You are on page 1of 90

INTERDISIPLINARYONG PAGBASA AT PAGSULAT

&
TUNGO SA MABISANG PAGPAPAHAYAG

ORTOGRAPIYA
PAGSASALIN
Iuulat nina: BSN 2 - 3
ABUEL, Karhylle Khaye N. | CALILAP, John David M. | CONCEPCION, Christian Hans Rey I.
LADAGA, Ivana Alexandra E. | MAGALONZO, Sandra S. | OCAMPO, Jadcel A. | PERALTA, Carmela Joy S.,
REYES, Ashley Jhayne E. | RONQUILLO, Kate Danielle O.
TUNGUHIN
Naiisa-isa ang mga Nakikisangkot sa talakayan
paghamon kinakaharap ng ukol sa mga usapin ng
Ortograpiyang Filipino. Ortograpiyang Filipino

Nasusuri at naitatama ang mga maling


gamit ng salita sa pahayag ayon sa mga
tuntunin ng Ortograpiyang Filipino
ORTOGRAPIYA
MAKINIG KA (NA, NANG, NA'NG) MABUTI
ANO ANG ORTOGRAPIYA?
Ang ortograpiya ay nagmula sa salitang
Griyego na “ortho” na ang ibig sabihin ay
wasto at ang “graphia” na ang ibig sabihin ay
pagsulat.

Ayon kay Fortunato (1991), ang ortograpiya


ay ang paraan ng pagbabaybay na ginagamit
sa isang wika.
ANO ANG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA?
Ito ang sining ng tamang pagbabaybay at
pagsulat ng mga salita ayon sa tamang
pamantayan o gamit.

Ang ortograpiyang pambansa ay ang mga


tuntunin sa kung paano sumulat ng wasto
gamit ang wikang Filipino.
ARTIKULO XIV,
ISTANDARDISASYON
SEKSIYON 6
Ang pambansang wika ng Filipinas ay Ang istandardisasyon ay ang proseso

FIlipino. Habang ito ay nabubuo, ng pagiging magkaanyo o iisang

patuloy itong pauunlarin batay sa mga itsura at paggamit ng isang wika para

umiiral na wika sa Filipinas at iba pang sa mas malawakang pagtanggap at

wika. paggamit nito (Fortunato, 1991).


KASAYSAYAN NG
ORTOGRAPIYA
Mula sa ulat ng mga

misyonerong Espanyol,

nadatnan nilang marunong

sumulat at bumasa ng baybayin

ang mga Filipino. Dahil dito, sila

ay naglimbag ng unang aklat sa

Pilipinas, ang Doctrina

Christiana.
DOCTRINA CHRISTIANA
Pinakaunang aklat na nailathala sa

PIlipinas
Naglalaman ng mga dasal at alituntunin

sa Kristiyano sa paraang baybayin.


Binubuo ito ng tekstong Espanyol na

may salin sa Tagalog.


Nakalimbag sa alpabetong Romano

(ngunit isinalin rin nila ang teksto sa

baybaying Tagalog).
ANG BAYBAYIN ANG ABAKADA
Pangunahing sistema ng pagsulat Mayroong karagdagang titik R.
ng mga Pilipino. Ginawang lima ang mga patinig.
Labimpitong (17) simbolo na Naging dalawampu ang mga titik
kumakatawan sa mga titik. na ginagamit sa abakada.
Labing-apat (14) ang katinig at Hindi isinama sa ating abakada
tatlong (3) patinig. ang mga titik na may tunog na C,
Batayan ni Lope K. Santos sa CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X,Z.
pagbuo ng abakada
BAGONG ALPABETO FILIPINO
1991 Marso 11-13, 2013
Pambansang forum sa
Komisyon ng Wikang ortograpiya
Filipino Paglingon sa kasaysayan ng
Nagpalabas ng 2001 revisyon ortograpiyang Filipino at mga
ng Alfabeto at Patnubay sa isyung kontrobersiyal
Ispeling ng Wikang FIlipino Praktika sa ispeling
Tuntunin sa Balarila
Patuldok
MGA MITHING KATANGIAN NG
ORTOGRAPIYANG FILIPINO
Matiyagang paglingon sa kasaysayan

