You are on page 1of 5

ANG PANITIKAN

Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang kahulugan ang Panitikan


b. Nasasagot ang mga katanungang kaugnay ng panitikan.
c. Naipaliliwanag ang kahalagahan at ambag ng panitikan sa ating mga Pilipino.

KAHULUGAN

 Ang salitang panitikan ay nanggaling sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod ay
na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na
nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping –an. Dito nabuo ang
ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literature
na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
 Ang panitikan ay isang pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa
paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-
kaya ng mangangatha o manunulat.
 Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap
ng mga Pilipino.
 Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na isinagawa sa paraang
makasining. Ito ay isang maayos na pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng mga karanasan ng
tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng pagpapahayag. Ang panitikan, ayon kay Long (1917), ay
nasusulat na tala ng pinakamabubuting kaisipan at damdamin ng tao. Ayon naman kay Dr. Rufino
Alejandro (1914), ang panitikan ay katuturang bugang-isip na isinatitik.

Panitikan – kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng
mga tao, ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t ibang paksa; o anumang
bungang-isip na naisatitik.
 Talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng
kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan
at pinapangarap (Arrogante)
 Lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lahi (Salazar)
 Kabuuan ng mga karanasan isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,
kaisipan, pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang
maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi (Paz Nemesio, Federico
Sebastian)
 Pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang
Lumikha (Bro. Azarias)
 Interpretasyon at ekspresyon ng kagandahan at kalungkutan, kasiyahan,kasalatan at
kapayakan sa pamamagitan ng matalas at mayamang guniguni o imahinasyon ng
tagagawa ng panitikan (Lopez)
 Institusyon at kasangkapan na nakatudla sa pagkakamit ng enkulturatibong pag-aaral
ng pag-iisip at kakayahan ng mga bata sa loob ng isang lipunan (Hornedo)
 Katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag (Webster)

Fil Lit 221 – Panitikan ng Rehiyon


KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

1. Sa pamamagitan ng panitikan, naipakikilala ang pagka-Pilipino at naibabahagi ang yaman ng isip at


angking talino ng lahing pinagmulan.
2. Naipababatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na sandigan ng kabuuan
ng ating kultura.
3. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasnay upang ito ay maisaayos at maituwid.
4. Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa paglinang at
pagpapaunlad nito.
5. Naipapadama ang pagmamahal sa kultura sa pamamgitan ng pagpapakita ng malasakit sa panitikan.

Sa pagbasa ng panitikan, maangkin ng mag-aaral ang isang kamalayan para sa katutubong tradisyon,
na magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa anumang wika nasusulat ito,sa pananaw
ng isang Pilipino. Sa gayo’y napatitibay ang mga pagpapahalaga sa sariling kultura’t kabihasnan.
Masasabing mayroon siyang sariling tradisyong maihahambing sa ibnag tradisyon ng ibang pook sa
daigdig. Makikital din sa kanyang isipan na nararapat na pagyamanin ang magagandang kinagisnan at
higit na pagbutihin ang kasalukuyan at hinaharap. Salamin ito ng panahon, ng kaligayahan, ng
kalungkutan, ng pakikibaka, ng pagbabago, ng pagkakasundo, at ng pag-unlad. Larawan ng
sangkatauhan ang panitikan.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG PANITIKAN

1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.


2. Mababatid ng nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA URI NG PANITIKAN

1. Panggawaing Panitikan
 Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayo’t ganitong uri
ng gawain at katarungan.
2. Masining na Panitikan
 Ang ating bait, higit kaysa sa ating damdamin, ang tinatawag nan a masining na panitikan.
 Ang masining na panitikan ay may kambal an layunin:
a. Pukawin ang guniguni’t gisingin ang damdamin at
b. Magturo o mangikayat
3. Malikhaing Panitikan
 Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin an gating guniguni at
damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito ay binansagang gayon
sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring binigyang-
kulay ng isang maalab na damdamin at muling hinubog ng guniguni ng kumatha.

Fil Lit 221 – Panitikan ng Rehiyon


b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang
pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon.
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraa’y gisingin sa
ating mga puso ang damdaming nag-uudyok ditto upang lumikha at maghandog sa
mambabasa.
d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakang
nagtataas sa ating kalagayan sa buhay.

