You are on page 1of 15

Sanaysay

sa panahon ng kastila


SANAYSAY AT TALUMPATI
Sanaysay
bilang isang uri ng
Tinuturing ang Sanaysay
pantikan na hindi mauubusan ng gamit. Iba-iba
ang maaring maging porma nito. Maaring
personal na parang nakikipagusap, o kaya naman
analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng
pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa
upang magpahayag ng katotohan o kaya mga
karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli
o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga
maaring isulat bilang isang sanaysay.
Sanaysay

. Iba-iba rin ang maaring paraan ngpagsusulat ayon sa
personalidad ng may-akda.Nagmula ang salitang sanaysay sa
makatang si Alejandro Abadilla, nanangangahulugang " pagsasanay
sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat nakaranasan." Nahahati ito
sa dalawang uri ayon kay Genoveva Edroza Matute:
palagayan / impormal - malikhaung paghahayag ng sa loobin
mula sa mgapersonal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa
paligid.
maanyo / pormal - diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa
pagsasaliksik atpag-aaral ng mga impormasyon.Maari ring igrupo
ang sanaysay bilang satirikal, pulitikal, panlipunanpangkasaysayan,
pilosopikal, ispiritwal, inspirasyonal, pampanitikan o patawa, ayon
kay Abadilla. Ngunit madalas na naghahalo ang mga anyong ito.
Kasaysayan ng Sanaysay

Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas,
nagsikap ang mga mananakop,sa tulong ng mga
pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon
at wika na maaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa
mga ito ay ang Declaracion de los mandamientos de
la ley de dios,isang paliwanag ukol sa Sampung
Utos at ang Arte y reglas de las lengua tagala na
nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng
wikang Tagalog.
Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang

Pilipino ay ang Librong Pag- Aaralan nang mga
Tagalog nang Unicang Castila ni Tomas Pinpin.
Dito ay sunod-sunod nang natuto ang mga tao ng
mga prosa, tulad ng apuntes(memoirs) at
informes(accounts). Sa pagsisimula ng Samahang
Repormista, nagsimula ang mga manunulat na
magsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga
pang-aabuso ng mga mananakop, at humihiling sa
mga Pilipino na kumilos laban dito.
Ilan sa mga nakilalang manunulat noon ay si Fr.

Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del
Pilar. Si Jose Rizal ay nagsulat din ng mga
sanaysay na naging batayan sa kanyang mga
pampubikong pananalita. Sa panahon ding ito
lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng
mga sanaysay at artikulo ng mga repormista.
Nagsimulang isulat ang mga salaysay gamit ang

mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres
Bonifacio, ang lider ng Katipunan tulad ng
kanyang mga akdang Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog at Katungkulang Gagawin ng mga Anak
ng Bayan. Sila Emilio Jacinto at Apolinario Mabini
ay nagsulat rin ng mga kahalintulad na akda, tulad
ng Liwanag at Dilim at Kartilya ng Katipunan. Sa
pagdating ng mga Amerikano, nauso ang pag
gamit ng wikang Ingles bilang wika sa pagsusulat
ng mga sanaysay.
 Madalas itong impormal at sentimental, ngunit ang
iba'y nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng

bansa. Nakilala sina Carlos Romulo, Fernando Marang,
Maria Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario. Nabuo
din sa panahong ito ang Kapisanang Panitikan na nag
nanais umalis sa mga lumang pamantayan ng
pagsusulat ng panahon. Pagkatapos ng digmaan,
marami sa mga naisulat na sanaysay ay ginagamit sa
pagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong
panahon na ito sila Francisco Icasiano, Nick Joaquin,
Kerima Polotan, Gilda Fernando at Renato
Constantino.
 Ang mga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang
kritisismo sa Amerika at ang nasyonalismo na

laganap bago ang pagdating ng Martial Law. Sa
panahon ng Pangulong Marcos, nasikil ang mga
sanaysay na ito at nauso ang mga satirikong
pagsusulat o mga sanaysay na personal ang tema.Sa
modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng
mga sanaysay na lumabas. May mga nakilala sa mga
sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay Barbara
Gonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon.
Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman ay nakilala sa

mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at
sina Doreen Fernandez at Edilberto Alegre ay
nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena,
N.V.M Gonzalezat Ildefonso Santos ay lumipat sa
pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang
mgaakdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol
sa mga kuntemporaryong isyu, tulad ng HIV-AIDS.
Elemento ng Sanaysay

Pamagat (Title) - nagsasaad kung ano ang
nilalaman ng sanaysay, atnakakatulong ito sa mga
mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.
Thesis -ito ang masasabing "punto" ng sanaysay;
kung ano ba ang nais naipahayag ng manunulat. Sa
mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli
ngunitmalaman ito. Maari itong maglaman ng
argumento upang maging epektibo angsanaysay.
Maari itong makita sa umpisa, gitna o dulo ng
sanaysay.
Elemento ng Sanaysay

Organisasyon - Kung paano ba naka-ayos ang mga
laman ng sanaysay. Sapagsulat nito, dapat na may
magandang pagkakaayos ang laman mula saumpisa
hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling
maiintindihan ngmambabasa kung anong nais mong
sabihin.
Pasimula (Introduksyon) - Unang talata ng sanaysay
na nagpapakilala sa lamannito o mga impormasyong
mahalaga upang maintindihan ang
thesis.
Elemento ng Sanaysay

Katawan (Body) - Mga sumusoportang talata sa
thesis.Naglalaman ito ng mgapunto na nagbibigay-
diin sa mensahe ng sanaysay.

Kongklusyon (Conclusion) - Dito ibinubuod ang


lahat ng laman ng sanaysay.Hindi katulad ng
pasimula kung saan sinasaad ang punto ng
sanaysay, dito naisisaad ng manunulat na tama
ang kanyang mga sinasabi.
Mga Kilalang
Manunulat ng Sanaysay

 Fr. Jose Burgos  Fernando Maramag
 Pedro Paterno  Maria Paz Mendoza
 Jose Rizal Guanzon
 Marcelo H. Del Pilar   Teodoro A. Agoncillo
 Nick Joaquin
 Graciano Lopez - Jaena
 Renato Constantino
  Antonio Luna
 Carmen Guerrero-Nakpil
 Andres Bonifacio
 Kerima Polotan
 Emilio Jacinto  Genoveva Edroza - Matute
 Apolinario Mbaini   Alejandro Abadilla
 Trinidad Pardo de Tavera  Rogelio Sicat
 Teodoro M. Kalaw  Virgilo S. Almario
 Claro M. Recto  Lamberto E. Antonio

END

You might also like