabaw sa kanya. Bigat na bigat, halos mapigtaw ang kanyang hininga. Pakiramdam
naman niya’y may ipinasok sa may ibaba niya, dahan – dahan, pasok – labas; paulit – ulit,
matigas at mabilis na, masakit.
Kinapkap niya ang baril – barilan sa may ulunan niya. Binaril niya ng ibinalang gas
ang tikbalang. Biglang gumaan ang pakiramdam niya. Wala na ang bigat na nakapatong sa
kanya. Tumagilid siya ng dahan – dahan sa may kaliwa niya, sinindihan ang posporo at
itinapon ang nagliliyab na palito sa tikbalang. Pagharap niya, bumangon siya at walang
lingon – lingong ibinukas ang mga mata, limukso sa ibaba at pagkatapos ay kumaripas ng
takbo.
“Pising, Pising gising na!” bakit ba grabe kang matulog? Tanghali na!” sigaw ng
Nanay niya na dinig na dinig sa kapitbahay.
“Bakit po, Inay?” yamot na sagot ni Pising.
“Magbantay ka nga rito. Pupunta ako sa bukid dahil panay daw ang daing ni Mang
Punying. Nagsisisigaw daw siya sa sakit. Kawawa naman. Lapnos daw ang mukha at ang
buong katawan. Ang ikinabubuhay raw ay nasunog. Nangitim ang matanda. Naubos daw ang
lahat ng bulbol. Walang sinumang tumutulong. Ang usap – usapan nagalaw daw niya ang
tikbalang na nakatira sa kahoy ng lipata.
“Ano ba itong si Nanay, magbibilin lang, nanlilisik pa ang mga mata.” Bulong ni
Pising sa sarili at muling bumalik sa higaan.
PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Ilan ang lalawigan sa sa rehiyon ng Bikol?
a. anim
b. apat
c. lima
d. tatlo
2. Saan matatagpuan ang rehiyon ng Bicol sa Pilipinas?
a. Timog Luzon
b. Kanlurang Luzon
c. Gitnang Luzon
d. Hilagang Luzon
3. Anong Bulkan ang pinakasikat sa bansa na matatagpuan sa rehiyon V?
a. Mt. Isarog
b. Mt. Mayon
c. Mt. Bulusan
d. Mt. Malinao
4. Ano ang tawag sa tanyag na epiko ng Bicol?
a. Ibalon
b. Biag ni Lam – ang
c. Iliad at Odessey
d. Wala
5. Saan nailathala ang epiko ng Ibalon?
a. Madrid
b. Espanya
c. Inglatera
d. Amerika
6. Sino ang nagpreserba at nagsalin sa wikang kastila ng Ibalon?
a. Fr. Jose Castaño
b. Wenceslao Retana
c. Jose Rizal
d. Fr. Alejandro Castaño
7. Ano ang tawag sa sinaunang lupain ng mga Bicolano?
a. Ibalon o Ibalnon
b. Ibal
c. Ibay
d. Wala sa nabanggit
8. Ano ang tawag sa awitin ukol sa kapighatian at kalungkutan sa pagkamatay ng
kanilang mahal sa buhay?
a. Dinusa
b. Tolbon
c. Diwata
d. Hoarasa
9. Anong uri ng awiting bayan ang inaawit para sa namatay na ninuno?
a. Dinusa
b. Sarangue,Dumangoy
c. Angoy, Tagulaylay
d. Tolbon
10. Anong awit naman ang inaawit sa pagbuburol ng patay?
a. Sarangue,Dumangoy
b. Angoy, Tagulaylay
c. Hoarasa
d. Dinusa
11. Ano ang tawag sa panunuyo ng lalaki sa pamilya ng babae?
a. Pag – agad
b. Sinakat
c. Inilakad
d. Sayod
12. Ano ang ibinibigay kapag ang babaing ikakasal ay siyang pinakamatanda sa pamilya?
a. Regalo
b. Ekstrang bayad
c. Dote
d. Puhunan
13. Ano ang tawag sa inireregalo sa babaing ikakasal mula sa mga kamag-anak na
dumalo sa kasalan.
a. Sinakat
b. Inilakad
c. Sayod
d. Pagcaya
14. Ano naman ang tawag sa pagbibigay ng mga regalo sa mga ikinakasal?
a. Pagcaya
b. Puturuan
c. Sinakat
d. Pagcaya
15. Anong kaugalian ang tawag kapag ang babaing ikakasal ay siyang pinakamatanda sa
pamilya?
a. Inilakad
b. Pagcaya
c. Sinakat
d. Sayod