You are on page 1of 47

FILIPINO 1

Aralin 1
2 0

Akademiko sa
2 5

Wikang Filipino

Prepared By:
Tr. Chiselle Ann Moran

RHMC
UKSY
D O
TRO

WIKA
N

Bawat estudyante na kumukuha ng Filipino


I

1 ay kinakailangang magkaroon ng sapat na


kaalaman at kasanayan sa Akademiko sa
Wikang Filipino. Napapaloob sa aralin na
ito ang mga gawaing kasasalaminan ng
kaalaman at pagsusuri tungkol sa wika,
antas ng wika at ang mga barayti ng wika
UKSY
D O
TRO

WIKA
I N

Sa anumang larang ng buhay mahalaga


ang ginagampanan ng komunikasyon.
Upang maging ganap at epektibo ang
komunikasyon kinakailangan nito ng
midyum, at ang midyum na ito ay wika.
UKSY
D O
TRO

WIKA Ayon kay Ortiz (2012 sa academia.edu), ang


I N

wika ay binubuo ng mga salita na ginagamit


ng isang pangkat o komunidad. Magiging buo,
ganap, at kapaki-pakinabang ang pagkatuto at
paggamit ng wika kung naisasaalang-alang at
natatalakay ang mga laylayang konsepto ng
wika: Kahulugan, katangian, kahalagahan, antas
at barayti ng wika.
Leksiyon 1: Ang aralin na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na leksiyon

Kahulugan,
Katangian at
Kahalagahan ng
Wika
Sa tingin mo, ano ba ang isa sa
pangunahing pangangailangan ng tao
upang mapanatiling maayos ang
pakikipamuhay niya sa kanyang
kapaligiran?
Isa sa pundamental na pangangailangan ng tao ay ang
maisakatuparan ng maayos ang sistema ng pakikipagtalastasan o
pakikipag-ugnayan nang sa ganoon ay matugunan at magampanan
nito ang maayos na pakikipagpalitan ng impormasyon o kabatiran sa
ibang tao. Mangyayari lamang ang maayos na komunikasyon kung
mayroong instrumento o sistemang gagamitin ang tao sa kanilang
pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon. Ang mahalagang
instrumento na tinutukoy sa komunikasyon ay ang wika.
SEMANTIC WEB

1. Isulat sa mga bakanteng biluhaba ang mga maiisip mong


salita o kaisipan na kaugnay ng salitang nasa loob ng gitnang
biluhaba.
2. Gumawa ng sariling kahulugan mula sa mga
salitang naiugnay sa konseptong wika.
3. Isulat ang kahulugan ng mga salita sa kahon na nasa ibaba.
SEMANTIC WEB
KAHULUGAN NG
WIKA
Ang bawat isa ay may samot-saring pagpapakahulugan ng
wika ngunit mayroong mga tanyag na dalubhasang nagbigay ng kani-
kanilang pagpapakahulugan.

Isa na rito ay si Webster (Bernales et al., 2011) na inilarawan niya na ang


wika ay isang sistema ng pagpapalitan ng mga ideya o kaisipan sa
pagitan ng dalawa o higit pang tao sa parehong berbal o di-
berbal. Ibig sabihin, kung wala ang wika ay walang mangyayaring
komunikasyon sapagkat kailangang pagsamahin ang dalawa upang
maging epektibo ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
KAHULUGAN NG
WIKA

Ayon kay Archibald Hill (Tumangan, et al., 2000), ang wika ay ang
pangunahin at sistematikong paraan ng simbolikong gawaing pantao. Ang
mga ito ay binubuo ng mga tunog at isinasaayos na siyang lumilikha ng
isang komplikadong istruktura. Mayroong kahulugang arbitraryo at
kontrolado ng lipunan ang mga simbolong ito.
KAHULUGAN NG
WIKA

Batay naman sa isinaad ni Henry Gleason (Tumangan, et al.,


2000), ang wika ay kompleks na kinalalakipan ng maayos na
sistema at binibigkas na mga tunog. Ito ay kinakailangang
isaayos at piliin sa paraang arbitraryo na ginagamit ng mga
taong kabilang sa isang pangkat na may parehong kultura.
KATANGIAN NG
WIKA

Ang una, ay ang pagkakaroon nito ng


masistemang balangkas.