Ibatay sa mataas na modelo ng paggamit ng


wika
Kailangang episyente ang ortograpiya na
nakatutugon sa mga pangangailangan sa
pagsulat.
Kailangang pleksible ang ortograpiya upang
magampanan ang lumalawak (pambansa) na
gamit ng wikang Filipino.
Kailangang madalî itong gamitin
MGA TUNTUNIN SA
ORTOGRAPIYANG
PAMBANSA
GRAPEMA
Isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang
sistema ng pagsulat
Pinakamaliit na yunit o bahagi ng isang sistema ng
pagsulat
TITIK DI - TITIK
Tuldik o Asento
Tinatawag ding letra gabay sa paraan ng pagbigkas
Tunog sa pagsasalita palihis (´), paiwa (`), pakupya
Patinig (o bokablo) at katinig (o (^), patuldok (¨)
konsonante) Bantas
Alpabeto - serye ng mga titik
kuwit (,), tuldok (.), pananong
Alpabetong Filipino - 28 titik
(?), padamdam (!), kudlit (‘),
tuldok-kuwit (;), at gitling (-).
PANTIG AT
PALAPANTIGAN
(Silaba) Isang saltik ng dila o

Pan·t
walang patlang na bugso ng tiniig
sa pagbigkas ng salita
Binubo ng mga titik na patinig at
katinig
Ang pantig ay maaaring binubuo ng
ig isang patinig, o isang katinig at
isang patinig, o dalawa o mahigit
pang katinig at isang patinig.
KAYARIAN NG PANTIG
Kayarian Halimbawang salita

P a·so, u·pa, u·nan

KP bi·be, ba·so, pu·sa

PK is·da, is·la

KPK pat·pat, bag·yo


KAYARIAN NG PANTIG
Kayarian Halimbawang salita

KKP pla·pla, blu·sa

PKK ang·kan, eks·tra

KPKK nars

KKPK plan·tsa
KAYARIAN NG PANTIG

Kayarian Halimbawang salita

KKPKK tsart

KKPKKK shorts
PAGPAPANTIG NG MGA SALITA
Paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na
bumubuo dito. Nakasulat ito sa pamamagitan ng mga simbolo.
Halimbawa:
/u·be/ (ube), /da·ga/ (daga)

Alituntunin sa pagpapantig
1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong
pang-una, panggitna, at panghuli, ito ay inihihiwalay na pantig.
Halimbawa:
/a·ak·yat/ (aakyat), /a·at·ras/ (aatras)
PAGPAPANTIG NG MGA SALITA
2. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay
isinasama sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod
na pantig.
Halimbawa:
/tri·bo/ (tribo), /os·pi·tal/ (ospital)
3. Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita,
ang unang dalawa ay sumasama sa patinig ng sinundang pantig at ang
ikatlo ay napupunta sa kasunod pantig.
Halimbawa:
/eks·per·to/ (eksperto), /ins·pi·ras·yon/ (inspirasyon)
PAGPAPANTIG NG MGA SALITA
4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o N at ang
kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig (M/N) ay
isinasama sa unang pantig at ang sumunod na dalawang katinig ay
napupunta sa kasunod na pantig.
Halimbawa:
/tem·plo/ (templo), /sen·tro/ (sentro)
5. Kapag may apat na magkaksunod na katinig sa loob ng isang salita,
isinasama ang huling dalawang katinig sa kasunod na pantig.
Halimbawa:
/eks·plo·si·bo/ (eksplosibo), /trans·plant/ (transplant)
PANTIG NG INUULIT
1. Kapag ang salita ay nagsisimulla sa patinig, ang patinig lamang ang
inuulit. Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salita.
Halimbawa:
/a·ak·yat/ (aakyaat), /ma·a·ak·yat/ (maakyat)
2. Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lamang
ang inuulit. Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salitang-ugat.
Halimbawa:
/la·la·kad/ (lalakad), /mag·la·la·kad/ (maglalakad)
3. Kapag ang unang pantig ng salitang ugat ay may kambal-katinig or
klaster, ang unang katinig at patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
/pi·pri·tu·hin/ (piprituhin)
PAGBAYBAY NA PASALITA
Patitik ang pasalitang pagbaybay sa
Filipino, maging ito man ay salita, pantig,
akronim, daglaat, inisyals, simbolong
pang-agham, atbp.
PAGBAYBAY NA PASALITA

