You are on page 1of 1

Ang paglinang ng

kurikulum
Ang bawat panahon sa kasaysayan ng
Pilipinas ay kakikitaan ng iba't ibang tuon
ng kurikulum.

PANAHON BAGO DUMATING


ANG MGA KASTILA
Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mga 
pangunahing gawain upang patuloy
na mabuhay

PANAHON NG KASTILA
Sa unang panahon ng Kastila ginamit na
paaralan ang mga kumbento at mga pari
ang mga guro. Ginamit nila ang dala
nilang mga akdang dayuhan at isinalin sa
wikang katutubo upang palaganapin ang
Kristiyanismo. Ginamit din nila ang mga
isinalin upang turuang bumasa, sumulat
at bumilang ang mga katutubo.

PANAHON NG AMERIKANO
Sa unang panahon ng mga amerikano, naitayo
ang mga paaralang pampubliko, naging guro ang
mga kawal na Amerikano, ginamit nilang aklat
ang mga dalang babasahin at naging palansak
ang pagsasaling-wika upang ituro ang Wikang
Ingles. Itinuro rin ang pagbasa, pasgulat,
pagbilang, paghahalaman, pangkalusugan, at iba
pa. Binigyang-diin din ang paghahanda sa mga
Pilipino para sa sariling pamamahala at ang
matibay na pagsasakatuparan ng paghihiwalay
ng simbahan sa pamahalaan.

PANAHON NG HAPON
Nang dumating ang mga hapon, ipinagbawal
ang pagtuturo ng Wikang Ingles at sa halip ay
ang pagtuturo ng Niponggo at pagtuturo ng
Wikang Filipino. Isinama rin ang pagtatalakay sa
patakaran ng co-prosperity sphere at pag-aalis ng
kaisipang U.S Imperialism.
PANAHON NG MARTIAL LAW
AT 1986 REBOLUSYON
Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual
education, population education at pagpaplano
ng pamilya, taxation at land reform, pagpapatibay
sa pagpapahalagang Filipino

KASALUKUYANG PANAHON
Ang kasalukuyang paanahon ay nakilala bilang
panahon ng makina. Naging bahagi ng kurikulum
ang komputer at ang makabagong teknolohiya.
Binigyang-diin din ang pagpapaunlad ng wikang
bernakular, ang Wikang Ingles, Inclusive Education,
Special Education, makabagong pamamaraan sa
pagtuturo gaya ng Multiple Intelegences, Learning
Syles, at marami pangumuusbong na isyu.
SANGGUNIAN: https://www.slideshare.net/joydonaldduck/kurikulum-chelle
https://www.academia.edu/30891871/Ang_Paglinang_ng_Kurikulum

You might also like