Bakit kaya masistema ang


balangkas ng wika?
KATANGIAN NG
WIKA

Sapagkat anumang
wika sa mundo ay nakaayos ng sistematiko na
may sinusunod na isang tiyak na patern. Lahat ng
wika ay nakaayon sa balangkas na ito dahil
pundasyon ng lahat ng wika ang tunog.
KATANGIAN NG
WIKA

Ang
balangkas na ito ay sinisimulan sa isang
makahulugang tunog na tinatawag na ponema, at
ang
tawag sa makaagham na pag-aaral ng
pinakamaliit na yunit ng tunog (ponema) ay
ponolohiya.
KATANGIAN NG
WIKA

Pagkatapos, ay sinusundan ito ng mga


pinagsama-samang ponema na maghahantong
sa
pagkabuo ng maliit na yunit ng salita o morpema.
KATANGIAN NG
WIKA

Tinatawag na morpolohiya ang makaagham na


pag-aaral ng mga morpema. Makabubuo tayo ng
mga pangungusap kapag pinag-uugnay natin
ang mga salita. Sa pangkarunungan na pag-aaral
ng pangungusap ay tinatawag na sintaksis. At
kapag nagpalitan na ng mga pahayag ang dalawa
o higit pang indibidwal ay nagkakaroon na ng
tinatawag na Diskurso.
Balangkas
ng Wika

salitang-ugat +
tunog pangungusap diskurso
panlapi +

ponema morpema sambitla


(ponolohiya) (morpolohiya) (sintaksis)
KATANGIAN NG
WIKA

Ang pangalawang katangian ng wika ay


sinasalitang tunog.

Ang lahat ba ng tunog ay


wika?
KATANGIAN NG
WIKA

Sapagkat hindi lahat ng tunog ay wika dahil hindi


lahat ng tunog ay may makabuluhang kahulugan.
KATANGIAN NG
WIKA

Sa tao, ang tunog na sinasalita ay ang pinakamakahulugang tunog


(wika) na siyang kasangkapan sa halos lahat kung hindi man sa
lahat ng pagkakataon. Ang proseso ay nagsisimula sa hangin na
nangagaling sa baga o pinangagalingan ng lakas o enerhiya at
ito’y dadaan sa pumapalag na bagay na tinatawag na babagtingang
tinig, mula rito ang hangin ay nagiging tunog na nililikha ng
artikulador. Pagkatapos nito, ang tunog ay mino-modify ng
resonador (bibig at ilong) na siyang nagiging makabuluhan at
makahulugang tunog, ito ay ang mga salita o pahayag na ating
binubulalas.
KATANGIAN NG
WIKA

Ang pangatlong katangian ng wika ay


pinipili at isinasaayos.

Sa lahat ng pagkakataon
na tayo ay nakikipag-usap o nakikipagtalastasan
ay pinipili at isinasaayos natin ang ating wikang
gagamitin.
KATANGIAN NG
WIKA
Kung ikaw ay makikipag-usap, bakit mo pinipili ang
iyong wikang gagamitin?

Karagdagan, upang matiyak ang pagiging sensitibo (kultura, edad,


kasarian at lahi) at nang maiwasang makasakit ng kapwa ay dapat
pinipili ang salitang ginagamit. Upang maging malinaw at
lubusang maunawaan ang mensahe ay isinasaayos nang tama ang
wika o mga salitang ginagamit.
KATANGIAN NG
WIKA

Ang pang-apat naman na katangian ng


wika, ang wika ay arbitraryo.

Ano kaya ang ibig


ipakahulugan nito?
KATANGIAN NG
WIKA
Ayon nga sa isang kasabihan, walang kahit na sinumang
indibidwal na magkapareho sa lahat ng aspeto. Ibig sabihin na
ang bawat isa ay may sariling pagkakakilanlan
at gayundin ang wika.

Ano ang napapansin mo sa komunidad na iyong kinabibilangan?


Diba gumagamit kayo ng isang wika na inyong pinagkasunduang
gamitin dahil dito kayo nagkakaintindihan?
KATANGIAN NG
WIKA

Ang panlimang katangian ng wika ay


ginagamit.
Upang mapanatiling buhay ang wika, ito ay kinakailangan gamitin.
Masasabing buhay ang wika kung ito ay patuloy na nagagamit sa
lipunan. Aktibong nagagamit ang wika sa komunikasyon sa iba’t ibang
larang. Gaya na lamang ng kasangkapan sa pagluto, kung ang mga ito
ay hindi magagamit ito ay nabubulok at tuluyang nawawalan ng saysay at
gamit.
KATANGIAN NG
WIKA

Ang pang-anim na katangian ng wika ay


nakabatay sa kultura.
Ang wika ay nakaangkla sa kultura. Sa anumang lahi sinasalamin ng
wika ang yaman ng kultura sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang
natatangi lamang sa isang lahi.
KATANGIAN NG
WIKA

Ang pampitong katangian ng wika ay


nagbabago.

