You are on page 1of 2

BALETE DRIVE Ni Estefanio Maghari Si Susan ay isang maganda, matalino, at matagumpay na Account Executive sa isang malaking advertising company

sa Ortigas. Bandang alas-nuwebe ng gabi, lulan ng kanyang magarang sasakyan, nagmamaneho si Susan sa kahabaan ng Gilmore Avenue. Katatapos pa lang niyang maisara ang isang mahalaga at malaking business deal. Patungo si Susan sa kanilang tanggapan sa may Ortigas Avenue. Gabi na, subalit kinakailangan niyang bumalik sa opisina. Sa kalayuan, namataan niya ang mabigat na traffic sa intersection. Umiwas ang dalaga at kinabig ang manibela patungong Balete Drive. Madilim ang kalsada at ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sa kanyang sasakyan. Ipinasya niSusan na magmadali. Tinawagan niya sa cellphone ang kanyang boss, Sir, Ill be a bit late Yeah, heavy traffic e Yup, I got the contract Ill be there in Huli na nang mapansin ni Susan ang pagtawid ng isang batang babae'ng may dalang bilao sa harap ng kanyang sasakyan. Nabundol niya ito at tumilapon. Huminto si Susan at lumabas ng sasakyan upang siyasatin ang bata. Hindi na kumikilos ang kawawang paslit. Nalito si Susan, lalo pa nang makita niyang duguan ang ulo ng batang ngayoy nakahandusay sa gilid ng daan. Luminga-linga siya sa paligid. Napuna niyang walang tao. Samakatuwid, walang nakakita sa mga pangyayari. Nagmadaling bumalik sa kanyang sasakyan si Susan at mabilis siyang tumakas. Sa kanyang pag-uwi ay balisang-balisa si Susan. Kaya minabuti niyang balikan ang Balete Drive. Maghahatinggabi na nang siyay huminto sa pinangyarihan ng sakuna. Lumabas siya ng sasakyan at nilapitan ang lugar na alam niyang kinalalagyan ng batang nabundol niya kanina. Nagtaka siya. Dahil malinis ang kalsada na parang walang naganap na aksidente. Sa pagtalikod ni Susan upang bumalik sa kanyang sasakyan ay biglang bumulaga sa kanyang harapan ang isang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok nito at tila maputla ang kutis ng mukha. Napasigaw si Susan at halos natabig ang bilaong dala-dala ng kaharap. Nagsalita ang babeng nakaputi. Mababa at malamig ang boses nito at marahan ang pananalita. Ale, puto po. Pakyawin niyo na, wika ng kaharap, Kanina pa pong umaga kami naglalako ng anak ko. Kahit nagtataka si Susan sa biglaang paglitaw ng babae ay minabuti niyang kumilos nang di-kahinahinala. A, e s-s-sige. Papakyawin ko na. Oo, bibilhin ko lahat. nalilito niyang sagot. Nakangiting tumitig kay Susan ang babaeng nakaputi, Maraming salamat po, ale.

S-S-S-Sabi mo... kasama mo ang anak mo? N-N-N-Nasaan siya? kabadong tanong ni Susan. Bigla na lang pong nawala. Dito po siya nagawi kaninang alas-nuwebe. malungkot na ungol ng babae. Kinilabutan ang dalaga at pinagpawisan sa gitna ng kalamigan! Kailangang makaalis na siya. Ah ano sige! Ibalot mo nang lahat yung tinda mo, balisang sinabi ni Susan habang nagmamadaling dumukot ng pera sa kanyang bag. Etong 500 pesos, abot niya sa kaharap, "Keep the change." Nang maibulsa ng babaeng nakaputi ang salapi ay dahan-dahan nitong binuksan ang takip ng dalang bilao. Sa liwanag ng kanyang sasakyan sa gitna ng Balete Drive ay lumantad kay Susan ang kahindik-hindik na katotohanan! At ang nakabibinging karimlan ay binasag ng isang malagim na pagtili ng dalaga! Hindi puto Hindi puto ang laman ng bilao kundi

BIBINGKA!

You might also like