You are on page 1of 15

Angcaya, Sherylyn

Ctoner, Riz -anne

Domingo, Anne Audrey

Mendoza, Kristal Niña


Semantika, Semantiks,
o Semantiko

Pag-aaral ng kahulugan
Sa ganitong pagkakataon, tumutukoy
ang salitang kahulugan sa kaugnayan
sa pagitan ng mga tagapagbatid o
tagapagpakahulugan at kung ano ang
ibig sabihin ng mga ito.
Ang ganyang mga tagapagbatid ay ang
mga salita, pananda, at mga simbolo.
Samakatuwid, ang semantika ay ang
pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig
sabihin ng salita, katagal, o wika
Pokus din nito ang pag-aaral ng iba’t ibang
proseso ng pag-iisip o proseso ng ng
pagkakamit at pagbuo ng mga kaalaman. Ayon
kay Gonzales (1992), ang semantika ay proseso
ng pag-iisip, kognisyon, at konseptuwalisasyon.
Sinasabing ang mga ito’y magkaugnay sa pag-
uuri’t pagpapahayag ng karanasan ng tao sa
daigdig sa pamamagitan ng wika.
Ang semantika ay itinuturing din na
sentrong daluyan ng iba’t ibang pag-aaral,
tulad ng linggwistika, pilosopiya at
sikolohiya.
 LINGGWISTIKA
- pag-unawa sa mga wika
- masensiyang paraan ng pag-aaral ng mga
katangian at kalikasan ng wika
- Ayon naman kay Lachica, ang linggwistika
ay itinuturing na maagham na pag-aaral ng
wika o lenggwahe
Ayon kay Marquez (2010) nakapokus ang
semantika sa pagbibigay ng kahulugan sa mga
salita, parirala, o pangungusap. Dapat nating
tandaan na ang wikang katutubo, bernakular o
unang wika ng isang bayan ay
naiimpluwensiyahan ng mga dayuhang wika
kaya naman lumalago ang bokabularyo nito.
Ito’y nagpapatunay lamang na totoong
dinamiko ang wika.
May dalawang dimension ng
pagbibigay ng kahulugan sa isang
salita:
1.KONOTASYON

2. DENOTASYON
KONOTASYON – tumutukoy ito sa ekstrang
kahulugang taglay ng isang salita depende sa
intensiyon o motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin
ang kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala, o
pangungusap na hindi tuwirang isinasaad.
HALIMBAWA:

1. Si Carla ay pinaliligiran ng mga paru-paro mula sa iba’t


ibang kanayunan.

2. Mahusay si Jonalyn sa Matematika, matinik talaga siya.

3. Tunay ngang si Joshua ay isa ng sikat na bituin.


DENOTASYON – ito ay nagtataglay o
nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng
mga termino. Tumutukoy rin ito sa literal na
pagpapakahulugan sa mga salita. Madalas din itong
tawaging “dictionary meaning” na ang ibig sabihin ay
tahas, aktwal, tiyak o tunay.
HALIMBAWA:

1. Ang paru-paro ay dumapo sa rosas.

2. Ayaw ko ng isdang bangus kasi matinik ito.

3. Kumikislap ang bituin sa kalangitan.


Sanggunian:

https://www.youtube.com/watch?v=sJAahr1ljc

You might also like