You are on page 1of 20

PAGTATAGUYOD NG

WIKANG FILIPINO
SA MAS MATAAS NA
EDUKASYON

Isininumite nina:
(Unang Pangkat)
Luardo, Justine Angel Lumapas, Eula Gia
Moncales, Jhenn Morales, Ella Kristine
Palmero, Angel Jean Pineda, Kaye
Samparang, Kareen Yting, Joyce Trisha
Trocio, Nova
Isinumite kay:
Bb. Aisa B. Amiang

Setyembre 2019
PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA
EDUKASYON

Ang kabanatang ito ay naglalayong makamit ang mga layuning maipaliwanag ang
kahulugan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstuwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at buong bansa; at maipaliwanag ang mahigpit na
ugnayan ng pagpapalakas ng Wikang Pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad
at pambansang kaunlaran.

Pangkalahatang Depinisyon ng Wika

Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay maraming depinisyon. Subalit, ito ay


pumupunto sa iisang pangkalahatang depinisyon. Ang wika ang namamagitan upang
maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa, tao, ibang tao, paligid, mundo, obhektibong
realidad, panlipunang realidad, politikal, ekonomik at kultura. Ito ay ang daluyan ng
kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at lipunan. Ibig sabihin, ang wika ang tanging
paraan upang maisalin ang kaalaman, karanasan at alaala ng isang lahi at lipunan sa iba.

Iba pang Depinisyon ng Wika

Ang iba’t ibang mga dalubwika ay nagpahayag ng sarili nilang konsepto ukol sa
kahulugan ng wika. Ayon kay Gleason (1961), ang wika ay masistemang balangkas ng
mga sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng
mga taong kabilang sa isang kultura. Ayon kay Sapiro (2014), ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.

Binigyang kahulugan ni Hemphill (2014) ang wika bilang isang masistemang


kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng
isang pangkat ng mga tao at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga tao.

Paglilinang ng Wika bilang Instrumento ng Komunikasyon

Ang wika ay ginagamit ninuman. Ito rin ay malilinang sa pamamagitan ng


sumusunod:

 BASIC INTERPERSONAL COMMUNICATION SKILLS (BICS)


- Pakikipagkomunikasyon gamit sa sosyalisasyon (social language skills).
- Ito ay isang proseso ng paglilinang ng wika sa pamamagitan ng paggamit nito
araw-araw.
- Hindi nangangailangan ng malalim na kognitibong pang-unawa (Shulman, 2011).
 COGNITIVE ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENCY (CALP)
- Ayon kay Cummings (1981), ang CALP ay ang paggamit ng wika tulad ng
Filipino sa higit na mataas na abstraktong pag-iisip. Ito rin ay ang kakayahang
gamitin ang wika sa mga sitwasyong tinatawag na context reduced, ang
kakayahang gamitin ang wika sa pag-aaral at pagtalakay ng mahihirap ang
kaisipan (abstractions).
- Mahalaga malinang para sa katagumpayan ng isang mag-aaral.

Kahalagahan ng Wika

Sa pagbabagong-hugis ng edukasyon, mahalaga ang papel na ginagampanan ng


wika. Nagsisilbi itong tulay upang maunawaan kung ano ang tinutukoy na pagbabago.
Mahalaga ang wika sa sumusunod sna aspeto:

1. Ginagamit sa pakikipagkomunikasyon upang maunawaan ang ipinapahayag ng


mga tao, lipunan at iba pang kapaligiran na ginagalawan ng isang tao.

2. Daan sa pag-unlad ng isang bansa.

3. Nagkakabigkis-bigkis at nagkakaisa ang mga mamamayan.

4. Tumutulong upang mag magkaroon ng pagtitiwala sa sarili.

5. Nalalaman ang lahing pinagmulan at pagkakahalaga sa kulturang minana mula


sa kanila.

6. Nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad ng isang bansa.

Katangian ng Wika

Ang wika ay may iba’t ibang katangian. Ito ay kinakailangan upang mas
maintindahan ang kahalagahan ng wika at ang gamit nito (Talastas, 2015).

1. Ang Wika ay Sinasalitang Tunog

Ayon sa ibang teorya ng wika, ang wika ay nagmula sa tunog na ang bawat tunog
ay makahulugan.

Tulad na lamang sa simpleng pag-iyak ng isang sanggol, ginagamit ng sanggol


ang kanyang pag-iyak upang maiparating sa kanyang ina na siya ay may
pangangailangan. sa tuwinang nakaririnig tayo ng iyak ng isang sanggol, atin itong
binibigyang-kahulugan na

baka siya ay nagugutom na, umihi, nadumi, may karamdaman o may dinaramdam.

2. Ang Wika ay Arbitraryo

Walang tiyak na makakapagsabi kung paano talaga nagsimula o paano nagkaroon


ng wika ang bawat lahi sa daigdig; ang anumang paggigiit sa isang teoryang pinagmulan
ng wika ay lilikha lamang ng pagtatalo.

