You are on page 1of 8

SEMANTIKA

• Sentro ng komunikasyon
• Pinag-aralan ang relasyon ng mga Sakita sa pangungusap
• Ito ay proseso ng pag-iisip o proseso ng pagkakamit at pagbubuo Ng
kaalaman
• Ito ay proseso ng pag-iisip, kognisyon, at konseptwalisasyon.

Lydia Fer Gonzales- Garcia


• Nagsasabing ang semantika ay sentrong daluyan ng ibat-ibang larangan ng
isipan at disiplina ng pag-aaral tulad ng linggwistika, pilosopiya, at sikolohiya.
 
Pilosopiya
• Nangangahulugan ng pag-unawa sa paraan ng kaalaman ng isang tao ng
kanyang nasasaisip, gayundin ang tuntunin ng tamang pag-iisip ng
ebalwasyon o pagtataya ng katotohanan.
 
Sikolohiya
• Nangangahulugang pag-unawa sa isipan
LEKSIKAL NA ITEM
• Maaaring dalawa o tatlong magkakaibang salita, maaaring may iba't ibang
anyo at maaaring dalawang hiwalay na item ang leksikal na item.
Halimbawa:
ESTRUKTURANG LEKSIKAL

• Binabanggit dito ang ukol sa hiponimi (hyponym) at antonimi (antonym).


Ang kaugnayan ng kahulugan ng isang leksikal na item na napapaloob sa
kahulugan ng iba ay tinatawag na hiponimi.
Halimbawa:
• agila, pipit, manok, gansa, at pato-ang lahat ng ito'y nabibilang o nauuri sa
ibon. Sa pamamagitan ng mga halimbawang ito, makikita ang
paglalarawan ng kaugnayan ng bawat isa.
Naiiba naman ang bundok at haligi. Ang relasyon ng dalawang
item na ito ay tinatawag na incompatible. Dahil ang bundok ay
maipapangkat sa burol, talampas, gubat, at talon samantalang
ang haligi naman ay maigugrupo sa tukod, suhay, Patungan, at
poste.
• Sa anatonimi naman, magkasalungat ang relasyon ng mga leksikal na
item. May apat na paraan ang pagsasalungatan:
1.Pagkakasalungat ng matanda’t bata, buhay at patay, matangkad at pandak,
itim at puti matawag itong tunay na anatonimi.
2. Maraming magkasalungat tulad ng kulay: dilaw at lila, berde’t puti, rosas
at itim; mga gamit sa bahay tulad ng kutsara’t kutsilyo, kutsara’t tinidor,
pinggan at baso; mga pagkain tulad ng kape’t gatas, kanin at ulam, tinapay at
mantikilya.
3. Pagpapares na itinuturing na gradable antonym tulad ng mainit at
malamig, tuyo’t basa, mabilis at mabagal.
4. Pagpapares tulad ng bumibili’t nagtitinda, magulang at anak, itaas at ibaba
masasabing ang pares ng magkasalungat na mga salita dumidepende sa
bawat isa. Ayon kay lynons (1968), tinatawag itong converse.

You might also like