sa ulo mo'y ako ang buong masilid; Ibig kong kung iyang mata'y tumititig sa balintataw mo ako'y mapadikit; Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis; Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.
Hangad kong kung ikaw'y siyang nag-uutos
akung-ako lamang ang makasusunod; Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog kaluluwa ko lang ang makapupulot; Hangad kong sa harap ng iyong alindog ay diwa ko lamang ang makaluluhod; Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog kamanyang ko lamang ang naisusuob.
Nasa kong kung ikaw'y may tinik sa puso
dini sa puso ko maunang tumimo; Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y maluoy sa halik ng aking pagsuyo; Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo ay mabayaran ko ng libong pangako; Nasa kong sa bawat luha mong tumulo ay mga labi ko ang gamiting panyo.
Nais kong sa aklat ng aking pagsinta
ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa; Nais kong sa mukha ng ating ligaya batik man ng hapis ay walang makita; Nais kong ang linis ng ating panata'y huwag marungisan ng munting balisa; Nais kong sa buhay ng ating pag-asa'y walang makatagpong anino ng dusa.
Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y
hamog ng halik mo ang magpapasariwa; Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala ay wala nang ulap na makagambala; Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y mabaon ko hanggang tabunan ng lupa; Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala ay sa walang yao'y huwag kang mawala Pakikidigma (1929) by Jose Corazon de Jesus Ang buhay ay isang pakikidigmang walang katapusan. Huwag kang uurong, lalalim ang sugat, Ngunit naubos na ang dugong tatagas; Ang sugat man naman kung buka’t bukadkad, Tila humihingang bibig ng bulaklak. Walang bagay ditong hindi natitiis Pag lagi nang apdo ang iyong sinisid; Ang pait na ito’y ngiging matamis, Kumakaraniwan sa may ditang bibig. Kung ikaw’y natalo o kaya’y nadapa, Magbangon kang muli saka makidigma; At lalong mabuti ang mukhang may gatla Ng lahat ng iyong tinitiis na taga. Huwag mong naisin ang maging bulak ka, Iyan ay maputing dudumi pagdaka; Habang ikaw’y bato sa isang kalsada, Ang pison at gulong, kaibigan mo na. Ikaw’y makidigma sa laot ng buhay At walang bayaning nasindak sa laban; Kung saan ka lalong mayong kahinaan, Doon mo dukutin ang iyong tagumpay.