You are on page 1of 2

Jeanelle H. Moreno Mr.

Kenn Vincent Rolleda

BSE English 1C GNED 14

Buod ng Akdang Pinamagatang “Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon”

Magtatapos sa pag-aaral si Inday ng elementarya, iniisip ni Aling Peling kung


ano ang maaring mairegalo sa kanyang anak. Noong araw na namasyal si Inday, doon
nagkaroon ng pagkakataon na bumili si Aling Peling ng regalo sa kanyang anak. Bumili siya ng
selpon sa pamilihan upang magamit ni Inday sa papasukan niyang malayong sekondaryang
paaralan. Pagkauwi ni Aling Peling sa bahay, binalot niya ito at tinago sa kanilang aparador.
Nakalipas ng isang linggo, nagtapos ng elementarya si Inday kasama ang kanyang Inay sa
entablado. Pagkatapos ng seremonya, ibinigay ni Aling Peling ang sorpresang regalo para kay
Inday. Laking tuwa ni Inday at nagpasalamat siya sa kanyang ina. Simula noon, nakatutok na
lamang si Inday sa kanyang selpon at hindi na niya pinapansin ang kanyang ina. Madalas na
lamang itong ka-text at katawagan ang lalaki na si Rico. Habang nakikipag-usap si Inday kay
Fiona sa selpon niya na plano nilang magkita ni Rico, narinig ito ni Aling Peling at tinawag niya
si Inday upang kausapin. Sinabi niya sa kanyang anak na dapat hindi siya maging kampante
kay Rico dahil sa selpon lamang sila nagkakilala. Sinabi naman ni Inday kay Aling Peling na
kaya sila magkikita upang lubusan nilang makilala ang isa’t isa, nagalit at nagdabog si Inday
dahil dito. Nagulat na lamang si Aling Peling dahil hindi naman ito ginagawa dati ng kanyang
anak; nagtimpi na lamang siya. Sa sumunod na araw, umalis si Inday sa tabi ng kanyang ina
nang walang paalam. Bumangon si Aling Peling upang gawin ang kanyang pang araw-araw na
gawain at maglako ng bibingka sa parke. Habang nagbebenta, di kalayuan nakita niya ang
kanyang anak na umiiyak. Tinanong niya ito kung bakit, sinabi niya na nawala si Rico dala ang
kanyang bag. Nagkwentuhan lamang sila at pinabitbit niya kay Rico ang kanyang bag.
Nagpaalam na iihi lamang si Rico tsaka ito’y nawala kasama ng kanyang selpon na pinag-
ipunan ng kanyang ina.
Ang Aking Interpretasyon sa Akdang Binasa: “Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon”

Nang aking mabasa ang akdang “Si Inday at ang Bago niyang Selpon”, marami
akong natutuhan nang matunghayan ko ang akdang ito. Napapanahon ito sa nararanasan natin
na lubusang nakatuon na lamang sa mga elektronikang kagamitan. Selpon, kompyuter, tablet,
laptop, at iba pang elektronikang ginagamit sa kasalukuyan. Naging pangunahing
pangangailangan na ito ng mga tao ngayon sa pang araw-araw dahil sa pandemya o kahit bago
ng pandemya pa lamang ay ginagamit ito. Sa komunikasyon, pagbabahagi ng mga larawan at
bidyo, paghahanap ng mga impormasyon, pakikinig ng mga kanta o musika, libangan at marami
pang iba. Nakatutulong naman ito sa paghahasa ng ating mga isipan at pagkikipag-ugnayan sa
mga tao na nasa malalayong lugar. Ngunit ang paggamit ng teknolohiya o elektronikang
kagamitan ay may hindi magandang dulot at kabayaran sa atin kapag sobra na ang paggamit
nito. Kagaya na lamang ni Inday sa akda na nag-iba ang kanyang ugali noong ginamit na niya
ang kanyang selpon palagian. Humantong sa hindi pagkakaintindihan ng kanyang ina at siya.
Sinuway niya dahil sa kagustuhan niyang makipagkita sa lalaking hindi pa niya lubusang kilala
pa at pinagkatiwalaan niya ito agad. Sa panahon natin, ang paggamit ng teknolohiya lalo na ang
pagbabahagi ng ating mga larawan at buong saloobin sa pamamagitan ng iyon ay magdudulot
ng hindi magandang epekto sa kalaunan. Pagmasyado tayo naging bukas sa mga tao lalo na
sa social media na nasa panahong nakipagkita tayo o nakipagrelasyon tayo sa hindi natin kilala
ng personal, magkakaroon ng malaking problema nito sa atin.

Sa sitwasyon ni Inday, siya’y sekondaryang estudyante pa lamang sa kwentong iyon.


Nalaman niya pang paano makipag-text at tumawag sa lalaking hindi niya lubusang kilala at
tinanggap niya ito. Sa murang edad pa lamang ay naligaw na sa paggamit ng teknolohiya.
Paano pa kaya tayong mga kabataan na nasa edad 18 pataas na ay nahulog tayo sa patibong
na gaya rin ni Inday? Kailangan nating maging maingat at mapagmatiyag sa paggamit ng
teknolohiya. Mga bata’t matanda ay kasali rin sa usapang ito upang hindi umulit sa
pagkakamali. Hindi lamang ito tungkol sa pakikipagrelasyon sa hindi mo kilalang tao kundi
maging maingat sa mga nakikilalang tao sa text o sa internet. Imbes na gamitin natin ang
teknolohiya sa libangan at sa di makatuturang bagay, mas paglaanan natin ng pansin ang
pagproprotekta at pangangalap ng angkop na kaalaman. May mas patutunguhan ang ating
landas sa pagbabahagi ng mga tao ng kabatiran at kamalayan sa wastong paggamit ng
elektronika o teknolohiya. Upang sa gayon, mahadlangan ang mga taong mabilis mapaniwala at
makuha ang damdamin na gumising sila sa katotohanan. Ang katotohanan ang magpapatunay
na hindi sila magsisisi sa huli. Hindi gaya ng naranasan ni Inday na mawala ang kanyang
munting selpon na natanggap sa kanyang ina.

You might also like