Halimbawa, sa wikang bisaya ay "arbitraryo" o napagkasunduan at sinang-ayunan


ng lahat ang salitang libang ay nangangahulugang pagdumi. Samantala, sa Tagalog
naman ay arabitraryo o napagkasunduan at sinang-ayunan ng lahat ng ang salitang libang
ay nangangahulugang pampalipas oras o pagpapalipas ng oras. Gaya pa sa mga
halimbawang sa Tagalog ay sitaw at sa Ilocos ay utong. hindi natin maaaring paratangan
na may kabastusan ang wika ng Ilocos dahil sa utong ang tawag nila sa sitaw.

3. Ang Wika ay Buhay o Dinamiko

Tulad ng isang bagay na buhay, ang wika ay patuloy na nagbabago sa pagdaan ng


panahon. Ito ay masasabing permanenteng katangian ng wika. Ang pagbabago ay
maaaring tungo sa pag-unlad. Maaaring may ma salitang nawawala o hindi na ginagamit
subalit napapalitan ito ng mga bagong salita.

Halimbawa, ang salitang pinid. Ilan pa sa atin ang nagsasabing ‘Ipinid mo ang
pinto’. Wala na. Gayon din ang buhay ng mga bagay. May mga bahagi na nawawala
subalit napapalitan ng bago.
4. Ang Wika ay Nakabuhol sa Kultura

Bawat wika ay may naiibang katangian na hindi matatagpuan sa iba sapagkat may
mga bagay na bahagi ng isang kultura.

Halimbawa, sa Pilipinas ay mayroon tayong iba-ibang katawagan sa palay. Palay


ang tawag natin sa tanim na at bunga nito na hindi pa nababalatan. Subalit pag ito ay
nabalatan na at iniluto, ito’y tinatawag na kanin, bahaw ang tawag sa malamig na kunin.

5. Walang Wikang Dalisay o Puro

Sapagkat ang wika ay nakabuhol sa kultura, ang panghihiram ng salita sa ibang


wika ay hindi maiiwasan. May mga konseptong hindi naipapahayag sa isang wika na
maipahayag naman sa iba. Dahil dito, walang masasabing purong Filipino o purong
Ingles man. Tingnan nating ang wikang Ingles. Maraming salita sa Ingles ang galing sa
Latin, Griyego, Espanyol at iba pang wika.

Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

6. Walang Wikang Superyor

Kapag napili ang isang wika bilang isang wikang pambansa, hindi
nangangahulugan na ang nasabing wika ay higit na superior sa iba pang wika ng bansa.
Sinasabing sa kultura o kalinangan nakabatay ang pag-unlad. Ang wika ay isang bagay na
makapangyarihan sapagkat marami itong nagagawa sa isang indibidwal. Nagiging
kasangkapan ito sa pag-unlad ng isang tao. Ang wikang ginagamit ng mga taong may
isang kultura ay may kasapatan sa pangangailangan ng mga taong gumagamit nito.

Ang mga Pilipino, halimbawa, ay may sapat na pantawag sa rice tulad ng palay,
bigas, malagkit, pinipig, sinaing, sinangag, nilugaw, bahaw, tutong. Dahil ito ang
kanilang pangunahing pagkain at marami silang pantawag sa carry tulad ng bitbit, kipkip,
sunong, pasan, dala, hawak, pangko, karga dahil sa pangkulturang gawain ng tao.
Mga Katawagang Pagkatuto ng Wika

Ang wika ay nahahati sa apat na kategorya:

1. Barayti ng Wika

Itinuturing na higpit na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinitawag na estilo ng


prosa o estilo ng wika ang barayti. Ayon sa mga pananaliksik, bawat wika ay binubuo ng
higit sa isang barayti.

Ang dayalek at sosyolek ay uri ng barayti, kung saan ang una ay sinasalita ng mga
tao sa heograpikong komunidad, samantalang ang huli, ay barayti na sinasalita ng mga
tao sa isang lipunan.

a. Dayalek

Ito ay ginagamit ng mga tao sa heograpiyang kumunidad. Nagkakaintindihan ang


nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika ngunit alam nilang may pagkakaiba ang mga
salitang kanilang nariring. Maaaring iba ang kahulugan ng kanilang salita sa salitang
ginagamit ng iba.

b. Sosyolek

Ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Bawat pangkat o klasipikasyon ng


mga mamamayan ay may kani-kaniyang relasyong sosyal na tinatawag na sosyolek.

c. Idyolek

Ito ang punto o paraan ng pagsasalita ng isang tao. Anuman ang katutubo o unang
wikang kinagisnan ng isang indibidwal, sa pag-aaral ng iba pang wika, lagging taglay ang
katangian sa unang wika. Ito ay tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng
tao. Ang edad, kasarian, hilig o interes at katayuan sa lipunan ay nakakaapekto dito.

2. Wikang Pambansa

Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit ito sa pamamahala


at pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang kaniyang sakop. Kung ang bansa ay
multilungguwal tulad ng Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang
maging tulay na wika sa pag-uugnay ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may kani-
kanilang katutubong wikang ginagamit. Bukod dito, pambansang daluyan ng
komunikasyong tulad ng telebisyon, radio, at mga pahayagan, gayon din naman ng mga
kilalang politiko, mga komentarista, mga manunulat at makatang gustong maabot ang
buong bansa.

