You are on page 1of 3

DULA

“Ang mundo ay isang teatro…” – Shakespeare

Dula-Ito ay nahango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.

Dula-Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.

Aristotle-Ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.

Rubel-Ito ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento.

Sauco-Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa
pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.

Schiller at Madame De Staele-Ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang
bayan.

Kahalagahan ng Dula

1. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
2. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.
3. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan.

MGA SANGKAP NG DULA

SIMULA GITNA WAKAS

TAUHAN KASUKDULAN KALUTASAN

TAGPUAN TUNGGALIAN
KAKALASAN
SULYAP SA SAGLIT NA
SULIRANIN KASIGLAHAN

MGA SANGKAP NG DULA


1. Tauhan- Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula.
2. Tagpuan- Ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinasaad.
3. Sulyap sa Suliranin- Pagpapakilala sa problema ng kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan,
o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa.
4. Saglit na Kasiglaan-Ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
5. Tunggalian -Maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan
laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian.
6. Kasukdulan- Sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi at
pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan ng tunggalian.
7. Kakalasan-Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian.
8. Kalutasan- Dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.

MGA ELEMENTO NG DULA

Iskrip o Banghay
Gumaganap o aktor/ Karakter
Dayalogo
Tanghalan
Tagadirehe o Direktor
Manonood
Tema
1. Iskrip o Banghay- Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Sa iskrip nakikita ang banghay ng
isang dula.
2. Aktor o Karakter- Ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
3. Dayalogo- Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.
4. Tanghalan- Ang anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
5. Tagadirehe o director- Siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan.
6. Manonood -Saksi sa isang pagtatanghal. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao.
7. Tema -Ito ang pinakapaksa ng isang dula.

BAHAGI NG DULA
1. Yugto (Act) Kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula.
2. Tanghal-eksena (Scene) Ang bumubuo sa isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng
pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang sususnod na pangyayari.
3. Tagpo (Frame) Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap
sa eksena.

MGA URI NG DULA

Komedya • Trahedya • Melodrama o “Soap Opera” • Parsa • Parodya • Proberbyo

1. Komedya Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
2. Trahedya Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding pagkabigo at
pagkamatay ng bida.
3. Melodrama o “Soap Opera” Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay
eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong
madala ang damdamin ng mga nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.
4. Parsa Kapag puro tawanan at walng saysay ang kwento, at ang mga aksyoon ay puro
“Slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga
kabalbalan.
5. Parodya Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng
tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa
ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
6. Proberbyo Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang
kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

DULA BILANG SINING


May sining sapagkat ang kaisipan at damdamin ng tao, ang mga pangyayari sa kanyang buhay,
ang kanyang pagkilos, kaanyuan, pagsasalita at pag-unlad – tagumpay man o kabiguan – ay
isinusulat at itinatanghal sa malikhain, maanyo at makulay na paraan.

DULA BILANG AGHAM


“Ang agham ng dula ay siya namang nagtuturo sa atin ng pagyari ng isang akdang pandulaan o
paghahanda baga ng akdang tatanghalin, pagpili ng paksa, pagahahanda ng balangkas, paglikha
ng tauhan at pagbibigay ng buhay sa paksang napili na umaalinsunod sa … paglalahad, buhol o
kagustuhan at kalutasan o kakalasan.”
Free powerpoint template: www.brainybetty.com 43
- Julian C. Balmaceda

DULA SA PANAHON NG:


Kastila
• Senakulo • Panuluyan • Salubong • Tibag
1. Senakulo-Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
2. Panuluyan-Dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng
pansamantalang tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem.
3. Salubong-Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madalingaraw ng Linggo ng Pagkabuhay.
4. Tibag-Pagsasadula ito tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa nawawalang krus na
pinapakuan kay Jesus.
5. Ang Komedya o Moro-Moro-Ang banghay nito ay natutungkol sa paglalabanan ng mga
Kristiyano at mga “Moro” o Muslim.
6. Ang Sarswela-Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga
kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.

DULA SA PANAHON

Hapon
• Legitimate • Illegitimate

1. Legitimate plays Ito ay binubuo ng mga dulang susmusunod sa kumbensyon ng pagsulat at


pagtatanghal nito.
2. Kabilang dito ang mga stageshows.Ang stageshow ay kombinasyon ng mga pagpapatawa,
musika, mga sayaw at dulashows.

Kontribusyon sa Panitikang Pilipino


Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ngating tradision. Mga
tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ngmga taon, nagbabago ang anyo ng
mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mgamandudula: ang aliwin ang mga mamamayang
Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhayang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

You might also like