Bakit kaya nasabi na ito’y


nagbabago?
KATANGIAN NG
WIKA

Ang pampitong katangian ng wika ay


nagbabago.

Sapagkat dinamiko ang wika at hindi maaaring


tanggihan ang mga pagbabago.
Kasabay ng pagbabago ng mundo ay ang pagbabago
rin ng wika. Habang patuloy na ginagamit
ang wika umuunlad ang leksikograpiya nito.
Kahalagahan
ng Wika
Para sa iyo, gaano nga ba kahalaga ang wika?
Halaga
ng Wika

Una, Instrumento ng
komunikasyon.
Halaga
ng Wika

Una, Instrumento ng
komunikasyon.
Paano mo masasabi na ang wika ay instrumento
ng komunikasyon?
Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating mga
saloobin, ideya o kaalaman sa pasulat man o
pasalitang gawain ay masasabi nating nagiging
instrumento ang wika sa pakikipag-ugnayan o
pakikipagtalastasan sa ating kapwa. Nagkaka-uunawaan
ang dalawang tao dahil sa epektibong paggamit ng wika
at ang isang bansa naman ay nagkaka-ugnayan dahil na
rin sa kanilang wika. Kaya’t ang wika ang pangunahing
instrumento o gamit upang magampanan natin ang
ating mga tungkulin sa pang araw-araw.
Halaga
ng Wika
Pangalawa, Nag-iingat
at Nagpapalaganap
ng kaalaman.
Use these design resources in
your Presentation. Happy
designing!

Delete or hide this page before


presenting.
Halaga
ng Wika
Pangalawa, Nag-iingat
at Nagpapalaganap
ng kaalaman.
Paano mo nga ba naiingatan at napapalaganap ang iyong
mga kaalaman batay sa mga nakalipas na panahon?
Naisasalin at napapakinabangan ang isang bagay kung ito’y patuloy na ginagamit at
iniingatan hanggang sa kasalukuyan. Dahil sa wika ay nagiging madaling panatilihin ang mga
kaalaman na maaaring isalin sa ibang saling-lahi. Marami na ang naisasalin at
napapakinabangan ng karamihan halimbawa na lamang dito ay ang mga naisulat ni Dr. Jose
Rizal na kahit ilang dekada na ang lumipas ay kasalukuyan pa rin itong napakikinabangan dahil
ito ay patuloy na iniingatan.
Halaga
ng Wika
Pangatlo,
Nagbubuklod ng
Bansa.
Paano mo nga ba naiingatan at napapalaganap ang iyong
mga kaalaman batay sa mga nakalipas na panahon?
Napakamakapangyarihan ng wika, kaya nitong
bumuo ng isang imperyo at sa parehong pagkakataon
ay kaya rin nitong magwasak. Halimbawa
nito, ang wikang tagalog ang nagbuklod sa mga
katipunero upang makamit ang kalayaan na
ating tinatamasa ngayon laban sa mga mapang-
abusong mga mananakop.
Halaga
ng Wika
Pang-apat, Lumilinang
ng Malikhaing Pag-
iisip.
Ang imahinasyon ay bunga ng wika. Nailalakad ng wika ang
ating isipan sa iba’t ibang mundo kahit sa mundong hindi
umiiral.

Halimbawa, ikaw ay nagbabasa ng wattpad:

Dahan-dahang pinasok ni Clara ang kwarto ni Juan, sa kanyang pagpasok ay agad


niyang isinara ang pintuan at idinukot ang kamay sa kanyang bulsa at kinuha ang isang matalim
na bagay.= Ano kaya ang sunod na gagawin ni Ronor? Mula sa bahagi ng kuwento, gamit pa rin
ang wika ay napapagana at lumalakbay ang ating malikhaing pag-iisip.
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.
(5 puntos bawat bilang)

1. Sa iyong sariling malalimang pagkakaunawa, gumawa ng sariling kahulugan ng wika.

_____________________________________________________________________________________________________________
_
2. Batay sa mga katangian ng wika na nailahad, ano pa ang maidaragdag mo na
makakatulong upang maging epektibo ang pagpapahayag o pakikipagtalastasan?
______________________________________________________________________________________________________________
_

3 Mula sa iyong natutuhan o mga karanasan, gaano kahalagang pag-aralan ang wika?
THANK YOU FOR LISTENING!!

You might also like