You are on page 1of 8

Pagsusuri ng Akda

A. Pamagat ng Akda: BANGKANG PAPEL ni GENOVEVA EDROZA-MATUTE

B. Sanggunian: Internet Websayt


Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute | markjan (markjan-
markjan.blogspot.com)
Pagkilala sa may akda:
Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang
bantog kuwentistang Pilipino. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas kung
saan rin siya nagkamit ng Ph.D. Isa rin siyang guro sa loob ng halos 46 na taon at may-
akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga
asignaturang pang-edukasyon.

C. Kahulugan ng pamagat
Isang batang lalaki na hindi na makapagpapalutang ng kanyang ginawang
bangkang papel. Nais niya ng simpleng pamumuhay at makasama ang kanyang
magulang ngunit napalitan ito ng lungkot dahil namatay ang kanyang tatay. Makikita rin
sa kwento ang pagmamahal ng isang anak sa kaniyang ama, gayundin ang ama sa
kaniyang anak.

D. Buod
Nag-umpisa ang kuwento sa pagbabalik-tanaw ng nagsasalaysay ng
kuwento. Sa tuwing makikita niya ang mga batang naglalaro ng bangkang papel at sa
tuwing uulan nang malakas, naaalala niya ang isang batang hindi na natupad pa ang
pangarap niyang pagpalutang ng ginawang tatlong bangkang papel. Isang sundalo ang
ama ng bata at madalas na nagtatanong ito sa kaniyang ina kung nasaan na ba ang
kaniyang tatay. At dahil hindi alam madalas ng ina ang isasagot sa anak, sinasabi na
lamang nito na bukas ay darating ang ama nito kahit hindi siya sigurado. Natuwa ang
bata at nasabik sa kaniyang paglalaro ng mga bangkang papel na kaniyang ginawa.
Kinagabihan, hinihintay pa rin ng bata ang kaniyang ama. Sabi niya sa ina, nagtataka
raw siya kung saan namamalagi ang kaniyang ama kung hindi ito umuuwi. Malakas pa
naman ang ulan ng gabing iyon, pagkatapos ay nakatulog na rin ang bata.

Kinabukasan, bagaman normal ang naging panahon, naging ibang


kinabukasan ito para sa mag-ina. Pagkagising niya, maraming tao sa kanilang bahay.
Gulong-gulo ang bata kung bakit maraming tao. Nakadagdag pa nang makita ang ina
nakasalampak sa sahig, umiiyak. Tinanong ng batang lalaki ang kaniyang ina kung
bakit may kaguluhan. Ngunit ang kaniyang ina ay tila hindi pa handang makausap.
Ngunit nabatid rin ng bata na ang ama niya ay wala na. Napahamak ang ama niya sa
isang engkuwentro kalaban ang mga kawal o kalaban ng pamahalaan. Naging mabigat
din para sa batang tanggapin ang sitwasyon ngunit iyon ang realidad ng buhay. Sila’y
lumisan, at sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na
kanyang tahanan ay nadaragdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.

Pagsusuri

a. Uri ng Panitikan
MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang
tuloy-tuloy sa isang pangyayari. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng
maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip
ng mambabasa.
b. Istilo ng Paglalahad
Malinaw ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang awtor ay
gumamit ng masining na paglalarawan upang ipaliwanag ang sitwasyong nararanasan
ng bata. Ngunit ang iba na mga salita ay simple lamang kung kaya’t ang mga
mambabasa ay lubos na mauunawan at makabubuo ng imahinasyon sa kanilang
isipan.

c. Mga Tayutay
 Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno
sa bahay ang biglang pagliliwanag.
 Ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit.
Panghihimig o Onomatopeya 
Ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan.
Pagsasatao o Personipikasyon
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay
sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad
ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

E. Sariling Reaksyon

1. Pananalig o Teoryang Pampanitikan

Realismo

Ang maikling kwentong, “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza-Matute ay


tumatalakay sa totoong buhay sapagkat, tinalakay sa kwento ang mapait na dinanas at
pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng
awtor tungkol sa digmaan noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.
Naglalarawan ng sitwasyon patungkol sa isang asawa at anak ang mawalan ng ama o
minamahal sa buhay. Naipakikita rin sa akda ang tunay na buhay na dinaranas ng
isang pagiging sundalo ang makipaglaban sa kaaway, kasama na rin ang maaaring
kahinatnan nito sa hinaharap.