3. Lingua Franca

Sa teknikal na pagpapakahulugan, ang paggamit sa pag uusap ng mga tao ng


alinmang wikang hindi katutubo sa gumagamit ay itinuturing na panagalawang wika.
Kapag ang nasabing pangalawang wika ay palasak na ginagamit sa isang pook, ang
wikang iyon ay itinuturing na Lingua Franca ng pook. Kaya’t sinasabing ang Ilocano ay
lingua franca ng Hilagang Luzon, ang Tagalog ang Lingua Franca ng Timog Luzon at ng
gawing Kanluran ng Kabasiyaan, at ang Cebuano naman ang Lingua Franca sa gawing
Silingan ng Kabisayaan at kalakhang bahagi ng Mindanao.

4. Antas ng Wika

Narito ang iba’t ibang antas ng wika na tinalakay sa pamamagitan ng Step Ladder.

1. Balbal- pinakamababang antas ng wika.

2. Kolokyal- karaniwang pakikipag-usap ng isang indibiduwal.

3. Diyalekta/Lalawiganin- mga salitang ginagamit mula sa lalawigan.

4. Pambansa/Lingua Franca- gamit sa iba’t ibang disiplina/sitwasyong pang-akademiko.

5. Masining o Pampanitikan- pinakamataas na antas ng wika.

Tungkulin ng Wika

Nagbigay si Halliday (1983) sa kanyang Explorations in the Functions of


Language ng nakakategoryang tungkuling ginagampanan ng wika sa isang
indibidwal.

 Pang-interaksyunal- nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.


Halimbawa, ang ugnayan ng bawat pamilya ay nasusukat sa kung paano sila
nakikipag-usap sa isa’t isa.
 Pang-instrumental- nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong at pag-uutos.
Ang wika ay instrumento upang mas mapadali ang mga gawain.
 Panregulatori- kumokontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Ang mga batas ay isa sa mga halimbawa nito.
 Pampersonal- nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag mo ang iyong kasiyahan, kalungkutan, at
iba pa.
 Pang-imahinasyon- nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing
paraan. Nakakagawa ka ng sarili mong pantasya.
 Pangheuristiko- naghahanap ng mga impormasyon o datos. Ito ay ang pagkakalap
ng mga kasagutan sa mga tanong.
 Pang-impormatib- nagbibigay ng impormasyon o datos. Halimbawa nito ay ang
paguulat.

Filipino Bilang Wikang Pambansa

Kahulugan ng Filipino

Ang wikang Filipino ang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas batay sa


itinadhana ng Saligang-batas ng 1987. Nakasaad sa Artikulo 14 Sek. 6 na Filipino ang
wikang pambansa ng Pilipinas, at samantalang nililinang ito, dapat payabungin at
pagyamanin pa, salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang wika.

Mga Tanong-Sagot Tungkol sa Wikang Filipino

I. Pagpapaliwanag ng mga delgado ukol sa Wikang Filipino sa Komisyong


Konstitusyonal ng 1986 base sa talakayan ng tadhana nito sa kasalukuyang Saligang
Batas.

I. A. Nakalahad sa Katitikan ng Pulong Konstitusyonal (CONCOM) noong


Setyembre 10, 1986 ang mga pahayag at paliwanag ng iba’t ibang delegado sa
Komisyong Konstitusyonal na kabilang ang mga sumusunod:

 Komisyoner Wilfrido Villacorta

“Ito po ang isang umiiral na wikang pambansa, at ang nukleo nita ay


Pilipino… sapagkat ito ay isang nang malaganap na umiiral na wika, na
Pilipino na P. Sinabi rin natin na may isang wikang umiiral na pinalawak
at ang pormalisyason nito ay kailangang isagawa sa sistemang pang-
edukasyon at iba pa, subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito
pormalisado ay hindi ito umiiral. Ito ay isang lingua franca.”

 Komisyoner Ponciano Bennagen

“Kailangan nating magkaroon ng isang midyum ng komunikasyong


magbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na binigyang-kahulugan ng isa
ng pagkat ng mga pantas sa wika at mga organisasyong pangwika bilang
isang lumalawak na bersyon ng Pilipino.

 Komisyoner Francisco ‘Soc’ Rodrigo

“Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito


ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklang Pilipino. Kaya nga’t
ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.”

II. Legal na batayan ng Filipino bilang isang Wikang Pambansa at wikang opisyal.

II. A. Seksyon 6 Artikulo XIV ng Saligang-batas ng Pilipinas ng 1987

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,


ito ay dapat na paunlarin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
ng PIlipinas at iba pang mga wika.

II. B. Seksiyon 7 Artikulo XIV ng Saligang-batas ng Pilipinas ng 1987

Ukol sa nga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles, hanggat walang ibang itinadhana
ang batas.

III. Mga katawagan o pariralang ginagamit sa pagtukoy sa Wikang Pambansa.


III. A. Kautusang Tagapagtaganap Blg. 134

Inilagda ng Pangulong Manuel L. Quezon ang unang pariralang ginamit sa


pagtukoy sa Wikang Pambansa ay Pambansang Wika ng Pilipinas na
batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 alinsunod sa
rekomendasyon ng Unang Lupon ng Wikang Pambansa Blg. 184, s.
1936.

