You are on page 1of 11

LIT 105

Panulaang Filipino

Bb. Lovelyn Verano


BSEd Filipino 2
MGA PANULAAN
SA PANAHON
BAGO DUMATING
ANG MGA
KASTILA
• Noon pa mang hindi pa dumadating sa
ating kapuluan ang mga Kastila, at
maging ang iba pang mga dayuhan, ang
ating mga ninuno ay may sarili nang
panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng
ating lahi.
• Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na
pagkalahi natin. Nagsisilbi itong wika ng
Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at
panlahing kaugalian ng ating pang-araw-
araw na buhay, na nababakas sa mga
kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing
bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan,
sinaunang dula, at maikling kuwento.
MGA EPIKO
• Napakaraming epiko ang nagsilitaw sa
panahong ito, subalit walang sinumang
makapagsabi kung alin sa mga epiko ang
pinakamatanda subalit maging sa Ingles at
Kastila at sa iba pang wika, ang pagkakasalin
nito ay hindi pa naluluma. Maging ang
panahon ng pagkakasulat nito ay maaaring
hulahula lamang nang ayon sa nasasalig na
panahon ng pangyayaring isinalaysay ng
epiko.
• Bidasari - epiko ng Moro
• Biag ni Lam-Ang - epiko ng Iloko
• Maragtas - epiko ng Bisaya
• Haraya-epiko ng Bisaya
• Lagda - epiko ng Bisaya
• Hari sa Bukid- epiko ng Bisaya
• Kumintang epiko ng Tagalog
• Parang Sabir - epiko ng Moro
• "Dagoy" at "Sudsud" - epiko ng mga Tagbanua
• Tatuang-epiko ng mga Bagobo
AWITING BAYAN

• Ang mga awiting bayan ay isa sa mga


matatandang uri ng panitikang Filipino
na lumitaw bago dumating ang mga
Kastila. Ito'y mga naglalarawan ng
kalinangan ng ating tinalikdang panahon.
Karamihan sa mga ito ay may
lalabindalawang pantig.
• Kundiman-awit ng pag-ibig
• Kumintang o Tagumpay-awit ng
pandigma
• Ang Dalit o Imno- awit sa Diyos-dyosan
ng bisaya
• Ang Oyayi o Hele- Awit sa Pagpapatulog
ng Bata
• Diona - awit sa Kasal
• Suliranin-awit ng mga Manggagawa
• Talindaw-awit sa pamamangka
KARUNUNGANG BAYAN
• Mayamang-mayaman tayo sa mga
karunungang bayan bago pa dumating
ang mga Kastila. Binubuo ito ng mga
salawikain, sawikain, bugtong,
palaisipan, kasabihan, at mga kawikaan.
• Salawikain
• Sawikain
• Bugtong
• Palaisipan
• Bulong
• Kasabihan
• Kawikaan
Maraming
Salamat!
Lovelyn Verano
BSEd Filipino 2

You might also like