PASULAT PAGBIGKAS

Salita bayan /bi-ey-way-ay-en/ 

pantig pa /pi-ey/

(Komisyon sa
akronim KWF Wikang Filipino)
/key-dobolyu-ef/
PAGBAYBAY NA PASALITA

PASULAT PAGBIGKAS

G. (Ginoo) /kapital ji/


daglat
(Kagalang-galang)
Kgg.
/kapital key-ji-ji/

inisyals ng (Central Processing


CPU
tao/bagay Unit) /si-pi-yu/
PAGBAYBAY NA PASALITA

PASULAT PAGBIGKAS

Inisyals Ng
(Bangko Sentral ng
Samahan/Instit BSP
Pilipinas) /bi-es-pi/
uson/Pook

Simbolong
Pang-
Agham/Pangma H2O (water) /eych-tu-o/
tematika

Pagbaybay na Pasulat

Sa pagbabay na pasulat “ Kung ano ang


bigkas siyang sulat” ngunit ito ay hindi
sa lahat ng pagkakataon.
Halimbawa
Pagbigkas                   Pagsulat

duon doon

lalake lalaki

baket bakit

manga mga
Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat

1. Gamit ng Walong Bagong Titik


( Cc, Ff, Jj, Ññ, Qq, Vv, Xx at Zz)
Pagpapanatili ng mga hawig na tunog sa pagsulat
ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng
Pilipinas.
Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat

Safot ( ibaloy)  Sapot ng gagamba

Jambangan ( Tausug) Halaman

Ziggatu (Ibanag) Silangan

Majaw (Butuan) Maganda


Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat
2. Para sa mga Hiram na Salita
Hindi na kailangan baguhin ang mga lumang hiram na
salita sa orihinal nitong anyo.

  Pirma   Firma ( Espanyol)

Hamon   Jamon ( Espanyol)

Bintana Ventana ( Espanyol)


Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat
3. Panghihiram gamit ang walong titik
Ito ay nagagamit sa tatlong pagkakataon mula sa mga
wikang banyaga
Pantangi na Hiram sa Wikang Banyaga
Halimbawa:
Fernando
Quezon
McDonald
Catherine
Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat
3. Panghihiram gamit ang walong titik
Ito ay nagagamit sa tatlong pagkakataon mula sa mga
wikang banyaga
Mga Katawang Siyentipiko at Teknikal
Halimbawa:
Chemotherapy
Chlorophyll
Carbon Monoxide
X-ray
Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat
3. Panghihiram gamit ang walong titik
Ito ay nagagamit sa tatlong pagkakataon mula sa mga
wikang banyaga
Mga Salitang Dagliang mahirap ire-ispel
Halimbawa:
Jaywalking
Bouquet
Cauliflower
Pizza
Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat

4. Espanyol Muna, bago Ingles


Unang Piliin ang singkahulugang salita mula sa
espanyol dahil nahahawig ang anyo sa bigkas at
baybay sa wikang Pilipino kaysa Ingles
Mga Alituntunin sa Pagbaybay na Pasulat
Wikang Espanyol Wikang Inggles

Estandardisasyon                 Istardandiseysiyon         
estandardizacion standardization

Bagahe  Bageyds
bagaje Baggage

Isla    Ayland  
island island
Kasong- Kambal Patinig
Nawawala ang unang patinig sa mga kambal-patinig
na I+(A, E, O) at U+(A, E, I) kapag siningitan ng Y at W
sa pagsulat.

Halimbawa:
Indibidual- Indibidwal
Teniente- Tenyente
Aguador- agwador

Kasong- Kambal Patinig


Unang Kataliwasan
Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay
sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita.

Halimbawa:
Viuda- bIYUda
Fuerza- pUWErsa
Cuento- kuwento

Kasong- Kambal Patinig


Ikalawang Kataliwasan
Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal patinig ay
sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig
(consonant cluster) sa loob ng salita.