Nakuha mula sa http://cdn.timesofisrael.com/uploads/2015/08/Manuel _L._Quezon_November_1942.jpg.

III. B. Memorandum Pangkagawaran Blg. 7

Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Edukasyon at Kultura


pagkaraan ng 20 taon noong Agosto 13, 1959 na magtaasng paggamit ng
Katawagang Batasang Pambansa tungo sa paglinang at pormal na
pagpapatibay ng isang panlahat na Pambansang Wika na tatawaging
Pilipino.

IV. Nagsimula ang paglinang ng wikang Pambansa.


IV. A. Saligang-batas ng 1935 Artikulo XIV, Seksiyon 3
Ito ay ang simula ng pormal na mga hakbang sa paglinang ng wikang
Pambansa. Ang Saligang-batas ng 1935 Artikulo XIV, Seksiyon 3 ay
nagsasaad na “Dapat magsagawa ng mga hakbang ang Pambansang
Asembliya tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa
na mababatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika”.
IV. B. Surian ng Wikang Pambansa
Noong Nobyembre 13, 1936, pinatatag ng Pambansang Asembliya ang
Batas ng Komonwelt Blg. 184 sa pamamagitan ng pag-implementa ng
Surian ng Wikang Pambansa na ang isa sa mga tungkulin ay “pumili ng
isang katutubong wika na gagamiting batayan sa paglinang at
pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas, na pangunahing isaalang-
alang ang wika na higpit na maunlad sa kayarian nito, mekanismo, at
panitikan at tinatanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino”.
IV. C. Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa
Para sa layunin ng Surian ng Wikang Pambansa, nagtalaga si Pangulong
Quezon ng mga opisyales noong Enero 12, 1937. Ang bumuo sa unang
Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa: Jaime C. de Veyra, Tagapangulo
(Samar-Leyte); Cecilio Lopez, Kalihim at Pinunong tagapagpaganap
(Tagalog); Felix B. Fonacier, Kagawad (Ilokano); Casimiro F. Perfecto,
Kagawad (Bicol); Filemon Sotto, Kagawad (Cebuano); at Hadjie Butu,
Kagawad (Tausug). Si Butu ay kumakatawan din sa mga wika ng mga
minoryang Pilipino.

V. Pagsisimula ng pagturo ng wikang pambansa sa paaralan.

V. A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

Nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1, 1940, na nagpapahintulot sa
pag-iimprenta ng Diksyunaryo at ng Balarila ng Wikang Pambansa, ang
wikang pambansa ay itinuro sa mga paaralang publiko at pribado simula

noon g Hunyo 19, 1940.

Nakuha mula sa http://www.wheninmanila.com/wp-content/uploads/2015/10/tamang-balarila6.jpg.

V. B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 s. 1940

Bilang pagsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, iniatas ng


Kalihim ng Pagtuturong Pampubliko ang paglagda ng kaukulang mga
tuntunin at regulasyon. Sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran
Blg. 1 s. 1940 ni Kalihim Jorge Bocobo, ang wikang pambansa ay itinuro
sa mga paaralang sekundarya at normal.

Nakuha mula sa http://kitzibatan.files.wordpress.com/2015/07/thomasites.jpg.


VI. Pagiging Opisyal ng Wikang Pambansa

VI. A. Batas Komonwelt Blg. 570


Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 7, 1940), ang wikang
pambansa ay ipinahayag bilang wikang opisyal simula Hulyo 4, 1946.
VI. B. Saligang-batas ng 1973
Nagsasaad na “hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles
at Pilipino ang magiging opisyal na mga wika.
VI. C. Kasalukuyang Saligang Batas
Nagtatadhana na “Para at sa mga layunin ng komunikasyon sa pagtuturo,
ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinadhana ang batas, Ingles.”.

VII. Desisyon ng hukuman sa kaso tungkol sa Wikang Pambansa noong 1963 laban sa
mga opisyal ng pamahalaan na gumagamit at nagpapalaganap ng Pilipino.

VII. A. Pinawalang-saysay ng Hukumang Unang Dulugan ng Maynila ang kaso


na Sinang-ayunan ng Hukuman ng mga Paghahabol at ng Kataas-taasang
Hukuman.

 Umuunlad ang wika sa pamamagitan ng pagtanggap at paggamit ng


bayan. Patuloy pa ang proseso ng pagpapadalisay at pagpapayaman at
hindi ito napipigil sapagkat patuloy na nagbabago ang isang buhay. Hindi
maikakailang paparami ang bilang ng mga Pilipinong nakapagsasalita na
ng wikang pambansa kung ihahambing sa bilang noong nakalipas na
salinlahi nang pairalin ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika.

VIII. Mga legal na batayan para sa kasalukuyang pambansang awit o “Lupang Hinirang”
sa Filipino.

VIII. A. Nilagdaan ni Kalihim Gregorio Hernandez Jr. ng Kagawaran ng


Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 5 noong Mayo 26,
1956.