Romantisismo

Ang maikling kwentong, “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza-Matute ay


nagpapakita ng pagmamahal ng isang magulang sa kanilang anak at gayundin ang
isang anak sa kanilang magulang. Mas pinipili ng isang magulang ang mapalayo sa
pamilya, maibigay lamang ang mga pangangailangan nito. Makikita rin ang lubos na
pagmamahal at magiging matapat ng isang sundalo sa kanilang trabaho upang
maipagtanggol ang sariling bayan kahit na buhay pa ang kapalit nito.
Simbolismo

Ang bangkang papel ay sumisimbolo sa pangarap ng bata sa kwento.


Tinatalakay ang simpleng buhay na nais sa pang-araw araw, ang makipaglaro sa mga
kaibigan kasama ang pagpapaanod ng bangkang papel. Inilalahad din ang paggunita
ng awtor sa alaala ng nakaraang karanasan o masamang epekto ng digmaan sa
lipunang kanyang kinabibilangan sa tuwing nakakikita siya ng bangkang papel.

Mga Pansin at puna

a. Mga Tauhan (Bigyan ng Paglalarawan)

Ang mga pangunahing tauhan sa kwento ay nabigyan ng paglalarawan


ngunit ang ibang tauhan ay hindi na nabigyan ng paglalarawan subalit nakatulong pa rin
sapagkat nakapagbigay ito ng karagdagang buhay sa kwento.

 Batang lalaki – ang pangunahing tauhan sa kwento. Ang isang bata


na nais magpaanod ng kanyang tatlong ginawang bangkang papel
at makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Siya rin ay laging
nagtatanong sa kaniyang ina kung darating ba ang kaniyang tatay.
 Miling – ang kapatid ng batang lalaki
 Ang kanyang Ina – ang ina ng pangunahing tauhan sa kwento. At
siya rin ang sumasagot na “bukas darating na ang iyong tatay” sa
kaniyang anak na lalaki kahit na hindi siya sigurado.
 Kapitan Sidro – ang nagsabi sa mag-ina na kailangan lisanin na
ang lugar dahil kinagabihan lulusob ang mga kawal, dapat ay
walang maiwan ni isa. Siya rin ang naghatid sa mag-ina sa ligtas
na lugar.
 Kawal – ang mga pumatay sa tatay ng batang lalaki
Iba pang mga tauhan:
 Pepe
 Aling Ading
 Mang Pedring
 Aling Feli
 Turing

b. Galaw ng Pangyayari

Ang kwento ay nailahad ng maayos at may tamang daloy ng mga


pangyayari. Bagamat ito’y may kabilisan, hindi iyon naging hadlang upang mailahad
ang mga kaganapan na siyang mubuo ng imahinasyon sa mga mambabasa. Nagsimula
ang kwento sa pagtatampisaw ng mga bata sa baha, at bumabalik sa gunita ng awtor
ang alaala sa nakaraang karanasan. Ang batang lalaki ay gumawa ng tatlong bangkang
papel upang ipaanod sa tubig umaasang magiging maganda ang panahon
kinabukasan. Ngunit walang tigil ang ulan kasabay ang iba’t ibang tunog na
dumadagungdong sa kanilang tahanan. Napalitan ng magandang panahon
kinabukasan ngunit kasabay nito ang malungkot na balitang pumukaw sa kanilang
umaga. Ang naging wakas ay ang paglisan sa lugar na kanilang kinalakihan upang
mailigtas ang mga sarili laban sa kawal at pagtanggap sa katotohanang wala na ang
kanilang tatay.

2. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Nagbubukas sa isipan ng mambabasa ang magandang aral patungkol sa


realidad ng buhay. Tumatak sa aking isipan ang nagiging dulot ng gera o ang
pagkawasak ng pamilya at kawalan ng kapayapaan sa lipunang ating kinabibilangan.
Nais ng bawat isa ang magkaroon ng simpleng pamumuhay, maglaro at makasama ang
pamilya katulad na lamang ng batang lalaki sa kwento. Ngunit sa kasamaang palad, ito
ay hindi natupad. Sa kabila ng pinagdaraanang sakit na nadarama ng isang Ina, inisip
pa rin nito ang kaligtasan ng kaniyang mga anak. Tumatak saking isipan ang pagigi
nilang matapang, matatag at pagkakaroon ng pag-asa na muling bumangon kagaya ng
pagsikat ng araw.
b. Bisa sa Damdamin
Sa unang bahagi, aking nadama ang kasiyahan dahil ang batang lalaki ay
may malawak na imahinasyon na gumawa ng tatlong bangkang papel at nais nito na
ipaanod sa tubig. Kagaya ng ibang bata, ang tanging ginagawa ay ang maglaro, kumain
at matulog. Sulitin ang bawat araw ng kasiyahan, pakikipaglaro sa kapwa bata at hindi
maranasan ang sakit na mawalan ng tatay.
Ngunit sa gitna at wakas na bahagi ako ay nakaramdam ng lungkot sapagkat
ang nais na makasama ng bata ang kaniyang tatay ay napalitan ng labis na
kalungkutan para sa mag-ina. Gabi pa lamang ay nararanasan na ng bata ang lungkot
at takot mula sa mga tunog na kaniyang naririnig at pagliwanag dilim ng kapaligiran
dahil sa kidlat. Ang realidad ng trabaho ng isang sundalo, ay mahalin ang bayan
hanggang sa dulo. Ito ay bumukas sa aking damdamin upang ipakita natin ang
pagmamahal sa mga minamahal natin sa buhay habang tayo ay nabubuhay pa.
Musmos pa siya upang maunawaan ang kabayanihan ng ama ngunit sa pagdating ng
kaniyang pagiging binata, kung sakaling makakikita siya muli ng bangkang papel,
maaalala niya ang pagmamahal sa bayan at ang pag-ibig sa kanila ng kaniyang ama.

c. Bisa sa Kaasalan

Ang pag-asa ay makikita sa bawat tao na humaharap sa hamon ng buhay.


Ang mawalan ng minamahal sa buhay ay walang katumbas na sakit ngunit ang tangi na
lang nating ginagawa ay ang umiyak at pagkatapos tuloy pa rin dahil may mga tao na
umaasa sa atin. Kagaya na lamang ng pagiging Ina, kung magiging mahina siya at
susuko paano na lamang ang kaniyang mga anak na umaasa sa kaniyang pagkalinga.
Hindi natin alam ang oras natin dito sa mundo, kung kalian tayo ay lilipas at kung saan
tayo pupunta. Ngunit meron tayong pwedeng pagpilian at iyon ay ang pag gawa ng
mabuti at paglubos lubos sa oras dito sa mundo sa mabuting paraan. Sa kwento ay
naipakikita ang kahalagahan ng buhay ng isang tao na nagpapakita ng pagmamahalan
sa isa’t isa. Makikita rin sa kwento ang pagmamahal ng tatay sa kanyang trabaho at sa
bayan. Kagaya ng nasa kwento, gamitin ang oras sa maayos at gumawa ng mabuti
hindi lamang sa pamilya kung di’ pati na rin sa kapwa at sa bayan na ating
kinabibilangan.

d. Bisa sa Lipunan

Ang kabayanihan ng sundalo ay makikitaan ng pagmamahal at pagiging


matapat sa kanilang tungkulin. Naiwan man sila ng kanilang tatay, hindi maikakaila na
ang kanilang tatay ay naging bayani at tumulong sa bayan kaya naman mabilis itong
mauunawan ng naiwang pamilya. Pagpapanatiling bukas sa realidad ay siyang bubukas
ng mawalak na isipan kahit sino mang tao ang dumaranas ng problema sa buhay. Ang
paggawa ng mabuti sa kapwa ay siyang ang pagpapa-unlad ng bawat isa.

You might also like