Halimbawa:
ostIYA - (hostia)
biskUWIt - ( biscuit)
eleksIYOn - (eleccion)
Kasong- Kambal Patinig
Ikatlong Kataliwasan
Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay
sumusunod sa tunog na H

Halimbawa:
kolehIYO - (colegio)
rehIYOn - ( region)
estratehIYA - (estrategia)
Kasong- Kambal Patinig
Ikaapat na Kataliwasan
Kapag ang kambal-patinig ay nása dulo ng salita at may
diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal.

Halimbawa
economía (e-co-no-mi-a) - ekonomIYA
filosofía (fi-lo-so-fi-a) - pilosopIYA
KAMBAL KATINIG

AT DIGRAPONG
SK, ST, SH, KT
Maituturing na kambal katinig o digrapo ang dalawang magkadikit
na katinig na pinatutunog sa loob ng isang pantig. And digrapo ay
kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang
isa o dalawang tunog.

Mga kambal katinig o digrapo.....


1. SK at ST. sa abakadang tagalog noon, hindi pinatutunog ang
ikalawang katinig sa mga binanggit na mga kambal katinig. Kaya
ang “des noon ay desk at ang “kontes” ay contest.

Halimbawa : test, kontest, pest,


post at artist.
2. SH - hindi pa rin mawari kung pananatilihin, tatapatan ng tunog
Tagalog, o mawawala ito sa dulo.
Halimbawa: Shampoo (shampu), Shooting (syuting), ambush (ambush)

Gayunpaman, isang lehitimong tunog ang SH sa wikang Ibaloy na


maaaring matagpuan sa umpisa, gitna, at dulo.
Halimbawa: shuwa - dalawa, sadshak - kaligayahan, at savishong
- lason.

3. CH - tinatapatan ng TS sa tagalog kapag nanghiram sa Espanyol o


kaya kapag mga balbal na imbento (hal. Tsika, tsibug)
Halimbawa: check (tsek), rich (rits), teacher (titser), switch (swits)

4. KT - Hindi tinanggap ang KT(CT) dahil hindi diumano pinatutunog


and T sa tabi ng K sa loob ng isang pantig.
Halimbawa: abstrak (abstract), adik (addict), konek (connect) at kontrak
(contract).

PALITANG E/I AT O/U


May mga salita sa espanyol na magkatulad ng baybay ngunit nagkakaiba ng kahulugan dahil
sa may E and isa at may I ay ikalawa o may O ang isa at may U ang ikalawa. Halimbawa:

penoy - pinoy, saleng - saling, meron - miron, balot - balut, mora - mura.
Epekto ng hulapi
Nagiging I ang E at nagiging U ang O kapag nása dulo ng salita at sinusundan
ng hulapi.

Halimbawa:
ang E sa “babae” ay nagiging I sa kababaihan
ang O sa “biro” ay nagiging U sa biruin.
Halimbawa pa:

balae—balaíhin; bale—pabalíhin; kalbo—kalbuhín; pasò—pasùin;


Ngunit tandaan: Nagaganap lámang ang pagpapalit kapag binubuntutan ng hulapi ang salitang-
ugat.
Kailan di nagpapalit
1. Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pang-ugnay na na(-ng).
· Tumpak ang “babáeng masipag” at hindi kailangan ang “babaing masipag”;
· tumpak ang “biròng masakit” at hindi kailangan ang “birung masakit.”

2. Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat.


· Wasto ang babáeng-babáe at di-kailangan ang “babaing-babae”
· wasto ang birò-birò at hindi nararapat ang “biru-biro.”
· Tandaan pa:
anó-anó hindi “anu-ano”; alón-alón hindi “alun-alon”; taón-taón hindi “taun-taon”

píso-píso hindi “pisu-piso”; pitó-pitó hindi “pitu-pito”; palóng-palúngan hindi “palung-


palungan”; pátong-pátong hindi “patung-patong”

Huwag baguhin ang dobleng O

Iminumungkahi rin ang paggalang sa ilang salita na may dobleng O (oo) kahit sinsundan ng hulapi. Gaya sa noo na lagyan man ng hulapi ay
nanatiling noohin.
Pairalin ito sa ilang salita na may UO gaya sa tuon at tuos na dapat baybaying pag tuonan at tuosin.
Halimbawa:
Noon - kanoonan nood - panoorin