 Nag-aatas ng pag-awit ng binagong Lupang Hinirang bilang pambansang


awit.
VIII. B. Nilagdaan ni Direktor Benigno Aldana ng Kawanihan ng mga
Paaralang Publiko ang Memorandum Blg. 1 noong Enero 3, 1961.
 Nagtatagubilin sa lahat ng mga kinakuukulan na magsasagawa ng higit
pang hakbang upang mapalaganap ang pag-awit. Noong Disyembre 19,
1963, nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 60 na nag-aatas na ang Pambansang Awit ng
Pilipinas ay dapat awitin sa wikang Pilipino sa alin mang pagkakataon.

Kasaysayan ng Wikang Filipino at Batayang Prinsipyo

I. Pagkakaroon ng Wika sa Pilipinas


a. Nag-ugat sa wikang Austronesian:
Ayon sa pag-aaral ni Otto Dempwolf noong 1934, ang tagalog na siyang
batayan ng wikang pambansa ay nag-ugat sa Indonesian subgroup ng
Austronesian.
b. Mga patunay na nabibilang sa Austronesian ang mga wika sa Pilipinas:
 Paggamit ng panghalip na panao (tayo at kami)
 Paggamit ng malapanghalip (ito, nito at dito)
 Sistemang berbal na may pokus at aspekto (kumain, kumakain, kakain at
kakainin).
II. Pananakop ng Espanyol

Walang isang wikang pinairal noon, sa halip na ituro ang wikang Espanyol, ang
mga paring dayuhan ang nag-aral ng mga katutubong wika. Sa huling dantaon ng
pananakop ng Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang tangkilikin ang Tagalog bilang
wikang pambansa.

III. Kilusang Propaganda


 Ang Kilusang Propaganda ang nagpasimuno ng paggamit ng Tagalog sa mga
pahayagang isinulat nila. Hindi nagtagal, sinundan ito ng Katipunan na Tagalog
ang Itinangkilik na gamitin sa pagbuo nila ng mga kautusan, gayundin sa
pahayagang kanilang inilathala.
IV. Saligang Batas ng Biak na Bato noong 1897
 Sa saligang-batas na ito, pormal na nagkaroon ng pagbanggit sa wikang
pambansa. Dito pinagtibay na Tagalog ang opisyal na wika ng pamahalaan.
Ngunit hindi ito nagkaroon ng kaganapan, sapagkat bukod sa mga ilustrado ang
namayani noon sa Kapuluang Pansaligang-batas (Constitutional Assembly) na
ayaw sa wikang Tagalog, hindi nagtagal ang itinuturing na Unang Republika ng
Pilipinas. Sinakop ang bansa ng bagong manlulupig, ang mga Amerikano.
V. Panahon ng Amerikano
 Sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang panturo at ipinagbawal ang
paggamit ng bernakular o sariling wika. Subalit, napatunayan sa paglipas ng 25
taon na pagtuturo ng Ingles na hindi ito nakatulong sa paglinang ng mga mag-
aaral na Pilipino. Sa kabilang banda, walang tigil na nagsusumikap ang ilang
makabayang lider na Pilipino na magkaroon ng wikang pambansa.
VI. Kapuluang Pansaligang Batas noong 1934
 Binuo ang Kapuluang Pansaligang-Batas bilang paghahanda sa itatatag na
Malasariling Pamahalaan (Commonwealth) noong Hulyo 10, 1934.
a. Ang Kapuluang Pansaligang Batas ang umugit sa Saligang Batas ng
1935.
 Artikulo 14, Seksyon 3- inatasan ang Pambansang Asembliya na magsagawa ng
kaukulang hakbang sa paglinang ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa
umiiral na wika sa Pilipinas.
b. Manuel L. Quezon
 Ang pangulo ng Komonwelt na naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon
ng isang wikang pambansa.
VII. Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong Nobyembre 13, 1936.
 Pinagtibay ang Pambansang Asembliya ang Batas ng Komonwelt Blg. 184 noong
Nobyembre 13, 1936 na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
 Surian ng Wikang Pambansa- Ang tanggapang ito ang nagsasagawa ng pag-aaral
hinggil sa pagpili ng wikang pambansa.
VIII. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
 Idineklara ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang
kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa.

Iba pang Pangyayari sa Kasaysayan

a. Panahon ng Hapon
 Sumigla ang panitikang Pilipino gaya ng nobela at maikling kwento dahil na rin
sa sapilitang inalis ang Ingles.

b. Panahon ng Republika
 Naging opisyal na wika ang Tagalog. Naging asignatura ang Filipino at marami
na ang nagawang pag-aaral upang magamit ito sa pagtuturo.

c. Kasalukyang Panahon

 Sinimulang ipatupad noong 1974 sa tersarya ng lahat ng paaralan ang Patakarang


Bilingguwal ng Kagawaran ng Edukasyon.
 Naglimbag ng mga aklat na Filipino.
 Nagtatag ng maraming samahang nagpasigla ng wika.
 Nagkaroon ng maraming patimpalak sa panitikan na ang gamit na wika ay
Filipino.
 Lumaganap ang paggamit ng wika at nagkaroon ng intelektuwalisasyon,
estandardisasyon at elaborasyon ng Filipino.

Ilan sa mga Kautusan na Pinairal sa pagpapaunlad.at Pagpapalaganap ng Wikang


Pambansa:

1. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)

-Pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa.


Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan simula Hunyo 19,
1940.

2. Batas ng Komonwelt Blg. 570

-Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa simula Hulyo 4, 1946.
3. Proklamasyon Blg. 12

-Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng
Linggo ng Wika (Marso 29 - Abril 4).

4. Proklamasyon Blg. 186 (1955)

-Paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19.

5. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

-Noong Agosto 13, 1959 ipinalabas ng noo'y kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si


Jose E. Romero na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.

6. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24

-Ipinalabas ni Alejandro Roces, ang Kalihim ng Edukasyon noong 1962 na nag uutos na
ipalilimbag ang lahat ng sertipiko at diploma ng pagtatapos sa wikang Pilipino mula sa
taong-aralan 1963-1964.

7. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60

-Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado Macapagal na awitin ang pambansang awit sa


wikang Pilipino.

8. Saligang Batas ng 1973

-Dapat na gumawa ang Batasang Pambansa ng mga hakbang sa paglinang at pormal na


adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging wikang Pilipino.

9. Kautusang Pangkagawaran Blg. 22

-Noong Hulyo 21, 1978, nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na simula sa taonfg-panuruan
1979-1980, ituturo ang 6 na yunit ng Pilipino sa kolehiyo.

10. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1179 (1981)

-Pagpapalit ng pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa Linangin ng mga


Wika sa Pilipinas (LWP)

11. Batas Republika Blg. 7104 (1986)

-Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

12. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6

-Filipino ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

• Seksyon 6

-Dapat payabungin at pagyamanin pa ang wikang Filipino salig sa mga umiiral na wika
sa Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat na magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan
upang ilunsad at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino.

• Seksyon 7
-Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Espanyol at Arabic.

• Seksyon 9

-Dapat na magtaguyod ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo


ng mga kinatawan ng iba't ibang rehiyon.

13. CHED Memorandum Blg. 59 (1996)

-Nagtadhana ng 9 na yunit na pangangailangan ng Filipino sa kolehiyo o pamantasan.

14. Proklama Blg. 1041 (1997)

-Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng


Agosto, ang Buwang ng Wikang Filipino.

Mga Probisyong Pangwika sa Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987

 Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
 Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.Dapat itaguyod nang
kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
 Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
 Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik
para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang
mga wika.

Mga Paraan na Nagpapakita kung Paano Nakakatulong ang Antas ng Edukasyon


sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon, nagkakaroon ng


kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos
lahat ng aspeto ng pag-aaral at sa ating pang- araw araw ng pamumuhay. Nakasalalay ang
epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa
pamamagitan ng wika.
Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang wikang
panturo o midyum sa edukasyon. Dahil sa pagbabago ng panahon ay malaki ang papel na
ginagampanan ng wikang Filipino sa edukasyon. Ano ang kahalagahan ng wikang
pambansa sa edukasyon? Nalilinang ng edukasyon ang Wikang Filipino sa pamamagitan
ng:

1. Paglimbag ng Akda

Ayon kay Reyno (2018), mas mapapahalagahan ang wikang Filipino sa


pamamagitan ng mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas pr panoorin at mga
kwento tungkol sa ating mga Pilipino sa pamamagitan ng wikang Filipino. Ang paggamit
nito bilang midyum ng pagpapahayag ng mga kaalaman sa nakalimbag na pamamaraan
ay isang mahusay na proseso ng pagbabahagi ng kahalagahan ng sariling wika.

Bilang isa sa mga mahalagang sanggunian ng mga mag-aaral sa paglilikom ng


impormasyon, ang mga aklat na nakasulat sa wikang Filipino ay nanghihikayat na
gamitin ang wika mapasulat man o pakikipagtalastasan.

2. Patuloy na Paggamit

Sa pamamagitan ng paggamit at pagtangkilik sa Wikang Filipino, mas


naisasaloob ang diwa ng nasa mga salita. Mas nalilinang natin ang ating kakayahan na
magsalita sa Wikang Filipino kung ito ay ginagawa nating midyum ng
pakikipagtalastasan (Bueza, 2014).

3. Paglalapat ng wikang Filipino sa mga Aralin

Ayon kay Fernandez (2010), ang pagbibigay ng kahulugan, katuturan, pagsasaulo


ng alituntunin, pagbuo ng pangungusap at iba pa ang syang karaniwang gawain ng mag-
aaral upang mapahayag ang pagpapahalaga sa wika. Ito ay sa kadahilanang mas
nauunawaan nila ang estruktura, gamit ant teknikal na elemento ng wikang Filipino kung
nakapaloob ito sa mga araling kanilang pinag-aaralan.

Kahalagahan ng Pagtataguyod ng wikang Filipino sa Mas Mataas na Antas ng


Edukasyon

1. Pagtatanggol ng Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon

Tandaang bago ang Konstitusyon ng 1987, ang taguri sa wikang pambansa ay


Pilipino (hindi Tagalog). Sa aspektong ito pa lamang, mapapansin nang agad ang isang
katangian ng isang wikang buhay, ang patuloy na pagbabago (dinamiko). Mula sa
simpleng Abakada ni Lope K. Santos na binubuo ng 20 titik, ngayon ay naging Filipino
na at may makapangyarihang 28 titik.

