You are on page 1of 18

KASALUKUYANG

PANAHON
Group 6
Invierno, Crystalyn Mae D.
Jimenez, Jamaica Jelyn C.
Labo, Geille Clarisse
Lapuz, Marjunico R.
MAIKLING KWENTO
ANG KAMATAYAN NI TIYO SAMUEL
– Efren R. Abueg
• Si Efren Abang ang isa sa mga iginagalang na nobelista,
kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon.
Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-
unahang koleksiyon ng mga kuwento. 
• Kabuuang Tema
- Ang teksto ay makasaysayang paglalahad kung paano tuluyang
napamahalaan ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas sa
pamamagitan ng panlilinlang gamit ang pangakong tutulungan niya
itong makapagsarili.
ANG KAMATAYAN NI TIYO SAMUEL
– Efren R. Abang
• Ano ang usaping pangkasarian ang inilahad sa teksto?

- Dominasyon ng mga kalalakihan. Walang kontrol ang mga


babae sa mga bagay-bagay, tanging ang mga lalaki lamang
ang may kakayahang magpasya.
Paano ito tinalakay?
Simbolismo:
• Ligaya – Pilipino, Indio
- Mababa ang pagtingin sa kaniya ni Tiyo Samuel (“…kay Ligaya, pandidiri”).
- Ginamit lamang ni Felipe bilang panandaliang aliw (“…Isang katawang
kayumanggi pagkaraang mahubaran, kayumangging kaipala’y pinatitingkad ng
manipis na karimlan at hinipo niya iyon...")
- May intensiyong sekswal si Felipe kahit tinitingnan niya lamang si Ligaya ("...Ang
tiningnan niya ay ang mga bagay kay Ligaya na kinagigiliwan niya...")
- Mahina at emosyonal siya ("...Waring takot ang mga mata ni Ligaya.", "...Saglit ng
tinging humantong sa pagyuko, sa paghikbi, sa pagkaligalig ng balikat.")
Paano ito tinalakay?
• Tiyo Samuel - Estados Unidos
- Nakabota, nakabastipol, may hawak na baston
- Mas makapangyarihan kaysa kay Felipe ("...inabot siya ng kanyang
Tiyo Samuel at hinawakan nito ang kanyang malatang bisig at siya'y
inakay na pabalik...", "...isinasakay ng isang lalaki sa isang matangkad
na kabayo at ayaw sumakay ng bata...")
- Mapapansin rin na si Tiyo Samuel at Felipe lamang ang nag-uusap at
nagpapasya sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo, lupain, at ari-
arian.
Paano ito tinalakay?
• Felipe- Mestiso
-Pilipino na naghangad paunlarin ang sariling kayamanan
na walang tulong mula sa mga dayuhan ("...Huwag! Pag-
aralan n'yong likhain iyan. Huwag kayong umasa sa ilan...")
Ano ang tindig ng teksto sa usaping ito?

• Tutol ang teksto sa hindi pagkakapantay-pantay ng mga


lalaki at babae sa lipunan maging na rin sa imperyalismo.
Ipinakita sa teksto na ang mga kabataang lalaki at babae
ay nagsama-sama upang magprotesta laban sa
imperyalismo.
TULA
ANG BURGIS SA KANYANG ALMUSAL
- Rolando Tinio
 
 Nakadambana sa kumedor na Luis Katorse, 
Nakapanatag doon sa silyang may pasemano’t
 Pahabang likod na pumulpol marahil sa pait 
Ng lumilok sa mga kumpol ng ubas, mirasol
At dahon yata ng ng dila ng dimonyong kamagong.
Sapo ng sutlang pelus na kutsong kulay klarete,
Kulay ng buhay na dugo, atsuwete, at rubi.
ANG BURGIS SA KANYANG ALMUSAL
- Rolando Tinio
Ang kabilugan niyang hinango sa mga frayle 
Ng kasaysayan at ng pambalanang guniguni,
Di aakalaing nasa kapangyarihan niyang
Papugutan ang mga alipures ng karsada
O ipatuhog sa punglo ang sinumang sumanggi
Sa kanyang berlina paghagibis sa alas dose
Palibhasa’y kay-lamlam ng ginawang pagtunghay
Sa platon ng gisantes at tinortilyang kabute.
ANG BURGIS SA KANYANG ALMUSAL
- Rolando Tinio
Maliming hinahalo ng tatlong dantaon nang
Kutsarita ang tsokolateng olandes sa munting
Puswelong asul, losang manipis pa sa orkidya,
Masining pati pagkunot ng noong wari’y lubog
 Na dinaramdam ang duradong silaw sa umaga,
Ayaw pa mang buklatin ang peryodikong masinop
 Na nakatiklop sa antigong pilak na bandeha,
Sinasagi ng inukit na trebol at milplores
ANG BURGIS SA KANYANG ALMUSAL
- Rolando Tinio
Ang mag-ina ng San Nikolas na sinasagasaan
 Ng bunso ng kongresista, ang binatang nag-ubanSa karsel nang di mawawaan ang pagkakasala,
Ang mga hinayok ng baha at sunog, sinaksakSa leeg at balakang ng hustisyang natapilok – 
 Ano’t kay dumal-dumal ng daigdig ng anino
Sa kabila ng kanyang paglihis sa peryodikong 
Nakahara sa bandehang may sapin pang panyitong
De ilo’t puntas na habi sa Alpes at Ehipto,
 Bumabalisa sa paboreal at sisneng burda
Iyang kababalaghang may kapuspalad pa pala
Sa balat ng lupang ano’t di nila nakilala?
DULA
DULA
• Dulaang Sibol
• PETA
• U.P. Mobile Theater
• Proletaryong Dula
MOSES, MOSES
- Rogelio Sikat
• BUOD
- sang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida
ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya’y na-
trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si
Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang Konsehal. Naparoon sila upang
humingi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina
ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.
Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na
ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas,
makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang laging mananaig. Ang nais na lamang ni
Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari
sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni
Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.
BUOD
• Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong nanaman si aida,
kailangan ni Aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamot si
Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki na ang
pinagbago ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony.
Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dalang baril si Tony dahil binabalak
niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi
ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng
gamot ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa
pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman
ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat
siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi
siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng gatas.
BUOD
• Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainom daw ng mga lagad ng anak
ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay
patuloy parin pinapainom ng lason si Tony, ang masaklap pa sa panaginip na iyon ay ininom ni
Tony ang lason. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang
dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila.
Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo’y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis.
Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali
ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina
ang baril at sinabing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde,
tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga
pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi
sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina si Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil
sa kasalanan niya.

You might also like