Nood - panoorin tuod - tuoranin


Doon - panooran buod - buorin
Poot - kapootan buo - kabuoan
Pook - pook-pookin salimuot - kasalimuotan

Kapag bago ang kahulugan


ang pag papalit ng I sa E at U sa O kapag walang gitling ang inuulit na salita ay nagdudulot ng bagong kahulugan.
“haluhalo “ na iba sa “halo-halNagaganap o”

IHalimbawa: isang popular na pagkaing pampalamig ang haluhalo:paglalarawan naman ng pinagsama samang ibat ibang bagay
ang halo halo.
Salo-salo magkakasama at magkasabay na kumain
Salusalo - isang piging o handaan para sa maraming tao
Bato-bato paraan ng paglalarawan sa daan na maraming bato
Batubato - ibon, isang uri ng ilahas ng kalapati

PAGPAPALIT
NG "D" TUNGO
SA "R"
Ang panuntunang ng D sa R ay kadalasang nakalaan
para sa mga pang-abay na panglugar o ang katumbas
ng paggamit ng “too/also” sa wikang Ingles.

Mga halimbawa nito ang din/rin, daw/raw,


doon/roon, dito/rito, at diyan/riyan.

Kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa patinig, ito


ay susundan ng raw/rin/roon/rito/riyan. Kung ang salita
naman ay nagtatapos naman sa katinig, ang susunod ay
daw/din/doon/dito/diyan.
MGA HALIMBAWA
“Bawal pumasok dito!” “Wala rito ang hinahanap
niyong suspek.”
Dahil ang panghuling titik
ay katinig, ang kasunod na Ang panghuling titik ay
pang-abay na panglugar patinig A, kaya’y ang
ay nagsisimula sa titik na kasunod na pang-abay ay
D. nagsisimula sa R.
Kapag ang mga
salitang nagtatapos sa
Kung ang panghuling mga pantig na ra, re,
titik ay tunog-patinig, ri, ro, ru, raw at ray,
ito ay ginagamitan pa Sa simula ng ginagamitan ito ng
rin ng R. Kabilang dito pangungusap, ang daw at din. Walang
ang mga titik W at Y ginagamit na letra ay malinaw na paliwanag
na katunog ng mga ang nagsisimula sa D. sa panuntunang ito,
titik na U at I. ngunit maaaring ito ay
para maiwasan ang
aliterasyon sa loob ng
isang pangungusap.
MGA HALIMBAWA
“Pasaway raw ang batang hindi
“Dito ka umupo sa tabi ko!”
sumusunod sa payo ng
“Diyan siya nakatira? Sa iskwater
magulang.”
area?”
“May mga basang sisiw roon sa
tabi ng simbahan.”
“Maaari din kayong bumili ng PLM
pin bukod sa Caduceus pin.”
Bagaman ang titik na Y ay itinuturing
“Araw araw daw siya naliligo
na katinig, ito ay isang titik tunog-
ngunit mabaho pa rin ang kanyang
patinig, kaya ang sumusunod na
amoy.”
salita ay nagsisimula sa R.
Maaaring gamitin din ang panuntunan sa mga salitang
ugat na ginagawang isang conjugate na pandiwa o
conjugate verb.

Isang halimbawa rin kapag ang salita ay nagsisimula sa D at ito


ay gagawing pandiwang pangnagdaan, pangkasalukuyan, o
panghinaharap (past, present at future tenses sa Ingles) ang
pang-ulit na pantig ay magsisimula sa titik na R.

Kailangang paalahanin na hindi ito palagi sinusunod dahil minsa’y


angkop pa rin ang muling paggamit ng titik na D, tulad ng andito o
nandito.
MGA HALIMBAWA
“Darating ka ba bukas o sa
“Marumi ang batang lalaki na
makalawa nalang?”
nahulog sa kanal.”

Ang salitang ugat dito ay dating.


Ang salitang marumi ay isang
Ngunit kapag ito’y ginawang
conjugate verb dahil ito ay mula sa
pandiwang panghinaharap, ang
salitang ugat na dumi. Ngunit maaari
susunod na pantig ay da + -rating.
pa ring angkop ang paggamit ng
Makikita rin ito sa mga ibang anyo ng
madumi sa pangungusap na ito.
pandiwa.
MGA HALIMBAWA
KAILAN NG AT
KAILAN NANG
Ang paggamit ng Ng at Nang ay isa sa mga kilalang
pangkalituhan sa wikang Filipino. Pinagtatalunan ito kahit
ng mga eksperto sa wika sa wastong gamit ng “ng” na
maikli at “nang” na mahaba.