Sa kabilang banda, kaakibat ng mga batas na pinairal para sa pagpapalaganap ng


wikang Filipino ay nagmistulang naging mahina pa rin ang laban nito dahil sa naging
proklamasyon na kamakailan ay inalis na ng Korte Suprema ang temporary restraining
order (TRO) laban sa isang Commission on Higher Education (CHED) memorandum na
nagtatanggal sa mga subject na Filipino at Panitikan sa core courses sa kolehiyo.

Nakikita ito ng mga Pilipino bilang isang maling paraan dahil karapatan ng lahat
ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad na
naghahangad at nagbubuklod nang kanilang sariling pagkakakilanlan.

2. Pagsasakatuparan ng Saligang Batas ng 1987 mula sa Artikulo XIV, Seksyon 6

Ito ay dapat na pagyabungin at pagyamanin salig sa mga umiiral na wika sa


Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat na magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan
upang ilunsad at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino. Sa kasalukuyan, nakikita
nating isang kapabayaan ang nagawa ng pamahalaan.

Isa ring kautusan na nagpapaloob ng isang balangkas ng pamamahala para sa


batayang edukasyon, nagtatag ng awtoridad at pananagutan at palakasan bilang
kagawaran ng edukasyon, at para sa iba pang layunin ay ang edukasyong may kalidad. Ito
ang pagiging angkop, may kaugnayan, at kahusayan ng edukasyong ibinibigay upang
tumugma sa mga pangangailangan at mga hinahangad ng isang indibidwal at ng lipunan.

3. Wikang Filipino sa Globalisasyon

Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi


lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad ng
wika, simula noong panahon ng mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibata
hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto. Itinuturing na
malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad na tinatamasa ngayon ng wika.

Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas mapaglagom


pa lalo ang saklaw nito. Ang internet ang nagbigay daan sa global na komunikasyon.
Kahit na malayo ang isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa kanilang
pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong kaparaanan, ay maraming
salita ang nadagdag, naimbento at nabago. Marami ring salita ang umuso at nakakuha
pansin sa mga tao.

Ang henerasyon ngayon ang may malaking ginagampanan sa pagyaman at


pagbabagong ito ng wika. Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at
nakaimbento ng mga ito. At sa pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili
nitong buhay ang kaluluwa ng ating Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Hindi
naging hadlang ang wikang banyaga sa panahon ngayon bagkus ay nakatulong pa lalo
upang maipakita ang pag-unlad nito (Yolola, 2015).

4. Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino

Bago pumasok ang bagong milenyo, naging mainit na usaping akademiko ang
hinggil sa higit na pagpansin sa kakayahang komunikatibo (communicative competence)
ng mga estudyante kaysa sa kakayahang linggwistika (linguistic competence). Nagresulta
ito sa pagiging maluwag ng mga guro sa pagpansin sa gramatika at maging sa wastong
gamit (Garcia, 2017).

Kung tutunghayan naman ang lawak ng paggamit ng wikang Filipino, walang


alinlangang lagpas na marahil ito sa inaakala ng mga karaniwang Pilipino. Gamit na ang
wikang pambansa maging sa mga talakayang politikal. Gamit na rin ang wikang ito sa
mga usapin sa agham at teknolohiya (pansinin ang mga anunsyo ng gamot sa radyo at
telebisyon, at maging ang gamit nito sa internet). At gamit na gamit ito sa mass media
(lalo na sa mga programang nasa primetime slots).

Samakatuwid, sa mga kadahilanang ito na iminumungkahi ng mga mamamayang


sumalungat sa naging desisyon ng Korte Suprema ay dapat na bigyan pansin, linangin at
hasain ang wikang Filipino, para sa globalisasyon, para sa benepisyo ng mga mag-aaral at
guro at para sa kabuuang pagkakalinlan ng mga Pilipino.

Mga Hakbang na Maaaring Gawin upang Patuloy na Maisakatuparan ang


Paggamit ng Wikang Filipino sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon

 Wikang Filipino gawing wikang panturo bilang asignatura


- Magiging epektibo ang paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan
kungmagkakaroong ng asignaturang Filipino sa kolehiyo na ituturo at
lilinang upang magkaroon ng ganap na intekstwalisasyon ng Wikang
Filipino. Gamiting midyum hindi lng sa diskursong pang-akademiko at
panlipunan (San Juan, 2017)
 Pagkaroon ng isang praktikal na kursong nagpapalawak sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa Wikang Filipino
- Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita,
gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba't ibang tradisyunal at
modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba't ibang
panlipunan at mas mapanuri kaysa sa nilalaman ng mga paksa sa Senior
high school. (San Juan, 2017).
 Paggunita ng Buwan ng Wika
- Ang buwan ng Agisti ay Buwan ng Wikang pambansa. Kung kaya't sa
pagkawala ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo, ang Departamento ng
Filipino ay nagpayang gawing mas katangi-tangi ang selebrasyon ng
Buwan ng Wika kung may pagtatampok ng mga adbokasyang Pangwika.
(Galauran, 2015).
Pangalan: _________________________________ Oras at Araw: _____________________
Kurso/Seksyon: ____________________________ Propesor: ________________________
GAWAIN

I. Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa mga tanong.

