You are on page 1of 4

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

AUTONOMOUS STATUS - CHED


PAARALANG GRADWADO
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075

FIL 414: PANULAANG FILIPINO


RONELLA A. LOZADA GNG. MARIBEL N. BUENAVIDES
MA. DALLY T. BELARMINO Tagalinang ng Kurso
Taga-ulat

Pagsusuri sa Tulang “Kalupi ng Puso” ni Jose Corazon de Jesus

I. Sipi ng Tula
Kalupi ng Puso
Ni: Jose Corazon de Jesus

Talaan ng aking mga dinaramdam,


Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal

Kaluping maliit sa tapat ng puso


ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.

Nang buwan ng Mayo kami nagkilala


at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.

Nakatala rito ang buwan at araw


ng aking ligaya at kapighatian…
isang dapithapo’y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha’y umapaw…

Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot


binabasa-basa ang nagdaang lugod;
ang alaala ko’y dito nagagamot,
sa munting kaluping puno ng himutok.

Matandang kalupi ng aking sinapit


dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis;
kung binubuksan ka’y parang lumalapit
ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.

Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na


ang lumang pagsuyo’y naaalaala,
O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa
masayang malungkot na hinahagkan ka…

1
FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY
AUTONOMOUS STATUS - CHED
PAARALANG GRADWADO
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075

FIL 414: PANULAANG FILIPINO


May ilang bulaklak at dahong natuyo
na sa iyo’y lihim na nangakatago,
tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo
tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.

Tungkol sa may-akda

Si Jose Corazon de Jesus ay itinuturing na pinakanangungunang


makata sa panahon ng kolonyalismong Americano. Isinilang sa Sta.
Cruz, Manila noong Nobyembre 22, 1896. Pinakapopular niyang
sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular
na patulang kolum na may titulong Buhay Maynila. Hinangaan si Batute
bilang makisig at mahusay na mambibigkas. Siya ang itinanghal na
unang Hari ng Balagtasan. Para siyang superstar noong panahon ng
Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay dinudumog
ng madla. Kilala si Huseng Batute sa kaniyang tula na pinamagatang “Bayan
Ko.” Siya’y pumanaw noong Mayo 26, 1932, sa murang edad na 36 dahil sa
sakit na ulser. Iprinreserba ang kaniyang puso bago ilibing kasama ng kaniyang
ina. Nang lumipas ang panahon, inilipat ito para masama muli sa kaniyang
katawan.
II. Guni-guni
Gamit ang matayog na imahinasyon ng makata, ang isang bagay
na Kalupi ay nagawa at nabigyan niya ng malawak na kahulugan
upang maikintal at maihatid niya ng maayos ang mensahe sa kaniyang
mambabasa. Ang Kalupi na siyang sumisimbolo ng buhay, malinis o
tunay na pagmamahal at kabiguan.
I
Talaan ng aking mga dinaramdam,
Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal.
III. Simbolismo
Ang simbolismo sa akdang “Kalupi ng Puso” ay Kalupi o dayari
sumasagisag sa buong tula bilang isang kasangkapan na ginamit
ng pangunahing tauhan bilang talaan ng kaniyang mga karanasan
sa buhay.
IV. Tono
Ang mga salitang ginamit ay payak lamang ngunit
mapagkikitaan natin ito ng diwa dahil ang tono ng tulang “Kalupi ng
Puso” ay naghihinagpis o kalungkutan.

2
FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY
AUTONOMOUS STATUS - CHED
PAARALANG GRADWADO
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075

FIL 414: PANULAANG FILIPINO


V. Sagimsim
Ang labis na kabiguan/ pighati ng may akda buhat sa kaniyang
hinahangaan. Lalo na sa unang saknong ang pasimula ng tula na
“Talaan ng aking mga dinaramdam” dahil itinala niya dito ang lahat
ng mga pangyayari sa kaniyang buhay.
VI. Imahen/Larawang-diwa
Ang imahe o larawang nabuo nito sa aking isipan na hindi
lamang saya ang emosyong nararamdaman kung tayo ay umiibig
kundi makikitaan din ito ng iba’t ibang uri ng emosyon sapagkat
kung tayo ay umiibig ay nadarama natin ang galit, lungkot at
kasiyahan.

VII. Sukat
Ang tulang “Kalupi ng Puso” ay binubuo ng 8 na saknong, bawat
saknong ay binubuo ng apat na taludtod. Ito ay may mayroong sukat
na labindalawang pantig sa bawat taludtod o lalabindalawahin.
IV.
Nakatala rito ang buwan at araw
ng aking ligaya at kapighatian…
isang dapithapo’y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha’y umapaw…
VIII. Tugma
i. Unang saknong – nagtatapos sa katinig na m-n-n-l
ii. Ikalawang saknong – nagtatapos sa patinig na -o-
iii. Ikatlong saknong – nagtatapos sa patinig na - a
iv. Ikaapat na saknong – nagtatapos sa katinig na – w-n-m-w
v. Ikalimang saknong – nagtatapos sa katinig na – t-d-t-k
vi. Ikaanim na saknong – nagtatapos sa katinig na – t-s-t-g
vii. Ikapito na saknong - nagtatapos sa patinig na -a
viii. Ikawalong saknong - nagtatapos sa patinig na -o
III.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilala
at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.

3
FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY
AUTONOMOUS STATUS - CHED
PAARALANG GRADWADO
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075

FIL 414: PANULAANG FILIPINO


IV.
Nakatala rito ang buwan at araw
ng aking ligaya at kapighatian…
isang dapithapo’y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha’y umapaw…
IX. Uri ng Tugmaan
Sa pagsusuri na aking isinagawa aking natagpuan na ito ay
magkahalong di-ganap na tugmaan at ganap na tugmaan dahil sa
una, ikaapat, ikalima at ikaanim na saknong ay may tugmaang di-
ganap samantala sa ikalawa, ikatlo, ikapito at ikawalong saknong ay
may tugmaang ganap.

X. Sesura
Ang tulang ito ay mayroong labindalawang pantig sa bawat
taludtod kung kaya’t ang sesura ng bawat taludtod ay nasa ika-anim
na pantig.
Halimbawa
May ilang bulaklak//at dahong natuyo
na sa iyo’y lihim//na nangakatago,
tuwi kong mamasdan//luha’y tumutulo
tuwi kong hahagkan// puso’y nagdurugo.

SANGGUNIAN
https://www.tagaloglang.com/tula-kalupi-ng-puso/?fbclid=IwAR0sD-
FcOQgbyIYzFhG79Hm6-
19SJevbW6mzL2XiWZPbsSfuWu7cCOeFVb4#google_vignette

https://philippineculturaleducation.com.ph/de-jesus-jose-corazon/

https://www.youtube.com/watch?fbclid=IwAR2UEnGjZ7ZP41jN2qhvjc9tXUvD
mdbyD_5rsnt8nkMIarJ_Rpdb9nG2Fng&v=p6Ao2fVXjwQ&feature=youtu.be

https://josecorazondejesus.home.blog/jose-corazon-de-jesus/

You might also like