Ginawang pamantayan ni Lope K. Santos noong 1940 ang mga


tuntunin sa paggamit ng “nang” at “ng” nang walang tilde (ñg)
upang magpahiwatig ng maayos na kahulugan.

Sa bibig, ang mga salitang ito ay maaaring ipagpapalit dahil sila


ay mga homophones o mga salitang pareho ng bigkas at
magkatunog ngunit magkaiba ng baybay at kahulugan.
Paggamit ng "NG"
Ang Ng ay isang pang-ukol na ginagamit upang ipahiwatig ng
pagmamay-ari, at ang sumusunod na salita ay ang nagmamay-ari.
Sinasagot nito ang tanong na “ano” at “kanino”.

Katumbas ng Ng ang paggamit ng “of” at “apostrophe + S” sa wikang


Ingles.

Ginagamit din ang Ng sa pagtukoy ng isang direktang bagay na hindi


pokus.
MGA HALIMBAWA
“Tinapon ng nanay ang laruan ng bata sa sobrang galit.”
“Maghahanap na ako ng trabaho upang makatulong sa aking pamilya.”

Dito, kahit hindi bagay ang tinapon o pagtapon at paghahanap ng trabaho,


ito pa rin ay pokus at isang kilos na ginawa ng isang “pagmamay-ari”, o
kaya ang nanay tagapaghanap ng trabaho. Ang laruan naman dito ay isang
bagay na pag-aari ng bata.
Paggamit ng "NANG"
Ang Nang naman ay ginagamit sa pang-abay. Tulad ng kahulugan
ng pang-abay, ang Nang ay ginagamit upang baguhin ang isang
pandiwa.

Ito ay ginagamit sa pag-uulit ng salita at sinasagot nito ang tanong


na “paano” at “gaano”. Ito rin ay pwedeng kapalit sa mga salitang
parang at upang, noong at sa katumbas ng pinagsámang na at
“ng.”
MGA HALIMBAWA
“Iyak nang iyak ang batang “Umabot nang isang taon ang paghihintay
makulit.” ni Maria Clara sa kanyang nobyo.”
Dito naman sinasagot kung gaano katagal ang
Upang mabigyang diin ang pandiwang
paghihintay.
iyak, ito ay inulit gamit ang nang para
ipahiwatig ang tindi ng pag-iyak ng “Umaalis siya papuntang Maynila nang
bata. makapasok kaagad sa paaralan.”
Kung ipagpapalit ang nang dito sa para at
upang, hindi magbabago ang kahulugan.
“Hinahabol si Dave ng aso kaya siya
ay tumakbo nang matulin.” “Nang dumating ako sa simbahan,
Sinasagot ng pangungusap na ito ang tumakas na pala ang babaeng ikakasal.”
tanong na “paano tumakbo si Dave?” Maaaring ipagpalit ang nang dito sa noong at
ang kahulugan ay hindi magbabago.
MGA HALIMBAWA
Maaaring tandaan na ang paggamit ng Ng ay kapag sinusundan ng isang
pangngalan, habang ang Nang ay nauuna sa isang pandiwa o pang-uri.
PAGBABALIK
NG TULDIK
TULDIK
Kilala sa tawag na asénto o isres/stress sa Ingles.

( ` )
Nilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita upang
maipatiyak ang wastong pagbigkas.
Ginagamit upang maging malinaw ang pagbikas
ng salitang may parehong baybay ngunit

)
magkaiba ang kahulugan at pagkakagamit sa

( ^
konteksto.

