You are on page 1of 4

Kasaysayan ng Maikling Kwento

Ang Maikling kuwento ay maikli at masining. Isang upuan at sandaling panahon lamang ang ginugol,
agad itong matutunghayan, mababsa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw. Edgar Allan poe-
tinaguriang ama ng maikling kuwento sa buong mundo. Ayon sa kanya, ang maikling kuwento ay isang
akdang pampanitikan, likha ng guni guni at bungang isip o hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

PANAHON NG KATUTUBO

Ang Maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga kastila sa
ating kapuluan.Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga kuwentong bayan.Tinetema ay
kalikasan,diyos-diyosan. Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan.

PANAHON NG MGA KASTILA

Doctrina Cristiana-Kauna-unahang aklat mga halimbawa ng maikling kuwento sa panahon ng mga


kastila. Noche Buena ni Jose Rizal. Si Rosa at Si Rogelio ni Lope K. Santos. Bunga ng kasalan ni Cirio
Panganiban-nagkamit ng unang gantimpala noong 1920. lto ang unang kwentong tumapat sa mahigpit
na pangangailangan ng banghay.

PANAHON NG AMERIKANO

Tinagurian ang panahong ito bilang "Mga Gintong Dahon ng panitik (1929-1934) sapagkat ang
binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng kaalaman. Dalawang pangkat ng kwentistang
Pilipino. Unang pangkat ay manunulat sa yumakap sa istilo at pormang dayuhano o tinatawag na
makaluma. Ikalawang pangkat ay hayagang tumangkilik sa tradisyunal na pagsulat o tinatawag na
makabago.Aristokrata-pangkat ng mga klasistang manunulat na naniniwalang ang pagsulat ay isang
marangal na gawain kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao, na may mararangal at
elistang mga tauhan. Sakdalista, mga kwentistang produkto ng edukasyong kanluranin tumutuligsa sa
makalumang paraan ng pagsulat.

PANAHON NG HAPON

Masasabing gintong panahon ng panitikang filipino dahil pinairal ang paggamit ng wikang pambansa
bilang midyum ng pagsulat. Tinaguriang "Kontemporaryong Maikling Kwento". Sumikat sa panahong ito
ang batikang kwentistang si Macario Pineda at napatanyag ang kanyang kwentong suyuan sa tubigan.

PANAHON NG KASALUKUYAN

Ito ang dahilan kung bakit noon pa ang unang panahon ay mayroon na tayong maikling nagsasalaysay
tulad ng alamat, kwentong bayan at kwentong akda, kaya hanggang ngayon, buhay na buhuy ang
maikling kwento bilang mahalagang bahagi ng panitikang filipino. Patuloy pa rin sa kasigasigan sa
pagsusulat ang ating mga manunulat at mga hangaring higit pang mapaunlad at maitaas ang uri ng
kwento filipino.

DEPENASYON NG MAIKLING KWENTO


• Ang Maikling kwento ay isang akdang pampanitikan, likha nga guni-guni at bungang isip o hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay. - Edgar Allan Poe

• Ayon kay Teodoro Agoncillo (1935-1940) ang maikling kwento ay gumagamit ng unang panauhan,
tungkol sa buhay sa lungsod, matimpi sa paglalaban, paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin,
dahop sa milinis na pananalog.

• Ang Maikling kwento ay tungkol sa isang karanasan na naipapahiwatig ang damdamin ng tagasulat
nito. Kwentong gawa-gawa lamang ng isang may-akda. -Mary Grace De la Cruz

TALAMBUHAY NG MAY-AKDA

Si Mary Grace S. De la Cruz ay ipinanganak sa Lungsod ng Binakalan, Gingoog City. Nakilala bilang
isang mag-aaral naiimpluwnesiyahan ng mga magagaling na manunulat upang makapagsulat ng maikling
kwento. Nagsimulang mag-aral sa paaralan ng Gingoog City Colleges. Marami ng pagsubok ang
pinagdaraanan at tinahak ang mundo ng kolehiyo. Hindi man ako gaano marunong magsulat tulad ng
maikling kwento ngunit dahil sa mga taong nagbigay ng inspirasyon ay nakapagsulat po ako. Kahit ni
isang gantimpala ay hindi ako ipinagkaloob dahil hindi rin naman ako kagalingan sa pagsusulat simula
nang tumuntong sa kolehiyo.Pinagsisikapan ko nalang ang aking pag-aaral upang makapagtapos kahit
nahihirapan ay hindi sumusuko. Lahat ng mag-aaral ay may kakayahang magsulat o gumawa ng sariling
kwento ngunit hindi lang nila ito nailalabas. Marami pang pagkakataon uoang idedelop ang ating
kakayahan.

Isa sa naimpluwensiyahn uapang makapagsulat ng maikling kwento. Sa kwentong aking naisulat ay isa
sa mga karanasan ko sa buhay. Simula haiskul hanggang sa ako'y tumuntong ng kolehiyo. Hindi man
madali ang sumulat ng ganito kahaba ngunit sa mga taong bumibigay ng lakas ng loob upang maisulat ito
ay naging parte na rin dito.Naisipan ko na ito ang isulat dahil dito ako natuto at bumangon. Isa ito sa mga
natutunan ko sa buhay. Marami man akong karanasan ngunit ito ang napili ko. Ako nganyon ay
nagpapatuloy sa aking paglalakbay.

a.Panimula

"Pinagtagpo pero di itinadhana"

b.Tagpuan

"Paaralan" nagtagpo ang dalawang magkaibigan.

c.Tauhan

Mary- Isang simpleng tao pala ngiti at matulungin.

