You are on page 1of 17

Paraan ng

Pagbuo ng
Salita
1. Payak- Ito ang paggamit ng mga
simpleng salita o mga salitang- ugat
lamang.
Halimbawa:
kain tawa sindi
tanda iyak lipad
ibig suklam sama
2. Paglalapi- Ito ang paraan ng pagbubuo
ng salita sa pamamagitan ng pagkakabit
ng panlapi sa salitang-ugat. Ang
mabubuong salita ay tinatawag na
maylapi. Sa paglalapi, maaring gamitin
ang iba’t ibang anyo ng panlapi.
Mga Anyo
ng Panlapi
a. Unlapi- Ito ang mga
panlaping ikinakabit sa
unahan ng salita.
Mag-+kaibigan=
magkaibigan
um-+asa= umasa
pala-+ basa= palabasa
b. Gitlapi- Ito ang panlaping ikinakabit
sa gitna ng salitang-ugat. Ang
karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in-
at –um-.
Halimbawa:
sikap+ -um= sumikap
kain+ -in= Kinain
mahal + in= minahal
c. Hulapi-Ito ay matatagpuan sa
hulihan ng salitang-ugat. Ang
karaniwang hulapi ay –an,-han,-in
at –hin.
Halimbawa:
sayaw+-an=sayawan
laba+-han= labahan
awit+-in=awitin
d. Kabilahan-Ito ang panlaping
ikinakabit sa unahan at sa hulihan
ng salitang ugat.
Halimbawa:
ka-+ganda+-han= kagandahan
mag-+ sinta+-han= magkasintahan
e. Laguhan- Ito ang panlaping
ikinakabit sa unahan, gitna at sa
hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
pag-+s+-um+ikap+-an=
pagsumikapan
mag-+d+-in+ugo+-an= magdinuguan
3. Pag-uulitng mga salita – Paraan
ito ng pagbubuo ng mga salita
sa pamamagitan ng pag-uulit ng
mga salitang-ugat. May paraan
ng pag-uulit ng mga salita.
a. Parsyal o di ganap na pag-uulit
> Inuulit lamang ang isa o higit pang
pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
minu-minuto
tau- tauhan
b. Buo o ganap- Inuulit dito ang buong
salita na may pang-angkop o wala.
Halimbawa:
Oras-oras anu-ano
iyak nang iyak mahal na mahal
gustong-gusto
c. Magkahalong parsyal at ganap-
Ito ang pag-uulit na kombinasyon
ng parsyal at ganap na pag-uulit.
tatakbo-takbo
iiyak-iyak
sisinghot-singhot
4. Pagtatambal ng salita- Ito ang
pagbubuo ng salita sa pamamagitan
ng pagtatambal o pagsasama ng
dalawang magkaibang salitang-ugat
upang makabuo ng bagong salita.
Dalawang uri ng Pagtatambal
a. Buo o ganap na pagtatambal-pagtatambal ng dalawang
salitang-ugat na nagpapahayag o nagreresulta sa pagkakaroon
ng ikatlong kahulugan o bagong kahulugan.
Halimbawa:
hampaslupa
bahaghari
balat-sibuyas
hanapbuhay
Dalawang uri ng Pagtatambal
b. Parsyal o di-ganap na pagtatambal-pagtatambal ng salitang-
ugat na nagpapahayag ng sariling kahulugan, nananatili ang
orihinal na kahulugan, nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal o hindi nagkakaroon ng pangatlong
kahulugan.
Halimbawa:
bahay-kubo
punongguro
kapitbisig
dalagang bukid
Marami
ng
Salamat

You might also like