( ´)
MALUMAY

MALUMI

MARAGSA

MABILIS

mabagal mabagal mabilis mabilis


walang impit may impit may impit walang impit



Sa ibabaw ng sa ibabaw ng sa ibabaw ng sa ibabaw ng





patinig sa patinig sa huling patinig sa huling patinig sa huling


ikalawang huling pantig pantig pantig
pantig
(penutilma)

tuldik pahilis (´) tuldik paiwa (`) tuldik pakupya (^) tuldik pahilis (´)

páso pasò

pasô

pasó

MGA WASTONG GAMIT


NG GITLING
GITLING
Ang gitling ay isang uri ng bantas na
marami ang gamit.
MGA GAMIT NG GITLING
SA ISAHANG SA
INUULIT NA PAGHIHIWALAY
SALITA PANTIG NA
TUNOG NG KATINIG AT

PATINIG

anó-anó
aráw-áraw tik-tak pag-ása
gabí-gabí ding-dong mag-isá
pali-palíto tsk-tsk ágám-ágám
pabálik-bálik

MGA GAMIT NG GITLING


SA PINABIGAT SA BAGONG SA PASULAT NA
NA PANTIG TAMBALAN ORAS

mús-ing (Bikolano)
lipat-bahay ika-11 ng umaga
dungis
bagong - salta ika - 100 anibersaryo
húl-ab (Sebwano) ukà
pusong- martir alas-3 ng hápon
líg-in (Sinaunang
Tagalog) pagiging
alanganin

MGA GAMIT NG GITLING


SA KASUNOD SA APELYIDO SA PAGSAKLAW


NG “DE” NG PANAHON

de-bóla Kryz Uy - Young 1945 - 1965 (Unang


de-láta Crisanta Orosa - Bugso ng
de-kahón Anciano Modernismo)

1882 -1903 (Panahon
ng Patinding
Nasyonalismo)

KARAGDAGANG
IMPORMASYON...
PAGSASALIN
WIKA NG
PAGSASALIN
Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang teksto sa
pinakamalapit na diwa mula sa Simulaang
Lengguwahe (SL) papunta sa Tunguhang
Lengguwahe (TL).
Dalawang wika ang dapat pagpakadalubhasaan
ng tagasalin sa ordinaryong sitwasyon.
PRINSIPYO AT LAYUNIN
SA PAGSASALIN
Imitasyon o Panggagaya ang sumasaklaw sa paghahanap ng
katumbas na salita para sa Simulaang Lengguwahe (SL)
hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng
orihinal na akda.

Reproduksiyon o Muling-pagbuo ang layuning tumutupad sa


inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng
tagasalin. Nagbibigay ito ng kalayaan at pleksibilidad sa proseso ng
pagsasalin.
MGA KONSIDERASYON
SA PAGSASALIN
PRAGMATIKS NG SALIN
Maaaring iwasan ang paggamit ng panandang pangkayarian na
“ay” upang maging maikli, natural, at madulas ang salin.
Mas ginagamit ang estilo ng lengguwahe ng wika ng target na
mambabasa kaysa sa estilo ng lengguwahe ng may-akda.

KONTEKSTO NG SALIN
Kailangan ng tagasalin na matutong ikonsider ang mga tinatawag
na “accomodatory situations” na maaaring mangailangan ng
tinatawag na “structural adjustments” at kung kadalasa’y “textual
manipulations”.
Hindi kailangang de-kahon ang pagsasalin.
MGA KONSIDERASYON
SA PAGSASALIN
INTENSIYON NG ORIHINAL NA AWTOR O SALIN
Dapat na ganap na nauunawaan ng tagasalin ang kahulugan at
ang ibig sabihin ng orihinal na awtor.
Nararapat din na malapatan ng tagasalin ng angkop na himig ang
himig ng orihinal upang manatiling obhetibo at makatunayan sa
paksa ng materyal ang pagsasalin.

TARGET NA MAMBABASA NG SALIN


Gumamit ng anyo ng salita na alam ng nakararami sa Tunguhang
Lengguwahe.
TATLONG PARAAN
NG PAGSASALIN
AYON KAY ROMAN JAKOBSON
TATLONG PARAAN NG PAGSASALIN
Ayon kay Roman Jakobson, ang pagsasalin sa pangkalahatan ay nagsasangkot
ng paglilipat ng isang teksto mula sa simulaang wika o SL patungo sa
tunguhang wika o TL, upang matiyak na: Una, magkatulad, humigit-kumulang,
at litaw na kahulugan ng dalawa (SL at TL). Pangalawa, hangga't maaari,
gawing katulad ang istraktura ng SL ngunit hindi sapat upang sirain ang
istraktura ng TL.