Ramej- Isang senior highschool student mabait, palatawa, at matulungin sa kapwa. Isa sa mga bestfriend
ni Mary at nakilala niya sa paaralan hanggang sa naging matalik niyang kaibigan.

Cherry- Siya ang isang mag-aaral na kumausap kay Mary sa unang pasukan.
James- Isa sa mga naging kasintahan ni Mary at manlalaro ng balibol.

d.Buod

Isang babaeng abalan-abala sa paghahanda ng mga gamit para sa darating na pasukan. Isang babae na
ang pangalan ay Mary. Isang simpleng tao at mag-aaral na naghahangad ng magandang kinabukasan.
Pagsapit ng pasukan ay tuwang-tuwa para pumasok kaya naghahanda na siya. Pagdating niya sa paaralan
ay hinanap niya agad ang kanyang seksyon at dali-daling pumasok ng mahanap na niya ito hanggang sa
makapasok. Kinakabahan man ngunit may isang mag-aaral na kumausap sa kanya. Pagkalipas ng ilang
araw ng pasukan ay may nakilala kaagad siyang mag-aaral na naging matalik niyang kaibigan hanggang sa
palagi silang nagsasama. Dumating ang araw na nagkaroon ng paligsahan at naging bisi ang dalawa. Si
Ramej na abala sa paglalaro dahil isa siya sa kinatawan ng kanilang seksyon habang si Mary naman ay
abala sa panonood ng mga naglalaro dahil sa wala siyang hilig sa sports. Meron man pero hindi pa ito
nadedebelop. Hanggang sa may nakilala itong lalaki na manlakaro ng balibol at naging kasintahan niya
ito. Matapos ang naganap na paligsahan ay nagakakalabuan ang kanilang pagkakaibigan dahil sa isabg
lakaing nakilala lang niya sa panahon ng paligsahan. Ngunit sa kasamaang palad ay naghiwalay ang
dalawa. Hindi pa rin naguusapa ang dalawa.

Lumipas ang ilang buwan at nasa baitang labindalawa na sila at magkalayo na ang kanilang klasrum at
hindi na gaano sila nagkikita at nagsasama. Nasa kolehiyo na sila at magkaiba sila ng paaralang
pinasukan. Mas lalong lumayo ang pandas ng dalawa. April 2019, muling nagkausap ang dalawa at
nagkaroon ng pagkakataon upang magkita. Lumipat ng paaralan si Mary na kung saan sa paaralan ng
kanyangkaibigan dahil sa problema ng matrikula ngunir kahit magkapareho na sila ng paaralan ay
naglaho pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Lahat ng kanilang pinagsamahan ay nawala. Pinalaya nila nag
isa't isa at nagsimula at nagpatuloy sa pag aaral. Nasa sa dalawang taon na sa kolehiyo si Mary bilang
isang tagapagturo sa hinaharap.

e.Tunggalian

Tao laban sa tao

f.Kasukdulan

Biglang naglaho ang lahat ng kanilang pinagsamahan. Ang magkaibigan na sina Mary at Ramej ay
palaging nag-aaway at hindi nagkakaunawaan. Naputol ang kanilang koneksyon dahil sa naibigang babae
ni Ramej.

Pagpapaliwanag ng Pamagat

Pinamagatang "Pinagtagpo pero di itinadhana" sapagkat ang kwento ay nasawi sa isang pagkakataon na
minsa'y kanyang naranasan na kung saan ang naging kaibigan niya o higit pa sa kaibigan ang kanilang
nararamdaman ay nawal. Lahat nang pinagsimulan ng dalawa ay nawala at naglaho ng parang bula. Hindi
sila itinadhana para sa isa't isa.

Pagpapahalaga ayon sa nilalaman

a.Kalagayang sosyal at Pangkabuhayan

Maayos ang naging kalagayan ni Mary kung ang pag-uusapan ay pamilya. Ngunit noong hindi pa
nagkaproblema ang dalawang magkaibigan ay naging masaya ang kanilang pagsasamahan hanggang sa
tumuntong sila sa labindalawang taon. Sa kabila ng kanilang pagsasamahan ay nawala ito bigla at
naghiwalay ang kanilang mundo.

b.Kulturang Pilipino

Isa ito sa mga mahahalagang ugnayan para sa lipunan sapagkat nagkakaroon ng ugnayan sa kapwa
mo tao. Nagkakaroon ng koneksiyon ang bawat isa sa pamamagitan ng pagkakaibigan. Ang mga Pilipino
ay kinakilangan din na magkaroon ng koneksiyon sa kanyang kapwa. Ang bawat isa ay kinakailangan na
matuto sa bawat hamon sa buhay. Magkaroon man ng problema ay babangon at babangon pa rin ito.

c.Pilosopiyang Pilipino

Simbolismo

Paaralan- Sa paaralan nagsisimula ang lahat. Simula ng kanilang pagkilala sa isa't isa.Kahit man ay sa
paaralan din ito nagtatapos ang

You might also like