MGA ANYO NG PANITIKAN

Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula at Tuluyan.

1. PANITIKANG PATULA
 Ito ay masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtud, may sukat
at tugma o malayang taludturan.

MGA URI NG TULA

Tulang Liriko o Tula ng Damdamin


 Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guni-
guni, o damdamin ng may akda.
a. Dalit- tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.
b. Soneto- tulang may labing apat na taludtud at nagsasad ng mga aral sa buhay.
c. Elihiya- ang paksa nito ay ang alaala ng isnag namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy
o pananangis.
d. Oda- tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo
ng mga tao.
e. Awit- ang mga paksa nito ay pag-ibig ,kabiguan, pag-asa, kaligayahan at iba pa.

Tulang Pasalaysay
 Ito ay tulang may kwento at may mga pangunahing tauhang gumagalaw. Ang mga
kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa nito.
a. Epiko- mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga
kaaway. Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi kapanipaniwala.

b. Bidasari - epiko ng mga Moro


c. Dagoy at Sudud – Epiko ng mga Tagbanug
d. Parang Sabir – epiko ng mga Moro
e. Lagda – epiko ng mga Bisaya
f. Maragtas – epiko ng mga Bisaya
g. Kumintang – epiko ng mga Tagalog
h. Biag ni Lam-ang – epiko ng mga Iloko
i. Ibalon – epiko ng Bikol
j. Tulalang – epiko ng mga Manobo
k. Tuwaang – epiko ng mga Bagobo
l. Bantugan – epiko ng mga Muslim
m. Labaw Donggon – epiko ng mga Ilonggo

Fil Lit 221 – Panitikan ng Rehiyon


b. Awit at Korido- mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang
tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may
labindalawang pantig tulad ng Florante at Laura at Buhay ni Segismundo (Julian de
Tandiana) samantalang ang korido ay may wawaluhing tulad ng Ibong Adarna (Jose
dela Cruz)
c. Balad- tulang inaawit habang may sumasayaw.

Tulang Patnigan
 Ito ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na
pag-iisip.
a. Karagatan- paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.
b. Duplo- paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran
ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito.
c. Ensileda- isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa
namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na gabi.
d. Balagtasan- isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.

e. Karilyo o Ang mga Gumagalaw – payak na anyo ng dulang ipinalalabas kung


mga gabing madilim, ang dula ay ginagampanan ng mga ginupit na karton
na ipinapalabas na katulad ng sa puppet show
Carillo - Katagalugan Gagalo - Kapampangan
Titeres - Ilokos Titira - Zambales at Bataan
Aliala - La Union

Tulang Pandulaan
 Ito ay dulang isinusulat nang patula

a. Senakulo – pagsasadula ng buhay ng Panginoong Hesukristo mula pagsilang


hanggan kamatayan
b Moro-moro - comedia de capa y espada, paglalaban ng mga Kristiyano at
mga Muslim na ang katapusan ay ang pagkagapi at pagbibinyag ng mga Muslim
c Komedya – mga awit at kurido na itinatanghal sa entablado at nasusulat
sa berso
d. Tibag - sa dulang ito, hinahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ang
krus na pinagpakuan kay Kristo ginaganap tuwing buwan ng Mayo

2. PANITIKANG TULUYAN
 Ito ay gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag ma
pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.

MGA URI NG TULUYAN

Maikling Kwento

Fil Lit 221 – Panitikan ng Rehiyon


 Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.

Sanaysay
 Ito ay naglalahad ng kuro-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa anumang
paksa.

Talambuhay
 Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may akda o buhay ng isang tao na isinulat
ng iba.

Dula

 Ito ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa pamamagitan
ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na
ginaganap sa isang tanghalan.

Alamat salaysaying nauukol sa pnagmulan ng mga bagay-bagay

Pabula salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging mga


bagay na walang buhay

Parabula kwentong hinango sa Banal na Kasulatan

Anekdota maikling salaysayin na may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga


mambabasa
Balita paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,

pamahalaa, lalawigan, kalakalan, edukasyon . . .

Talumpati isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Fil Lit 221 – Panitikan ng Rehiyon

You might also like