1. Nasa anong antas ng wika kalakip ang pahayag na "pusod ng pagmamahal"?


2. Anong uri ng antas ng wika ang madalas na tinatawag na salitang kanto o salitang
kalye?
3. Anong tungkulin ng wika ang nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng relasyong
sosyal?
4. Siya ay pangulo ng Komonwelt na naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon
ng isang wikang pambansa.

5. Anong kilusan ang nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagan na kanilang


isinulat?

6. "Dapat gumawa ang Batasang Pambansa ng mga hakbang tungo sa paglinang at


pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Pilipino",
anong saligang batas ang sumasaad sa pahayag na ito?

7. Ipinahayag sa saligang-batas na ito na Filipino ang wikang pambansa ng Pilipino.

8. Pagdating ng pananakop ng Espanyol, lalong nahati ba ang mga Pilipino? Bakit?

II. Ipaliwanang ang mga sumusunod: (5 puntos ang bawat aytem)

1. Kung ipinapalagay na ang wika ay arbitraryo, magbigay ng sariling paliwanag sa


pahayag na ito.

2. Magbigay ng isang sitwasyong nagpapakita kung paano naiingatan at napapalaganap


ng wika ang isang kaalaman.

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaigting ang kahalagahan ng wikang


pambansa sa kabila ng modernisasyong nakakaimpluwensiya sa mga lenggwaheng
ginagamit ng mamamayang Pilipino?
MGA SANGGUNIAN:

Bueza, M. (2014). Panayam: Paano mapauunlad ng Filipino ang kanyang wika?.Nakuha


mula sa https://amp-rappler-com.cdn.ampproject.org/v/s/amp.rappler.com/
video/66648 almario-pagpapaunlad-wikang-pambansa-filipino?amp_js_v
=a2&amp_gsa=1&usqp=mq331AQEKAFwAQ%3D%3D#referrer=https%3A%
F%2Fwww.google.com&aoh=15677322819567&amp_tf=From%20%251%24s
ampshare=htt s%3A%2F%2Fwww.rappler.com%2Fvideo%2F66648-almario
pagpapaunlad wikang-pambansa-filipino.

Calamian, M., Cruspero, D., Gotera, I., Mirafuentes, R Oaness, F., Roflo, C., Pasion,
R.Bangkero, Z., Ilupa, A., Real, A., Serrano, A., & Arbes, M. (2014).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Batayang Aklat sa Filipino 1),
pg 1-30. San Joaquin, Pasig City: Grandwater Publishing.

Cummings, J. (1981). Second Language Acquistion- Essential Information. Nakuha mula


sa http://esl.fis.edu/teachers/support/cummin.htm.

Garcia, L. (2017). Buhay pa ba ang Wika?. Nakuha mula sa


https://www.esquiremag.ph/long/reads/notes/and-essays/buhay-pa-nga-ba-ang
wikang-filipino-a1961-20170814-lfrm.

Galauran, A. (2015). Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.


Nakuha mula sa https://manilatoday.net/pagtatanggol-sa-wikang-filipino
tungkulin-ng Fernandez, J. & Abellano, J. et al. (2010). Mga salik ng Epektibong
Pamamaraan ng Pagtuturo sa Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan ng
Palompon Institute of Technology Palompon, Leyte. Nakuha mula sa
https://www.slideshare.net/mobile/lourise/research-paper-in-filipino-bawat
lasalyano.

Gleason, H. (1961). Ang Wika. Nakuha mula sa http://educfilipinowaltzsarquial


12.blogspot.com/2015/08/ang-wika.html?m=1.

Halliday (1983). Explorations in the functions of Language. Nakuha mula sa


http://www2.vobs.at/ludescher/Alternative%20methods/communicative_language
_teaching.m.

Hemphill, K. (2014). Wika. Nakuha mula sa https://www.coursehero.com/file/p3ubo7hr


/Ayon-kay-Hutch-1991-ang-wika-ay-sisitema-ng-tunog-o-sagisag-na-ginagamitK
ng-tao/

Reyno, D. (2018). Ang Kahalagahan ng Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Bata.


Nakuha mula sa http://ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-kahalagahan
ng-pagtuturo-ng-wikang-filipino-sa-mga-bata.

Sapiro, R. (2014). Wika. Nakuha mula sa https://www.coursehero.com


/file/p3ubo7hr/Ayon-kay Hutch-1991-ang-wika-ay-sisitema-ng-tunog-o
sagisag-na-ginagamit-ng-tao/.
Shulman, R. (2011). Understanding the Difference Between BICS and CALP in English
Language Acquisition. Nakuha mula sa http://www.ednewsdaily.com/
understanding-the-qdi-fference-between-bics-and-calp-in-english-language
acquisition/.

Talastas, A. (2015). Ang Wika. Nakuha mula alikadtalastaswika.blogspot.com.

Yolola, D. (2015). Ang Wikang Filipino, Kaugnay ng Globalisasyon!. Nakuha mula sa


https://www.google.com/amp/s/dianamarieyolola.wordpress.com/2015/09/20 ang
wikang filipino-kaugnay-ng-globalisasyon/amp/.

You might also like