You are on page 1of 2

MARYANG MAKILING

ni Lola Basyang

 MgaTauhan

 Maryang Makiling
-Si Maryang Makiling ay isang diwatang mayroong magandang
muka, mahabang buhok at may mabuting kaluoban.
 Ilo -Sila ang tatlong magkababatang nagpalilikot
 Kando at hanggang silay mangagsigulang at mangagkasawa
 Timo ay hindi nagkakahiwalay sa mga libutan.
 Mga Diwata
-Sila ang kasama ni maryang makiling na naninirahan
Sa ilalim ng banging mahiwaga.
 Inga
-ang asawa ni timo

 Tagpuan/Panahon
 Mahiwagang bangin
Ito ay pintong lihim sa pagpasok sa isang katangitanging bayang
pinagrereynahan ni Maryang makiling.

 Saglit na kasiglahan
Silay nagkasundo na isang araw ng linggo ay kanilang lulusangin
ang banging mahiwaga at pinagkayarian nila na silay maghahanda
ng mahabang lubid na kasinglaki ng kamay at ilang kandila sa
kanilang paglusong sa naturang bangin.

 Suliranin o Tunggalian
Ang pagpupumilit ni Timo na makahuli ng patong ginintuan dahil
sa sinabi ni Marya Makiling na kapag makauwi ka lamang ng
labing dalawa sa mga pato ay ikaw na ang pinakamayaman sa
ibabaw ng lupa.

 Kasukdulan
Nabigo si Timo sa paghuli ng ginintuang pato kayat wiling wili siya
at nagmungkahi siya ni marya na hindi na siya babalik sa kanila.

 Kakalasan
Biglang nagdilim,kumidlat ng matalim at kumulog ng malakas at
nabulag at hindi na makakita si Timo.

 Wakas
Si timo ay inakay ng walong hiwaga ng kariktan at inuwi sa palasyo
ng reyna at sya ay hinimashimas ni marya makiling hangang siya
ay makatulog. Isang malaking kababalaghan sa kanyang paggising
ay naroon na siya sa kanilang tahanan at nagulat ang kanyang
asawa na si Ingga.

You might also like