Ang mga paraang ito ay tinatawag na: Interlingguwal na salin, Intralingguwal


na salin, at Intersemyotikong salin.
INTERLINGGUWAL NA SALIN
Ito ay isang uri ng pagsasalin na mas kadalasang ginagamit. Dito, ang
tagasalin ay hindi lamang nakatuon sa salita, kundi pati na rin sa eksaktong
salita na tumutugma sa simbolo nito.

HALIMBAWA:
Sa ingles, ang rice ay may isa lamang paraan na paggamit sa iba’t-ibang uri
ng pangungusap. Nguti sa Filipino, ang rice ay may iba’t ibang kahulugan.
Ang kahulugan na ito ay nakadepende kung paano nagamit sa isang
pangungusap.
INTRALINGGUWAL NA SALIN
Ito rin ay karaniwang tinatawag na paglilipat-salita
Dito rin nakapaloob ang Paraprasis o Paraphrase sa ingles

HALIMBAWA:
Namatay = Pumanaw
Pagod = Hapo
Ingles: Filipino is easy to understand if you are fully determined to learn it.
Salin: Madaling intindihin ang Filipino kung magpapasya kang pag-aralan
ito.
INTERSEMYOTIKONG SALIN
Ito ay isang simbolikong interpretasyon ng mga sinasalitang palatandaan
gamit ang isang non-verbal sign system.

HALIMBAWA:
Ang mga akda ni JK Rowling na nagngangalang Harry Potter ay isinalin
patungong pelikula.
Ang librong Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children ay isinalin
patungong graphic novel na isang uri ng komiks.
TUNTUNIN SA PANGHIHIRAM
Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o banyaga.
Halimbawa: Expert (dalubhasa); ability (kakayahan); rule (tuntunin)

Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at
panatilihin ang orihinal na baybay.
Halimbawa: Imagery (Haraya - Tagalog), Husband (bana - Cebuano)

Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang
wikang banyaga
Halimbawa: Pollution - polusyon; Cheque - tseke
TUNTUNIN SA PANGHIHIRAM
Hiramin ng tuwiran ang salita kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man
ngunit hindi nauunawaan ng nakararami
Halimbawa: soprano - soprano; memorandum - memorandum

Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin ng konsistent, ayon
sa simulaing kung anong bigkas ay siyang sulat at kung anong sulat ay siyang basa.
Halimbawa: control - kontrol, meeting - miting

Hayaan muna sa orihinal na anyo ang mga salitang kapag binaybay ayon sa alpabetong
FIlipino ay hindi mababakas ang orihinal na ispeling nito.
Halimbawa: coach, sandwich, rendezvous
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
MGA SANGGUNIAN
Almario, V. S. (2013). Binagong gabay sa ortograpiya ng wikang FIlipino. Komisyon sa WIkang
FIlipino. https://mlephil.files.wordpress.com/2013/04/binagong-ortograpiya-sa-wikang-filipino.pdf

Buban, R. S., (2014). Ang Pagsasaling teknikal: Pagsipat sa praktika at pagpapahalaga / Technical
translation: Revisiting the practive and essentials. ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/316249602_Ang_Pagsasaling_Teknikal_Pagsipat_sa_Pra
ktika_at_Pagpapahalaga_Technical_Translation_Revisiting_the_Practice_and_Essentials

Coroza, M. (2016). “Taksil daw ang tagasalin?” Isang pag-unawa sa pagsasalin bilang Disiplina.
https://archium.ateneo.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1009&context=filipino-faculty-pubs

Torres-Rada, E. (n.d.). Estilo ng Pagsasalin sa Wikang Filipino ng mga teksbuk sa Araling


Makabayan. http://scientia-sanbeda.org/wp-content/uploads/2017/07/vol-2.1-Estilo-ng-Pagsasalin-
sa-Wikang-Filipino-ng-mga-Teksbuk-sa-Araling-Makabayan.pdf

Vivas, J. (2020, August 25). How to use “dito” and “rito” correctly. Manila Bulletin.
https://mb.com.ph/2020/08/25/how-to-use-dito-and-rito-correctly/

You might also like